Reborn: Echoes of Yesterday

Reborn: Echoes of Yesterday

last updateLast Updated : 2026-11-07
By:  hancelindistressUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
6Chapters
34views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Minsan, naniwala si Psyche Cuangco na nasa kanya na ang lahat—isang asawang mahal niya, isang matalik na kaibigang pinagkakatiwalaan niya, at isang pamilyang akala niya ay tunay na kanya. Ngunit sa edad na trenta, gumuho ang lahat nang matuklasan niyang may lihim na relasyon ang asawa niyang si Jack Madrigal at ang kanyang pinakamalapit na kaibigan na si Vivienne Ocampo, asawa naman ng makapangyarihang businessman na si Thaniel Orion Sy Razon. Alam na ni Thaniel ang pagtataksil ng kanyang asawa, ngunit may sarili siyang planong hindi niya ipinapaalam kaninuman. Sa gitna ng sakit at betrayal, nadiskubre rin ni Psyche ang mga lihim tungkol sa kanyang pamilya. Ang lalaking nagpalaki sa kanya ay maaaring hindi niya tunay na ama. Ang pagkawala ng kanyang ina ay may nakatagong katotohanan, at ang mana na para sa kanya ay maaaring matagal nang ninakaw. Ngunit bago pa niya tuluyang mabunyag ang lahat, isang trahedya ang tuluyang nagtapos sa kanyang buhay. Isang maulang gabi, sinubukan ni Thaniel na iligtas si Psyche. Hindi niya alam na nilagyan na pala ni Vivienne ng lason ang kanyang inumin. Sa kabila ng unti-unting pagkawala ng kanyang lakas, tumanggi siyang iwan si Psyche. Pareho silang namatay. Ngunit hindi roon nagtapos ang lahat. Nagising si Psyche limang taon sa nakaraan, sa edad na dalawampu't lima. Bitbit ang lahat ng alaala ng kanyang unang buhay, determinado siyang baguhin ang kanyang kapalaran, ilantad ang mga traydor, at bawiin ang lahat ng nararapat sa kanya. Akala niya, siya lang ang nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Nagkakamali siya. Dahil nakabalik din sa nakaraan si Thaniel—at may sarili siyang lihim na kailangang protektahan. Dalawang buhay ang nagwakas sa iisang gabi. Dalawang kaluluwa ang nagbalik sa nakaraan. Ngunit isa lang ang nakaaalam na hindi siya nag-iisa.

View More

Chapter 1

Kabanata I: People I Trust

Psyche’s POV

Akala ko, ang pinakamahirap na bahagi ng isang pagsasama ay ang matutong mamuhay kasama ang taong minahal mo.

Hindi pala.

Mas mahirap tanggapin na ang taong pinili mong makasama habambuhay ay siya ring taong kayang sirain ang buhay mo. Mas masakit kapag ang taong inaasahan mong sasalo sa iyo sa oras ng iyong pagbagsak ay siya pa lang ang unang hihila sa iyo pababa.

At higit sa lahat, walang mas masakit kaysa malaman na ang taong itinuring mong kapatid ay kayang ngumiti sa harap mo habang palihim na inaagaw ang taong pinakamamahal mo.

"Ma'am Psyche?"

Napalingon ako sa sekretarya ni Jack na nakatayo sa may pintuan ng conference room.

"Yes?"

"Sir Jack is still in a meeting. He asked me to inform you that he might be a little late."

Bahagya akong ngumiti. "It's alright. I'll wait."

Tumango siya bago bumalik sa kaniyang mesa.

Tiningnan ko ang paper bag na hawak ko. Nasa loob nito ang paboritong pagkain ni Jack na ipinabili ko pa kanina. Wala namang espesyal na okasyon. Gusto ko lang siyang sorpresahin pagkatapos ng ilang araw na halos hindi nagkakasabay ang oras namin.

Si Jack Madrigal ang asawa ko. Limang taon na rin mula nang ikasal kami, pero kahit gaano pa kami katagal na nagsasama, gusto ko pa ring gawin ang maliliit na bagay na alam kong magpapasaya sa kaniya.

Siguro ganoon talaga ako magmahal.

Kapag mahal ko ang isang tao, hindi ako nagdadalawang-isip na ibigay ang oras, atensyon, at tiwala ko. Hindi ko iniisip kung may kapalit ba ang bawat ginagawa ko.

Para sa akin, sapat na makita kong masaya ang taong mahal ko.

At ganoon din ako kay Vivienne.

Siya ang babaeng nakasama ko sa maraming yugto ng buhay ko. Alam niya ang mga sikreto ko, ang mga takot ko, at maging ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa ibang tao. Ilang beses na rin niya akong pinakinggan tuwing may problema kami ni Jack.

Madalas pa nga niyang sabihin na masuwerte ako dahil mayroon akong asawang tulad nito.

Hindi ko akalaing darating ang araw na maiisip kong baka alam niya ang lahat dahil siya mismo ang dahilan ng mga problemang dumarating sa amin.

