เข้าสู่ระบบUmuusbong na lovelife
Nandito kami sa may fountain ledge ni daniel, nakaupo. Sabi ko kay erick mauna na siyang umuwi dahil baka sagabal pa siya sa umuusbong kong lovelife, eh, may balat siya sa puwet.
"Daniel Elizabeth 'yong pangalan mo?" tanong ko sakaniya.
"Yes, people close to me usually calls me elizabeth."
"Kung gano'n tatawagin kitang daniel, para ako lang tatawag sayo ng gano'n!"
"How about you? what's your name?"
"People call me lance, my family call me sebastian, but you can call me, sinta. Hahaha joke lang!" pagbawi ko kaagad sa banat ko kasi bigla na lang akong sinapian ng hiya pota.
Nilibre niya rin ako ng kape sa starbucks tapos ini-myday ko pa nga, tamang painggit lang gano'n kunwari big time na ako!
"No'ng ten years old ako, sinama ako ng tatay ko sa lamay ng nanay ng kaibigan niya na kahit kailan hindi ko pa nakita at nakilala..."
Pagkukuwento ko sakaniya. Nakaupo lang siya sa tabi ko habang humihigop sakaniyang kape na binili niya sa starbucks at nakikinig sa akin ng taimtim. Story time with bebe ang tema namin.
"No'ng nasa lamay, sobrang naboring ako tapos nagmukmok lang ako sa gilid. Ta's biglang may nanay na lumapit sa akin, kinausap ako!"
"What did she say?"
"Sabi niya, Alam mo iho, hanggang nabubuhay ka maging masaya ka araw-araw dahil hindi mo alam kung kailan ka babawian ng buhay."
"She's actually right..."
"Hindi lang 'yon, makalipas ng ilang minuto tinawag ako ng tatay ko tapos sabi sa akin na aalis na kami, magpaalam na raw ako sa yumao...tapos grabe!"
"Why? what happened?"
"Tumindig 'yong balahibo ko no'ng nakita ko na iyong nakaburol ay 'yong kumausap sa akin na babae!"
"For real? As in...for real?"
"Oo! Ilang taon na tumaga sa isipan ko ang pangyayaring 'yon na gumunita sa agam-agam ko, at last year ko lang nalaman na kambal pala ng yumao 'yong kumausap sa akin! Pota, ilang taon akong natakot makilamay ng dahil do'n!"
"Hahahaha that story is funny!" sabi niya habang natatawa ng mahinhin.
Pota, ang cute talaga ng tawa niya, parang music to my ears!
"Anong favorite drinks mo? Umiinom ka ba ng coke?" tanong ko sakaniya.
"No, I don't actually drink carbonated water..."
"Kung bawal sa'yo ang coke, puwedeng ako na lang mismo?"
"What? I don't understand, I'm sorry."
Pota, ang hirap mag explain ng banat kung hindi naman niya gets! Hays sayang effort!
"Wala nevermind...bakit pala panay bili ka sa starbucks?"
"I love coffee, eh."
"I love coffee rin! Grabe! Tinadhana yata talaga tayo magkakilala!"
"What flavor of coffee do you like?"
"Iyong matapang, 'yong kaya kang ipaglaban hahahaha!" tangina ang corny ko ro'n, ah?
"I actually like Iced caramel macchiato, Iced americano, and the one we're drinking today, chocolate cream chip frappuccino." sabi niya habang nakangiti na binigyan ko lang ng expression na hindi ko maintindihan.
"Mayaman ka ba?" tanong ko.
"Why did you ask?"
"Kasi kape lang naman pinag-uusapan natin..."
"Yes, and I gave you my favorite starbucks coffee menu."
"Pambihira, ang alam ko lang na mga kape ay 'yong 3 in 1...kopiko blanca, nescafe original, great taste white, Nescafe creamy white...ayon...kapeng barako, gano'n!"
Tinignan niya ako na naniningkit ang kaniyang mata at para bang inoobserbahan niya ang buo kong pagkatao pati na rin ang aking kaluluwa. Gusto ko sana sabihin na;
"Huwag kang mag-alala, loyal naman akong tao. You're in good hands! Peksman mamatay man buong angkan ko!"
