Share

Chapter 2

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2023-07-01 15:29:45

Madaling araw na ngunit dilat pa rin ang mga mata niya. Hindi pa rin siya dalawin ng antok punong- puno kase ng mga bagay- bagay ang utak niya lalo na nang ipaalam ng kanyang ina kani- kanina lang na bukas na ang nakatakdang kasal nila ni Axe Finn. Hindi niya na ganun pala kaseryoso ang mga ito sa bagay na iyon dahil ang akala niya ay tinakot lamang sila ng mga ito.

Isa pa ay panigurado naman niyang hindi matutuloy ang kasal na iyon dahil nasisiguro niyang tututol si Axe Finn doon dahil alam niya sa sarili na hinding- hindi nito gugustuhin ang magpakasal sa kanya o  ni magustuhan man lang siya.

Sa mga salitang binitiwan nito sa kanya kanina ay ramdam na ramdam niya ang poot sa tono ng pananalita nito. Idagdag pa na inakusahan siya nito ng pagiging gold digger at ang pakay niya talaga ay ang mga kayamanan ng pamilya nito na pawang- wala namang katotohanan.

Alam niya naman na masama ang loob nito sa kanyang ina dahil nga naging second wife siya ng ama nito. Kung tutuusin ay wala naman talagang problema dahil matagal ng namayapa ang ina nito at isa pa ay ang tagal na niligawan ng Daddy nito ang kanyang ina. Noong una nga ay ayaw tanggapin ng kanyang ina ang atensiyon na ibinibigay ng Daddy nito lalo pa at kasalukuyan ito noong Vice Mayor ng kanilang lungsod.

Pero dahil nakikita niya na mukhang masaya naman ito ngunit itinatago lamang nito iyon dahil ayaw nitong may masabi siya dahil ang edad naman nila ay hindi na ganun kabata. Ayaw niyang maging hadlang sa kasiyahan ng kanyang ina kaya kinausap niya ito ng masinsinan at sinabi na okay lamang sa kanya na magkaroon itong muli ng bagong pag- ibig.

Nang dahil dito ay nag- pasya ang mga itong agad na magpakasal upang maging legal na din ang relasyon nilang dalawa.

Alam niya na noon pa lamang ay hindi na maganda ang timpla ni Axe Finn sa kanilang mag- ina. Hindi nito matanggap na muling nag- asawa ang Daddy nito, idagdag pa na narinig niyang minsan na nakikipagtalo ito sa Daddy niya dahil baka raw manggagamit lamang silang mag- ina at gusto lamang manghingi ng manghingi ng pera mula sa kanyang Daddy.

Narinig niya ang mga iyon ngunit pinili na lamang niya ang wag sabihin sa kanyang ina dahil alam niya na masasaktan ito, lalo pa at wala naman itong intensiyon na katulad ng sinasabi ni Axe Finn.

Isa pa ay nang matapos ang kasal ay sinabi niya din sa kanyang ina na maiiwan na lamang siya sa luma nilang bahay ngunit hindi pumayag ang kanyang ina dahil wala daw titingin at mag- aasikaso sa kanya. Naiintindihan niya naman ito dahil nga nag- iisa lamang siyang anak at simula bata siya ay alagang- alaga siya ng kanyang ina dahil maaga nga siyang naulila ng kanyang ama.

Kaya alam niya na una pa lamang ay hindi na talaga sila tanggap nito. Hindi niya lang talaga napigilan din ang kanyang sarili na magkaroon ng gusto dito dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Bagaman hindi siya nito kinakausap ay hindi naging hadlang iyon upang magkaroon siya ng nararamdaman dito.

Sa labis na pag- iisip ay hindi na niya namalayan pa na nakatulog na pala siya.

-------

Sikat ng araw ang gumising kay Jazz nang umagang iyon. Nasilaw siya sa sinag nito at sa hapdi na dulot nito kaya mabilis siyang nagising at mabilis din kumilos ang mga kamay niya upang takpan ang nakakasilaw na liwanag na tumatama sa kanyang mga mata.

Kinusot- kusot niya ang kanyang mga mata at napahikab pa. Halos katutulog lang niya tapos umaga na pala?

"Bumangon kana d'yan dahil kanina ka pa nila inaantay sa baba." Seryoso at walang ngiti sa labing saad ng kanyang ina nang humarap ito sa kanya. Ito pala ang naghawi ng kurtina upang magising siya. Akala niya ay naiwanan niyang bukas ang kanyang bintana ngunit sa isip- isip niya ay hindi pa naman iyon nangyari na naiwan niyang bukas ang kanyang bintana.

Takot kase siya na baka may pumasok doon at akyatin siya tapos ay magnakaw at higit sa lahat ay ang i- rape siya. Iyon ang labis na kinatatakutan niya kaya lagi siyang nag- iingat.

