Share

Chapter 5

Ano na? Nagpropose na ba?!

Text message iyon ni Lani sa akin. Nakahiga na ako sa kama ko at nakatitig lang sa dingding. Hindi ko na muna siguro rereplyan ang kaibigan. Ayokong magatungan na naman nito kaya isinara ko na lang muna iyon.

Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pagkagising. Hindi naman ako puyat pero bakit ba ganito?

“Hey, hey!"  Napakurap kurap ako. Si Ethan pala ay nasa harapan ko na at pinanlalakihan ako ng mga mata.

Agad kong inirapan ito at iniiwas ang mukha ko dito. Umupo naman ito sa tapat ng mesa ko at nagtilt pa ng ulo. Parang aso lang?

"Bakit?" Mataray kong tanong sa boss.

“Is there a problem?" Nakakunot-noo ito sa akin.

"Wala." Hindi na ako nag-isip ng isasagot.

"Oh, really? Do you have any idea how many times I was calling your name?” Seryoso nitong tanong. Hindi ko alam kung concern lang ito sa akin o gusto lang maging Maritess.

"Puyat lang po ulit, sir.” Pagdadahilan ko. Parang ganito lang din ang usapan namin kahapon. Pero iba yung kahapon, masaya ako nun. Ngayon naman ay kabaligtaran.

"Sir?! You never call me sir. There is definitely something wrong with you." Pangungulit nito.

"Wala nga. Wag mo na ko kulitin, Ethan." Sabay tayo ko pero mabilis itong nakaharang sa dadaanan ko.

"No, you're not. And where do you think you’re going?" Parang bata ito na nagpout pa ng labi. Ang sagwa dahil hindi bagay ang ginawa nito.

"Ay ang kulit. Kukunin ko yung mga papers na kailangan mo ireview.” Pinipilit kong kalmahin ang sarili.

"Its not urgent. You can do it later. So, tell me now.” Pumamewang pa ito sa harap ko. Akala naman niya ay matatakot ako sa kanya ngayon.

"Tell you what?" Napapa English ako sa boss ko eh.

"Come on, Ava. We grew up together, we're like brothers and sisters. You can tell me anything." Ano daw? Ang naalala ko lang ay ang pangbubully nito sakin nung mga bata pa kami.

Napailing iling na lang ako sa sinabi nito at mabilis na sumibat mula sa ilalim ng braso nito.

Hindi ko na nilingon ito pero napangiti ako sa pangungulit nito sa akin. Unang beses ko atang ngumiti simula kagabi. Pero malungkot pa rin ang puso ko.

Tinignan ko ang cellphone pero wala ni isang tawag o message mula kay Ian. Dapat ba akong mauna? Okay naman kami pero bakit ganito kaya and pakiramdam ko? Parang ang bigat bigat.

Hindi ko pa nga din nirereplyan si Lani hanggang ngayon. Parang ayokong mapahiya at pagtawanan lang nito. Kasalanan ko din dahil masyado akong nag expect. Pero after 6 years, hindi pa ba niya naiisip na ako na yung gusto niyang makasama? Kasi ako, gustong gusto ko na. Wala na kong hahanapin pang iba.

Lulunukin ko nga muna ang pride at tatawagan ito.

Mabilis kong idinial ang number nito pero nakailang dial na ako ay wala pa ring sumasagot. Kaya parang pinagsisihan ko lang na tinawagan ko ito. Napahiya na naman ako eh.

Naging abala ang boss ko sa mga binabasang kontrata nito sa maghapon. Buti na lang nga at hindi na ko nito naalalang kuliting muli.

Nakakaramdm na ako ng antok sa kinauupuan ko. Nasa party ako ngayon na wala naman akong kakilala ni isa. Naimbitahan kasi si Ethan sa birthday ng isa sa mga anak ng investors nila sa kumpanya.

Nakaupo lang ako sa isang mesa at nag-papapak ng vanilla ice cream. May mangilan ngilan ang nasa mesa nito na hindi ko din mga kilala.

Natanaw ko si Ethan kanina na may mga kausap sa hindi kalayuan pero nawala naman itong agad sa paningin ko.

Maya maya ay nakita kong papalapit sa akin ang mag-asawang Dela Torre. Tumayo naman akong agad para salubungin sila.

