แชร์

Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)
Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)
ผู้แต่ง: the1999cut

Kabanata 1

ผู้เขียน: the1999cut
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-14 21:25:08

THIS IS A WORK OF FICTION.

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, establishments, is purely coincidental.

This story includes programming code/terminologies. The code written in the story are from a source code and/or from the writer itself.

TRIGGER WARNING:

CERTAIN SCENE MAYBE DISTURBING TO SOME MEMBERS OF THE PUBLIC/NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.

This story contain sensitive scene that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, misogynistic remarks, adult humor, and foul words. If you need help at any time, please call or text the following hotline:

National Mental Health Crisis - DOH (Luzon-wide landline toll-free) : 1553

for Globe - TM subscribers : 09663514518 / 09178998727

for Smart-Sun-TNT subscribers: 09086392672

F*: ncmhcrisishotline

Twt: ncmhhotline

Read at your own risk and enjoy.

***

Si Sebastian

Naaalala ko lagi 'yong sinasabi sa akin ni tatay no'ng bata pa ako, no'ng dinudungaw ko siya sa may pinto habang bitbit 'yong alaga niyang manok na hinahaplos haplos niya pa ng dahan-dahan ang uluhan.

"Sebastian, hindi mo kasalanan kung pinanganak kang mahirap, kasalanan mo na kung mamatay kang mahirap ng hindi nagsisikap!"

Napakagandang payo, tsaka ko na lang nalaman na gamit na masyado ang kasabihan na 'yon ng mga mahihirap. Minsan nagtatampo na rin ako sa mga alaga nitong manok ni tatay eh, kumpleto lahat! Mala pagkain, vitamins, shampoo at conditioner! May sarili pang bahay...'yong pera niya sa pamamasada parang napupunta lang sa mga tunay niyang anak na manok! Mas matindi pa pala 'to sa kabit at anak sa labas!

"Tay, alam mo kung kinakatay na lang kaya natin 'yang manok mo e di sana may napapala kami sa mga 'yan! Pangit lasa ng talunan eh!"

"Kung ikaw kaya katayin ko?"

Pota, baka nga talaga ampon ako? Handa akong katayin kaysa sa mga manok niya.

"Tay, mamili ka, ako o 'yong mga manok mo?"

"Syempre mga manok ko, ang tigas nang ulo mo eh!"

Pambihira, may ulo bang malambot?

"Iyong mga manok mo pala ah, bakit? nauutusan mo ba 'yan maghugas ng pinggan? magwalis? pakalmahin ang nanay kapag naiinis sa'yo?"

Natawa lang ang tatay sa sinabi ko pero hindi pa rin niya binawi ang pagpili niya sa manok kaysa sa akin. Pambihirang tatay 'to!

"Anong oras pasok mo? nabigyan ka na ba ng nanay mo ng pera?" sambit ni tatay.

"Maya-maya, tay...two hundred lang binigay sa akin!"

"Puwede na 'yan, magbaon ka na lang d'yan."

Pota talaga, kapag sa manok niya kahit isang libo magastos niya ayos lang, eh, benta ko kaya isa r'yan sa kalaban niya ng magkaroon ako ng mapapala sa mga manok na 'yan!

"Makaligo na nga, tunay na anak pinagdadamutan! Tandaan niyo ang araw na 'to!"

"Matagal pa sahod mo sebastian kaya hindi ako natatakot sa banta mo!"

Hay nako...mana talaga sa akin ang tatay ko, walang duda!

Pagkatapos ko maligo at mag-ayos ay lumarga na ako patungo sa aking trabaho. Naka plain black t-shirt lang ako na amoy downy passion pa nga para makabihag ng chixx na mala Pia Wurtzbach sana, at jeans, samahan mo pa ng class A na adidas na nabili ko lang sa shopee no'ng sale.

Pagkapasa ko ng civil service exam, hindi makapaniwala sila jaq at niccolo sa akin. First try ko mag-take ng civil exam ay pumasa agad, mga yawa malakas yata kapit ko sa Diyos! At ayon na nga, nag-apply ako sa BIR sa may Pasay City kasi sabi ni lucas doon daw ako mag-apply. Nagtatrabaho ako bilang Support Specialist sa I.T department nila, gumagawa rin kami ng inventory system para sa mga accountant doon.