"Ito ang isuot mo at bilisan mo ang kumilos, nakakahiya sa Tito mo kanina pa sila nakabihis." Sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kanyang silid.

Naiwan siyang tulala doon. Akala niya ang panaginip lang ang lahat ngunit totoo pala. Kung pwede lang siyang maglaho nalang sana sa oras na iyon ay hihilingin nalang niyang maglaho.

Napatingin siya sa kulay kahel na dress na nakapatong sa baba ng kanyang kama. Marahil ito ang dala ng kanyang ina kaya ito nagpunta doon. Sa tabi nito ay ang isang kulay puting kahon na kahit hindi pa man niya nakikita kung ano iyon ay nasisiguro na niyang sapatos iyon.

Napabuga siya ng hangin. Ano kayang pumasok sa mga utak ng mga ito bakit nila sineryoso ang bagay na iyon?

Napalingon siya sa kanyang bintana at napaisip. Kung tumalon na lang kaya siya doon upang hindi matuloy ang kasal na iyon?

Ngunit napailing na lang siya sa kanyang naisip. Kung nababaliw na siya ay baka gawin niya iyon. Isa pa ay bata pa sila pareho baka isang pekeng kasal lamang ang mangyari sa araw na iyon.

Mabigat ang katawan niyang bumangon na ng tuluyan mula sa kanyang pagkakahiga at  dumiretso na agad sa kanyang banyo upang maligo. Hindi na siya nag- aksaya pa ng kahit kaunting oras manlang dahil nakakahiya sa kanyang Tito.

Pagkatapos niyang maligo ay mabilis siyang nagbihis. Naglagay lamang siya ng light make - up para naman gumanda siya kahit kaunti man lang. Dahil nga kulot ang kanyang buhok ay ginamitan na lamang niya ng hair dryer upang mabilis na matuyo ay tyaka niya pinusod ng isa lang at pagkatapos ay tinirintas niya ng isa. Nang makuntento siya sa kanyang ayos ay bumaba na siya.

Pagkababa niya ay naabutan njyang nakaupo silang tatlo doon,  ang kanyang Tito ang unang nakapansin sa kanya at pagkatapos ay tumayo ito at nginitian siya.

Ang kanyang mga mata ng oras na iyon ay nakapako kay Axe Finn ngunit kahit pa tumayo na ito ay hindi man lang siya nito tinapunan ng kanyang isang sulyap man lang.

Hindi na lamang niya iyon pinansin at sumunod na sa kanyang ina dahil nauna na ang mga itong maglakad palabas. Walang kumikibo kahit isa sa kanila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Epilogue

    Masakit ang ulo niyang napabangon. Sobrang sakit ng ulo niya ng mga oras na iyon. Bumaba na siya sa kaniyang kama at pagkatapos ay pumunta sa banyo at doon ay naglabas siya ng sama ng loob. Pagkatapos ng ilang sandali ay naghilamos na siya dahil nailabas na niya ang lahat ng kaniyang nainom kagabi.Kailangan niya ng mainit na kape para kahit papano ay mabawasan man lang ang sama ng pakiramdam niya.Nang makahilamos nga siya ay kaagad na nga siyang nagbihis at bumaba na sa baba.Naabutan niya doon si Eunice na may kausap na babae sa sala. Nang marinig nga nito ang kaniyang mga yabag ay napatingala ito."O gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi nito pagkatapos ay tumayo at kaagad siyang hinila na doon sa harap ng babaeng kausap nito.Nakita niya ang mga invitation na nasa ibabaw ng lamesa. "Nasukatan na kami, ikaw na lang ang hindi nasukatan. Kailangan mo ng masukatan ngayon dahil ira- rush nila ang sayo. Bukas na ang kasal." Masayang sambit nito sa kaniy

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 96

    Hapon na ng mga oras na iyon at nag- uumpisa na ang sayawan. Kanina kase ay puro kainan lamang at puro kwentuhan. Well, siya wala naman siyang kakwentuhan doon kundi si Vin lang. Wala daw kase si Aya ng araw na iyon dahil may date daw ito.Napa- sana all na lamang siya ng mga oras na iyon dahil ang mga nakikita niya ay mga love- birds.Sina Axe Finn at Eunice ay nagsimula ng magsayaw at sila ang star ng dance floor ng mga oras na iyon. Ang mga mata ng bawat indibidwal na naroon ay nasa kanila lamang.Pumailanglang ang sweet na music at halos magdikit na ang mga katawan ng mga ito na halos wala ng maski hangin ang makadaan sa pagitan nilang dalawa.Kitang- kita niya kung paano magngitian at maghagikgikan ang mga ito.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at napatingala sa langit. Bakit ganuon? Ang lupit ng tadhana sa kaniya. Hindi man lang siya nakaramdam ng saya sa buong buhay niya puro na lang sakit ang nararamdaman niya.Ito ba talaga ang nakatadhana sa kaniya? Ang masaktan na lang n