Maya‑maya, may lumabas na empleyado mula sa elevator. May dala itong ilang dokumento at mukhang nagmamadali.

"Excuse me," tawag ko rito. "Is the meeting still ongoing?"

"Ah, Ma'am Psyche." Bahagya siyang yumuko. "Natapos na po ang meeting ni Sir Jack kanina. Pero may isa pa po siyang kausap sa office."

Napakunot ang noo ko.

"May kausap?"

"Opo. Sí, Ma'am Vivienne po."

Nanatili akong nakatingin sa kaniya.

Vivienne?

Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ang pangalan ng matalik kong kaibigan.

"Thank you," mahinahon kong sagot.

Naglakad ako patungo sa opisina ni Jack.

Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na walang dapat ikabahala. Sekretarya ni Jack si Vivienne, kaya normal lang na may kailangan silang pag-usapan tungkol sa trabaho. Bukod pa roon, kaibigan ko siya — isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko nang lubos at walang pag‑aalinlangan.

Bago ko marating ang p***o, narinig ko ang mahinang pagtawa mula sa loob.

Pamilyar ang boses.

"You're impossible, Jack."

Napahinto ako.

Si Vivienne.

Kasunod noon ay ang boses ng asawa ko.

"Only with you."

Napahigpit ang hawak ko sa paper bag.

Hindi ko agad itinulak ang p***o. May bahagi sa akin na ayaw kong kumpirmahin ang kinatatakutan ko. Ilang segundo akong nanatili sa harap nito bago ko marahang hinawakan ang doorknob.

Bahagya kong binuksan ang p***o.

At doon ko sila nakita.

Magkatabi sila sa sofa, napakalapit sa isa't isa. Walang distansya, walang pag‑aalinlangan, at walang kahit anong senyales na may mali sa ginagawa nila. Mabilis na inilayo ni Jack ang kaniyang kamay nang mapansin niya ang presensya ko, at agad ding umurong si Vivienne palayo sa kaniya.

Napasinghap ako nang bahagya. "Jack?"

Pareho silang napalingon sa akin.

"Psyche? Babe?" tanong ni Jack na para bang walang nangyaring mali.

Napatingin ako sa kaniya, hindi alam kung alin ang mas masakit — ang makita silang ganoon o ang marinig ang pangalan ko mula sa bibig ng lalaking limang taon kong minahal.

"Anong ginagawa ninyo?"

"Why are you here?" sagot ni Jack sa halip na sagutin ang tanong ko.

Tumingin ako sa paper bag na hawak ko.

"I brought you lunch."

Hindi ko alam kung bakit iyon pa ang unang lumabas sa bibig ko. Parang biglang naging katawa‑tawa ang lahat — nakatayo ako roon na may dalang pagkain para sa asawang hindi man lang nagawang itago ang pagtataksil niya.

"Psyche, I can explain," mabilis na sabi ni Vivienne.

Napatingin ako sa kaniya.

"Explain what?"

Hindi siya agad nakasagot.

"Na magkatabi kayo sa sofa?" tanong ko. "O kung bakit ganoon kayo kalapit sa isa’t‑isa?"

"Psyche, don't make a scene," malamig na singit ni Jack.

Napatawa ako nang payak.

A scene? Ako pa ang kailangang huwag gumawa ng eksena?

"May asawa ka, Jack."

"I know that."

"Alam mo pala, pero bakit ganoon kayo kalapit?"

Hindi siya sumagot.

Lumingon ako kay Vivienne. "At ikaw? Hindi ba’t ilang beses mong sinabi sa akin na dapat kong alagaan ang pagsasama namin ni Jack? Na huwag kong hayaang lamunin kami ng trabaho?"

Napalunok siya. "Please, Psyche—"

"Kaibigan kita, Vivienne," putol ko sa sasabihin niya. Nanginginig na ang boses ko. "Sa lahat ng tao, ikaw ang taong hindi ko kailanman inakalang gagawa nito sa akin."

"Hindi mo naiintindihan—"

"Then help me to understand! What the fucking right explanation for being my husband's mistress?!"

Tumingin ako sa kanilang dalawa. At pareho silang walang kibong nakatingin sa akin.

"Sabihin ninyo sa akin kung kailan nagsimula. Gaano na ito katagal? Ilang beses ninyo akong pinagtataksilan habang pareho kayong nakangiti sa harap ko?"

"Psyche, enough," mariing sabi ni Jack.

Napatingin ako sa kaniya. "Enough?"

"You're embarrassing yourself."

Parang may kung anong tuluyang nabasag sa loob ko. Ako pa ang naglalagay sa sarili ko sa kahihiyan? Hindi ang lalaking may asawang naghihintay sa kaniya sa bahay, hindi ang babaeng limang taon kong itinuring na kapatid — ako?

"How long?" mahinang tanong ko.

