แชร์

Kabanata 3

ผู้เขียน: the1999cut
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-14 21:26:02

Langit ka, lupa ako.

"May bago na namang labas na iPhone, ah?" wika ni erick.

Nandito kami ngayon sa office, hinihintay na mag alas singko upang makapag out na.

"Anong iPhone na naman 'yan?" tanong ko at sumilip sa nakabukas niyang t*****r sa may pc niya.

"IPhone 13 pro at pro max...balak mo bumili?"

"Pro..."

"Bibili ka ng iPhone 13 pro?"

"Pro...tanginang 'yan, napaka mahal! Papagawa ko na lang ng bahay namin 'yong pera kaysa bumili ako ng gintong cellphone na 'yan!"

"Hahahaha naglalaro ka pa ba ng ml?"

"Hindi tol, COD na nilalaro ko."

"Kung yayain mo maglaro 'yong crush mo n'yan, tutal malakas naman tama mo ro'n."

"Pota ang galing mo ro'n erick, ah! Sa cod kami maglandian? Hahaha!"

Ayon ay kung lalandiin niya ako pabalik kasi parati ako ang lumalandi sakaniya. Hays, lalaki talaga ang malalandi, eh!

"Sa tingin mo erick...magugustuhan niya kaya ako?" seryoso kong tanong.

"Gagu tol, huwag kang panghinaan ng loob diyan! Huwag kang sumuko agad hanggat hindi pa niya sinasabi na ayaw niya sa'yo!"

"Tangina naman kasi sa tuwing nakikita ko siya parang ako 'yong tipo na lalaki na walang pag-asa sakaniya, alam mo 'yon? Pagtinignan mo siya parang hindi ako 'yong tipo niyang lalaki, eh, sa ayos ko pa lang parang problema na agad!"

"Ano namang mali sa pananamit mo, ha? ayos naman 'yan, ah! Classic at timeless fashion!"

Plain white t-shirt na may nakasulat na I Love Siquijor, bigay sa akin ng isa kong tropa na galing siquijor island, doon kasi sila nagbakasyon. Tapos pantalon...iyong adidas ko na class A, ta's 'yong itinali kong scarf sa braso ko. Simpleng OOTD lang palagi hindi nababagay sa parang mamahalin niyang pormahan.

"Nakita mo na ba kaming magkasama?" tanong ko, umiling-iling lang sa akin si erick bilang tugon.

"Parang sa mga cartoons, tol! Sakaniya nakatutok iyong spotlight tapos sa akin iyong kadiliman, gano'n tol!"

"So ano, susuko ka na agad?"

"Gagu hindi, noh! Ako yata si Lance Sebastian Alejandres Jimenez! I am built to be epic, not a quitter!"

Pagka-out namin ni erick, pinauna ko na naman ulit siyang umuwi kasi duda pa rin ako sa balat niya sa puwet. Nilibre ko ulit si daniel ng street food na pork siomai...ito naman ang nilibre ko sakaniya na nabili ko sa malapit na stall ng siomai king.

"Masarap?" tanong ko.

"Yes, it does. Actually, all your food recommendations are quite impressive."

"Ako pa ba? Iba yata panlasa ko!"

"I don't eat this kind of food, for real."

"Grabe ka! Alien ka ba talaga? Hahahaha siomai na lang 'di ka pa nakakakain? Nakapunta ka naman na sa chowking?" umiling-iling siya sa akin.

Pambihirang babaeng 'to...chowking? seryoso ba 'to? May pinoy pa ba sa metro manila na hindi pa nakakakain sa chowking o pagkain ng chowking? May pulubi nga akong nakikita na may kinakain na chowfan, eh!

"Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo? Nakatikim ka na ng isaw?" tanong ko at umiling lang siya.

"Betamax?" umiling ulit siya.

"Helmet, adidas, bituka ng manok, o kaya bato-bato? Nakatikim ka na?"

"All of it, not yet."

"Grabe ka naman, babae! Nako, alam mo parang trip kitang pakainin ng mga 'yon! Promise, masasarapan ka at baka sagutin mo ako kaagad kapag natikman mo 'yon!"

"Well, okay, sounds like a date again?"

"Ano ka ba, kahit maging tayo man, i-de-date pa rin kita palagi ng mga street foods basta ba sa susunod, eh, libre mo naman na...mahiya ka naman sa akin, ano? Hahahaha joke lang!"

