Share

Chapter 37

Third Person's Point of View

"Ang kinikilala mong ama ngayon ay hindi mo tunay na ama." Seryosong wika ng ina ni Alana. "Habang ang totoo mo namang mga magulang ay matagal ng wala sa mundong ito."

Halos lahat ay napasinghap sa mga sinabi ng ginang. Kahit si Alana ay gulat na gulat din sa mga nalaman. Habang si Azvameth naman ay tila natuod sa kanyang kinatatayuan.

"Mommy, what are you talking about?" Pabulong na tanong ni Alana.

Her mother smiled at her weakly. "I'm trying to correct my mistakes, sweety." Sagot nito. Muling lumingon ang ginang kay Azva. Hilam itong ngumiti at unti-unting pumatak ang mga luha. "Ayos lang kung kamuhian mo ako sa malalaman mo. Kahit papaano ay mababawasan ang bigat sa dibdib ko."

"E-explain!" Mariing wika ni Azva.

Malalim na huminga ang ginang bago muling nagsalita. "Matagal ng may gusto ang asawa ko sa nanay mo, Azva " panimula nito. "Pero kahit anong gawin ni Ali ay hindi siya magawang mahalin ni Ynna, bagkus ay mahal nito ang iyong ama na si Axe
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status