Share

KABANATA 5

Georgina Czsharina's POV

Nakasimangot ako sa oras na iyon. Nakatingin lang ako sa bintana sa kung saan man ako dinala ng bwesit na lalaking 'to. I don't know where i am that time, ni hindi ko nga mahagilap ang network ng phone ni Austin dahil parang pati internet ay hindi nakikisama sa akin.

Bullshit! Sambit ng isipan ko. Halos isumpa ko si Austin sa oras na iyon dahil bukod sa nakatitig ito sa mukha ko, parang may balak yata na 'di maganda ang hunghang na 'to.

"Ba't ang sama ng tingin mo?" sita ko rito.

Umayos ito saka nagtaas ng tingin. "Buti nga ang tingin ko lang ang masama, eh ba't sa'yo, ba't 'yang mukha mo yata ang may sira? Hindi ko ma-drawing, grabe...at kung ma-drawing ko nga 'yan, ang dami sigurong bura." 

Wow!? hello joke? Joke ba 'yon? 

Inarapan ko siya, ang lakas talaga ng loob ng batugan na 'to.

"Ang mabuti pa, iuwi mo na ako..." demand ko pa rito.

"Excuse me, ikaw 'tong nagpumilit na sumama sa akin, and FYI, dito ako maglalagi sa buong linggo, kaya kung gusto mong umuwi, mag-commute ka. May bente ako d'yan." Ngisi pa nito.

"Isa ka na lang, at tatamaan ka talaga sa akin!" sabi ko pa saka umingos. Kung nakakamatay lang ang salita, pinatay ko na 'tong taong 'to!

"You know what, una, sinampal mo ako, pangalawa, naging bad-shot ako sa daddy ko, tapos ngayon...you're invading my space here, kung kailan...gusto ko sanang mapag-isa. Umamin ka nga, may pagka-kabute ka yata ano? Bigla-bigla ka na lang kasing sumusulpot eh." 

"Excuse me!" Gigil na sambit ko. Kung 'di lang talaga masama ang magmura, kanina ko pa 'to pinaliguan ng mura ko.

"Oh, d'yan ka na lang ba habambuhay? Hindi ka ba kakain?" tanong pa nito sa akin habang hawak ang isang packlunch. Kung hindi ako nagkakamali, parang bumili ito kanina sa sentro bago pumunta rito.

I remain my pace. Silent and unbothered. 'Bahala ka d'yan!' sambit pa ng isip ko sa oras na iyon. Kung nasusukat lang ang height ng pride ko, baka six-footer na rin ang taas nito!

Humarap lang si Austin sa akin saka nag-umpisang kagatin ang hawak na pagkain. 

'Mabilaokan ka sana!' sabi ko pa habang todo lunok ng aking laway. Hindi ako nagpakita ng kahinaan sa oras na iyon.

"You want?" tanong pa nito sa akin saka inilapag sa may table ang naiwang pagkain. 

"Dito lang 'to ha, kukuha muna ako ng tubig." Paalam pa nito sa akin.

Nang makaalis na ito ay agad namang kuha ko sa mismong pack-lunch at nilantakan ng walang patawad ang pagkaing iyon. Sarap na sarap ako sa sandaling iyon, it's like i forgot to use my manners while eating that delicious food.

Nang bumalik si Austin ay dala na niya ang isang baso ng tubig.

"Here, drink it. Baka kasi nabulunan ka. Alam ko namang kakainin mo talaga ang pagkaing 'yon, kahit pa...karne 'yon ng kuneho."

"What the...ano? Paki-ulit nga 'yong sinabi mo?" sambit ko sa bwesit na lalaking 'yon.

"Ang sabi ko, kinain mo ang corned rabbit na ulam ko, nilagay 'yon sa shawarma toppings na nilantakan mo, masarap no? ano sa palagay mo?" ngisi pa nito.

Nawala ang kulay ko sa mukha sa oras na iyon, if that's true? I am a rabbit eater! 

No way!

Naghistirikal ako sa oras na iyon. 

"Ahh! Bwesit ka!" sabi ko pa kay Austin.

"Opps! Don't try to scream now, baka akalain pa ng makakarinig sa atin, iniihaw na baka ang boses mo..." dagdag pa nito.

"Ahh! I can't take it anymore!" sigaw ko pa habang gigil na hawak ang plastic spoon. 

"Eh 'di umalis ka kung gusto mo..." mahinahong sambit ni Austin sa akin. Kahit kailan talaga ang kupal talaga ng lalaking 'to.

"Magha-half-bath muna ako sa baba ha, huwag kang sumunod, baka sumilip ka..."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. 'The nerve?! Ako sisilip?' litanya ng isip ko. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng pinsan ko sa lalaking 'to, iniisip ko na baka ginayuma niya ang pinsan ko o 'di kaya naman ay ginawa niya ito sa santong paspasan, baka tinutukan nito ng baril si Sugar kaya ginawa ang karumal-dumal na bagay na iyon!

Nailing na lang ako sa pinag-iisip. I can't believe about this, hindi ko na matitiis ang lalaking 'to sa iisang abandonadong lugar na gaya nito! 

Mabilis akong tumayo saka iniwan ang pinagkainan. Bumaba ako sa isang makinilyang elevator na mano-mano ang pagbaba gamit ang pulley. Hindi ko rin naman kasi kabisado ang pasikot-sikot dito, medyo malayo na rin ang hagdan kung sa likod ako dadaan.

Nang makababa sa ground floor ay nakita ko ang iilang kwarto na nakahilera doon. Para itong maze na kung papasok ka sa isa doon, ay malamang hindi ka na makakabalik. Tila horror house ang ambiance ng lugar na iyon, idagdag pa ang kinakalawang na railings at maduming sahig. 

