Compartilhar

KABANATA 64  

Autor: Lin Kong
last update Última atualização: 2024-10-14 16:53:31
Hinanap din ni James ang pinanggalingan ng boses na iyon. At nang makita ang hinahanap, agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Nawala rin ang angas at yabang na kanina lang ay naroon.

“Ah, Mr. Garcia. Pasensya na sa istorbo. May inaayos lang akong minor issue, pero maayos naman na.” Itinuro pa nito si Natalie at sumimangot. “Well? What are you waiting for?”

“Ha?” Nanigas si Natalie sa kinatatayuan. ‘Tama ba ang dinig ko? Mr. Garcia? Nandito rin ang kumag na iyon? Kung oo, kapag minamalas ka nga naman!’

Kahit na naroon si Mateo, kailangan pa rin niyang gawin ang pinapagawa ni James Foster. Kaya pikit-mata niyang itinaas ang baso. Bago pa niya matungga ang laman nito ay muli niyang narinig ang boses ni Mateo.

“Ikaw, lumapit ka dito,” matigas na utos nito sa kanya.

Naninikip ang puso ni Natalie. ‘Ako ba ang tinatawag niya?’

“Ikaw ang tinatawag ko. Huwag kang tumingin saan-saan.” Nanunudyo ang boses nito. “Oo, ikaw ang kinakausap ko. Halika rito.”

Muli na namang n
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (31)
goodnovel comment avatar
Tpc Aicos Pmlo
Sweet nmn kw na uminom ng alak para Kay natalie
goodnovel comment avatar
Maila Famanila Pacheco
next chapter pls
goodnovel comment avatar
Maila Famanila Pacheco
ilantad mo na ang nararamdaman mo para kayo na talaga. iwanan mo na si Irene na kabit mo
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 570

    Dahil sa matagal na pananahimik ni Natalie tungkol sa ama nila, naging malabo at manipis ang konsepto ni Justin sa kung ano ang “ama.” Pakiramdam niya, kahit hindi man niya siniraan ito sa kapatid—siya ang dahilan kung bakit naging malayo ang loob nito sa ama. Nasa punto siya ng buhay niya ngayon na gusto niya pa ring subukan kahit papaano.Maingat na tumango si Natalie. “Oo, Justin. May tatay ka. Lahat ng tao, may nanay at tatay.”Hindi agad sumagot si Justin. Halata sa mukha niya ang kalituhan at pag-aalinlangan. Kahit matalino at espesyal na bata ito, may mga aspeto na hindi agad nito nauunawaan. Hindi siya minadali ni Natalie—hinayaan niya lang itong mag-isip sa sarili nitong bilis.Makalipas ang ilang saglit, tsaka lang ito muling nagsalita. “Si Papa… katulad din ba ni Mama? Wala na rin siya? Nasa heaven na sila pareho?”“Ha?” Parang sinaksak ang dibdib ni Natalie sa narinig mula sa kapatid. Namutla siya at halos manginig ang boses niya sa pagkagulat at emosyon. Hindi niya ‘yon i

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 569

    Bandang alas-singko o alas-sais ng hapon, nagsimulang bumuhos ang ulan. Kamakailan ay panay ang buhos ng ulan kahit pumasok na ang dry season. Bigla-bigla na lang kung bumuhos kaya marami din ang nagkakasakit.Paglabas ni Mateo mula sa elevator, mabigat ang ekspresyon niya. Kakagaling lang nila ni Irene sa isang medikal na pagsusuri, at ang resulta... hindi naging maganda. Inihatid na niya ito sa silid nito.Habang papalapit siya sa labasan ng ospital, napansin niyang may nakatayo sa ilalim ng bubungan—si Natalie iyon. Mukhang hindi ito nakapaghanda para sa ulan. Wala siyang payong at malinaw na doon lang siya pansamantalang sumisilong. Maaring doon na ito naabutan ng malakas na buhos ng ulan.Sandali siyang nag-alinlangan bago tuluyang lumapit sa tabi nito.“Wala kang dalang payong?”Pagkarinig ng tinig niya, napatingala si Natalie at ngumiti ng bahagya bago tumango. “Wala, eh. Nakalimutan ko kasi.”“Uuwi ka na? Sa townhouse?” Ngayong alam na niya na hindi iyon ‘love nest’ nina Natal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 568