Pota kapag sakaniya talaga binabawi ko kaagad mga sinasabi ko, eh, dapat na ba akong mag-isip muna bago magsalita? Hay nako! Palagi na lang I'm shy!

Naghanap kami ng may nagtitinda ng ihaw-ihaw na malapit lang dito kaso wala kaming nakita kaya siomai na lang ulit ang kinain namin.

"Mahilig ka ba sa mga banda?" tanong ko.

Nakaupo na ulit kami dito sa may fountain ledge habang kumakain ng siomai.

"Bands? I like some..."

"Nakapunta ka na sa mga concert?"

"Yeah, Justin Bieber's, Taylor Swift's, Coldplay, and Ariana Grande's concert...VIP seated."

"Eh...Parokya, Callalily, Ben and Ben, o IV of Spades? Nakapunta ka na sa mga gig nila?"

"No, I haven't but I heard some of their songs."

"Pambihira kang babae, hindi ako makapaniwala sa'yo."

"But its still a concert, you know...it was fun, I had fun."

"Sino naman kasama mo?"

"Hmmm, myself. I always go alone."

"Masaya ba 'yon? Iyong mag-isa ka lang palagi sa mga events na dapat may kasama ka?"

"Yes, it does. Just to make things clear, some people loves to be alone."

"Pero mas masaya kung may kasama ka 'di ba?"

"Hmmm...I think so."

"Huwag kang mag-alala sasamahan kita kahit saan mo gusto pumunta! alam mo advance ako mag-isip, hindi pa man tayo pero alam kong tayo na hanggang sa kabilang buhay."

Napangisi lang siya sa sinabi ko at sabay iling.

"Atsaka kapag may gig 'yong mga banda na alam ko, yayayain kita! Libre ko! Ipaparamdam ko sa'yo kung gaano kasaya ang isang gig concert ng hindi nag-iisa! At opm bands pa!"

"I can't wait for that day to come, but I can honestly afford a ticket to buy for myself."

"Sige sabi mo, eh, buti naman hahahaha! Kapos ako sa pera, nag-iipon ako pampaayos ng bahay namin."

"Bread winner?"

"Nanalong tinapay?"

"I mean...your the hope of your family? something like that..."

"Hindi, ah! Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang isang anak...na bigyan ng kaginhawaan 'yong magulang ko. Laki na nga sila sa hirap tapos tatanda pa sila sa hirap? It's a No-No-No! Ang buhay hindi dapat hanggang doon lang, hindi dapat gano'n lang!"

"If you don't mind me asking, how poor are you?"

"Poor? hindi naman kami gano'n kahirap. Oo, mahirap kami pero nakakakain kami ng apat na beses sa isang araw. Plus iyong midnight snack! tapos nakukuha naman namin 'yong gusto namin kahit ilang five-six at bumbay na ang inuutangan ni nanay, peste 'yon."

"Ahhh..." tangi niyang sambit at sabay tango ng ulo.

"Ikaw, mayaman ka ba?" tanong ko sakaniya.

"Define rich."

"Mayaman, iyong mukhang kagaya niyang suotan mo, iyong pag i-ingles mo, iyong mga pagkukuwento mo na vip seated ka sa isang concert, tapos hindi ka kumakain ng street foods. Tapos iyong pagstarbucks mo palagi. Tapos amoy mayaman ka, halatang madami kang pera sa itsura mo palang, eh!"

"Ahh...so that's the definition of being rich?"

"Ewan...ang alam ko lang naman na yaman ay 'yong pamilya ko, kaibigan ko, tapos 'yong sarili kong kasiyahan."

"You're getting my interest, mister sebastian. Do you have plans for tonight?"

Huy pota, iniimbitahan niya ba ako makipag date, ulit? Tunog date kasi 'yong pagkakasabi niya!

"Wala naman akong gagawin...bakit?" pagsisinungaling ko dahil meron...iyong pagco-code na ginagawa naming laro ang dapat kong gagawin.

"I am inviting you for a date." nakangiti niyang sambit.

