Share

Chapter 4

"This is it na ba? Ito na ba ang inaantay ko?" Tilian kami ng best friend ko na si Lani habang magkausap sa cell phone.

Nagtext kasi si Ian na gusto ako nitong ayain sa isang restaurant sa Makati. Nung sinearch ko kasi yun sa g****e ay lumabas na isang sikat at mamahaling fine dining restaurant iyon.

Medyo nagtaka ako dahil madalas naman ay sa mumurahing kainan o fastfood lang kami kumakain. Kaya naman may namuo sa utak ko at agad na tinawagan ang kaibigan.

"Yan na yun, mars. Magpopropose na si Ian sayo!" Halos mapatid ata ang litid nito sa lakas ng tilian namin.

Nasa bahay ako noon at matutulog na sana pero nawala ang antok ko ng makita ang message ng nobyo. Bukas daw alas7 ng gabi ay magkita kami doon.

Napatayo ako mula sa kama. Kailangan ay magandang maganda ako sa araw na yun kaya agad kong binuksan ang cabinet.

Tamang tama naman at may isa akong dress na hindi pa naisusuot. Agad kong sinukat iyon at namangha ako sa nakita. Inorder ko lang ang damit online at hindi ko man lang nasuot noon dahil wala naman akong paggagamitan.

Kulay light gray iyon na tamang tama lang ang hapit sa katawan ko. Lumitaw ang cleavage ko dahil sa may kababaan ang neckline nito. Kitang-kita naman ang hugis ng pwet at balakang ko dahil pencil cut ang bandang ibaba nito.

Ewan ko na nga lang kung hindi lumuwa ang mata ni Ian sa damit kong iyon. Kinuha ko ang katamtaman taas ng red sandals ko na may heels at sinuot yun. Umikot ikot ako sa harap ng full length mirror at napangiti ng ubod tamis.

Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon. Ang sarap lang isipin na ang taong una kong minahal ay siyang makakasama ko sa habang buhay. Mahal ko si Ian at masaya ako sa piling nito. Kahit pa sa haba ng pagsasama namin ay mga hindi kami napagkakasunduan at mga konting away ay okay lang yun. Yung mga bagay na yun ang nagpatibay sa relasyon namin.

Masasabi ko na nga almost perfect ang relasyon naming dalawa. Bihira lang kaming magaway at wala pang kalokohan itong ginawa sa akin. Napakatapat at mabait ng boyfriend ko. Kahit na bihira na kaming magkita dahil sa kanya kanya naming mga trabaho ay hindi naman kami nakakalimot sa isa't isa.

Lagi kaming nagaupdate sa isat-isa sa chat man o tawag. Kuntento na ako sa kanya. Kilala na din siya ng pamilya ko at ganun din naman ako side nito.

 

Hindi naman sobrang gwapo si Ian, hindi din sila mayaman. Simple lang ito, masipag at responsableng anak at kapatid, yun ang mga qualities nito na nagustuhan ko sa kanya.

 

Matapos kong magpalit ng damit pantulog ay hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako na nakangiti.

 

Umaga pa lang ay hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko ng hatakin ang oras para gabi na sana.

 

See you tonight, love.

 

Paulit ulit kong binasa ang text message na iyon ng boyfriend habang nakaupo sa mesa.

 

Tulad naman ng dati ay nakaupo lang ako doon at inaantay si Ethan na lagi namang late kung pumasok. Pero okay lang dahil magpipirma lang naman ito ng mga papeles ngayong araw.

 

"What's up with you?" Halos mapatalon naman ako dahil biglang nagsalita ang boss. Dumating na pala ito at hindi ko man lang namalayan.

 

Nakangiti ito at diretsong naupo sa mesa nito bitbit ang kape na mukhang binili sa Starbucks.

 

Masyado na atang malalim ang imagination ko kakaisip sa mangyayari mamayang gabi at nakalimutan ko na nasa opisina pala ako.

 

"Wala naman.” Mabilis kong sagot na kunwari ay humarap sa laptop.

 

"Really? Bakit ka nakatunganga while smiling?" Paguusisa ng boss. Hindi ko na ito nilingon pa at nagkunwaring may tinatype.

 

"Baka kasi inaantok lang ako." Balewala kong sagot. Masyadong pakielamero talaga itong boss ko na ito.

"Oh, yeah? Anyway, can you take all the papers that I need to sign?" Utos na lang nito siguro nahalata na ayaw ko siyang kausap.

 

"Sure." At masaya akong lumabas na para kunin ang lahat ng pipirmahan nito mula kay Trinity.

"Anong nangyari sayo?" Taka kong tanong sa secretary ng boss. Nakashades kasi ito ng makapal at parang lulugo lugo habang nakasandal sa upuan nito.

 

"Ay, wala naman. Puyat lang." Sagot nito bago tumayo. Dali dali itong pumasok sa opisina ni Ethan at ako naman ay nakasunod lang.