Walang naglakas-loob na sumagot sa kanilang dalawa.

Tumingin ako kay Jack. "Gaano na katagal?"

"That's none of your business."

Napatitig ako sa kaniya.

Limang taon kaming kasal. Limang taon kong inisip na kilala ko ang lalaking nasa harapan ko. Limang taon kong ipinaglaban ang pagsasama namin, kahit may mga pagkakataong pakiramdam ko ay ako na lang ang kumakapit. At ngayon, sasabihin niyang wala akong karapatang malaman?

"Your business?" ulit ko. "I'm your wife, Jack."

"Exactly. You're my wife. You should know when to stop making things difficult."

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam kung paano nagawang sabihin ng isang taong nangakong mamahalin ako ang mga salitang iyon nang walang kahit katiting na pagsisisi.

Lumapit si Vivienne sa akin.

"Psyche, please. Hindi ko ginustong mangyari ito."

Napatingin ako sa kaniya.

"Hindi mo ginusto?" tanong ko nang may pait sa boses. "Kung ganoon, paano ito nangyari? Ano 'to, na talapid ka tapos aksidenteng pumasok yung kamay ni Jack diyan sa pagkababae mo?"

Napayuko siya, at hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o dahil nahuli siya sa kagagahan niya.

"May asawa ka rin, Vivienne. Si Thaniel," dagdag ko. "Naisip mo man lang ba siya? Alam mo kung gaano ka niya kamahal at ilang beses mo akong kinuwentuhan tungkol sa kaniya habang sinasabi mong gusto mong maging mabuting asawa."

Unti‑unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko.

"At habang sinasabi mo iyon, may relasyon ka pala sa asawa ko?"

"Psyche..."

"Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko. Nakakasuka."

Napaatras siya sa tono ng boses ko. Sa unang pagkakataon, hindi ko nakita sa mukha niya ang kaibigan kong nakilala ko noon — ang babaeng kasama kong tumawa, umiyak, at nagbahagi ng mga sikreto.

"Let's talk about this at home," sabi ni Jack.

"Home?" Tumingin ako sa kaniya. "Do you still think we have a home?"

Hindi siya sumagot.

Dahan‑dahan kong inilapag ang paper bag sa maliit na mesa malapit sa p***o.

"Enjoy your lunch."

Pagkatapos noon, tumalikod ako.

Maraming empleyado ang nakikiusyoso sa labas ng opisina ni Jack. Pero hindi ko na lamg pinansin ang ma 'yon.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng opisina, at hindi ko rin maalala kung ilang beses akong napahinto sa hallway para pigilan ang sarili kong umiyak. Pagdating ko sa sasakyan, doon na tuluyang bumigay ang mga luha ko.

Hawak ko lamang ang manibela habang pilit na inaayos ang paghinga. Sa limang taon naming pagsasama, ilang beses ko bang pinagkatiwalaan si Jack? Ilang beses ko bang ipinagtanggol si Vivienne kapag may nagsasabing masyado siyang malapit sa asawa ko? Ilang beses ko silang pinagsama sa iisang hapag habang hindi ko alam na may lihim silang pareho?

Mas masakit isipin na hindi ko kailangang maghanap ng estrangherong mananakit sa akin — nasa tabi ko lang sila. Ang isa ay katabi kong natutulog gabi‑gabi, ang isa naman ay ang kaibigang tinuring kong kapatid.

Makalipas ang ilang minuto, nag-vibrate ang cellphone ko. Isang mensahe mula kay Vivienne:

—Please, Psyche. Let me explain. I don't want to lose you.

Matagal akong nakatitig sa screen. Ayaw niya akong mawala? Kung ganoon, bakit hindi niya naisip iyon bago niya piniling lokohin ako? Bakit parang ako pa ang kailangang magbigay sa kaniya ng pagkakataong magpaliwanag?

Pinatay ko ang screen at isinandal ko ang ulo sa upuan.

Akala ko, iyon na ang pinakamasamang araw ng buhay ko.

Hindi ko alam na simula pa lamang pala iyon.

Sa mga sumunod na linggo, isa‑isang lumitaw ang mga bagay na matagal nang nakatago sa likod ng pamilyang kinagisnan ko — mga dokumentong hindi ko dapat makita, mga pangalang pilit na ibinaon sa nakaraan, at isang katotohanang mas malaki pa sa pagtataksil ng asawa ko.

Hindi pala lahat ng kasinungalingan ay nagsimula kay Jack.

May mga taong mas matagal nang nagsisinungaling sa akin — mga taong tinawag kong pamilya, at isa sa kanila ang lalaking buong buhay kong tinawag na ama.

Dahil kung nagawa akong lokohin ng sarili kong asawa at ng matalik kong kaibigan, paano ko pa pagkakatiwalaan ang pamilyang buong buhay kong pinaniwalaang nagmamahal sa akin?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Senyorita
Senyorita
highly recommended
2026-11-07 13:26:06
1
0
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status