Share

Chapter 92

Nang umagang iyon nga ay kausap niya si Vin sa kaniyang silid.

"Mama naman. Iiwan mo ako?" Punong- puno ng hinanakit na sabi nito.

Kahit bata pa ito ay matanda na kung mag- isip ito dahil nga lumaki itong walang ama.

Nang umagang iyon ay kaaakyat lang nito sa kaniyang silid at labis na nagtaka kung bakit daw may maleta doon at saan daw ba siya pupunta. Walang kaide- ideya ito sa kung saan siya pupunta.

Gulong- gulo ito ng mga oras na iyon at hindi nito napigilan ang sariling mapaiyak.

Wala na noon si Axe Finn at nakapasok na sa opisina. Plano niya talaga iyon na walang makaalam na aalis siya kundi siya lang at si Aya.

Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito.

"Vin alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang shop ko doon diba?" Palusot niya rito.

Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang shop dahil doon nagsimulan ang lahat ng pangarap niya. Ibinuhos niya ang lahat doon para matupad iyon at maraming luha ang naging investment niya doon.

"Aya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status