Hanggang 5pm lang ang pasok namin. Malapit sa office ay may parang park at may fountain sa gitna, roon kami tumatambay ng katrabaho kong si erick, ka-edad ko lang at isang patpatin na lalaking maputi. Kapag magkasama kami, ako 'yong masarap na brown coffee tapos siya 'yong gatas. Nakaupo kami sa may fountain ledge, itinali ko ang scarf ko sa aking braso at tinotono ko ang dala-dalang gitara ni erick, balak niya kasing matuto mag gitara kaya bumili...umorder online.

"Gagu lance, tinatawag yata ako ni santa clause!" sambit ng katabi kong si erick.

"Pota, call-mates kayo?"

"Najijingle bells ako tol, nagriring 'yong alaga ko sa baba!"

"May malapit na jollibee rito, maki-CR ka muna ro'n!"

"Sige sige wait mo ko rito, ah?"

Binato ni erick ang upos ng kanyang sigarilyo sa sahig at tinapaktapakan ito bago umalis. Tumatambay kami rito bago umuwi upang mag cigarette session. Tamang strumming lang ako ng gitara. May nakaupong dalawang matanda sa katapat ko, mag-asawa yata at ang sweet nila tignan. Bigla naman akong napakanta;

"They say that love is forever

Your forever is all that I need

Please stay as long as you need

Can't promise that things won't be broken

But I swear that I will never leave

Please stay forever with me..."

Tapos maya-maya may naglapag sa binti ko ng isang daan, buo! Pota, jackpot! Thank you lord for this blessing!

Tinignan ko 'yong babaeng naglapag ng isang daan sa binti ko, maganda at maamo ang kaniyang mukha, maayos ang kaniyang pagkakapusod pero para bang may natirang dalawang nakalaylay sa harap na para bang antenna na medyo kulot, bumagay sa kaniya ang kulay golden brown na buhok. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at agad na rin umalis sa harap ko. Sinilayan ko ang babaeng iyon mula sa likod, mabalakang siya pota, matambok din ang puwet, tapos gago may curves! Tumigil pa siya sa isang basurahan upang itapon 'yong starbucks coffee niya na hindi pa naman ubos.

Aksayado 'tong babaeng 'to, hindi ba nito alam na hindi lahat nabibiyayaan makabili sa Starbucks?

Pagkaalis no'ng babae, may isang matandang babae naman ang nagtapon din. Ibinulsa ko ang isang daan at mayamaya bumalik na si erick.

"Oh!" inabot ko sa kaniya ang kaniyang gitara at pinuntahan ko 'yong basurahan.

Pota nasaan na 'yon...ah!

"Elizabeth..." mahina kong pagbasa sa pangalan na nakasulat sa may cup ng starbucks.

Nice one, Sebastian! Mukhang you hit the jackpot!

"Anong ginagawa mo r'yan? mangangalakal?" sabi ni erick no'ng makalapit sa akin.

"Mangangalakal ng pangalan para magkalove life hahahaha!"

Itatapon ko na sana ulit 'yong cup ng makita kong madami na rin palang cup ng starbucks na nandito sa basurahan.

"Pota."

"Bakit?" sinilip ni erick 'yong pangalan sa hawak-hawak kong cup, "Elizabeth, siya ba hinahanap mo?" sambit pa nito.

"Oo, kaso may posibilidad na baka sa matandang babae ito, hay nako! May balat ka ba sa puwet, erick?"

"Gagu, wala!"

Sumunod na araw rito sa may fountain ledge, hawak-hawak ko na naman 'yong gitara ni erick habang nakiki-CR siya sa may jollibee. Itim na t-shirt na may print na three stars and a sun, pulang scarf na nakatali ulit sa aking braso, jeans ulit, at class A na puting adidas ang aking OOTD. Kinakanta ko na naman 'yong awitin na kinanta ko kahapon, LSS kasi.

"They say that love is forever

Your forever is all that I need

Please stay as long as you need

Can't promise that things won't be broken

But I swear that I will never leave

Please stay forever with me..."

At ayon na naman siya...'yong babaeng chxx! Nakalugay na siya ngayon, mahaba at makintab ang kaniyang wavy na golden hair, nakacorporate attire, at may hawak-hawak na naman na starbucks coffee. Nilapagan niya ulit ako ng isang daan sa binti, ngumiti, tsaka umalis.

Pota, maganda palang sideline 'to! Easy money!