Kaso nahiya ako bigla. Bakit kaya nahihiya ako sakaniya bigla? Kasi 'yong pormahan niya masyadong bonggahan? Hindi ''gaya no'ng mga naging ex ko na simpleng t-shirt at jeans lang tapos mga nakalugay lang ang ayos, lip balm lang yata mga lipstick nila. Siya kasi naka pusod na buhok tapos may attenna na kulot, fitted dress na puti na masyadong above the knee at naka off shoulder siya tapos parang may wavy wavy na tela pang nakapalupot hanggang sa dibdib niya, ewan ko ba kung anong tawag sa damit niya basta gano'n! Tapos nakalipstick din siya na kulay red at naka heels pa siya. Kapag siya na-fall, ay nako bahala siya r'yan, sasaluhin ko siya ng buong puso with open arms pa!
"Do you hate rich people?" biglaan niyang tanong na kinagulat ko ng very slight lang.
"Luh, para magalit? Ayoko lang sa mga ugali no'ng iba...masyado kasing maarte tapos matapobre! Pero may kaibigan ako na mayaman kaso siraulo naman pero maarte pa rin...pero okay naman natitiis pa naman namin kahit papaano 'yong tropa namin na 'yon."
"So, your okay with some rich people?"
"Oo gano'n na nga, ayoko lang talaga sa mayaman na maarte at matapobre! Iyong tipong tingin sa aming mahihirap, eh, magnanakaw. Nakakapota 'yong gano'ng ugali, eh! 'di ba?"
"What if I tell you that I'm..."
"Ano? Mayaman ka? May-ari ka ng isang kompanya r'yan sa isang building sa kabilang kalsada? Ayon ba sasabihin mo?"
"What do you think my job is?"
"Receptionist?"
Naalala ko kasi si joanne, mahilig siya magsuot ng dress tuwing biyernes dati no'ng nag o-ojt pa ako sa rainsales sa may manda.
"Do I look like a receptionist to you?" tanong niya na parang na-offend sa sagot ko.
"Sa totoo lang, you look like my next girlfriend nga, eh."
Napangisi siya no'ng marinig niya iyong sinabi kong corny na banat at napahigop pa nga siya sakaniyang kape. Nice one lance sebastian! You are really built to be epic! Hahahaha!
"Where do you live?" bigla niyang tanong.
"E di sa puso mo."
"You really know how to flirt, mister sebastian."
Iyong pagkakasabi niya sa sebastian ay parang ang sosyal pakinggan, pero kapag magulang ko o kaya mga kamag-anak ko ang nagsabi no'n parang ang dugyot pakinggan!
"Luh, hindi ah! Tatlo lang nga naging ex ko, eh! Gusto mo ikaw iyong pang-apat?"
"To be your ex?"
"Girlfriend syempre! Tapos gusto mo ikaw na rin huli? Puwede naman 'yon!"
Natatawa lang siya sa mga pinagsasabi ko, akala niya siguro biruan lang 'to. Pota, totoo yata pinagsasabi ko! Hindi ko binibiro ang ganitong bagay dahil hindi dapat ginagawang biro ang pag-ibig!
"Ikaw saan ka nakatira bukod sa puso ko?" sambit ko.
"Somewhere near here...in a condo."
"Sa condo?" tumango-tango siya bilang tugon.
"Kasama magulang mo?" tanong ko.
"Nope, alone. I live alone."
"Mag-isa ka lang? 'di ba parang ang lungkot no'n?"
"Kinda?"
"Alam mo willing naman akong samahan ka para hindi ka na mag-isa, habang buhay pa kung gusto mo. Suggestion ko lang 'yon pero open for negotiation naman ako."
Natawa lang ulit siya sa sinabi ko. Sabi na nga ba ako talaga ang living happy pill, eh, ayaw pang maniwala sa akin ni niccolo!
"Anong oras ka ba uuwi?" tanong ko sakaniya.
Pasado mag aalas sais na rin kasi at dehado na ako sa MRT nito dahil panigurado siksikan na talaga tapos didiretso pa ako kina niccolo para gumawa ng code para sa pangarap namin na laro. Pero mauunawaan naman nila kung late ako, eh? Love life pinag-uusapan dito, sayang naman kung mawala pa!
"Why? Do you want me to leave?"
"Huy hindi, ah!"
"If you have to go now, It's okay."
"Gusto mo no'n?" turo ko sa ma-ma na naglalako ng fishball malapit lang sa inuupuan namin. "Libre ko na!" aya ko, bihira lang 'to nako po! tuwing manliligaw lang ako nanlilibre! Suwerte niya!
Patawad sa mga tropa kong hindi ko nililibre!
"What is he selling by the way?"
"Fishball, kikiam, hotdog, squid ball, kwek-kwek, mga gano'n! Tara, libre ko na nga, eh!"
Lumapit ako ro'n sa ma-ma na nagtitinda ng fishball tapos sumunod naman si daniel sa akin.