"Hi, Ava." Bati ni Ma’am Charita.

"Are you enjoying the party?" Tanong naman ni Sir Roberto sa akin.

"Ay, opo naman sir." Chariz lang. Ang totoo ay bored na bored na ako at gusto ko ng umuwi.

"Have you seen Ethan?" Tanong ng matanda na lumingon pa sa mga tao.

"Lumabas po ata siya. May mga kausap po siya." Sagot ko.

"That's okay. Pakisabi na lang na mauuna na kami." Paalam nito dahil kanina pa raw sila nandoon.

"Sige po. Mag-ingat po kayo."

"Enjoy, dear." Paalam naman ni Ma’am Charita bago tumalikod na.

Babalik na sana ako sa upuan ko ng makita ang waiter na may inilapag muli sa mesa.

"Ay, wow! Lasagna!" Paborito ko kasi yun. Agad akong lumapit doon para sana kumuha ng kaunti ng may kung sinong herodes ang humatak sa braso ko. Mabilis akong nadala nito sa gilid ng lugar kung saan walang masyadong tao.

Umakyat ang tingin ko at ng makitang si Ethan lang pala ay hinatak ko ang braso ko para makawala dito.

"Ano bang..."

"Ava, look at me." Putol nito sa sasabihin ko pa sana. Mabilis nitong hinapit ang mga braso sa bewang ko at pilit na idinikit sa kanya.

“Sandali nga, Ethan. Bitawan mo ako." Pagpupumiglas ko dito pero natameme ako ng marealize na masyadong magkapalit ang mga katawan at mukha namin.

Ang boss naman ay tuminging diretso sa mga mata ko. Sa tagal tagal kong nagtatrabaho sa lalaking ito ay ngayon lang kami nagkalapit ng ganito. Kaya nailang ako sa mga titig nito sa akin.

"I need you to lean on me and pretend that we are kissing." Bulong nito sa akin. Ramdam ko ang mainit na singaw ng mabangong hininga nito na tumatama ngayon sa noo ko.

"Ha? Ano bang sinasabi mo diyan?" Mahina kong tanong na tila nawalan akong bigla ng lakas. Parang biglang nanghina ang mga tuhod ko at napalunok ako ng pagkalalim lalim.

"That girl is coming and I don't want to talk to her anymore. Please just pretend." Pakiusap nito na nakatingin sa mga mata ko. Alam kong lumalalim ang mga mata nito kaya hindi ako makatakas mula doon.

"Pwede ka namang maghanap ng ibang babae dyan.” Pilit kong nilalabanan ang kung ano mang nararamdaman sa mga oras na iyon.

"How can I do that now? Palapit na siya dito." Saglit na sumulyap ito sa bandang likod ko.

"This is not part of my job, Ethan." Bulong ko pero hindi ko na napigilan ang sunod na ginawa nito. Kinabig ako nitong lalong papalapit sa kanya.

Bakit ba kakaiba ang nababasa ko sa mga mata nito? Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Huli na at napapikit na lang ako ng maramdaman ang init ng labi nito na dumampi sa labi ko.

Hindi ko namalayan ang segundo at parang biglang dinuduyan ang pakiramdam ko. Pagdilat ko ay nakatitig na sakin si Ethan pero pangko pa rin ako nito.

Sandali, bakit ako hinalikan ni Ethan? Akala ko ba ay pretend lang? Pero bakit parang… may kakaiba akong naramdaman sa halik na yun? Hindi ba dapat ay magalit ako sa gianwa nito?

Bigla akong bumalik sa katinuan at itinulak ito sa dibdib. Umiwas ako ng tingin at hinanap ng mga mata ang babae.  Nakita ko nga ang isang babae na mabilis na naglalakad palayo.

"Thank God, she left." Parang nabunutan ng tinik na sabi ng boss ko. Tuluyan na akong binitawan nito at ako naman ay walang paalam na tumalikod pabalik sa mesang kanina ay kinauupuan ko.

Kailangan kong huminga. Ano bang nangyari kanina? Parang naninikip ang dibdib ko. Pagkaupong pagkaupo ay agad akong hinigop ng juice na nasa mesa na para bang uhaw na uhaw.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa ginawang iyon ng boss. Pero isa lang ang alam ko, masarap humalik ito. Yung tipong nakakawala ng ulirat. Yung makakalimutan mo yung sarili mo.