    Bagama’t para bang may nakabigkis sa mga paa niya, na parang pinahihirapan siyang lisanin ang ospital kahit iyon naman ang gusto niya—parang may libong kilo ang bigat sa bawat hakbang…hanggang sa nagawa na niya…tumalikod na rin si Mateo at lumakad palayo.“Hindi ako mahal ni Natalie. Ginawa na nito ang lahat para lang makawala sa akin. Kung ganoon… ano pa ang silbi ng pagpipilit? Ang tunay na lalaki, marunong kumapit—at marunong ring bumitaw.” Litanya ni Mateo sa sarili habang naglalakad palayo.Kung ang paglayo sa kanya ang magbibigay ng kaligayahan sa babae, dapat niyang hayaang lumaya ito. Pagkatapos ng lahat, napagtanto niya, na sa mundong ito—may taong hindi kayang mabuhay ng wala ang isa.Malas niya dahil mukhang siya ang isang ‘yon.**Lumipas ang dalawang araw, at muling bumalik sa normal ang takbo ng buhay nila. Sa puntong ito, kumpirmado na ni Natalie—ang pagpunta ni Mateo sa kanya sa ospital noong isang araw na ay para lang humingi ng tawad. Maghugas lang ng kamay dahil na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 567

    Matapos ang matinding gulat, unti-unting kumalma si Natalie. Sa sobrang abala niya sa trabaho, si Mateo ang pinakahuling tao na iniisip niyang gusto siyang makausap lalo pa at sinabihan na siya nito noong huli nilang pagkikita na ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano mula sa kanya.Ang buong akala niya, personal siya nitong pinuntahan para pag-usapan ang magiging takbo ng kanilang pormal na paghihiwalay. Hinanda na ni Natalie ang sarili para sa pagkakataong iyon. Handa na siyang putulin ang ugnayan niya kay Mateo kung iyon ang gusto nito.Sa halip, iba ang pakay nito. Muling hinalungkat ni Mateo ang araw na nakita siya nitong natutulog ng mahimbing sa tabi ni Drake. Ang araw na halos isumpa siya nito para sa kasalanang hindi naman niya ginawa.Hindi niya agad sinagot ang tanong. Sa halip, tinitigan niya ito at bahagyang ngumiti. “Bakit mo ‘yan tinatanong?”Sa simpleng tanong na ‘yon, halos nalaman na agad ni Mateo ang katotohanan—na siya ay hindi naging makatarungan sa pagtrato sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 566

    Naka-mask at may suot na guwantes si Natalie ng lumabas siya para salubungin ang emergency patient. Gaya ng ibang emergency situation, halos hindi magkamayaw ang medical staff pero propesyonal at kalmado pa rin ang atake.“Anong kondisyon ng pasyente niyo?” Tanong ni Natalie sa EMT.“28, male. Nahulog sa bakod ng kapitbahay, doc. Tumagos ang kable na nakausli sa dibdib, sa tingin ko, pati tiyan may tama. Nabigyan naman naming ng pangunang lunas. Pero dahil sa layo ng location nila, marami na ring dugo ang nawala sa kanya.”Tumango si Natalie, kalmado pa rin. “Sige, ipasok niyo agad sa ER. I-monitor ang vitals. Palitan ang IV drip agad at ihanda ang surgical area. I-notify ang OR at ihanda ang operating table. Ako na ang kukuha ng dugo—pag may resulta na, ipagbigay-alam agad sa blood bank para sa transfusion.”“Noted, doc!” Sagot ng nurse na tumanggap ng pasyente.Kahit malaki na ang tiyan ni Natalie, wala ni katiting na panghihina sa kilos niya. Kumilos siyang mabilis, pulido, at prop

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 565

    “Sir!”“Anong kaguluhan ‘to?!”Sakto lang ang pagdating nina Isaac at ang presidente ng Lucky Dragon Corporation, at agad silang napatigil sa nakita nila—isang bugbugan sa harap mismo nila ang nagaganap! Nauna silang lumabas pero ng makarinig ng ingay mula sa loob ng locker room—agad silang bumalik.Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Agad nilang hinila ang dalawa palayo sa isa’t isa.“Bitawan niyo ako! Inuutusan ko kayo, bitawan niyo ako!” Galit na galit si Mateo, pulang-pula ang mga mata at nagtatagisan ang panga. “Papatayin ko talaga ang hayop na ‘yan!”“Ha!” Halos baliw na ang ngiti naman ang binigay ni Drake. “Sige lang! Kung hindi mo ako mapapatumba ngayon, wala ka ng respeto na makukuha mula sa akin dahil hindi ka naman karespe-respeto!”“Hoy, hoy!” Niyakap ng presidente ng Lucky Dragon si Drake mula sa likod. May edad na ito pero physically active at malakas pa. “Mr. Pascual, konting preno naman sa bibig mo. Tignan mo na nga lang ang itsura mo—lamog ka na pero ang tapang tapang

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status