Ewww! Bakit kaya ganito ang hide-out ni Austin Monticllio? Naisip ko tuloy na isa siyang drug-lord, baka dito niya pinapatay ang mga bibiktimahin niya.

Matapos gagahasain--papatayin--saka ililibing!

"Oh my god! kailangan ko nang umalis!" sambit ko saka naglakad ng nakapaa. Pumasok ako sa isang silid doon at nagimbal sa mga nakita. It's like an armory room where all guns are arranged in the wall, some are in the table, and a huge chart are in the middle of the room--para itong classroom.

Tama nga ba ang kutob ko? Gangster yata si Austin Monticillo, kaya siguro hindi siya pinatulan ni Romary dahil mamamatay-tao ito!

Madali akong naglakad sa kabila at nakita ang isang back-door, nang makapasok ako ay napatili ako nang malakas dahil nakita kong nakahubot-hubad si Austin. 

"Ahhh!" sigaw ko habang tabon ang dalawang mata. Nakatalikod ito, at nakikita ko ang pwet niya! Pwet na matambok!

"Shit! Sinabi kong h'wag kang manilip!" sigaw pabalik ni Austin sa akin habang madaling isinuot ang kaniyang boxer short. 

"Hoy! Hindi ako naninilip..."

"Hindi naninilip? Eh anong ginagawa mo rito?"

"Hinahanap ko ang daan!" sabi ko habang tabon pa rin ang mga mata ko.

"Hey, i'm done!" sabi ni Austin sa akin kaya dahan-dahan kong tinanggal ang aking mga kamay.

Nang makitang nakabihis na siya ay agad akong tumalikod at nagmartsa palayo.

"Hey? where do you think you're going? Alam mo ba ang daan palabas?" tanong niya.

Napahinto ako sa paglalakad, saan nga ba ang daan? 

Medyo creepy pa naman ang gusaling iyon saka idagdag mo pa ang maraming pasikot-sikot at mga pintuan na parang gaya sa horror movies.

"Hindi, pero hahanapin ko..."

"Ow, talaga? Baka magkamali ka at doon ka pumasok sa kwarto ng mga alaga ko..."

Napalingon ako sa sinasabi niya.

"Anong alaga? May alaga ka rito?" pabalik na tanong ko.

"Yes."

"Ano? Aso?"

Ngumisi si Austin saka nagkibit-balikat.

"Ayoko, baka sakaling sabihin ko sa'yo ay bumalik ka sa kwarto ko, doon sa itaas."

"Hmm, i won't take any longer to stay here with you. Mas gugustuhin ko pang maglakad ng isang milya kaysa makasama ka!" protesta ko pa rito.

"Okey, ikaw ang bahala...nasa paligid lang naman sila...don't worry, they won't bark you."

Nakaramdam ako ng kaginhawaan.

"Because...they will surely crawl and bite you."

"Crawl?" ginapangan ako ng kaba. Gumagapang? Ano ba 'yon?

"Ano ba kasi ang mga alaga mo Austin?"

"Mga pythons." Simpleng sambit niya na ikinabahala ng dibdib ko. Hate na hate ko pa naman ang mga ahas!

"Sige na, umalis ka na. You may go..." ngiti pa nito sa akin.

Hindi ako natinag, hindi gumalaw, ni paghinga ay kalkulado na sa oras an iyon.

"Oh, ba't parang namumutla ka? Akala ko ba'y aalis ka na?" sabi pa nito sa akin.

"Damn you, paano ako aalis kung hindi ko naman alam saan ang main door, tapos tinatakot mo pa ako na may mga ahas dito, sino bang sira-ulo ang gagalaw? You're insane!" litanya ko pa rito.

Humagalpak siya ng tawa saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ang baba ko saka iniangat sa mukha niya.

"Look at you, you're trying to be strong, even you're vulnerable, i like that...."

"Tse! Tumahimik ka! Manyakis!" sabi ko pa saka mabilis siyang itinulak. Isang rason na lang talaga, kung mananatili siyang manyak sa akin, sisipain ko na talaga ang itlog niya!

Nagbalik ako sa dinaanan ko patungo sa itaas. Wala akong lingon-lingon sa kaniya, bahala na. Kung kailan man siya aalis sa lugar na ito, iyon na lang din ang oras na sasama ako pauwi. I will just call Sugar later, manghihiram ulit ako ng phone sa manyakis na 'yon. I sighed and rest my body in that couch. 

Tinapunan ko ng tingin ang bahaging iyon ng gusali. Kaya ko itong linisin habang nandoon. Naisip ko ang isang plano...

Operation linis make-over na lang muna ako, para naman, hindi ako mahiyang humiram ng phone mamaya. 

Sinimulan ko nang maghakot ng mga karton at nilagay iyon sa gilid.

"Ano ang ginagawa mo?" sita niya sa akin that time. Nasa likuran ko na pala siya at pinatutuyo ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang towel.

"Naglilinis, ano pa ba?"

"At bakit mo naman nililinis 'yan?"

"Para maging malinis..." pagmamaang-maangan ko pa.

"Hmm, don't me, Abejuela, sinong niloloko mo?" 

Dahil sa narinig ay hinarap ko siya habang nakapamaywang. "Okey, i need a phone again. Gusto kong tawagan ang pinsan ko, gusto kong sabihin na kasama kita ngayon."

"Oh, no...no...no. At ano? Para makuha niya ang number ko? then, she will blackmail me, she will hire a computer programmer then hack my accounts? my banks and my company?" 

"Ha?" nalilitong tanong ko.

'May mas exaggerated pa pala kaysa sa akin?' Oh god, if he only knew...tawang-tawa ako sa isipan ko sa sandaling iyon.

Naubo na lang ako sa pinag-iisip that time. Ewan ko talaga!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yna
thank you sa update Inang ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status