"Magkano kwek-kwek niyo kuya?" tanong ko sa tindero.
"Tres isa."
"Tres isa? Nagmahal na ba harina?"
"Nagmahal na halos lahat ngayon!"
"Kaya nga ho kuya, eh, pati rin ako." sabay sulyap kay daniel na nakatingin din sa akin.
Agad ko naman nilayo ang aking tingin kasi pota, naiilang ako! Ang ganda ganda niya kasi!
"Ahh, date niyo?" tanong ni kuyang tindero kay daniel.
"Ahmm, I think so?"
"Nako kuya, siguraduhin niyo pagkatapos niyang kumain ng paninda mo, sasagutin niya na ako agad, ah!" wika ko.
"Nako! Ang pagluluto ko sa mga ito at paggawa ko ng sauce ay binudburan ko ng pagmamahal!"
"Nako kuya umayos ka, ha! Baka sa'yo mainlove 'to hindi sa akin!" pagbibiro ko na dahilan upang hampasin ako ni daniel sa braso ng mahina lang naman habang natatawa siya ng mahinhin.
Pota, her soft hands in my arm like it's made just to hit it...nako po!
"Ano gusto mo?" tanong ko kay daniel.
"You choose..."
"I choose you," napatingin ako sakaniya tapos nakatingin pala siya sa akin. Bigla akong natawa ng malakas, pota kakahiya talaga bumanat in public!
Tinignan ko si kuyang tindero, nag thumbs up pa nga siya sa akin.
"Ayos ba kuya?" sambit ko.
"Oo! Hahaha nako neng, sagutin mo na 'to! Gwapo naman rin, eh!" pagbubuhat ng bangko ni kuyang tindero sa akin.
"Luh, si kuya sinasabi 'yong obvious na! Hahahaha!"
Pinilian ko si daniel ng kinse pesos na kwek-kwek at sampung pisong hotdog. Tapos sa akin naka ilang cup yata ako, limang pisong kikiam, kinse pesos na kwek-kwek, sampung pisong fishball, at sampung pisong squid ball. Naghanap kami ng mabibilhan ng buko juice kasi hindi naman siya umiinom ng soft drinks.
"Masarap 'yong sauce ni kuya, noh?" sambit ko.
"Yes, It does taste good! It's my first time trying street foods actually."
"Luh, 'di nga?" inabot ko sakaniya 'yong binili kong buko juice.
"Thank you." aniya.
"Hindi nga, hindi ka mahilig sa street foods? Tao ka ba talaga?"
Natawa lang siya sa sinabi ko. Sabagay mukha naman siyang diwata.
"I haven't tried it before..."
"Taray! First time mo kumain ng street foods kasama ako, ayos 'yan! memories!"
Nice one lance sebastian, ngayon your unforgettable! Hahahaha!
"Yes, memories." sabi niya ng nakangiti.
••
Anong oras na ako nakarating sa bahay nila niccolo, nahirapan na rin ako sumakay sa may guadalupe dahil ang haba ng pila.
"Pasensya na, I'm late mga pare ko!" bungad kong bati pagkapasok sa bahay.
"Tangina lance, sanay na kami na palagi kang late, magugulat na lang kami kung maaga ka 'di ba?" ani niccolo.
"Alam niyo ba kung bakit ako na-late, ha?" sambit ko habang umuupo sa sopa at nilalabas ang laptop ko.
"Walang may pake sa nangyayari sa buhay mo." sabi ni niccolo.
"Nako pasalamat ka nasa good mood ako ngayon, wala akong pake sa mga pinagsasabi mo r'yan, niccolo."
"Osya, osya, ito pala seb, bayad ko sa utang kong fifty no'ng nakaraan..." inabot ni jaq iyong pera sa akin, tinanggap ko iyon at tinitigan kong mabuti ang buong fifty pesos na nasa aking kamay.
"May sakit na yata 'yan sa ulo." wika ni lucas na hindi ko na lang pinansin.
Tinitigan ko pa rin iyong fifty pesos, bigla ko kasing naalala si daniel at kung paano kami nagkakilala dahil lang dito.
"Tangina mo lance, 'wag mo sabihin sa'min na type mo si Sergio Osmeña?" sambit ni niccolo.
Maraming salamat Sir Sergio Osmeña! Ikaw ang tulay sa aking umuusbong na love life! I owe it all to you, fifty pesos!
"Totoo ngang money can give us happiness, mga pare!" bulalas ko.
"Hangal..." ani lucas.
