Share

Chapter 5

Nang makauwi na si Lorelay kasama ni Mr. Shein at Harmonia sa kanila, na busy ulit si Rachelle sa pag-aasikaso kay Sico at Rico.

Tinext siya ni Zeym kanina umaga at hindi na alam ni Rachelle kung ipagpapatuloy pa ba niya ang offer nito sa kaniya o hindi na.

Nakokonsensya siya dahil sa kabaitan na pinapakita ng Shein sa kaniya.

One day, habang abala si Sico sa paper works, lumapit si Rachelle sa kaniya at inabot ang kape na timpla nito.

“Sir Sico,” tawag niya sa binata.

“Yes, shel?” nahahabaan si Sico sa Rachelle so he settled for calling her shel.

Nilagay ni Rachelle ang credit card at lahat ng pera na inabot ni Zeym sa kaniya sa table. Tinignan iyon ni Sico na puno ng pagtataka.

Sila lang dalawa dahil wala si Rico.

“Si papa ko po nasa Spain at gusto ko siyang puntahan,” sabi ni Rachelle na kinakabahan.

Alam niyang maaring magalit sa kaniya ang amo niya pero hindi niya kayang ipagpatuloy lalo’t puro kabutihan ang ibinibigay sa kaniya ng pamilyang Shein.

“Kailangan ko po ng pera para makasunod ako sa kaniya,” sabi niya.

“Kailangan mo ba ng pera?” naguguluhang tanong ni Sico. Agad na umiling si Rachelle.

“Hindi po sir Sico. Gusto ko pong humingi ng tawad sa inyo,” nahihiyang sabi ni Rachelle.

“Bago pa lang po ako pinadala dito, nilapitan po ako ni ma’am Zeym at binayaran para po sa isang trabaho,”

Kumunot ang noo ni Sico nang marinig ang pangalan ni Zeym.

“Gusto niya pong akitin ko kayo para tigilan niyo na po siya. P-Pumayag po ako d-dahil kailangan ko ng pera pero ngayon ay h-hindi ko po kaya lalo’t puro kabutihan ang pinakita niyo sa akin,” may luhang kumawala sa mata ni Rachelle.

Alam niyang dahil sa pag-amin niya ay pwede siyang mawalan ng trabaho at hindi na siya papaaralin nng pamilyang ito.

Nagulat si Sico at labis na galit ang nararamdaman niya ngayon. Pero habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya at umiiyak, nakaramdam siya ng awa dito.

Kilala niya si Zeym. Ilang ulit na siyang tinulak nito palayo. Ngayon nga ay naghire na ito ng aakit sa kaniya. Sa kasamaang palad, isang anghel ang na hire niya. Naiiling si Sico.

“Don’t cry,” mahinang sabi ni Sico at siya pa ang nagpunas ang luha ni Rachelle.

“Sige na bumalik ka na sa trabaho mo,”

“H-Hindi po kayo galit?” nagugulat na sabi ni Rachelle dito.

“Galit pero hindi sa ‘yo. Thank you for being honest with me. Wala pang 2 weeks, umamin ka na,” natatawang sabi ni Sico dito.

Napatunayan lang niya kung gaano kabusilak ang puso ni Rachelle dahil hindi pa man ito nagsisimula, sumuko na siya.

Hindi makapa ni Sico ang galit para dito.

“Huwag mo nalang sabihin kay Zeym na sinabi mo sa ‘kin. Magkunwari ka lang na maayos ang plano,” sabi ni Sico at kinindatan pa siya.

Like Harmonia, Sico likes Rachelle and he sees her as his sister too.

Umalis si Rachelle at para siyang nakahinga ng maluwag dahil doon. From that day, magaan sa loob ni Rachelle na kaharap na si Sico.

Kung noon, kinakabahan siya, ngayon ay hindi na. And as for Sico, mas napalapit siya sa dalaga, and that scene upset the other Shein na si Rico.

Hindi niya alam na sa tatlong araw na magkusunod siyang may lakad ay close na ang dalawa.

