Share

Chapter 7

Nang wala ng magawa ay maingat na sinara ni Beauty ang pinto ng master bedroom at sinimulang ilibot ang kanyang paningin sa mahabang pasilyo sa ikalawang palapag. She decided to get out of the room right away to pull her dirty mind off her husband. Ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ng pinaliliguan nito ang mas lalo pang nagpasiklab ng pag-iinit niya, thinking that they are on the honeymoon stage right now.

Saan kaya ang magiging kwarto ko dito? tanong niya sa sarili. There were eight rooms with four doors facing each other including the master bedroom where she came from.

"Magandang umaga, hija." Nilingin ni Beauty ang magiliw na boses ng babae sa kanyang likod.

"Ahm, magandang umaga din ho, madam," yuko niya rito bilang pagbibigay galang dito.

"Nana na lang, hija." magiliw nitong kinuha ang kanyang kamay at buong paghangang tiningnan siya.

"Beauty na din lang po, nana." She smiled at the old lady.

"Aba'y kagandang pangalan naman, hija. Bagay na bagay sa'yo."

"Nakakahiya nga po iyong pangalan ko, eh." Nakangiwing sagot niya.

Minsan naiisip niya kung bakit kelangan Beauty pa ang ibigay na pangalan ng mga magulang niya sa kanya. Wala na bang ibang maisip na pangalan ang mga ito at iyong na lang ang naibigay sa kanya? Not that she's complaining, but at times it was so frustrating lalo na sa ganitong pagkakataon na tinatanong ang pangalan niya and yet her name proudly says it all.

Maganda siya. Aminado siya doon. Kaso nakakairita lang sa pandinig niya ang pangalan. Lakas makapagmayabang, eh. Kahit naman na matapang at palaban siya. Hindi siya marunong magyabang. She wants to stay humble and simple. But she has to admit, malakas makahatak ang pangalan niya. Lagi siyang naiimbitahang mag-reyna Elena sa baryo nila noon tuwing Sta. Cruzan.

Kusang lumalapit din sa kanya ang korona sa mga beauty pageant na sinasalihan niya. Minsan nga kapag nalalaman na ng ibang kalaban niya na kasali siya, kusa nang umaatras ang mga ito sa contest.

"Nana Julia." Agad na nanumbalik ang bilis ng tibok ng puso niya nang marinig ang baritonong boses ng asawa.

"EJ, hijo." Malugod namang nilapitan ng matanda ito. Walang nagawa ang dalaga kundi lingunin na lang ang lalaki sa likuran niya.

Hindi na nahiya. Kelangan talaga topless siya? Naiinis na iniwas niya ang paningin rito.

Kasalukuyan siyang okupado ng isipan niya nang muling marinig ang asawa.

"Siya nga pala, Nana. Si Beauty, asawa ko po," ngiting pakilala nito sa matanda, samantalang sing dilim naman ng gabi ang tinging ipinukol nito sa kanya nang balingan siya nito.

Suplado! Kainis. She rolled her eyes secretly.

"Naku hijo, ang swerte mong bata ka, at anghel ang nabihag mo."

"Nana, mas maswerte siya dahil matabang isda ang nabingwit niya." Pabirong tugon nito, but she knows he meant what he said. Nahimigan niya ang sarkastiko sa boses nito kasabay nang pananalim ng mga mata nito.

"Siya nga pala, Nana. Kindly gather all our employees. I've got an announcement to make." Nang makababa na sa hagdanan ang matanda ay marahas na hinablot ng binata ang kamay niya.

"Did I tell you to leave my room?"

"Bakit? Ano pa ba ang gagawin ko sa kwarto mo?" Nakaarko ang kilay na tanong niya rito.

"Do as what I told you, woman. Leave If I ask you to. Hinding hindi kita papayagang makatakas ulit. Marked my word." Madilim ang mukhang hinila siya nito pababa ng hagdanan.

Sa higpit ng hawak nito sa palapulsuhan niya ay nababakas na niya ang pamumula niyon. But she has to endure the pain of his grip. Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak nito sa kanya nang mababaan na nila ang mga katulong, hardinero at driver nito na nakahanay ng tayo sa kanila. They greeted them in monotone.

"Everyone. I would like you to meet my wife. Beauty." Matapos ang saglit na katahimikan ay muling nagsalita si Euh Jin.

"From now on, all of you will no longer work here, but I will send you in my other villa, so you continue your work there. I'm giving you all thirty minutes to pack your things and leave the mansion."

Walang hangin lang na mabilis na tumalikod si Euh Jin sa kanila at pumanhik pabalik sa kwarto nito. While Beauty and the rest of the employees where busy glaring at his nice back.

"Girl, ang gwapo talaga ni Sir kahit na ang sungit, noh?" bungisngis ng isang katulong.

"Kaya nga girl, sayang, hindi na natin siya palagi makikita, noh? Madidiyeta ako sa abs este ulam neto." Maharot namang ganti ng isa.

"Magsitigil nga kayo dyan. Buti pa magempake na kayo kung ayaw niyong tuluyang masesante sa trabaho." Naiiling na utos ni Nana Julia sa mga ito.