Oh lord, Thank you for all the blessing ang prosperity! Promise magsisimba na ako tuwing linggo!

utak sebo: mga pare, alam ko naman na maiintindihan ninyo ang hindi ko pagpunta at pagtulong sainyo ngayong gabi dahil may mas importanteng business akong dapat gawin.

nico nico nii: inamo ano na naman yan? kahit wala ka naman dito ayos lang basta bawas yan sa sahod mo kapag kumita na tong laro natin!

lucalucas: ano ba kasi ginagawa mo? parati ka na ngang late tapos ngayon di ka pa pupunta?

jaq ass: Seb - kaltas 800 sa unang sahod

utak sebo: Lovelife ko lang to! HAHAHAHA niyaya ako makipag date! sabi na nga ba malakas talaga sex appeal ko sa mga babae!

jaq ass: taragis na yan baka napilitan lang yan sayo?

nico nico nii: kaya nga! kinukulit mo kasi palagi baka mamaya dyan ka na ireject niyan AHAHAHA!

utak sebo: inamo niccolo

nico nico nii: ina mo rin

lucalucas: osya goodluck sa date, kapag nareject ka dala ka dito ng isang bote ng empi ah!

nico nico nii: oo tapos tatawanan ka namin! HAHAHAHAHA

jaq ass: hahanda ko na tawa ko para mamaya!

utak sebo: alam nyo, potaena ninyo talagang tatlo! sagad!

••

Hindi ako makapaniwala sa lugar na dinala ako ni daniel. Isang bonggang restaurant lang naman tapos malapit pa sa sea side dito sa Pasay. Hindi ko nga mabigkas 'yong pangalan ng restaurant na 'to, tunog alien kasi pota. Dagdag mo pa na parang ako lang 'yong mukhang dugyutin na customer dito. Hay nako!

Umupo kami malapit sa may glass window kung saan kita ang sunset sa may sea side.

"I ordered for us, I hope you like Matcha ice cream and Matcha pastry panna cotta."

"Pota, ano? nakakain ba 'yon?"

"Hahaha of course, silly."

Nilabas ko ang aking cellphone at kinuhanan ko ng litrato ang sunset sa labas.

"Wow! Grabe, ang ganda rito!"

Pagkakuha ko ng litrato sa scenery agad ko itong ini-myday at sinend din sa gc naming apat.

"Anong tawag pala sa lugar na 'to?" tanong ko.

Nasa mesa na namin ang pagkain, sa totoo lang...ngayon lang ako nakakita ng ganitong pagkain! Medyo tinipid! Isang lunukan lang yata ito, eh. Hindi pa nga yata ako mabubulunan dito!

"Quel que soit le restaurant."

"Ahhh..." tamang ahhh lang, kunwari naintindihan ko iyong sinabi niya kahit hindi.

"Everything here is nice...the view, the ambience, and the food...try the food." aniya, sabik.

Tumikim ako sa parang cake, hindi pa ako nakakatikim ng matcha flavor na kahit ano pero pagtikim ko, potek, lasang gamot! Gusto mo masuka! Uggghhh!

"Delicious right?" aniya.

Tinignan ko si daniel at nakangiti siya sa akin. Paano ko sasabihin sakaniya na hindi masarap para sa akin 'to? Mas masarap pa yata iyong tinapay sa julie's, eh, 'yong ube loaf!

"Ahh hahaha masarap nga! Galing mo magrecommend ng pagkain, ah!"

Sana last na 'to lord at baka ikamatay ko 'to!

"It's actually my favorite here...have you eaten sushi or sashimi?"

"Hindi pa pero gusto ko makatikim, napapanood ko lang kasi 'yon sa mga anime."

"Okay, I'll order for us." nakangiti siyang pumunta sa station ng sushi.

"Pota, hindi ko talaga gets panlasa ng mayaman...magkano naman kaya 'tong cake na 'to? Isang slice lang naman..."

Sinubukan ko rin tikman 'yong matcha flavor na ice cream pero same pa rin ang panlasa ko...lasang gamot! Ano ba naman 'tong lugar na 'to! Chemist ba ang chef dito?

"Hays...pangit talaga ng panlasa ng mga mayayaman." mahina kong sambit.

Maya-maya dumating na si daniel na may bitbit na isang plato na puno ng sushi.

"Sushi and sashimi. Come on, try some!"

Kumuha ako ng isa, kinamay ko dahil hindi naman ako marunong magchopstick. Wala naman kasing nagchachopstick sa bahay!

"Itadakimasu!" sambit ko na kagaya sa mga anime na napapanood ko.

Sinubo ko lahat at dahan-dahan nginuya ito para malasahan kung bakit napaka famous ng pagkain na ito sa japan. Pero habang patagal ang pagnguya ay para akong nadidismaya!

