ILANG araw na lang ay matatakda na ang kasal nina Rose Mary Gaile Villadencio at Kent Jino Zeke Domingo. Eksayted at walang pagsisidlang tuwa ang nararamdaman niya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Jino. Magkahalong kaba din at takot ang kakambal ng kaniyang kasiyahang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng takot.
Kahapon lang ay tumawag si Jino at ikinuwento sa kaniya na nagkita na nga sila ng totoong biological father nito pati na din ang Lola at Auntie nitong napakamaldita ang looks. They already met na, noong nasa restaurant sila ni Jino at kakatapos lang magproposed ng binata sa kaniya. Ang babae palang iyon ay kapatid ng totoong Dad niya. Medyo nahiya siya nang makumpirmang inaway niya at pinagselosan ang Tita ni Jino. Sa tingin nga niya ay wala siyang mukhang ihaharap sa babae oras na magkita silang muli. Paano ba naman kasi? Kulang na lang ay sugurin niya ang babae kung hindi lang siya napigil ng nobyo. Baka kung ngakataon ay nagkasabunutan pa sila nito at mas lalong wala na siyang mukhang ihaharap pa rito. Idagdag pa na isang sikat na bilyunaryo at leading businessmen ang pamilya ng Del Fuego. Sa katunayan ay pagmamay-ari ng mga ito ang ang sikat na Hotel Uno sa buong Cebu. Ang Hotel na ito ay mayroon nang 20th floor na kung dati lang ay 10th floor lang. Marami ang nais dumayo para makita at maexperience lang ang panandaliang pananatili sa Hotel na tinutukoy. Iyong iba naman daw ay ayaw nang umuwi at umalis kaya minsan nage-extend ng spending hours sa paglalagi roon. Iyon ay ayon na din sa kaniyang pananaliksik. Nawala saglit ang isipan niya nang makarinig ng doorbell sa tinitirhang condo unit. Simula nang tumuntong siya ng legal age ay nagpasya na siyang bumukod. At heto na nga, unti- unti siyang nagpupundar ng sarili niyang mga assets habang nagtatrabaho sa Hope Corporation bilang Marketing Manager. Ang kanyang Papa ang kasalukuyang CEO nang nasabing kompanya na pagmamay-ari ng Dad ni Jino na si Jake Domingo. Jino gave her a possible ranked position in Hope Marketing Corporation. It was a huge establishment which had babies company in the entire Cebu and its neighboring cities . When her Dad is CEO of its Branch here in Cebu, still she know for sure that Jino is someone in the business who still acquired the highest position in general. Isang hamak na branch Manager lang ang nobyo niya pero alam niyang may mataas itong position na hindi lang trasparent sa lahat. Imagine, ang anak ng Hope ay isang Branch Manager lang? Sinong tanga ang maniniwala doon? Gagraduate ba si Jino sa kursong Commerse pagkatapos ng limang buwan pa.Ako naman ay ganoon din sa kursong Business Ad major in Marketing. Impossible namang isang hamak na branch Manager lang ang ibibigay rito na posisyon sa kabila ng isa ito sa mga tagapagmana ng Hope? 'Silly!' Tanggi ng isip niya. Kilala niya ang nobyo. He was the smartest man i've ever known. Hindi siya makapaniwalang ganoon kababang posisyon ang ibibigay sa lalaki. Bumangon na siya ng kama after maginat. Pasado alas nuebe na pero wala pa din siyang balak bumangon. Not after she heard this alarming doorbell! Marahan niyang pinihit ang doorknob ngunit sumilip muna siya sa maliit na siwang para icheck kung sino ang nasa labas. Ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makilala ang hindi inaasahang bisita sa labas. 'Drax Steve?' bulong niya sa sarili nang makilala ang binata. Mabilis na ibinukas niya ang pintuan para patuluyin ang bisita niya. ———— SABIK na agad hinuli ng labi ni Drax ang labi ni Rose Mary. Nagulat man ay nagawang tugunin ng babae ang mga halik niya. Nauunawaan naman nito ang pangangailangan niya bilang lalaki at nobyo nito. Matagal ding naghinang ang mga labi nila kaya naman ay binuhat niya ang babae matapos isara ang pintuan at siguraduhing nakalock. "Matagal mo na akong hindi sinisipot kaya sobra mo akong pinasabik sa iyo." Mayamaya ay wika niya habang maingat na ibinaba ang babae sa kama. "You will be mine again." Iyon lang at muli niyang siniil ng halik ang nobya. Masuyo sa umpisa na unti-unting naging mapusok dahil kapwa na din sila nadadarang sa mga halikan nila pareho. Naging mapangahas na din ang pareho nilang mga kamay. Iba na din ang kahulugan ng mga haplos at yakap nila sa isa't isa. Waring mapaghanap at ayaw na sa hanggang sa paraang iyon lang. These feelings grew deeper as they kissed each other. They long for more, more than a kiss. Ilang sandali pa ay isa-isang nagsilaglagan ang mga damit ng mga ito sa lapag. Sa pag-iisa ng kanilang mga katawan ay naroon ang kakaibang koneksiyon sa pagitan ng mga isip at puso nila na tumatangay sa kanilang kamalayan. Ilang sandali