Nana Julia gave her an apologetic gaze and instructed her to follow her husband. Walang nagawa ang dalaga kundi ang pumanhik na lang sa master bedroom na pinasukan ni Euh Jin. Naabutan niya itong nakadapa sa kama habang nakabaon ang mukha sa unan nito.

Now what? Piping tanong ni Beauty. Tila estatwa lang ito na nakahiga sa kama. There are no movements coming from him.

"Lock the door and come here," utos nito sa kanya.

She bit her lip uneasily. Ano bang ipapagawa niya sa akin?

After he commanded her to stay at his room, hindi na ito muling nagsalita pa. Kaya naman matalim na ang mga tingin na pinupukol ng dalaga sa likod ng asawa. She saw the time on his desk and it was already four in the afternoon. Imagine? She spent half an hour figuring what he would order her, ngunit tahimik lamang ito. Malamang ay tulog na ito sa swabeng galaw ng dibdib nito.

Kanina pa siya gutom, at nangangati na sa putting bestida na suot niya sa kasal nila. She couldn't take her smell anymore. At dahil tulog na din lang naman ang magaling na lalaki, she decided to take a bath on his bathroom.

Bahala na. Manghihiram na lang ako ng damit niya. She thought as the cold water from the shower flowed in her naked body.

Kamusta na kaya si Inay? Si Itay kaya? Nag-aalalang tanong niya sa kawalan. Simula pa kasi noong isang araw ay wala na siyang balita sa mga ito. Bukod sa wala na siyang cellphone ay nagmistula talaga siyang bilanggo sa mansyon na pinagdalhan sa kanya ng binata kagabi. Hindi man lang siya makatawag sa hospital na pinagtatrabahuan niya para makamusta man lang kalagayan ng ina. When she tried to call, the lines were dead.

Mahinang buga ng hangin ang pinakawalan niya as she rinsed the shampoo on her long brown hair.

Tama! Baka naman mayroong telepono rito na hindi pa putol ang koneksyon? She remembers one of the maid received a long call from a landline. She curve a smile on her lips when she thought of the possible way she can contact her parents. Pagkatapos tuyuin ang sarili ay ibinalabal niya ang putting roba na nakita niya sa gilid ng bathroom.

She quietly sneaked out of the shower room and opens the wooden cabinet there. She was surprise to see a bunch of sexy lingerie displayed on the other half of the cabinet. It was arranged for married couple. Tantiya niya ay bago pa ang mga iyon sapagkat may mga tatak na nakadikit roon. Masusi niyang binutingting ang mga iyon ngunit bigo pa din siyang makahanap ng matino-tinong damit. Pikit matang sinuot na lang niya ang manipis na panloob at pumili ng mahabang pulang tshirt roon.

Pagkatapos magsuklay ng buhok ay maingat siyang lumabas ng kwarto ng lalaki at determinado ang daan na tinahak ang kinalalagyan ng landline sa living room.

She dials the hospital number and waited for the front desk officer to answer her call. Isang mahabang ring din ang hinintay niya bago makakuha ng sagot mula sa kabilang linya.

"Austen Hospital, this is Sofia, how may I help you?" Kilala niya ang boses na iyon dahil kaibigan din niya si Sofia.

"Sof, si Beauty ito."

"Uy sis. Ikaw pala. Nangyare sayo? Nasan ka na? Two days ka ng absent, ah."

"Mahabang paliwanag, eh. Si Inay, kamusta na?" Agad niyang tanong rito.

"Naku, sis. Nadischarged na siya kahapon. Someone went here and arranged her hospital transfer."

"Ha? Ahm Sof, alam mo ba kung saang hospital trinansfer si Inay?"

"Sis, hindi eh. Akala ko alam mo na kung saang hospital siya nandun." She made a heavy tired sigh.

Kinakain na talaga ng pag-aalala ang puso niya. Hindi niya alam kung saan hahanapin ang kanyang Inay.Mukhang ginigipit talaga siya ni Euh Jin.

"Ganon ba? Sige okay lang Sof. Salamat, ha?" Nanlalatang umupo siya sa sofa pagkatapos ibaba ang cord ng telepono.

It was already evening at ang gutom na nararamdaman niya ay nawala na. Unti unti na ding iginugupo ang lakas niya sa naramdamang pag-aalala sa kanyang mga magulang.

Inay, sana okay lang kayo ni Tatay. She bit her lower lip to suppress her cry but she was really worried her tears started to fall from her eyes. Itinakip niya ang palad sa kanyang pisngi at tahimik na lumuha roon. Umusal siya ng taimtim na panalangin sa kanyang utak at makalipas ang ilang sandali ay napakalma niya din ang sarili. She eyed the ceiling and smile as she hope that her mother is in good condition. She recalls how her mother look the last time she visited her at the hospital. Nakangiti ito sa kanya at nangniningning ang mga mata habang pilit na pinapahid ang luha sa kanyang pisngi. And with a light heart, she fell from a long and calm sleep at the couch.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status