Ava's Playful Boss

Ava's Playful Boss

By:  itsloveren  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
15Mga Kabanata
4.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Ang pagkakaalam ko ay Personal Assistant ang magiging trabaho ko sa boss na si Ethan Dela Torre. Pero bakit nga ba pati ang pagsisinungaling sa mga babae nito ay kasama na sa kailangan kong gawin? Minus points na ako sa langit kaya siguro pati sarili kong lovelife ay napabayaan ko na. May babae kayang makakapagpatino sa lalaking walang ginawa kung hindi ang maglaro sa pag-ibig?

view more
Ava's Playful Boss Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
15 Kabanata
Chapter 1
Selene is calling you…Walang tigil ang cellphone ko sa pagtunog. Kanina pa kasi tumatawag ang girlfriend ng boss ko at hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin dito.For Pete's sake, answer the phone!Hindi na siguro nakatiis ito at nagsend na lang ng text sa akin. Pero ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya? Na ang boss ko ay nasa loob ng opisina nito at may kasama na namang ibang babae?Isasara ko na sana ang message nito ng bigla na namang nagring ang cellphone ko."Ay, sh*t!" Napamura ako dahil nagkamali pala ako ng pindot at imbes na isara ay na-accept ko ng hindi sinasadya ang tawag nito.Patay! Lagot ako nito. Wala na akong choice kung hindi ang kausapin si Selene."I know that you're listening. Give this goddamn phone to Ethan!" Ni hindi man lang ito nag hello sa akin at agad na lang na sumigaw sa kabilang linya.Kilala ko ang babae kung magalit. Nagsasalubong ang mga kilay nito. Matapang at ubod ng taray pa. Napalunok ako ng napakalalim bago sumagot."Hello, Selene. N-nasa meeti
Magbasa pa
Chapter 2
"Ava, may appointment ba si sir sa hapon?" Tanong ni Trinity ng madaan ako sa mesa nito isang umaga.Lahat ng schedule ni Ethan ay dumadaan muna sa akin. Para sigurado na walang conflict sa ibang meetings nito."Meron daw siyang date kay Selene mamaya eh.” Sagot ko pero hindi din ako sigurado kung mamaya na nga ba yun o bukas pa."Alam mo ba kung anong oras?” Sunod na tanong ng secretary."Wait lang ah. Ichecheck ko muna sa calendar niya." Para sigurado lang. Kaya agad akong pumasok sa opisina ng boss.Naabutan ko itong may kausap sa telepono habang nakataas pa ang mga paa sa mesa. Parang hindi boss kung gumalaw eh. Dinig ko pa ang malakas na tawa nito bago ako pumunta sa mesa ko. Agad kong binuksan ang laptop para tignan ang calendar nito.Lumakas pa ang tawa ni Ethan kaya napalingon akong muli dito."Yes, darling. I really do. Do you know what I miss about you the most?" Sabi pa nito sa kausap bago umayos ng upo.Napalingon din si Ethan sa akin at ngumiti. Mabait naman ito sa akin da
Magbasa pa
Chapter 3
Halos mapatakbo ako sa loob ng bahay pero pagpasok ko naman ay patay ang mga ilaw at tahimik ang paligid. Mukhang hindi nga nila napansin na umalis ako kanina at nakabalik na ngayon. Nang mailock na ang pinto ay pumasok na akong agad sa kwarto ko.Binuksan ko ang cellphone para basahin ang mga text messages ni Ian sa akin.Kanina pa akong tumatawag sayo. Nasaan ka ba?Please, Ava. Can you answer the phone? Nagaalala na ako sayo.I am starting to fall asleep. Please message me as soon as you can.Matutulog na ako. Nakatulog ka na siguro.Goodnight, love.Yun na ang huling message ni Ian sa akin. Naguilty naman akong bigla. Hindi ko din kasi namalayan na nakatulog na pala ako kanina at nakasilent ang cellphone ko. Nag-alala tuloy si Ian ito ng husto. Ayoko namang tawagan o imessage ito ngayon dahil ayokong maistorbo ang tulog nito. Maaga kasi itong pumapasok sa restaurant na pinatatrabahuhan.Buti pa ay gumising na lang ako ng maaga para matawagan ito.Ian is calling you…"Love, bakit gi
