Share

Chapter 3

Halos mapatakbo ako sa loob ng bahay pero pagpasok ko naman ay patay ang mga ilaw at tahimik ang paligid. Mukhang hindi nga nila napansin na umalis ako kanina at nakabalik na ngayon. Nang mailock na ang pinto ay pumasok na akong agad sa kwarto ko.

Binuksan ko ang cellphone para basahin ang mga text messages ni Ian sa akin.

Kanina pa akong tumatawag sayo. Nasaan ka ba?

Please, Ava. Can you answer the phone? Nagaalala na ako sayo.

I am starting to fall asleep. Please message me as soon as you can.

Matutulog na ako. Nakatulog ka na siguro.

Goodnight, love.

Yun na ang huling message ni Ian sa akin. Naguilty naman akong bigla. Hindi ko din kasi namalayan na nakatulog na pala ako kanina at nakasilent ang cellphone ko. Nag-alala tuloy si Ian ito ng husto. Ayoko namang tawagan o imessage ito ngayon dahil ayokong maistorbo ang tulog nito. Maaga kasi itong pumapasok sa restaurant na pinatatrabahuhan.

Buti pa ay gumising na lang ako ng maaga para matawagan ito.

Ian is calling you…

"Love, bakit gising ka pa?" Agad kong sagot sa tawag nito.

"Love, hindi ako makatulog. Nasan ka ba? Nag-aalala ako sayo.” Sunod sunod na tanong nito. Halata ko naman sa boses nito ang pag-aalala sa akin. Natouch naman ako na may halong guilt.

"I'm sorry. Bigla kasi akong pinatawag ng boss ko.” Sabi ko na lang pero ramdam kong natigilan ito sa sinabi ko. Yun na nga lang ang sinagot ko eh, paano pa kung malaman nito ang nangyari kanina?

"Anong iniuutos niya sayo ng ganitong oras?” Nakakaduda nga naman yun.

Hindi ko alam kung dapat kung sabihin at nagtalo ang isip ko. Parang hindi magandang pakinggan kaya naisip ko na lang na magpalusot. Kahit kailan naman ay hindi nagselos si Ian kaya ayokong bigyan siya ng dahilan na makaramdam ng ganoon.

"Nagkaroon kasi ng emergency dun, love. Pero okay na ngayon. Don't worry.” Sabi ko na lang sa boyfriend para mapanatag ang loob nito.

"Ah, okay. So, can we sleep now?" Aya nito sa akin at halata ang antok sa boses. Siguradong pagod na pagod ito mula sa trabaho at ngayon naman ay napuyat pa ng dahil sa akin.

“Oo, pero I’m sorry ulit. Goodnight, love." Naiintindihan naman daw nito at pagkababa ng tawag ay agad na akong nakatulog.

"Kailangan ba talagang nandyan ang assistant mo?" Dinig kong tanong ng kaibigan ni Ethan na si Jared.

Nakaupo kami sa isang bar sa BGC isang gabi at ako ay nasa kabilang table. Hindi ko din nga alam at bakit ako kailangang isama dito ng boss. Pero wala akong magagawa kapag ipinatawag ako nito dahil yun nga ang trabaho ko.

"Yes. I don't mind at all." Sagot naman ni Ethan habang hawak ang isang baso ng alak.

"I mean, pati sa bar kailangang nakabuntot siya sayo?” Muling tanong ng kaibigan nito. Nasa kabilang table lang naman ako at nakatingin sa dalawa. Oo, mukha nga akong tanga.

"Not necessarily. Just when I want her to." Patay malisya namang sagot nito na nakatingin sa mga babaeng nagsasayawan sa dance floor.

"But why? Look at her, at least tell her to dress nicely.” Habol pa nito na tumingin sa akin. Kung makapagsalita itong Jared na ito parang hindi ko naman sila nadidinig.

Tinignan ko ang sarili at tama nga ito. Nakapang opisina pa naman kasi nga ako. Maluwang na dark blue slacks, flat shoes at light yellow na blouse. Hindi ko naman kasi alam na bibitbitin pala ako ng boss ko dito. Eh kung alam ko lang sana ay nagmini skirt at high heels ako. Tignan ko lang kung hindi lumuwa ang mga mata ng lalaking ito.

"Stop bullying her.” Sita ni Ethan sa kaibigan na agad nag-iwas ng tingin sa akin.

"Alright. Man, look at that chick 5 o'clock." At natanggal na sa akin ang atensyon ng dalawa. Nagpasalamat naman ako dun at tumingin sa paligid.