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 95

    Nagising si Jazz dahil sa mahinang tapik sa kaniyang pisngi. Namulatan niya si Eunice na nakangiti sa kaniya."Nandito na tayo." Malawak ang ngiting sabi nito at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Napahikab siya at pagkatapos ay napainat ng kaniyang katawan. Antok na antok pa siya. Parang matutulog niya lang at pagkatapos ngayon ay ginigising na siya.Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Pagbaba niya ng sasakyan ay halos matigil siya sa kaniyang paghakbang pababa ng sasakyan dahil sa tagpong nakita niya.Magkayakap si Eunice at...Axe Finn?Tila ilang daan kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Parang ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita. Dinadaya pa siya ng kaniyang mga mata?Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung totoo nga ba ang lahat ng iyon at nang magmulat niya siya ay iyon pa rin ang nakikita niya. Magkayakap ang mga ito at pagkatapos ay may ilang kalalakihang nakahawak ng mga bulaklak at isa- isang bi

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 94

    Napilit nga siya nitong umuwi ng Pilipinas. Kinunsensiya pa nga siya nito bago siya nito napilit. Napapabuntung- hininga na lamang siya kapag naaalala niya ang pamimilit nito sa kaniya.Nasa eroplano na sila ng mga oras na iyon. Hindi pa nga pala niya nasabi sa kaniyang anak na uuwi siya ng Pilipinas. Gusto niyang sorpresahin ito.Muli siyang napabuntung hininga dahil rito. Akala niya ay nagbibiro lamang si Eunice sa sinasabi nito ngunit napatunayan niyang totoo nga pala ang sinasabi nito at hindi biro.Hindi niya naman kase inakalang seryoso ito at meron nga talaga itong boyfriend sa Pilipinas at nag- aya na sa kaniyang magpakasal.Unang- una ay lagi niya naman kasama ito at wala naman itong nakukwento sa kaniya. Paulit- ulit niya ring tinanong ito kung sigurado ba ito sa gagawin nitong desisyon dahil kapag naikasal na ito ay hindi na ito pwedeng mapawalang bisa pa. Wala naman itong ibang sagot sa kaniya kundi seryoso daw talaga siya at nagmamahalan daw sila ng kaniyang boyfriend ka

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 93

    Kasalukuyang nakahawak si Jazz ng lapis ng mga oras na iyon. Mayroon na naman silang fashion show kung saan ay mga gown naman ang kanilang irarampa. For sure ay magiging busy na naman siya ng sobra- sobra.Isang taon na ang lumipas simula nang makabalik siya sa Paris at napakalaki na ng ipinagbago ng negosyo niya. Nagkaroon na siya ng ilang branch at nakilala na talaga siya hindi lang sa Paris kundi pati na sa mga karatig na bansa.Sa isang taon na iyon ay napakarami ng nangyari. Si Eunice noon ay grabe ang paghingi sa kaniya ng tawad dahil sa ginawa ng Kuya nito sa kaniya. Hindi daw nito alam na may ganuon pala itong plano at isa pa ay hindi niya daw alam na nagpakamatay si Via dahil sa lalaki.Doon niya nalaman na ang babaeng tinutukoy noon ni Vince ay kapatid nila ni Eunice. Mas matanda daw ito kay Eunice at talaga daw na malapit ito sa kaniyang Kuya. Sobrang sweet daw nito at napaka- masiyahin kaya napakalaking tanong talaga noon sa kanila kung bakit ito nagpakamatay.Ngunit ganun

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 92

    Nang umagang iyon nga ay kausap niya si Vin sa kaniyang silid."Mama naman. Iiwan mo ako?" Punong- puno ng hinanakit na sabi nito. Kahit bata pa ito ay matanda na kung mag- isip ito dahil nga lumaki itong walang ama.Nang umagang iyon ay kaaakyat lang nito sa kaniyang silid at labis na nagtaka kung bakit daw may maleta doon at saan daw ba siya pupunta. Walang kaide- ideya ito sa kung saan siya pupunta.Gulong- gulo ito ng mga oras na iyon at hindi nito napigilan ang sariling mapaiyak.Wala na noon si Axe Finn at nakapasok na sa opisina. Plano niya talaga iyon na walang makaalam na aalis siya kundi siya lang at si Aya.Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito."Vin alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang shop ko doon diba?" Palusot niya rito.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang shop dahil doon nagsimulan ang lahat ng pangarap niya. Ibinuhos niya ang lahat doon para matupad iyon at maraming luha ang naging investment niya doon."Aya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status