Potangena, bakit ang pangit ng lasa nito?!

"Oh I forgot to tell you, you can dip it to this fish sauce."

Sinubukan ko ulit at kumuha pa ng isa at sinawsaw sa sauce pero potangena hindi ko talaga bet...iba pa din kung prinito 'tong isda, eh!

"Sarap grabe! Ganito pala lasa nito, wow!" pagsisinungaling ko.

Una at huling beses, patawad sushi at sashimi but it's not me, it's you! Dapat pala ramen na lang!

"Glad you like it." nakangiti niyang sambit.

Kumain na rin siya at syempre kumain rin ako. Sinubukan ko kahit hindi ko talaga gusto 'yong pagkain na nakahain sa harap ko, for the sake of her happiness and appreciating the food recommendation she had offered, tangina napapa-ingles ako! Epekto siguro ng matcha 'to!

Bakit ba nahihirapan akong sabihin sakaniya 'yong totoo? Sa tatlong ex ko naman straightforward ako, 'gaya ng milktea na lasang gamot din. Hay nako, baka kasi itong si daniel hindi ko muna naging kaibigan kaya nahihiya ako na madisappoint siya? O dahil kasi ang ganda niya na nakakakonsensya kapag na-disappoint ko siya?

"Bakit mo pala ako dinala rito? Okay lang naman ako kahit 'yong cotton candy lang sa labas..." ani ko, kasi mas masarap pa yata pagkain do'n.

"This is where my common suitors take me for a date."

"Ahh ayos, ah? Mayayaman siguro mga nanliligaw sa'yo."

"Yes, food here cost about a thousand..."

Nasamid ako bigla no'ng marinig ko 'yong price rate. Pota, thousand? Pagkain na lasang gamot at halos isuka ko na ay presyong libo? Anong kalokohan 'to pilipinas?!

"Hindi nga? Libo? Seryoso ka?" Tumango tango siya sa akin na may ngiti sa labi niya.

"So, ako lang talaga 'yong manliligaw mo na hindi ka dinala rito?"

"Yes."

Bigla na lang ako nanlumo. Pambihira, ako na yata ang pinaka mahirap na manliligaw niya! Dahil street food lang ang kaya kong i-gastos sakaniya! Oh men, this is not good!

"But it's okay, I find you more funny and humorous than those guys...they're all boring."

Wait, sabi niya, I'm funny and humorous? So, ibigsabihin panget ako kumpara sa mga naging manliligaw niya dati? Taragis na buhay 'to, mahirap na nga tapos panget pa sa paningin niya? Lupet mo life sa'kin!

"Bakit tungkol saan ba pinag-uusapan niyo?" tanong ko na medyo sad pero hindi halata.

"Business, corporations, boring stuff..."

"Ano ba talaga trabaho mo?"

Ngumiti siya sa akin at nagpangalumbaba.

"I am a Co-CEO of a clothing brand, just across the street near the Starbucks and the fountain where I always saw you singing and playing the guitar."

"Co-CEO? Ikaw?"

"Yes, Mister Sebastian. I am not a receptionist."

"Luh, Sorry 'di ko alam!"

Pambihira mas mayaman pa yata siya kay niccolo. Bigla akong nanliit...kung tutuusin isa lang akong sentimo 'yong butas pa nga para sakaniya tapos siya iyong tumatagingting na isang libo!

Kumain lang kami ng tahimik. Pinilit kong ubusin 'yong nakahain, sa huli nasanay na ako sa lasa pero hindi pa rin siya pasok sa panlasa kong pangmahirap. Pumunta kami sa counter at tinignan ko si daniel habang nagbabayad siya gamit ang black card niya. Napansin ko rin ang tingin ng isang staff na lalaki sa akin iyong tipong nagsasabi ng;

"Angas babae pa pinagbabayad..."

Habang tinitignan ko ang pagbabayad ni daniel gamit 'yong kumikinang niyang black card...pakiramdam ko na lalo akong lumiliit.

Pota, ganito pala pakiramdam maging mahirap. Ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko ito, kahit kasama ko si niccolo o si xowie hindi ko naramdaman na sobrang hirap ko! Sakaniya ko lang naramdaman 'to. Nakakahiya rin pala minsan, hay nako!

"Do you want me to get you a cab too?"

