Share

Teaser

Teaser (2023)

"Choose, Alana! Be my son's mother or I will kill you!" Banta niyang wika habang mariin nakatingin sakin na para bang isang maling sagot ko ay maaari niyang iputok ang baril na hawak niya.

Instead of answering him, I chose to shut my mouth. Sa dinami-dami ng mga nangyari sa buhay ko kahit kamatayan ay hindi na ako natatakot. Wala ng puwang sa puso ko ang salitang takot dahil lahat iyon tuluyan ng nabura noong panahong lahat sila ay piniling saktan ako.

"I said choose!" He shouted. "Be my son's mother or I will kill you? Huwag mong hintayin na mapuno ako! Alam mo kung paano ako magalit!" he added.

Sarkastikong natawa na lang ako habang naiiling na tumingin sa kanya. "Hindi ko alam na ganoon pa din pala ang ugali mo mula noon hanggang ngayon. Arogante at panay sarili lang ang iniisip. Nagtataka ako kung bakit ba nagmahal ako ng kagaya mo. Masyado yata akong tanga tumingin noon." Parang nandidiring ani ko.

Kung patigasan lang din naman ang usapan hindi lang siya ang magaling doon. Hindi na ako katulad noon na basta-basta na lang aatras at matatakot. Iba na ang pagkatao ko ngayon at isa na din ay ang maging matapang.

"Bakit sino ka ba?!" I furiously shouted, matalim akong tumingin sa kanya. "Sino ka para papiliin ako! Sino ka para utusan ako! Hindi mo ako alipin para utusan mo! Sige! Pinipili ko na patayin mo na ako! Gawin mo na at iputok mo na yang baril mong hawak para matapos na itong lintik na usapan na 'to!"

His expression suddenly changed. Walang pagdadalawang-isip niyang ibinaba ang baril. "Don't fucking say that! You know that I can't do that! Galit ka lang kaya mo yan nasasabi." Nanghihinang tugon niya.

I sarcastically look at him. "Galit? Talaga ba Azva? Hindi galit lang ang nararamdaman ko! Kundi galit at poot! Sino ka para bumalik sa buhay ko? Sino ka para papiliin ako sa isang walang kwentang desisyon ! Matapos mong mang-iwan, sino ka para bumalik na para bang maayos ang lahat! Ang kapal ng mukha mo!"

He nervously shakes his head and tries to hold my hands. Kahit nakaposas ang isang kamay ko ay pinilit kong iwaksi ang kamay niya. "Don't fucking touch me! Huwag kang lumapit sa aking demonyo ka!"

Hindi niya ako pinakinggan bagkus ay sapilitan niyang hinawakan ang isang kamay ko at mariing hinalikan yon. Nang dahil na din siguro sa panghihina ay hindi ko na iwasan ang paghawak niya.

"Please, bumalik kana sa akin. I can't live without you anymore, seven fucking years is already enough. Hindi ko na kaya na hindi kita kasama pa, kaya kung pwede ayusin natin 'to. Nakikiusap ako." He pleaded.

Hindi ko inaasahan ang pagtulo ng mga luha ko."Nagmakaawa ako sayo noon na piliin mo ako! Pero anong ginawa mo? You just ignored me and pushed me away! Halos ibinaba ko ang dignidad ko noong mga panahong iyon, Azva! Kaya huwag mo akong sumbatan na para bang ako pa ang may kasalanan sating dalawa. Tandaan mo, hindi ako nang-iwan kundi ikaw! Kaya naman noong gabing tinapos mo ang lahat, iyon na din ang simula na pinili kong mabuhay na wala ka sa buhay ko."

•All Rights Reserved 2022-2023

©Hanamitchiunnie

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status