Share

Chapter 1

Alana Amoire's Point of View

"Kailan natin sasabihin sa kanya, Azva?" I heard Kyla said.

Habang pinapakinggan sila ay nakatago ako sa isang madilim na parte na kung saan ay hindi nila napapansin na mayroong silang ibang kasama. Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na huwag silang agad sugurin dahil ayaw kong ibaba ang dignidad ko para lang sa mga nalaman ko. Kahit masakit ay pinilit ko lang na makinig at manahimik. Iniisip ko na sana hindi totoo ang lahat at hindi ang lalaking pinakamamahal ko ang ama.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Natatakot ako na baka sa oras malaman niya ay iyon ang maging dahilan ng sobrang pasakit sa kanya. Ayaw kong masaktan ng sobra si Alana. Kaya kung pwede lang ay itago muna natin." Azvameth answered.

Gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. Walang tunog na lang akong napaiyak dahil sa sobrang sakit. Ang pinakahuling pinanghahawakan ko ay biglang nawala. Akala ko ay ipagkakaila niya ang naging pagkakamali niya pero malaking katangahan pala na maniwala.

"Akala mo ba ikaw lang ang natatakot dito, Azva? Alam mo na sobrang importante din ni Alana sa akin. Ayaw kong niloloko siya!" Kyla fired back.

Kung sa ibang pagkakataon siguro na sabihin nila ang salitang importante ay sobrang magiging masaya ako. Pero sa ngayon parang isang lason yon na pilit na nilalason ang buong pagkatao ko. Nakakatawa lang na sinasabi nila na ayaw nila akong masaktan pero ano itong ginagawa nila ngayon?

I thought I could build a better life with them, especially with him. However, I was wrong, I was so wrong! Instead of me being with the picture, he chose to do it with her. They chose to kick me out of the picture.

"Just fucking trust me, Kyla! Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya! Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin!" He frustratedly shouted.

I silently laughed in a sarcastic way. Ano sa tingin nila ang gagawin ko? Nagpapanggap lang na para bang hindi ko narinig ang lahat?

"Hanggang kailan pa ang pagtatagong ito, Azva! Habang pinapatagal natin ay mas lalong nadadagdagan ang mga kasalanan natin sa kanya! Sobra na ang guilt na nararamdaman ko." Humihikbing tugon ni Kyla.

I suddenly closed my eyes and rested my head in my arms. Sobrang nakakapagod na ang mga naririnig ko ngayon. Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa dibdib ko.

Ganoon lang ang naging aksyon ko hanggang sa naglakas-loob na akong tumayo. Sabay na napatingin sa gawi ko at sabay ding nanlaki ang mga mata nila.

"Alana," Sabay na pagtawag nila sa pangalan ko.

Mapait akong napangiti na lang habang unti-unting naglakad papunta sa gawi nila."Anong pakiramdam na lokohin ako? Masaya ba?" I furiously looked at Kyla, nakayuko na siya habang umiiyak. Ganoon din si Azvameth na tulalang nakatingin sa akin, bakas din ang pangamba sa mga mata niya. "Ginawa niyo akong tanga! Dalawa kayo!"

"Alana, l-let u-us explain." Nauutal na sabi ni Azvameth.

Akmang lalapitan niya sana ako pero galit ko siya dinuro gamit ang isang daliri ko. "Don't fucking come near me! Nandidiri ako sa inyo dalawa!" Hindi ko alam kung kailan umagos ang mga luha ko. Masakit na parang akong pinapatay sa oras na ito. Tumingin ako kay Kyla. "Masarap ba ang boyfriend ko? Masarap ba! At talagang nagpabuntis ka pa! Hindi ka lang malandi, ahas ka pa! Saan ka nakakuha ng kapal ng mukha para mang-agaw ng hindi naman sa iyo!" Galit kong sigaw.

"Calm down, Alana." Azva tried to hold me again but I refused for the second time. Nakita ko na nasaktan siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Kulang pa iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Fuck your calm dow! Fuck you! Pagkatapos ng mga nalaman ko? Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Maging masaya kasi niloko ninyo akong mga manloloko kayo? Hindi ako santo para hindi magalit sa inyo!" I furiously fired back.

"Hindi namin sinasadya, Alana. Hindi namin ginustong saktan at lokohin ka." Singit na wika ni Kyla.

I looked at her again and sarcastically laughed. "Oh come on, girl! Hindi sinasadya pero bakit buntis ka ngayon? Ano iyon hindi mo din sinasadyang magpakamot ng kati? Nakakatawa ka!"

"That's enough, Alana!" Galit na sigaw ni Azvameth. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. His expression suddenly changed when he saw me crying. "She's pregnant. Bawal ang stress sa kanya." He added softly.

I deeply sighed. Sa tingin ko alam ko na kung ito patutungo at mas mabuting tapusin ko na ang dapat tapusin. Too much pain, too much stress, and too much tears. Ayoko na!

"Well, congratulations to the both of you. "I said and smiled bitterly. "Maging masaya sana kayo sa buhay niyo. Pareho ko kayong minahal at pinahalagahan sa paraang alam ko. Alam ko binigay ko ang lahat-lahat at akala ko sapat na iyon para hindi ninyo ako saktan.Sabi nga nila, don't expect the unexpected dahil sa bandang huli ikaw lang din ang masasaktan. I guess, tama nga sila."

"No! No! Don't talk like that! Let's fix this, Alana!" Azva said.

I shook my head. "Wala ng kailangan pang ayusin, Azva." Ani ko

"IT HURTS, Gunner. " I said while crying in my brother's arm. " Ano bang ginawa ko?"

He hugged me. "You're perfect."

Patuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa magmadaling araw. Pareho kaming tumayo ni Gunner at tumuloy sa parking lot. Kahit lasing na ako ay kaya ko pa namang magdrive. We seperated when we got in the parking lot.

"Be careful. "Gunner warned.

I just nodded, tumuloy ako sa loob at sinimulan ng paandarin ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hininto ko muna saglit ang sasakyan at baka dahil naaksidente pa ako.

I opened the message at halos lagutan ako ng hininga dahil sa labis na sakit.

From Azva,

I'm sorry for the pain that i caused you. I know that hindi ko na mababawi pa ang kasalanan ko. Pero, believe me, I regret that. Ikaw lang ang gusto kong mahalin. Pero wala na akong magagawa, nalaman na din ng Supreme Org. They set up a wedding for the both of us. Hiniling ko na sana ikaw nalang iyon. Pero tadhana na siguro ang gumawa. Akala ko ikaw ang ihaharap ko sa altar pero hindi pala. It's hurt so much right now. Please do me last favor before akong itali. Let's meet up for the last time, i want to be with you for the last time. Aasahan kita.

I bit my lower lip and cried harder. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa nalaman ko pero mas masakit pala ito. Paulit-ulit nila akong pinapatay ngayon.

Pero mas masakit ang hiniling niya. Bakit ba ginawa nila sa akin ito? Bakit nila akong parehong trinaydor.Iniisip ko ang mga sandali na nakasama ko siya. Sa limang taon na minahal at nakasama ko siya. Pero ganito lang pala ang kahihinatnan.

"Why did you choose to hurt me, Azva! Ano bang ginawa ko sa inyo para gawin ninyo sa akin ang lahat ng ito?!"

•All Rights Reserved 2022-2023

©Hanamitchiunnie

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status