"Nako hindi na, noh! Malapit na lang naman 'yong MRT station dito, tawid lang ng overpass. Sige na sumakay ka na d'yan." pagsisinungaling ko dahil kailangan ko pa sumakay ng jeep papuntang mrt station!

Pumasok na siya sa loob ng taxi, sinara ko ang pinto para sakaniya at umandar na ang sasakyan paalis.

"Hay grabe! Tssss, ano ba 'tong nararamdaman ko? hay nako!"

Kinuha ko ang earphone ko sa aking bulsa at nagsoundtrip na lamang habang nag-aabang ng jeep papunta sa MRT Station. Kanta pa nga ng Ben & Ben ang tumugtog, Kathang Isip ang title ng kanta. Napakamot ako bigla sa batok ko kasi may naalala akong words of wisdom mula kay tatay dati;

"Sebastian, lagi mong tatandaan na ang pera ay hindi buhay, ngunit kung wala kang pera, wala kang buhay."

Ahh taragis naman si tatay, akala ko joke lang 'yon, eh! Hay nako totoo pala!

••

TBC.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XIII

    Ibong malaya••"Nakita mo 'yong bago ni sebastian, ligaya?" wika ni ricky na medyo may amats at bumili ng ihaw pang pulutan nila."Nakita ko...maganda."Tumawa siya ng malakas na wari'y nang-aasar sa akin kaya tinignan ko lang siya ng masama hanggang sa tumigil siya."Huwag mong sabihin na may gusto ka pa rin kay sebastian? Hahahaha!"Hindi ako naimik sa sinabi niyang iyon at nag-ihaw na lamang."May gusto ka pa rin do'n sa kumag na 'yon? Gagu hahahahaha!"Napangiwi lang ako sakaniya."Bilang magkaibigan tayo ligs, pawang katotohanan ito, ah? Tigilan mo na 'yan pagtingin mo kay sebastian. Hindi 'yon bumabalik sa mga ex no'n! Kilala ko 'yon! Una, ikaw. Sumunod 'yong chixx na dayo sa kabilang kalsada, m.u yata sila no'n? Hindi nagtagal kasi ldr! Iyong pinakilala niya syota niya no'ng college! Ligwak, hindi nagtagal! Unawain mo lahat ng mga 'yon, ni-isa sa mga iyon hindi niya tinangkang balikan!"Bakit ba kinukwento nito sa akin ang mga 'yon? Atsaka nagkaroon ng summer fling si sebastia

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XII

    Sipag ngunit walang nilaga••Nagpatuloy ang araw na parang nagmamarathon sa bilis. Nahalata na rin siguro nila mama at papa na wala na kami ni sebastian no'ng hindi na ako lumalabas ng bahay bukod sa magtitinda ako, hindi na rin ako sumisilip sa bintana kapag naririnig ko ang boses ni sebastian sa labas, at hindi na rin babad ang mata ko sa aking cellphone sa kakatext. Iyong mga gawain ko dati ay hindi ko na ginagawa ngayon...at alam kong napapansin iyon ng magulang ko pero hindi nila magawang magtanong.At dahil summer...at kapitbahay ko lang naman siya...hindi ko siya kayang iwasan. Na sa tuwing nagtitinda ako ng ihaw ay nandoon siya at nagpapapampam na para bang wala lang nangyari sa amin. Parang normal lang siya. Nang-aasar at nagpapaasa...walang palya. Hindi man lang nagbago. Hindi man lang makaramdam. Wala naman akong magawa dahil mas namumuo ang damdamin ko kaysa gumagana kong utak. Ilang taon ko siyang mahal...hindi naman siguro gano'n kabilis na mawala iyon kagaya sakaniya.

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XI

    Paglipas ng araw ay ikaw rin••"Okay lang ba talaga kayo, pa?" tanong ko no'ng kaming dalawa lang ni papa sa may sala nanonood ng tv."Oo naman, ate. Huwag ka mag-alala. Kailan ba ulit graduation mo?""March twenty nine ho. Last week ng March.""Okay lang ba kahit spaghetti handa mo? Magluluto si mama mo ng spaghetti?""Nako pa! Huwag na kayo mag-abala! Pambili niyo na lang 'yon ng gamot niyo! Tignan mo ho ang payat mo na!" may pag-aalala na bakas sa tono at tingin ko sakaniya.Tumawa lang siya sa pag-aalala kong iyon at no'ng matauhan na nag-aalala pa rin ako ay tumigil na siya sa pagtawa at ngumiti na lamang habang dahan dahan na hinahaplos ang ulo ko."Gutom ka na ba? May prinito na yata r'yan si mama mo na itlog."Hindi na lang ako nagsalita at sinamahan na lang siya manood. Kung ayaw niya sabihin sa akin ang totoo ay irerespeto ko iyon."Okay ka lang ba?" tanong ni sebastian no'ng makasabay ko siya sa canteen.Nakapila kami ngayon sa may bilihan ng soup, lilibre niya raw ako ng