Magbasa pa
Chapter 4
"This is it na ba? Ito na ba ang inaantay ko?" Tilian kami ng best friend ko na si Lani habang magkausap sa cell phone.Nagtext kasi si Ian na gusto ako nitong ayain sa isang restaurant sa Makati. Nung sinearch ko kasi yun sa g****e ay lumabas na isang sikat at mamahaling fine dining restaurant iyon.Medyo nagtaka ako dahil madalas naman ay sa mumurahing kainan o fastfood lang kami kumakain. Kaya naman may namuo sa utak ko at agad na tinawagan ang kaibigan."Yan na yun, mars. Magpopropose na si Ian sayo!" Halos mapatid ata ang litid nito sa lakas ng tilian namin.Nasa bahay ako noon at matutulog na sana pero nawala ang antok ko ng makita ang message ng nobyo. Bukas daw alas7 ng gabi ay magkita kami doon.Napatayo ako mula sa kama. Kailangan ay magandang maganda ako sa araw na yun kaya agad kong binuksan ang cabinet.Tamang tama naman at may isa akong dress na hindi pa naisusuot. Agad kong sinukat iyon at namangha ako sa nakita. Inorder ko lang ang damit online at hindi ko man lang nasu
Magbasa pa
Chapter 5
Ano na? Nagpropose na ba?!Text message iyon ni Lani sa akin. Nakahiga na ako sa kama ko at nakatitig lang sa dingding. Hindi ko na muna siguro rereplyan ang kaibigan. Ayokong magatungan na naman nito kaya isinara ko na lang muna iyon.Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pagkagising. Hindi naman ako puyat pero bakit ba ganito?“Hey, hey!" Napakurap kurap ako. Si Ethan pala ay nasa harapan ko na at pinanlalakihan ako ng mga mata.Agad kong inirapan ito at iniiwas ang mukha ko dito. Umupo naman ito sa tapat ng mesa ko at nagtilt pa ng ulo. Parang aso lang?"Bakit?" Mataray kong tanong sa boss.“Is there a problem?" Nakakunot-noo ito sa akin."Wala." Hindi na ako nag-isip ng isasagot."Oh, really? Do you have any idea how many times I was calling your name?” Seryoso nitong tanong. Hindi ko alam kung concern lang ito sa akin o gusto lang maging Maritess."Puyat lang po ulit, sir.” Pagdadahilan ko. Parang ganito lang din ang usapan namin kahapon. Pero iba yung kahapon, masaya ako nun. Ngayon
Magbasa pa
Chapter 6
Nang magpaalam ito ay agad kong namang binuksan ang email account ng boss sa laptop ko. At makalipas nga ang ilang minuto ay may pumasok na sa inbox nito mula sa detective.Mr. Ethan Dela Torre, call me as soon as you have seen the attached photos.Yun lang ang nakalakip sa email ng lalaki at may tatlong attachments ito. Dinowload ko ang mga iyon at mabilis na binuksan. Mga larawan yun ng iba’t-ibang matatandang babae. Napakunot ang noo ko. Pati ba matatanda ay papatulan na ni Ethan? Ay, hindi naman siguro. Pero sino kaya ang mga ito?Ang unang larawan ay isang maputing babae na may hawak na pamaypay. Nakaupo ito sa isang mukhang mamahaling restaurant. Sa tabi nito ay may isa ding matandang lalaki.Ang pangalawa ay ang matandang babae naman ay nakatayo at mukhang nagtitinda sa palengke. May hawak itong kutsilyo at sa kabilang kamay ay isang pirasong isda.Ang pangatlo ay isa pa ring matandang bababe na tumatawid. Hindi ko maitsurahan kung saang lugar iyon pero mukhang probinsya yun.Yu
Magbasa pa
Chapter 7
“May problema po ba, Ma’am?”“Ah, wala. Pwede mo bang sabihin kung saang branch na siya ngayon?” Pilit kong pinahinahon ang boses.“Hindi ko po alam. Kilala niyo po ba si Sir Ian?” Paguusisa naman nito sa akin na napakamot pa sa ulo. Nakahalata na siguro na masyado na akong maraming tanong.Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kung sasabihin ko na girlfriend ako nito ay parang ang panget naman na hindi ko man lang alam na wala na ito doon.Pero bakit kaya hindi man lang sinabi ni Ian sa akin na inilipat pala ito sa ibang lugar. Nakakapagtaka naman.“Ma’am, may kailangan pa po ba kayo?” Tanong nitong muli ng hindi ko sinagot kung kilala ko ang dati nilang manager.“Wala, sige. Salamat na lang.” Pilit akong ngumiti bago nagmamadaling kunin ang bag at cake na dala. Lumabas na din ako sa resturant na litong-lito. Hindi ko maisip kung bakit niya itatago ang bagay na yun sa akin.Ay hindi, baka nakalimutan lang ng boyfriend ng ikwento sa akin. Pero masyado namang importante ang detalye na yu