"Oo, hangal na ako! Kasi mga pare, in love na naman ako!" masaya kong wika sakanila.
Iyong tatlong kumag nagsipag pikit ng mata at 'yong gesture nila ay parang nagdadasal.
"God, sana po itong babae na 'to ang magpabago kay lance mula bunbunan, talampakan, at sa kaniyang maitim na budhi!" panalangin ni niccolo.
"Same sa panalangin ni niccolo at sana this time maging mature na siya sa mga bagay-bagay." sambit ni lucas.
"Sana bigyan niyo ng proteksyon iyong babae mula kay seb, ayon lang, Amen." sabi naman ni jaq.
Pota talaga ng mga 'to! Kaibigan ko nga talaga sila! Naalala ko iyong sinabi ko sakanila no'ng college pa kami, na kami na ni bea, niregaluhan nila ako ng condom! Bwiset! Hindi ko naman nagamit, na-expire lang sa wallet ko! Hindi rin nagbigay ng suwerte sa akin, halos wala ngang lamang pera 'yong wallet ko!
"Alam niyo, kayong tatlo, potangena ninyo!"
Pagkasabi ko no'n nagtawanan lang sila kaya natawa na rin ako. Tapos ayon, kinuwento ko sakanila ang tungkol kay daniel at ang aming pa-usbong na love story na nagsimula sa singkwenta pesos!
Boss Jimenez @lansebaskun
Rule #1 NEVER BE #2! I'll be your first in everything, sinta!
Tweet sent
D.E Valdez liked your tweet
••
TBC.
Ibong malaya••"Nakita mo 'yong bago ni sebastian, ligaya?" wika ni ricky na medyo may amats at bumili ng ihaw pang pulutan nila."Nakita ko...maganda."Tumawa siya ng malakas na wari'y nang-aasar sa akin kaya tinignan ko lang siya ng masama hanggang sa tumigil siya."Huwag mong sabihin na may gusto ka pa rin kay sebastian? Hahahaha!"Hindi ako naimik sa sinabi niyang iyon at nag-ihaw na lamang."May gusto ka pa rin do'n sa kumag na 'yon? Gagu hahahahaha!"Napangiwi lang ako sakaniya."Bilang magkaibigan tayo ligs, pawang katotohanan ito, ah? Tigilan mo na 'yan pagtingin mo kay sebastian. Hindi 'yon bumabalik sa mga ex no'n! Kilala ko 'yon! Una, ikaw. Sumunod 'yong chixx na dayo sa kabilang kalsada, m.u yata sila no'n? Hindi nagtagal kasi ldr! Iyong pinakilala niya syota niya no'ng college! Ligwak, hindi nagtagal! Unawain mo lahat ng mga 'yon, ni-isa sa mga iyon hindi niya tinangkang balikan!"Bakit ba kinukwento nito sa akin ang mga 'yon? Atsaka nagkaroon ng summer fling si sebastia
Sipag ngunit walang nilaga••Nagpatuloy ang araw na parang nagmamarathon sa bilis. Nahalata na rin siguro nila mama at papa na wala na kami ni sebastian no'ng hindi na ako lumalabas ng bahay bukod sa magtitinda ako, hindi na rin ako sumisilip sa bintana kapag naririnig ko ang boses ni sebastian sa labas, at hindi na rin babad ang mata ko sa aking cellphone sa kakatext. Iyong mga gawain ko dati ay hindi ko na ginagawa ngayon...at alam kong napapansin iyon ng magulang ko pero hindi nila magawang magtanong.At dahil summer...at kapitbahay ko lang naman siya...hindi ko siya kayang iwasan. Na sa tuwing nagtitinda ako ng ihaw ay nandoon siya at nagpapapampam na para bang wala lang nangyari sa amin. Parang normal lang siya. Nang-aasar at nagpapaasa...walang palya. Hindi man lang nagbago. Hindi man lang makaramdam. Wala naman akong magawa dahil mas namumuo ang damdamin ko kaysa gumagana kong utak. Ilang taon ko siyang mahal...hindi naman siguro gano'n kabilis na mawala iyon kagaya sakaniya.