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek X

    Kasabay ng ihip ng hangin••Sinigaw pa ni sebastian ang pangalan ko sa labas. Marahil aalis na sila upang tunguin ang venue sa JS Prom na roon pa rin naman kagaya last year.Sinilip ko lamang ang kumakaway na si sebastian. Kumaway naman ako pabalik. Iyong porma niya ngayon ay sigurado akong last year din pero hindi naman iyon halata dahil ang damit ng lalaki ay hindi big deal sa ganitong okasyon...mga babae minsan ang bida sa gano'n dahil ang babae ang pinaka nag-aayos. Nakakainggit...e di sana magkasabay kaming papasok doon sa venue na parang couple of the night.Patuloy lang ang pagsulyap ko sa masaya niyang mukha habang papalayo sa aking tingin. Kainis! Nang-iinggit pa yata ang kumag!Buong gabi ako nag-aabang ng text mula kay sebastian...pero para bang kinalimutan ako ng siraulong 'yon! Kung anong ganap? Sino nakakatuwa ang itsura? Sino una niyang sinayaw at huling sinayaw? May nasiraan ba ng heels sa mga girls? Sino nanalong Prom Queen at King? Lahat ng 'yon ay wala siyang binal

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek IX

    Pebrero ko'y iyo pa rin••"Okay sige, magseseryoso na 'ko. Promise! Peksman! Kain susi! Mamatay man angkan ko!" panata niya sa harapan ko.Naglalakad kami pauwi. Sinundan niya ako dahil hindi ko siya pinansin kanina sa school. Hinayaan ko lang siya tumabi sa akin at magdaldal mag-isa...kahit na mahirap para sa akin na hindi agad siya pansinin at kausapin pero kailangan...para malaman naman niya na seryoso ako."Turuan mo ako! Makikinig ako sa'yo! Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin!" aniya."Ilang buwan na lang graduation na sebastian...kulang ka na sa oras.""Hindi naman nagmamadali ang mundo para sa pagbabago, ah? Tanggap ko na 'yong grades ko gano'n pero at least sa 4th grading exam may chance ako makakuha ng mataas 'di ba? Tapos tataas marka ko sa grade. Kung tutuusin katanggap tanggap pa rin naman 'yong grado ko, eh. Sabi ni kuya steven hindi naman daw sa grades nakukuha ang pagyaman kundi sa diskarte sa buhay.""Tsss, sinasabi lang 'yan ng mahihirap na hindi nag-aral n

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek VIII

    Babagsak ang Damdamin••Syempre, hindi naman nagtagal ang inis ko sakaniya no'n. Kaunting lambing lang niya ay bumibigay na agad ako. Bumawi naman siya no'n kinagabihan, hinarana niya muli ako sa may tambak. At parang automatic na after no'n ay magkakatitigan hanggang may kung anong tensyon kaming mararamdaman sa isa't isa dahilan ng pagdampi ng aming mga labi sa isa't isa. Kaya lang ang pangalawang beses na ito ay kakaiba sa pakiramdam. Mas matagal kaysa una. Mas malambing, mas sabik, mas alam na ang gagawin...ang galaw ng mga labi. Ang haplos sa braso. Sa pangalawang beses na iyon pareho na kaming hindi na nangangapa sa nangyayari. Hindi na kami gano'n ka inosente.Kaso pagdating ng bagong taon ang siya naman minalas ng pamilya ko. Si papa naaksidente at napilayan ang paa dahilan upang tumigil sa pagtatrabaho. Si mama naman ang kumayod sa pamilya, labandera paminsan minsan sa umaga, tindera sa hapon ng ihaw ihaw. Gusto ko man tumulong ngunit sabi nila ay mag-aral na lamang akong ma

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status