Halos gano'n na nga ang nangyari, tuwing out namin ay tumatambay na ako sa may fountain ledge bitbit ang gitara ni erick at itong si erick a.k.a si wiwi boy ay palagi rin nakiki-CR sa jollibee, pota ginawang banyo 'yong jollibee!

Mga eheads songs naman ang kinanta ko at palaging ang babaeng 'yon ay naglalapag ng isang daan sa binti ko. Minsan nga nagtataka na ako, baka crush na ako ng babaeng 'to ayaw pang umamin? puwede naman maglagay siya ng note sa isang daan tapos nakasulat doon;

Dalawang multo ka ba? kasi ghost two kita! hehehe :3 <3

Paulit-ulit kaming dalawa sa ganitong eksena. Sa tuwing nakikita niya ako, matik na maglalapag siya ng isang daan sa binti ko. Minsan nga feeling ko wala siyang pake sa kinakanta ko, eh!

"Manok na pula...biglang tinamaan, nag giwang-giwang...sa isang iglap, ako'y kinabahan..."

Ayan, manok na pula na lang kinanta ko tutal hindi niya naman pinapansin ang mga alay kong awitin para sa kaniya! Sayang effort at boses do'n! Sayang laway!

At sa medyo inaasahan ko nang pangyayari ay dumaan na naman siya at naglapag ng fifty pesos sa aking binti, ngumiti, sabay lakad palayo.

Pota, fifty pesos lang?

Napakurap ako ng dalawang beses bago magsink-in sa akin 'yong mukha ni Sergio Osmeña.

"Teka!" pagsigaw ko sa babae at hinabol ko siya bago pa man makatawid sa kabilang kalsada.

"Yes?" aniya, kasing ganda niya ang kaniyang boses.

Pinakita ko sa harapan niya 'yong fifty pesos.

"Fifty pesos lang? Seryoso ka?"

"I'm sorry, I ran out of cash." sabi niya sa mahinhin na tono 'yong tipong maaakit ka kaagad kapag narinig mo siyang magsalita...ang cute pakinggan!

"Isang libo ba pera mo? Okay na 'yon!"

"No, I have money in my card..."

"Ganito na lang, may utang ka pa sa aking fifty pesos,"

Nagtaas ang kaniyang kaliwang kilay at napahalukipkip siya habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang Starbucks coffee.

"Ahmm okay?" aniya.

"Puwedeng through gcash ang mode of payment...Pambibili ko sana ng dias..."

"Gcash? what's that? I told you, I only had a card. I'll pay you when I get some cash, okay? mister?"

Pota, english! pesteng yawa 'to! Maduguang usapan pala sa babaeng 'to!

"Duda ako sa'yo..." kinuha ko ang hawak-hawak niyang starbucks kasi panigurado ako itatapon niya rin ito, aksayado 'tong babaeng 'to kitang ang daming naghihirap sa pinas eh!

"Wala akong tiwala sa mga strangers." dagdag kong tugon.

"Excuse me?" aniya na parang nagulat sa inakto ko. "That's mine." dagdag niyang sabi sabay turo sa kape niya na iniinom ko.

"Alam ko, sinabi ko bang akin 'to? itatapon mo rin naman ng hindi ubos, kaya ako na uubos para sa'yo."

Mabilis kong nilagok ang kaniyang inumin at pagkatapos ay ibinalik ko sa kaniya ito.

"Ayan, iyo na 'yan...salamat bayad ka na sa utang mo!"

Gusto ko lang talaga makatikim ng starbucks coffee mula sa isang magandang chxx, wala akong balak sa utang niyang fifty pesos...parang fifty pesos lang 'yon, mas mahal pa rin siguro 'yong kape sa starbucks!

"Ahmm, thanks?" aniya.

"No prob!"

"Huy lance! Madami ng tao sa MRT! Tara na!" sigaw ni erick sa akin.

"Pota, sige miss alis na ko, hindi naman makapal mukha ko pero puwede next time samahan mo naman ng foods 'yong perang ilalapag mo sa binti ko? joke lang hahaha! Sige, thank you sa fifty pesos at kape!"

Tumawa siya ng mahina sa akin. Pota, ang cute pakinggan ng tawa niya!

"I'm Daniel Elizabeth Valdez. By the way, I like your voice when you sing that song... James Dean and Audrey Hepburn?"

Pota...'di nga? tapos akala ko hindi niya pinapansin ang mga alay kong awitin sa kaniya? Judgemental human being na talaga ako! Kailangan ko na yatang magsimba tuwing linggo dahil sobrang makasalanan ko na yata?