Paglipas ng araw ay ikaw rin••"Okay lang ba talaga kayo, pa?" tanong ko no'ng kaming dalawa lang ni papa sa may sala nanonood ng tv."Oo naman, ate. Huwag ka mag-alala. Kailan ba ulit graduation mo?""March twenty nine ho. Last week ng March.""Okay lang ba kahit spaghetti handa mo? Magluluto si mama mo ng spaghetti?""Nako pa! Huwag na kayo mag-abala! Pambili niyo na lang 'yon ng gamot niyo! Tignan mo ho ang payat mo na!" may pag-aalala na bakas sa tono at tingin ko sakaniya.Tumawa lang siya sa pag-aalala kong iyon at no'ng matauhan na nag-aalala pa rin ako ay tumigil na siya sa pagtawa at ngumiti na lamang habang dahan dahan na hinahaplos ang ulo ko."Gutom ka na ba? May prinito na yata r'yan si mama mo na itlog."Hindi na lang ako nagsalita at sinamahan na lang siya manood. Kung ayaw niya sabihin sa akin ang totoo ay irerespeto ko iyon."Okay ka lang ba?" tanong ni sebastian no'ng makasabay ko siya sa canteen.Nakapila kami ngayon sa may bilihan ng soup, lilibre niya raw ako ng
Kasabay ng ihip ng hangin••Sinigaw pa ni sebastian ang pangalan ko sa labas. Marahil aalis na sila upang tunguin ang venue sa JS Prom na roon pa rin naman kagaya last year.Sinilip ko lamang ang kumakaway na si sebastian. Kumaway naman ako pabalik. Iyong porma niya ngayon ay sigurado akong last year din pero hindi naman iyon halata dahil ang damit ng lalaki ay hindi big deal sa ganitong okasyon...mga babae minsan ang bida sa gano'n dahil ang babae ang pinaka nag-aayos. Nakakainggit...e di sana magkasabay kaming papasok doon sa venue na parang couple of the night.Patuloy lang ang pagsulyap ko sa masaya niyang mukha habang papalayo sa aking tingin. Kainis! Nang-iinggit pa yata ang kumag!Buong gabi ako nag-aabang ng text mula kay sebastian...pero para bang kinalimutan ako ng siraulong 'yon! Kung anong ganap? Sino nakakatuwa ang itsura? Sino una niyang sinayaw at huling sinayaw? May nasiraan ba ng heels sa mga girls? Sino nanalong Prom Queen at King? Lahat ng 'yon ay wala siyang binal
Pebrero ko'y iyo pa rin••"Okay sige, magseseryoso na 'ko. Promise! Peksman! Kain susi! Mamatay man angkan ko!" panata niya sa harapan ko.Naglalakad kami pauwi. Sinundan niya ako dahil hindi ko siya pinansin kanina sa school. Hinayaan ko lang siya tumabi sa akin at magdaldal mag-isa...kahit na mahirap para sa akin na hindi agad siya pansinin at kausapin pero kailangan...para malaman naman niya na seryoso ako."Turuan mo ako! Makikinig ako sa'yo! Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin!" aniya."Ilang buwan na lang graduation na sebastian...kulang ka na sa oras.""Hindi naman nagmamadali ang mundo para sa pagbabago, ah? Tanggap ko na 'yong grades ko gano'n pero at least sa 4th grading exam may chance ako makakuha ng mataas 'di ba? Tapos tataas marka ko sa grade. Kung tutuusin katanggap tanggap pa rin naman 'yong grado ko, eh. Sabi ni kuya steven hindi naman daw sa grades nakukuha ang pagyaman kundi sa diskarte sa buhay.""Tsss, sinasabi lang 'yan ng mahihirap na hindi nag-aral n
Babagsak ang Damdamin••Syempre, hindi naman nagtagal ang inis ko sakaniya no'n. Kaunting lambing lang niya ay bumibigay na agad ako. Bumawi naman siya no'n kinagabihan, hinarana niya muli ako sa may tambak. At parang automatic na after no'n ay magkakatitigan hanggang may kung anong tensyon kaming mararamdaman sa isa't isa dahilan ng pagdampi ng aming mga labi sa isa't isa. Kaya lang ang pangalawang beses na ito ay kakaiba sa pakiramdam. Mas matagal kaysa una. Mas malambing, mas sabik, mas alam na ang gagawin...ang galaw ng mga labi. Ang haplos sa braso. Sa pangalawang beses na iyon pareho na kaming hindi na nangangapa sa nangyayari. Hindi na kami gano'n ka inosente.Kaso pagdating ng bagong taon ang siya naman minalas ng pamilya ko. Si papa naaksidente at napilayan ang paa dahilan upang tumigil sa pagtatrabaho. Si mama naman ang kumayod sa pamilya, labandera paminsan minsan sa umaga, tindera sa hapon ng ihaw ihaw. Gusto ko man tumulong ngunit sabi nila ay mag-aral na lamang akong ma