Nasa VIP lounge kami kaya naman hindi ganun kadaming tao ang nagsasayaw. Mangilan-ngilan lang din ang mga umiinom at mga mukhang class ang mga dating.

Nagkikinangan ang mga suot ng mga babae at nagsisitaasan ang mga suot na sapatos. Ang gaguwapo din ng mga lalaki na todo ang mga porma.

Maganda din naman ang tugtog, yung tipong mapapasayaw ka kung nakainom ka na nga. Humigop ako ng juice na inorder ko kanina. Hindi naman ako pwedeng umorder ng alcoholic drinks dahil baka mauna pa akong malasing kaysa kay Ethan. Mahina kasi ako talaga sa inuman eh.

Maya maya ay dalawang babae ang lumapit sa boss at kaibigan nito. Sinundan ko lang ng tingin ang mga ito.

Haba talaga ng hair ng boss ko dahil babae na mismo ang lumalapit. Ilang minuto nga lang ang nakaraan ay nakakandong na ang mga babae na gustong gusto naman ng dalawang lalaki.

Napangiwi lang ako sa nakikita. Manyak talaga itong si Ethan. Panay na kasi ang pisil nito sa binti ng kalong na babae.

Nagpasya na lang akong tumayo dahil hindi ko na masikmura ang ginagawa nila lalo na ng magsimulang m********n ang mga ito sa harapan ko.

Ilang babae ang nahuli kong nakatingin sa akin at nagbubulungan ng naglalakad na ako. Aminado naman ako na hindi bagay ang damit ko sa lugar kaya nagkibit balikat na lang ako. Pasalamat na lang sila at wala akong damit na kasing ikli ng mga suot nila dahil kung mayroon ay sigurado na talbog sila.

Confident kasi ako sa katawan ko at alam kong maganda ang hubog ng katawan ko. Maganda rin ang height ko na 5'4. Yun nga lang ay nakaflat shoes ako ngayon at ang suot kong damit ay maluwag kaya nagmumukha nga akong manang kumpara sa mga ito.

Sinasadya ko din naman ang magsuot ng conservative dahil iniiwasan kong mabastos, medyo biniyayaan kasi ako ng malalaking hinaharap.  Pero ayoko din nman kasi ng atensyon lalo na kung mula sa mga lalaki. Kapag nagdedate lang kami ni Ian na nagsusuot ako ng labas ang hubog ng katawan ko.

Speaking of Ian, dalawang linggo na nga kaming hindi nagkikita ng boyfriend. Kapag kasi libre ito ay busy ako at kapag ako naman ang pwede ay ito naman ang may overtime sa trabaho.

Namimiss ko na ang boyfriend ko kaya naman naisipan ko na lang na tawagan ito. Lumabas muna ako sa bar at naupo sa may isang bench na nakita ko sa gilid ng daan.

"Hi, love.” Bungad ko pagkasagot palang nito sa tawag ko.

"Oh, love? Napatawag kang bigla?" Ramdam ko ang pagkagulat sa boses nito. Bakit bawal ba siyang tawagan?

"Kita naman tayo bukas, love. Miss na kita.” May halong pagtatampo na sa boses ko. Namimiss ko na kasing talaga ang boyfriend ko.

"I miss you, too. Pero overtime kasi kami bukas.” Parang may nalaglag na kung ano sa puso sa naging sagot nito.

"Na naman? Kailan ba tayo ulit magkikita?" Pangungulit ko kay Ian.

“Sorry pero marami kasi kaming bagong staff. Alam mo naman na ako ang may hawak ng lahat.” Pilit na pinapaintindi nito sa akin ang sitwasyon niya.

“Pero love…” Pagmamaktol ko.

"Let's see. Sasabihan kita bukas. Okay lang ba?” Babalik na daw ito sa trabaho at kailangan siya ng staff niya kaya agad ding nagpaalam.

Wala din akong magagawa dahil kapag ako naman ang busy ay madalas ko din itong hindi napagbibigyan. Kahit gusto ko pa itong kausap ay hinayaan ko na lang.

Habang nakaupo sa labas ay hindi ko naman maiwasan ang hindi mainip. Wala naman kasing data ang cellphone ko kaya hindi din ako makapagbrowse sa internet.

Buti pa ay tawagan ko na lang ang best friend na si Lani. Si Lani ay kaklase din namin ni Ian sa college noon. Ang boyfriend ay Business Management at kami naman ni Lani ay Office Administration ang kurso.