"Hoy lance, ano na?!" pagsigaw ni erick.

"Wait lang erick! Huwag kang sagabal sa puwede kong maging love life, ah!" pasigaw kong sabi kay erick.

"I think you need to go? I have to go too, see you when I see you?" nakangiti niyang paalam at sabay alok ng shake hands na akin namang tinugon.

Pota, ang lambot ng kamay niya parang flawless! Malambot na madulas, I like that!

Sa totoo lang, sa ngiti talaga ako naaakit at pati sa mata. Expected na 'yong ganda sa isang babae, pero iba ang dating sa akin ng magagandang ngiti at makikinang na tingin tapos plus points kapag maganda ugali! Teka, napansin ko lang na ang cute ng nunal niya sa bandang kaliwang mata!

Pinagmasdan ko lang ang kaniyang pagtawid papunta sa kabilang kalsada. Buti na lang marunong siyang tumawid kasi kung hindi baka tulungan ko siyang tumawid...sa buhay ko.

"Hoy gagu ka! Ano na? Siksikan na sa MRT niyan!" sabi ni erick sa akin sabay batok.

••

MRT LINE 3 - TAFT AVENUE STATION, kung saan medyo maayos kang makakapasok pero kapag napastop na sa ibang station, mapapadasal ka na lang ng sampung ama namin, sampung aba ginoong maria, at sampung luwalhati sa sobrang gitgitan at tulakan, lalo na sa side ng mga lalaki, de pota! Parang ipaparanas sa'yo ang ilang minuto sa impyerno!

"Tangina tol! Para bang my heart went dug dug dug dug dug!" pagkukuwento ko kay erick, habang nakatayo at nakahawak sa railings dito sa loob ng mrt at pilit binabalanse ang katawan sa mga naggigitgitan na pasahero rin.

"Wow lance, love at first sight yata kuwento mo, ah?"

"Anong love at first sight? Ilang beses ko na siya nakikita, nakaka seven hundred fifty pesos na nga ako sa kaniya, eh!"

"Tangina lance, naiinlove ka na, kumikita ka pa, ah!"

"Gagu, anong akala mo sa akin? pineperahan ko 'yong tao? Hindi ako gano'n klase ng tao, ah! Medyo lang hahaha!"

"Mukhang mayaman 'yon, sigurado ka ba ro'n? wala kang pang date do'n! Nagbabalak ka kumuha ng motor 'di ba?"

"Oo nga noh...atsaka mayaman ba 'yon? may mga taong nagmumukha lang mayaman kahit hindi naman, eh? Nadadaan sa pananamit at pag-aayos ng sarili, gano'n!"

"Ay nako, bahala ka r'yan, pero sabihin mo sa akin kung kailan ka kukuha ng motor ha? Sabay tayo!"

"Ikaw na maunang kumuha tapos angkas na lang ako sa'yo."

"Tangina ano kita, syota?"

"Gagu para makatipid ako! kingina nito, sa tingin mo papatulan kita? Tignan mo nga itsura mo! Mukha kang stick!"

"Payat ako pero hindi ako stick, bakit nakita mo na bang ipinantusok ako sa barbeque?" katwiran niya na tinawanan ko ng matindi.

"Pota, may point ka ro'n ah! Sorna!"

Isa sa mga balak ko ay ang kumuha muna ng motor kasi pagod na ako palagi makipagsiksikan, dati sa buhay ng ibang tao tapos sa jeep, ngayon naman sa MRT na!

Pagkauwi ko sa bahay, diretso ako sa kuwarto upang magpalit. Bumaba ako sa hapagkainan bitbit ang laptop ko at ipinatong ito sa mesa. Ibinuklat ko ang laptop at binuksan ang wifi namin na naka connect sa kapitbahay. Binuksan ko ang aking F* at nagtype sa search bar;

Daniel Elizabeth Valdez

At nahanap ko naman pagkatapos ng ilang tingin sa iba niyang kapangalan, inistalk ko kaso halos walang picture at post...o baka nakaprivate lang?

"Pambihira gumawa pa ng f* 'to kung hindi rin naman pala gagalawin!"

Nakita ko sa may about niya na may t*****r siya, kaso wala naman akong t*****r kasi feeling ko mga opinionated na tao lang nandoon, eh, trashtalker pa naman ako...pero dahil sa kaniya napilitan ako gumawa! De pota...the things you do for stalking! Pagkagawa ko, hinanap ko kaagad 'yong t*****r account niya at tamang stalk lang sa timeline niya...buti na lang naka-public!