"That was good, Ava. Thank you." Halos mapatalon ako dahil hindi ko namalayan na sumunod pala ang boss sa akin at naupo sa tabi kong upuan.

"Anong good? Sinong nagsabi na pwede mo akong halikan? Hindi kasama sa trabaho ko yung ganyanin mo ako." Pilit na pinapahinahon ko ang boses.

"Who should decide what is your job and what is not, anyway?" Pilyong sagot nito sa akin habang nakatitig na naman sa mga mata ko.

Ginantihan ko ito ng titig na masama. Gusto kong iparamdam dito na naiinis ako para hindi nito mapansin na naapektuhan ako sa halik na iyon.

"I just wish that you could kiss me back next time. To make it more believable, you know?" Pang-aasar nito.

"Anong next time? Subukan mong halikan ako ulit, isusumbong kita sa Daddy mo.” Pagbabanta ko sa boss. Alam kong hindi nito gugustuhin na isumbong ko ito dahil tiyak na mapagsasabihan siya nito.

Napakamot ito sa ulo bago tumawa ng malakas. "I was just kidding. Lighten up, Ava."

Eh kung sapakin ko kaya ito sa mukha?

"Oh, be right back." Mabilis na tumayo ito bitbit ang baso ng iniinom na alak. Sinundan ko ng tingin ang boss na lumapit sa isang grupo ng babae sa hindi kalayuan.

Napaikot ang mata ko at umiwas na lang ng tingin. Pero wala sa loob na napahawak ako sa labing kanina lang ay kahinang ang labi ng boss ko. Ang boss kong manyak.

Ilang araw na simula ng huling magkita kami ni Ian ay walang pa ramdam ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung susubukan ko ba itong tawagang muli. Ano kayang gagawin ko?

Ian is calling you....

Napabalikwas ako sa kama at parang biglang lumundag ang puso ko.

“Love, sorry sobrang busy ko lang talaga.” Paliwanag nito sa akin. Kung iisipin ay parang impossible pero dahil mahal ko ito at marupok ako ay tinanggap ko na lang agad ang sorry nito.

“Promise, I will make it up to you, okay?” Pangako pa nito sa akin. Naging masaya na din naman ako at parang bulang nawalang bigla ang pagdududa ko dito.

Naging maayos na kaming muli at nag-uusap na ulit tulad ng dati. Pero aminado ako na hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-isip. Ang hindi madismaya sa nangyari noong isang araw.

"Selene, nakabalik ka na pala.” Bati ko sa babae na papalapit na sa akin. Kalalabas ko lang ng opisina ni Ethan at kasalukuyang nakikipagkwentuhan kay Trinity.

"Yes, welcome back to me.” Masayang ganting bati nito. Maganda ang mood ng babae. Mukhang fresh pa galing sa flight niya. Nakashades ito at nakapony tail ang buhok.

"Is Ethan in his office?” Sunod naman na tanong nito sa akin.

"Ah, oo. Sandali at sasabihin kong nandito ka.” Tatalikod na sana ako.

"No need to do that. I will surprise him myself." Pipigilan ko pa sana ito pero humakbang na ito ng mabilis.

Wala na din akong nagawa kaya hinayaan ko na lang. Nakatingin na lang ako sa likuran ng babae bago nawala sa paningin ko.

Maganda ang hubog ng katawan nito kaya litaw ang ganda kahit pa nakajeans at t shirt lang ito.Siguradong marami ring lalaki ang nagkakagusto dito. Bakit nga ba nasa kanya na ang lahat ay naghahanap pa si Ethan ng iba? Hindi ko maintindihan ang gusto ng mga lalaki talaga. Hindi matutong makuntento.

Buti pa ang boyfriend ko, kahit na simple lang kami ay kuntento na sakin. Napangiti ako ng maisip muli si Ian. Siguro ay kahit hindi pa ito nagpropose ay magpasalamat na lang ako dahil hindi ito kagaya ng boss ko na babaero.

Hindi ko din maiwasan ang hindi magisip. Mahal kaya talaga ni Ethan ang nobya? Kung mahal niya ay bakit nagagawa niyang lokohin? Nakakapagtaka lang talaga kung ano ba talaga ang hinahanap ng boss.