Sa isang minor subject namin naging kaklase si Ian noong nasa 4th year college na kami. Si Lani din ang madalas na tumukso sa aming dalawa na kalaunan nga ay nagkatotoo na.

Kinumusta ko lang ang kaibigan. Nasa bahay na din daw ito at galing sa trabaho. Nakapasok ito bilang secretary din sa isang opisina sa Makati. Bihira ko na nga din itong makita.

Kapag talaga tumatanda na ay nagiiba na mga ang priority sa buhay. Nagiging puro trabaho at pamilya na. Nakakamiss din maging estudyante noh? Yung puro gala at love life lang ang laging iniisip.

"Hi, there." Isang boses ang pumukaw sa atensyon ko.

"H-hi din." Utal utal kong sagot sa mukhang Adonis na nasa harapan ko. Biglang itong naupo sa tabi ko.

"Is this seat taken?" Tanong nito pagkaupong pagkaupo.

Napailing lang ako bago nag-iwas ng tingin. Nailang lang akong bigla sa lalaki. Amoy ko kasi ang alak at sigarilyo mula dito. Marahil ay lasing ito.

Mabuti pa ay umalis na lang ako bumalik sa loob. Nakatayo na ako at lalakad na saan palayo pero nagulat ako ng bigla akong hatakin nito sa kamay.

Sunod kong naramdaman ang paglaglag ng katawan ko sa binti nito at agad naman ako sinalo gamit ang isang braso.

"Ay, sh*t. Ang gwapo." Yun na lang ang nasabi ko ng mapatitig sa mukha nito na ngayon ay nakatingin lang din sa akin.

Mas gwapo pa ata ito sa boss ko. Nakapilantik ang mga pilikmata, mapupula ang mga labi at puti ang balat. Parang Richard Gutierrez ang datingan. Malamlam ang mga mata nito ng dahil ata sa kalasingan.

Gustuhin ko mang tumayo ay para akong nahipnotismo nito.

"I am sorry. I just want to talk to you. Are you hurt?" Sabi pa nito at ngumiti.

Nagpaindap indap pa ang mga mata ko at parang umurong ang dila ko. Para naman kasi itong anghel na bumababa mula sa langit.

"Ava, I think we should go now." Dinig ko ang boses ni Ethan kaya parehas kaming napatingin ng lalaking kalong ako ngayon sa kinaroroonan ng boss.

Nakita kong natigilan ito habang napakunot ang noo. Mabilis akong tumayo at inilayo ang katawan sa estrangherong lalaki.

"Ethan? Is that you?" Sabi naman nito na nakatingin sa boss. Tumayo na din pala ito.

“Yes and you are?” Ganting tanong ng boss na mabilis ng nakalapit sa amin.

"It's me, Josh. We were classmates in high school." Sagot nito habang ako naman ay palipat-lipat lang ang tingin sa dalawang lalaki.

"High school huh?" Halatang saglit na nag-isip si Ethan bago ito muling nagsalita. "Oh, yeah. I remember.”

Tumawa ang gwapong lalaki bago humarap sa akin.

"What a small world, right? By the way, are you two together?" Medyo nabigla naman ako sa tanong nito. Mukha ba akong papatulan ng boss ko? Yung itsura ko ngayon na ito?

"Ha? Ah hindi. Boss ko si Ethan.” Sagot ko agad na bumaling sa boss. Tinignan ko lang ang reaksyon nito pero seryoso lang ang mukha nito. Mukhang pagod o wala lang siguro sa mood.

"Oh, good.” Nagpatango-tango lang si Josh na pumalmusa pa.

Hindi na sumagot si Ethan at dire diretsong lumakad. Nagmamadali akong lumakad para sumunod dito.

"Why were you in his lap?" Tanong ng boss habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Hinatak kasi niya ko kanina. Lasing ata kasi siya.” Balewalang sagot ko na lang. Pero naalala kong muli ang mukha ni Josh. Agad ko na lang na piniling ang ulo at sinaway ang sarili.

Hindi ako dapat nagkacrush sa ibang lalaki dahil may Ian na sa buhay ko.

"Oh, okay.” Hindi ko napansin na tumigil pala ito sa paglakad at mukhang binabasa na naman ako.

Nagkunot ako ng noo para ipahalata dito na hindi ko gusto ang iniisip nito sa akin.

Pero naisip ko lang, himala ata at wala itong kasamang babae ngayon. Kadalasan kasi kapag galing sa bar ay may karay na itong babae.

Hindi na lang ako nagtanong pa dahil mukhang hindi maganda ang mood nito ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status