 

Uupo na sana ako pero may napansin lang akong kakaiba sa kilos ni Trinity ngayon. Marahan nitong inilapag sa mesa ng boss ang mga papel at tumingin ng diretso sa mga mata ni Ethan.

 

Kitang kita ko naman ang pag kindat ng lalaki at halos mabulunan ako ng marinig ang manipis na tawa ni Trinity. Malagkit ang tinginan ng dalawa.

 

Huwag mong sabihin na....

 

"Magkasama kayo kagabi?" Hindi ko napigilan na tanong ng makalabas ang secretary. Halatang nagulat si Ethan sa tanong ko pero agad na ngumiti.

 

"What do you think?" Sagot nito kasunod ng malakas na tawa.

 

Napabuntong hininga ako dahil sa nararamdamang pandidiri sa lalaking kaharap. Pati ba naman ang secretary nito ay pinatos pa. Kahit na nga ata posteng dinamitang babae ay papatulan din nito.

 

Nagkibit balikat na lang ako bago bumalik sa pagkakaupo. Buti pa ay isipin ko na lang ulit si Ian para matuwa ako.

 

Ala sais na kaya naman excited na akong tumayo. Ang boss ay kanina pa wala sa mesa nito kaya mabilis na din akong lumabas ng opisina.

Siguro ay umuwi na ito kaya kailangan ko na ding magmadali. Alas-7 kasi ng gabi ang usapan namin ni Ian at baka mahirapan akong makakuha ng taxi. Ayokong malate sa date namin ni Ian dahil alam kong espesyal ang araw na iyon para sa aming dalawa.

 

Dala ang bag kung saan nandoon ang damit na isusuot ay pumunta na ako sa ladies room para magpalit. Nalibang ata ako sa pag aayos kaya naman halos patakbo na akong lumabas ng CR ng makita ang oras.

 

"Ouch!" Nagulat ako ng tumama ang mukha ko sa.. Ay si Ethan pala.

 "S-sorry."

 

"No, no its okay." Sagot nito na halatang natigilan. Pinasadahan nito ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa.

 

"Akala ko nakauwi ka na kanina pa." Sabi ko na lang para mabasag ang katahimikan.

 

"Looks like someone's got a date tonight." Panunukso nito na hindi pa rin nawawala ang tingin sa bandang dibdib ko. Pasimple kong tinakip doon ang hawak na bag.

 

“Ah, oo. May date kami ng boyfriend ko.” Pilit na ngumiti ako dahil medyo naiilang ako sa kung paano tumitingin ito sa akin. Manyak talaga itong si Ethan, pati ba naman ako?

 

"Sige na. I need to go. See you!" Pagmamadali kong paalam ng makatakas na sa mga tingin nito. Alam na alam ko kung paano ito tumingin sa mga babaeng gusto nitong iuwi. Lumalalim ang mga mata nito. Pero sorry siya dahil kahit kailan hindi ko gugustuhin ang tulad niya.

 

Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagpasok pa lang sa restaurant na iyon. Nakapalibot ang magagandang ilaw, chandelier at mga bulaklak sa paligid.

 

Unang beses ata akong inaya ni Ian sa ganito kagarbong lugar. Natuwang bigla ang puso ko. Tama nga ang hinala namin ni Lani. This is it na nga talaga!

 

Tinignan ko ang mga daliri sa kamay. Wala ni isa man lang na sing sing doon dahil hindi ako mahilig sa alahas. Inimagine ko na ang sandali na isusuot sa akin ni Ian ang singsing na tanda ng engagement namin. Ready na ang daliri ko para dun.

 

Masaya akong naglakad habang iginigiya ng isang waiter kung saan ang table namin. At sa hindi kalayuan ay nakita ko ang pamilyar na mukha ni Ian. Hindi ko alam kung bakit para akong kinikilig ngayon sa tuwa. Matagal ko ng hindi nararamdaman yun.

 

Nang makalapit ako sa mesa ay abala ito sa cellphone niya pero agad na tumayo ng makita na din ako.

 

"Hi, love. Ang ganda mo naman ngayon." Masayang bati nito sa akin.

 

Agad naman akong lumapit para b****o sa boyfriend bago naupo na sa katapat na upuan nito.

 

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko habang inilalagay ang bag na dala sa gilid ng upuan ko.

 

"No, hindi naman.” Maganda ang ngiti nito sa labi. Inilapag nito ang cellphone sa mesa sa gilid ng pinggan niya.

 

Pinagmasdan ko muna ang boyfriend, nakapolo shirt ito at dark pants. Medyo under dress ito kumpara sa akin at sa lugar. Pero okay lang iyon, para sa akin ay perfect ang boyfriend kahit ano man ang suot nito.

 

Iginala ko ang mga mata sa lugar. May mangilan ngilan na kumakain at halatang mayayaman ang mga nandoon. Tahimik ang paligid pero may mahinang tunog ng piano akong nadidinig. At hindi nga ako nagkamali, sa hindi kalayuan ay may babae tumutugtog ng piano. Napakaganda ng lugar kaya talagang napapamaang ako.