D.E Valdez

followed

@ danelizabetth : work day is stress day

@ danelizabetth : songs hit different :)

@ danelizabetth : coffee and work...

Kapag ba nagpapansin ako sa kaniya rito, mapapansin niya kaya ako? Try ko nga...makapal naman mukha ko, eh!

@ lansebaskun : @ danelizabetth Hi po! :)

Pota, kapag ito nagreply liligawan ko na siya agad!

"HAHAHAHAHAHA!" pagtawa ko ng malakas mag-isa dahil sa ginawa kong pagpapansin na hindi ko masyadong pinag-isipan.

"Nababaliw ka na ba, tito? tumatawa ka r'yan mag-isa." sabi ng pamangkin kong dito muna makikitira dahil nag-aaral ng kolehiyo, si Esperanza.

"Puwede ba pakialaman mo buhay mo, huwag buhay ko."

"Ayoko lang magkaroon ng isang baliw na tito, okay?"

"Anong baliw, ha? Sinong baliw?"

"Tinanong mo pa, e di ikaw!"

Lumapit ako sa kaniya at ni-neck lock siya. Sanay na 'to si Esperanza sa mala-WWE na technique namin kasi no'ng bata palang siya ay dito siya pinapa-iwan ng magulang niya tuwing bakasyon at siya palagi ang pinagpapraktisan namin ng panganay kong kuya sa WWE. Tapos ayon, natuto na siya ng self-defense. Para na namin siyang bunsong kapatid kaya ngayon, may bago na kaming taga hugas ng pinggan dito sa bahay, naka-graduate na rin ako sa hugasan!

"Akala mo hindi ako lalaban sa'yo!" bigla niya akong ginamitan ng arm lock.

Pota, gumagaling na 'tong babaeng 'to, ah?

"Awat na! Awat na! Ayoko na!" sigaw ko.

Binitawan niya ako at pinagkukutusan ko siya ng limang beses sunod-sunod pero syempre gumanti siya ng suntok sa braso ko. Tangina, ang bigat ng kamay niya! Nasaktan ako sa suntok niya, eh!

Bumalik ako sa pagkakaupo at tinignan ang laptop, nakakuha ako ng notification mula sa kaniya.

"Ay pota, nagreply...Hahahaha!" bulyaw ko sa tuwa.

"Sino?"

"Wala ka ng pake rito esperanza, mag-aral ka na nga ro'n sa kuwarto mo!"

"Tsss may bago kang crush, noh? Nako po! ipagdarasal ko na hindi siya magkagusto sa'yo!"

"Hoy esperanza umayos ka, ha! Kapag ito hindi nagkagusto sa akin, hindi na kita ililibre sa jollibee tuwing sahod ko!"

"Lord sana po magkagusto 'yong crush niya sa kaniya..." pagdarasal ni esperanza.

"Ayan dapat, ganiyan dapat! Support your tito, kaya very good pamangkin ka, eh, love-love ka ni tito mo sebastian hahahaha!"

"Love raw tsss...'yong jollibee lang habol ko sa'yo, noh!"

"Mana ka rin sa akin ano, umalis ka na nga rito! kitang busy ako sa pausbong kong love life, eh!" umalis naman si esperanza pero nag behlat muna siya sa akin.

@ danelizabetth : ????

Luh, bakit gano'n? Question mark lang naman nireply niya pero parang gago akong nakangiti rito ngayon!

@ lansebaskun : sorry wrong mention, pero single ka ba?

Huwag na tayo magpaligoy-ligoy! Diretsahan na! Pota, para walang asahan na mangyayari! Alamin agad dapat ang estado ng buhay pag-ibig ni crush!

@ danelizabetth : yes...

@ lansebaskun : Ang buhay ay parang bato, its hard!

"Pota lance sebastian, ano 'yon? ang buhay ay parang bato, its hard? ano 'yon? pambihira! Anong banat 'yon? Hangal!"

Ang tagal ko na rin kasi hindi nanliligaw, hindi ko na tuloy alam paano lumandi! Paturo kaya ako kay jaq? ano ba ginawa no'n para makuha si xowie? Sabagay, madali lang naman ma-fall si xowie, problema lang sa babaeng 'yon ay mayaman na maarte! Major hard pass!