pa ay kapwa na alipin ang isa't isa ng sariling pagnanasa. Mayamaya pa ay mga impit na daing at ungol na lamang ang siyang maririnig sa pribado at nakalock na kuwartong iyon. ———— MASAYANG dinalaw si Jino nina Zieth Kate nang umagang iyon kasama ang isang lalaki. Hindi niya akalaing pupunta ang mga ito sa Mansion nina Lola Zenaida at Lolo Ronaldo para lang dalawin siya. Nagulat na lamang siya ng pagbaba niya mula sa kaniyang kwarto ay nadatnan niya sa sala ang mga ito na kausap nina Lolo at Lola. Siya naman ay kagigising pa lamang at nasorpresa sa biglang pagdalaw ng mga ito. "O, gising na pala si Jino. Better to discuss it with him." Pansin ng kaniyang Lolo Ron. Ngumiti naman siya ng buong giliw na mapunta sa kaniya ang paningin ng lahat. "Good morning, everyone." Bungad ko sa kanila na pupuyos-puyos pa. "What's about here na kaylangang malaman ko?" Sinabi niya iyon dahil sa narinig niya sa Lolo niya. "They brought a proposal for you." Si Lola naman ang sumagot. Agad naman siyang nagmano sa mga aguela nang ganap siyang makalapit sa kanila. Bahagya pa siyang nagulat nang may boses bata na bigla na lang siyang narinig. "Hi kuya Jino, how are you?" Napatingin siya sa nagsalita at noon niya lang napansin na may kasamang bata pala sina Tita Zieth kate at ang kasama nitong lalaki na sa tingin niya ay asawa nito. Sinulyapan niya ang kaniyang Auntie para magpaliwanag sa nakikita niya ngayon. "By the way pamangkin, met my husband Kurt Steve Del Pacio." Masayang pakilala nito sa kasama. "And my son, Janzel Thor, ang panganay namin." Kumaway muli ang bata habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Napangiti din siya sa bata na hindi maiwasang maalala rito ang pagiging makulit at palakausap kahit sa mga taong hindi pa nito ganap na kilala. "I forgot to tell you earlier about them." Mayamaya ay paliwanag ni Auntie nang mapansin nitong natigilan siya. "It's okay, Auntie." Pawi niya sa parang pagbabago ng ambiance ng paligid. "Naalala ko lang ang sarili ko sa kaniya noong bata pa ako. Sabi ni Mommy, ganiyan din daw ako kakulit noon." Isang tango ang itinugon ni Auntie Zieth Kate bilang kumpirmasyon sa sinabi niya. "Mabuti pa siguro ay maiiwan ko muna kayo ng apo ko at ng makapag-usap kayo. Pupunta lang ako ng komedor upang personal na maghanda ng inyong mameryenda." Basag ni Lola sa malapit na katahimikang ibig mamayani sa pagkikita nilang mag-anak. "Samahan na kita."suhestiyon ni Lolo. "Bueno apo, maiiwan na muna namin kayo. Alam kong may seryuso kayong paguusapan na hindi dapat naming marinig. We will be back in a few minutes." Hindi na hinintay ng mga ito na sumagot pa siya. Agad nang pumasok sa loob ang kaniyang nga agwela na parang may lihim ding paguusapan. Para kasing aligaga ang mga ito habang naroon sa sala at kasama sina Auntie na parang hindi komportableng kasama ang pamilya ng mga kriminal. Minsan na din siyang pinaalahanan ng mga ito noon na magingat sa mga ito. Pinagsabihan nga ako ng dalawa ng malamang pumunta ako sa Mansiyon Del Fuego. Ayaw na din niya sanang makatkat ang nakaraan ng mga ito o pagusapan ang tungkol doon pero hindi naman niya sila masisisi pareho. He knows they are just doing it to protect him against the posibilities, if so ever na magkatotoo man ang mga sapantaha ng mga ito laban sa kanila. Sandali niya munang pinalis sa isipan ang tungkol doon at ibinaling ang atensiyon sa magasawang kausap niya. "Siyanga pala Tita, magtotoothbrush lang muna ako, babalik din ako kaagad. Umupo lang po muna kayo sandali dito at babalik din po ako kaagad." Mayamaya ay wika niya na bahagyang inamoy ang sariling bunganga sa pamamagitan ng pagtakip niyon. Nakangiti namang tumango ang babae at sinulyapan sila isa isa na parang hinihingi ang pang unawa ng mga ito.BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya? May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga pap
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D
KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng baril.. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah! Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. Naroon sa mga mata nito an
GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig nito ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki. Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you are still beautiful in my eyes. I miss that face." Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas na lamang niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil--- 'My gosh! Why do i blushed?' Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Uso pa ba sa kaniya ang bagay na iyo
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na