 

"Gusto mo na bang magorder?" Napukaw muli ang atensyon ko. Nga pala kanina pa ko nakatulala.

 

"Sorry, love. Ngayon lang kasi tayo pumunta sa ganito kagandang lugar."

Mahinang tumawa ito, bago iniabot ang menu na nasa kamay niya.

 

Medyo nalula ako sa presyo ng mga nasa menu at hindi din ako pamilyar sa ibang pagkain na nandoon. Hinayaan ko na lang si Ian ang umorder para sakin. Sa fine dining restaurant din kasi nagtatrabaho ito kaya sigurado ay mas pamilyar siya sa mga iyon.

 

"1 seared duck breast, 1 herb crusted rack of lamb, 2 triple chocolate mouse and 2 orange juice please." Dinig kong sabi ni Ian sa waiter.

 

Tunog palang ng mga inorder niya ay mukhang masarap na. Nang makaalis ang waiter ay ngumiti ako kay Ian at iniabot ang kamay nito na nakalapag sa mesa. Napaka lamig nun pero para itong napaso na agad binawi ang kamay. Siguro ay kinakabahan ito sa gagawing proposal. Parang gusto ko tuloy sumigaw sa tuwa.

 

Pasimple akong nagpalinga linga para masilip sana kung saan itinago nito ang sing sing pero wala akong makitang bitbit ito.

 

Hmm. Ay baka naman ihahalo sa mouse na inorder nya. Diba ganun yung sa mga pelikula?

 

Dumating na ang pagkain at tipid lang kaming nag-usap. May hindi maipaliwanag na tensyon akong nararamdaman mula kay Ian. Hindi naman ito ganun sa akin. Hindi ko mawari pero kinakabahan na din tuloy ako. Anytime ba ay itatanong na niya ang pinakahihintay ko?

"Kumusta naman ang work mo?" Tanong ko kay Ian na abala lang sa pagkain ng inorder nitong lamb.

Biglang nagvibrate ang cellphone nito at umilaw pero agad lang nitong kinuha iyon at inilapag na muli.

 

"Okay naman. Medyo busy lang, madami kaming seminars at trainings para sa mga bagong staff." Matamlay nitong sagot.

 

"Ah ganun ba?" Naubusan na ako ng itatanong dahil isang tanong at isang sagot lang naman ang usapan namin.

 

Bakit ba parang wala siyang kagana gana makipagkwetuhan sa akin. Baka ninenerbyos lang? Ano naman ang dapat niyang ipagalala eh sasagot naman ako ng ‘Oo’. Matagal ko ng inaantay ang pagkakataong ito.

 

Nang dumating na ang dessert namin na triple chocolate mouse ay ingat na ingat ako sa pagkutsara nun. Dahan dahan din ako sa pagkain. Baka kasi makutsara ko yung sing sing o manguya ko at masira ang surprise. Pero napakunot noo ako ng halos ubos na ang kinakain ay wala pa ring lumilitaw na sing sing.

Pasimple kong sinalat ang leeg. Wala ba talaga? Baka naman naipit lang sa lalamunan ko at nalunok? Pero wala. Wala talaga. Napatingin ako kay Ian na tahimik lang na kumakain.

 

"May problema ba?" Tanong nito ng mapansin siguro na nakakunot ang noo ko.

 

Napailing lang ako pero sa totoo lang ay parang gusto kong maiyak.

 

"Ah. Wala. A-ang sarap kasi." Hindi ko alam kung ano na ang itsura ng mukha ko sa mga oras na yun.

 

"Gusto mo pa ba? I can order one more for you." Alok nito na bumalik lang sa pagkain.

 

"Nako hindi na, love. Busog na ko.” Sagot ko na pinagmasdan lang ito na umiinom na ng juice.

 

Masyado lang ba akong advance mag-isip? Para akong nilukuban ng langit at lupa ngayon. Para akong napahiya sa sarili.

Hindi naman mababa ang luha ko pero sa mga oras na yun ay pakiramdam ko ay namamasa na ang mga mata ko. Hindi man lang napapansin ng boyfriend yun dahil hawak nito ang cellphone ngayon at tila nagtatype.

Tahimik na kami lumabas sa magandang resturant na iyon. Hindi man lang nga niya hawak ang mga kamay ko. Kakaiba si Ian ngayon kaya hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip.

 

Ipinara na niya ako ng taxi at hindi na daw niya ko masasamahan pang umuwi dahil pagod na daw. Bago ko pumasok sa loob ay sinulyapan ko pa ito habang pumapara ng ibang taxi.

 

Bakit ba parang ang lungkot ng pakiramdam ko?

Okay naman kami, hindi ba? Pero bakit ba parang ang lamig na ng pakikitungo niya sa akin ngayon?

Ay hindi. Baka hindi pa lang siya ready magpropose. Isa pa ay inaya nga niya ako magdinner, ibig sabihin ay gumagawa pa rin ito ng paraan para magkaroon ng oras para sa akin. Dapat ay magpasalamat na lang siguro ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status