@ danelizabetth : yes, it does :)

@ lansebaskun : kapag ba nagkamali ang baboy dapat na ba siyang turuan ng letchon? HAHAHA!

@ danelizabetth : I guess? lol

@ lansebaskun : minumura mo ba ako? anyway crush kita ah!

@ danelizabetth : u have a crush on me?

@ lansebaskun : yes! idk how to flirt, so I'll just keep joking until you fall in love with me HAHAHAHA!

@ lansebaskun : kitakits sa may park ulit? sana bilhan mo na rin ako ng starbucks coffee hahahaha!

@ lansebaskun : joke lang yon ha!

@ danelizabetth : okay :) sing me a song when we meet again.

Pota, g****e! How to sleep when napansin ka ng crush mo? posible bang makatulog ng mapayapa no'n?

Sinubukan ko mag tweet upang makita niya na nagpapapansin talaga ako sa kaniya! Sanay kasi ako sa f* mag post kaya medyo naninibago pa ako sa asul na app na 'to.

Boss Jimenez @ lansebaskun

Malay mo, tayo sa dulo. Malakas ako sa Diyos! tiwala ka lang hahaha!

D.E Valdez liked your tweet

D.E Valdez followed you

••

TBC.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XIII

    Ibong malaya••"Nakita mo 'yong bago ni sebastian, ligaya?" wika ni ricky na medyo may amats at bumili ng ihaw pang pulutan nila."Nakita ko...maganda."Tumawa siya ng malakas na wari'y nang-aasar sa akin kaya tinignan ko lang siya ng masama hanggang sa tumigil siya."Huwag mong sabihin na may gusto ka pa rin kay sebastian? Hahahaha!"Hindi ako naimik sa sinabi niyang iyon at nag-ihaw na lamang."May gusto ka pa rin do'n sa kumag na 'yon? Gagu hahahahaha!"Napangiwi lang ako sakaniya."Bilang magkaibigan tayo ligs, pawang katotohanan ito, ah? Tigilan mo na 'yan pagtingin mo kay sebastian. Hindi 'yon bumabalik sa mga ex no'n! Kilala ko 'yon! Una, ikaw. Sumunod 'yong chixx na dayo sa kabilang kalsada, m.u yata sila no'n? Hindi nagtagal kasi ldr! Iyong pinakilala niya syota niya no'ng college! Ligwak, hindi nagtagal! Unawain mo lahat ng mga 'yon, ni-isa sa mga iyon hindi niya tinangkang balikan!"Bakit ba kinukwento nito sa akin ang mga 'yon? Atsaka nagkaroon ng summer fling si sebastia

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XII

    Sipag ngunit walang nilaga••Nagpatuloy ang araw na parang nagmamarathon sa bilis. Nahalata na rin siguro nila mama at papa na wala na kami ni sebastian no'ng hindi na ako lumalabas ng bahay bukod sa magtitinda ako, hindi na rin ako sumisilip sa bintana kapag naririnig ko ang boses ni sebastian sa labas, at hindi na rin babad ang mata ko sa aking cellphone sa kakatext. Iyong mga gawain ko dati ay hindi ko na ginagawa ngayon...at alam kong napapansin iyon ng magulang ko pero hindi nila magawang magtanong.At dahil summer...at kapitbahay ko lang naman siya...hindi ko siya kayang iwasan. Na sa tuwing nagtitinda ako ng ihaw ay nandoon siya at nagpapapampam na para bang wala lang nangyari sa amin. Parang normal lang siya. Nang-aasar at nagpapaasa...walang palya. Hindi man lang nagbago. Hindi man lang makaramdam. Wala naman akong magawa dahil mas namumuo ang damdamin ko kaysa gumagana kong utak. Ilang taon ko siyang mahal...hindi naman siguro gano'n kabilis na mawala iyon kagaya sakaniya.