Nasa sala siya at pinagmamasdan ang dalawa. Si Sico ay nasa sofa at nakahiga habang nanonood ng palabas.

“Shel,” umangat ang kilay ni Rico nang marinig ang tawag ni Sico sa dalaga.

“Po?”

“My coffee?”

“Teka, parating naaa.” Dinala ni Rachelle ang kape sa harapan ni Sico saka nilapag iyon sa lamesa. Umupo si Sico at tinignan si Rachelle.

“Ay oo nga pala, I bought you an ice cream last night. Nakita mo ba?” lumapad ang ngiti sa labi ni Rachelle.

“Akin ‘yon?”

Nakangiting tumango si Sico. Kumunot ang noo ni Rico habang pinagmamasdan ang dalawa. Bakit naging close agad sila? What’s happening?

Nang magpasalamat si Rachelle, nagmamadaling umalis ito para kunin ang ice cream sa ref, tumayo rin si Rico para sundan si Rachelle.

“Yey! Ice cream!” Excited na binuksan ni Rachelle ang ref ngunit nagulat siya nang biglang sumara ang pinto ang ref at naabutan ang mukha ni Rico na kunot noong nakatingin sa kaniya.

“Anong meron?” kunot noong tanong ni Rico.

“S-Sir Rico?” kinakabahang sabi ni Rachelle.

“Anong meron sa inyo ni Sico?” salubong na ang kilay ni Rico habang nakatingin sa dalaga.

“W-Wala po s-sir Rico,”

Kinakabahan si Rachelle sa paraan nang pagtitig ni Rico sa kaniya ngayon.

“Stop flirting with my brother,” sabi ni Rico at iniwan siya.

Napasunod tingin si Rachelle sa kaniya at hindi nalang itinuloy ang pagkuha sa ice cream na kukunin sana niya.

Kinagabihan, habang kumakain ang dalawa, pinanood siya ni Sico kung uupo ba siya sa tabi nila. Mula ng umamin si Rachelle sa pinagawa ni Zeym sa kaniya, sabay na silang kumakain ni Sico.

Ayaw kasi ni Sico na mag-isa lang kumain.

“Umupo ka na. Ano pang hinihintay mo?”

Kumunot ang noo ni Rico. “Sabay ba kayong kumakain?” takang tanong niya.

“Yes? Bakit? May mali ba doon?” taas kilay na tanong ni Sico pabalik.

“Umupo ka na Shel para makakain tayo,” tumingin muna si Rechelle kay Rico saka dahan-dahan umupo sa tabi ng dalawa.

Sico is always Sico. He’s always generous to others. Lahat ng kinukuha niyang pagkain ay nilalagay niya sa plato niya at kay Rachelle.

Naibaba ni Rico ang kubyertos niya. “I’m done,” masungit na aniya at iniwan ang dalawa.

Nang mawala siya sa paningin ni Rachelle, kinalabit niya si Sico.

“Galit po ba si sir Rico?”

Maganang kumain si Sico dahil masarap magluto si Rachelle. Sinundan niya nang tingin ang kapatid at nginitian si Rachelle.

“Huwag mong pansin ang kapatid ko. Ganoon talaga kapag matanda na,” sabi ni Sico at natatawang kumain.

Si Rachelle na ang nagligpit sa kinakain nila. Si Sico ay nagpaalam para bumalik sa site dahil may kailangan pa siya aasikasuhin doon.

Kaya si Rachelle ang naiwan sa bahay at hindi niya alam kung nasaan si Rico.

Habang tahimik siyang naghuhugas ng pinggan, biglang may kamay ang pumulupot sa bewang niya.

“Hmm.. strawberry yogurt,” ani ni Rico na lasing habang inaamoy ang leeg ng dalaga.

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Rose Banluta
pa unlock po chapter 5
goodnovel comment avatar
Cathy Fernando
pa unlock please
goodnovel comment avatar
Ma.cecilia Velarde
pa unlock po please! thankyou and good morning.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status