Maya-maya lang ay lumabas ang dalawa galing sa opisina. Nakapalupot ang mga kamay ni Selene sa braso ng boss ko. Lalabas daw ang dalawa para kumain at kung may maghahanap daw sa kanya ay mag-iwan na lang ng mensahe.

Siguradong hindi na babalik si Ethan kaya naupo na lang ako sa opisina at nagbrowse ng emails nito. Ala-una pa lang ng hapon pero inip na inip ako ng mga oras na yun. Para nga Akong pinaghehele sa kinauupuan. Siguro ay uminom na lang ako ng kape para hindi ako makatulog. Tatayo na sana ako ng tumunog ang telepono na agad ko namang sinagot.

“Hi. Is Mr. Ethan Dela Torre around?” Isang bruskong boses ang nagsalita sa kabilang linya.

“Wala po siya dito. Who’s on the line?” Tanong ko sa lalaki. Agad kong kinuha ang notepad at ballpen.

“This is Detective Diaz. Can you please connect me to him? This is urgent.” Diretsong sagot nito sa napakaseryosong tono.

Detective Diaz? Inulit ko yun sa utak ko. Unang beses ko lang nadinig ang pangalan nito. At bakit naman kailangan ni Ethan ng detective? Para saan?

“You can call in his mobile number, sir.” Sagot ko bago isulat sa notepad ang pangalan at numero nito na rumehistro sa telepono.

“I was calling him but there was no response. Can you ask him to call me back as soon as possible?” Mabilis na sabi nito na parang nagmamadali.

“Sure. Do you want to leave a message for him?”

“No, thanks. But please let him know na tumawag ako.”

“Alright. Noted, sir.” Yun lang at ibinababa na nito ang tawag.

Nahihiwagaan ako sa nakausap na lalaki pero mukha ngang importante ang pakay nito sa boss ko.

Agad kong dinial ang cellphone number ni Ethan pero tulad ng sabi nito ay wala itong sagot. Pero paano kung emergency yun? Baka ako pa ang mapagalitan kapag hindi ko nakontak ang boss. Kaya wala akong choice kung hindi ang idial ng paulit-ulit ang number nito. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na nagriring ang telepono nito.

“F*ck, Ava! Why do you need to call me this much?!” Galit na sagot nito. Kabilin-bilinan kasi nito na kapag hindi ito sumagot sa pangalawang tawag, ibig sabihin ay busy ito. At mag-antay na lang ako na magcall back siya. Pero kinakabahan kasi ako sa lalaking tumawag kanina.

“Sorry pero may naghahanap kasing lalaki sayo.” Sagot ko pero sunod kong nadinig ang malakas na music sa paligid nito.

“I told you just take his message. I cannot talk right now!”

“Urgent daw kasi. Sabi ni Detective Diaz, kailangan ka daw niyang…” Hindi ko na natuloy ang sasabihin.

“I don’t hear a damn thing that you are saying. Whoever it is, just ask him to tell you.” Muling sigaw nito.

“Pero…” Binagsakan na ako nito sa telepono at napalayo ang tenga ko sa lakas ng tunog nun.

Napatitig ako sa receiver ng telepono. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Impossible talaga itong si Ethan. Tanghali pa lang ay parang nasa party ito. Akala ko ba ay kakain ito kasama si Selene. Ang weird talaga.

Dinial ko na lang muli ang number ng kaninang nagpakilalang Detective Diaz.

“I cannot tell you. It’s confidential and he is aware of that.” Sagot nito sa akin ng sabihin kong sa akin na lang sabihin kung ano man yung importante nitong sasabihin.

“Pero yun ang sabi niya, sir. Personal assistant niya ako kaya whatever it is, pwede mong sabihin sa akin.” Mahinahon kong paliwanag sa lalaki.

“Yes, I know who you are.” Matipid na sabi nito sa akin.

“Ha?” Yun lang ang nasagot ko. Sabagay ay detective nga daw pala ito kaya siguro alam na siguro nito ang lahat tungkol sa boss. Pero ano kaya ang ang pinapaimbestigahan ni Ethan?

“Alright then. I will send him an email and make sure he reads it by tomorrow.” Hala, mukhang walang tiwala sa akin ang Detective Diaz na ito. Eh, may access din naman ako sa email ni Ethan kaya makikita ko rin kung ano man yun.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status