Magbasa pa
Chapter 8
Hindi ko alam pero hindi agad rumehistro ang mukha nito sa akin. Pero si.. Selene?! Si Selene nga ito. Wala akong nasabi sa sobrang gulat ko sa ginawa nito. Teka, bakit nandito ang babaeng ito?Nilagpasan lang ako nito at dire diretso sa loob. Sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawa ang pigilan man lang ito.“What are you doing here?” Huli na dahil ng lumingon ako ay nakatayo na pala ang boss ko at ang babaeng kasama nito.“What am I doing here? Really? Who is this woman?” Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Halata naman sa mukha ni Ms. Lozada ang gulat at pagtataka.“Don’t make a scene and how the hell did you get here?” Pinipilit nitong huminahon ang boses pero halata ko na nagulat din ito sa biglang pagsulpot ng nobya niya.“Importante pa ba yun? Answer me, who is she?” Muling tanong ng girlfriend ng boss ko na pumamewang pa.“Ms. Lozada’s firm will be collaborating with the company. We are just discussinhg about the upcoming projects.” Paliwanag nito pero alam kong hindi manin
Magbasa pa
Chapter 9
"Ian? Anong ibig sabihin nito?!" Alam kong napalakas ang tanong kong iyon. Hindi ko napigilan ang sarili dahil nasa harap ko ngayon si Ian kalong ang isang babae. "A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ng boyfriend na mabilis na tumayo. Ang babaeng kasama nito ay nakauniporme pa ng tulad ng sa kaherang kausap ko kanina. "Ang tanong ko ang sagutin mo!" Agad na sabi ko dito pero hindi ko napigilan ang agad na pagtulo ng mga luha ko sa pisngi. Pakiramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Ito ba? Ito ba ang igaganti ni Ian sa akin pagkatapos ng mahabang panahon naming relasyon? Tatalikod na sana ang babaeng kanina lang ay nasa kanlungan ng nobyo. Tinitigan ko pa ito mula ulo hanggang paa. Mukhang mas bata ito sa akin, maputi ang balat at mas maliit ng hindi hamak sa akin. Parang college student pa lang nga ito sa porma nito. "Hindi ka aali babae! Diyan ka lang." Akmang hahablutin ko na sana ang braso nito. "Huwag mo siyang idamay dito, Ava. Wala siyang kinalaman." Pigil n
Magbasa pa
Chapter 10
Dumako sa akin ang mga mata nito at sa pagkagulat ko ay mabilis kong kinabig ang pinto. Isasara ko na sanang muli iyon pero huli na dahil nakita na ako nito. "Ava, wait." Pigil nito sa pinto pero wala akong balak magpatalo. Pilit ko pa ring itinulak iyon pasara pero malakas ang lalaki samantalang isang kamay lang ang gamit nito. Eh ako buong pwersa na ng katawan ko ang gamit ay balewala pa rin. Nangangawit na ako kaya sumuko na lang ako at hinayaan na tuluyan nitong maitulak ang pinto pabukas. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko ng tuluyan na nitong mabuksan ang pinto. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita ito. “I…” Mahina nitong sabi pero hindi naituloy ang sasabihin. “Ano?” Naiinip kong tanong ng hindi nito tinuloy ang sasabihin. Napaangat na lang ako tingin at nakita ang mukha nito na nakatitig lang sa akin. Napagmasdan kong muli si Ethan na ngayon ay nakamaong pants at white t-shirt lang. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "I just.. I just want you ba
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status