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XI

    Paglipas ng araw ay ikaw rin••"Okay lang ba talaga kayo, pa?" tanong ko no'ng kaming dalawa lang ni papa sa may sala nanonood ng tv."Oo naman, ate. Huwag ka mag-alala. Kailan ba ulit graduation mo?""March twenty nine ho. Last week ng March.""Okay lang ba kahit spaghetti handa mo? Magluluto si mama mo ng spaghetti?""Nako pa! Huwag na kayo mag-abala! Pambili niyo na lang 'yon ng gamot niyo! Tignan mo ho ang payat mo na!" may pag-aalala na bakas sa tono at tingin ko sakaniya.Tumawa lang siya sa pag-aalala kong iyon at no'ng matauhan na nag-aalala pa rin ako ay tumigil na siya sa pagtawa at ngumiti na lamang habang dahan dahan na hinahaplos ang ulo ko."Gutom ka na ba? May prinito na yata r'yan si mama mo na itlog."Hindi na lang ako nagsalita at sinamahan na lang siya manood. Kung ayaw niya sabihin sa akin ang totoo ay irerespeto ko iyon."Okay ka lang ba?" tanong ni sebastian no'ng makasabay ko siya sa canteen.Nakapila kami ngayon sa may bilihan ng soup, lilibre niya raw ako ng

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek X

    Kasabay ng ihip ng hangin••Sinigaw pa ni sebastian ang pangalan ko sa labas. Marahil aalis na sila upang tunguin ang venue sa JS Prom na roon pa rin naman kagaya last year.Sinilip ko lamang ang kumakaway na si sebastian. Kumaway naman ako pabalik. Iyong porma niya ngayon ay sigurado akong last year din pero hindi naman iyon halata dahil ang damit ng lalaki ay hindi big deal sa ganitong okasyon...mga babae minsan ang bida sa gano'n dahil ang babae ang pinaka nag-aayos. Nakakainggit...e di sana magkasabay kaming papasok doon sa venue na parang couple of the night.Patuloy lang ang pagsulyap ko sa masaya niyang mukha habang papalayo sa aking tingin. Kainis! Nang-iinggit pa yata ang kumag!Buong gabi ako nag-aabang ng text mula kay sebastian...pero para bang kinalimutan ako ng siraulong 'yon! Kung anong ganap? Sino nakakatuwa ang itsura? Sino una niyang sinayaw at huling sinayaw? May nasiraan ba ng heels sa mga girls? Sino nanalong Prom Queen at King? Lahat ng 'yon ay wala siyang binal

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek IX

    Pebrero ko'y iyo pa rin••"Okay sige, magseseryoso na 'ko. Promise! Peksman! Kain susi! Mamatay man angkan ko!" panata niya sa harapan ko.Naglalakad kami pauwi. Sinundan niya ako dahil hindi ko siya pinansin kanina sa school. Hinayaan ko lang siya tumabi sa akin at magdaldal mag-isa...kahit na mahirap para sa akin na hindi agad siya pansinin at kausapin pero kailangan...para malaman naman niya na seryoso ako."Turuan mo ako! Makikinig ako sa'yo! Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin!" aniya."Ilang buwan na lang graduation na sebastian...kulang ka na sa oras.""Hindi naman nagmamadali ang mundo para sa pagbabago, ah? Tanggap ko na 'yong grades ko gano'n pero at least sa 4th grading exam may chance ako makakuha ng mataas 'di ba? Tapos tataas marka ko sa grade. Kung tutuusin katanggap tanggap pa rin naman 'yong grado ko, eh. Sabi ni kuya steven hindi naman daw sa grades nakukuha ang pagyaman kundi sa diskarte sa buhay.""Tsss, sinasabi lang 'yan ng mahihirap na hindi nag-aral n

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek VIII

    Babagsak ang Damdamin••Syempre, hindi naman nagtagal ang inis ko sakaniya no'n. Kaunting lambing lang niya ay bumibigay na agad ako. Bumawi naman siya no'n kinagabihan, hinarana niya muli ako sa may tambak. At parang automatic na after no'n ay magkakatitigan hanggang may kung anong tensyon kaming mararamdaman sa isa't isa dahilan ng pagdampi ng aming mga labi sa isa't isa. Kaya lang ang pangalawang beses na ito ay kakaiba sa pakiramdam. Mas matagal kaysa una. Mas malambing, mas sabik, mas alam na ang gagawin...ang galaw ng mga labi. Ang haplos sa braso. Sa pangalawang beses na iyon pareho na kaming hindi na nangangapa sa nangyayari. Hindi na kami gano'n ka inosente.Kaso pagdating ng bagong taon ang siya naman minalas ng pamilya ko. Si papa naaksidente at napilayan ang paa dahilan upang tumigil sa pagtatrabaho. Si mama naman ang kumayod sa pamilya, labandera paminsan minsan sa umaga, tindera sa hapon ng ihaw ihaw. Gusto ko man tumulong ngunit sabi nila ay mag-aral na lamang akong ma

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status