Home / All / BAGAC / Chapter 10

Share

Chapter 10

Author: ArLaSan
last update Last Updated: 2021-02-03 17:42:57

Katawa-tawa ang imaheng mayroon sa pagmumukha ng lahat nang magtagpo sa hapag para mag-almusal. Pawang tahimik.

Mga halatang puyat. May tila lihim na iringan. Mayroong may duda. Mayroong antok pa at may gutom na gutom tulad ni Emong at Kuya Bobby.

"Pagkatapos ng almusal, magready na kayo para maaga tayo makarating sa resort...," pagsusubok ni Marissa na buhayin ang mga dugo ng mga bisita.

Walang sumagot. Umikot ang mata ni Ian sa lahat na waring nagpapakiramdaman...

"Hoy!! Gising!!! Bilisan n'yo kumain nang makabyahe na tayo!," panggulat ni Ian sa lahat.

"Oo nga...sige..sige..bilisan natin...," napilitan kong suporta kay Ian kasabay ang palakpak na itinapat ko sa bawat nilang mukha.

Tinapik pa ni Ian sa balikat ng ibang lalaki para ipaalala ang usapan. Para ngang natauhan at muling nagkaroon ng kaunting ingay sa hapag.

Malamlam pa rin ang aura kahit pa nasa van na ang lahat. Wala na gaano nag-ayos tutal ay ligo naman ang pupuntahan at kami kami rin naman ang magkakasama. Pinagtataka ko lamang ay bakit pati ako ay tila iniisnab ni Jing-Jing kahit pa magkatabi kami.

Marami ang nagtangkang umidlip habang nasa byahe kami subalit ang byahe ay hindi man lamang nagtagal ng isang oras dahil malapit lang din pala ito.

"We're here!," masiglang paggising ni Pete sa lahat nang huminto na ang van sa tapat ng isang simpleng eskinita.

Bitbit ang kanya-kanyang backpack, halos lahat ng bumaba sa sasakyan ay matutunghayan na nag-unat at nagbanat-banat ng mga kalamnan at buto.

Kung sisiyasatin mo ang pook na kasalukuyan naming kinaroroonan, para bang kami'y nasa isang liblib na lugar. Kagubatan sa madaling salita.

Nagkalat ang mga natuyong dahon na inilaglag ng mga ihip ng hangin at ipinadpad sa malayang kalsada. Matatayog ang iba't ibang uri ng punong kahoy sa paligid. Walang ibang ingay na maririnig kundi huni ng mga ibon at kuliglig. Pumapaibabaw ang awit ng mga kuliglig.

Hindi naman gaano makitid ang eskinita papasok ngunit kahit sa magkabilang pader ng rutang aming tinatahak ay puno ng mga gumagapang na luntiang halaman.

Sa dulo nito ay isang arko na kahit pininturahan pa ng puti ay bakas na ang itinagong pangangalawang nito. Ni hindi namin mabasa ang nakaukit rito na ngalan. Paglampas namin rito ay ilang hilera pa ng mga punong kamagong at narra ang aming nilalampasan. Masasabi kong gumaganda at medyo umaaliwalas sa paningin ang aming nilalakad habang nagtatagal. At di ako nagkamali.

Pagtuntong namin sa pinakadulo ng daan, nakalatag ang isang paraiso: Isang bahagi ng batis na may mainit-init na tubig na mula raw sa bukal at swimming pool naman sa bandang itaas na sumusukat sa lalim na 4 hanggang 6 na talampakan.

Gumuhit ang mga ngiti sa mukha ng bawat isa bunga sa alok na iyon ng kalikasan sa amin. Pinagsama-sama namin sa isang cottage ang lahat ng aming gamit. Makasaglit lamang ay tinawag ni Ian ang pansin ko.

"Kuya Hardy, pumepresyo tayong kinse na tatlong libo lahat," pauna ni Ian. "Sabi ng caretaker, kung magbabayad raw tayo ng P4,000, hindi na sila magpapapasok ng ibang tao hanggang sa makaalis tayo...,"dagdag pa nito.

"No problem," sagot ko sabay kuha ng isang libo pa upang makumpleto ang bayad. Sadyang hindi ako makakatanggi sa magandang alok na iyon na masolo namin at resort at libre pa ang mga pagkaing luto ni Marissa.

Pagbalik ko sa aming mga kasama, waring nakatanghod sila sa hinihintay na hudyat. At hindi ko iyon pinatagal.

"Talon na!," sigaw ko na gumuhit ng maligayang mukha sa kanila na sinabayan ng sunod-sunod na paglundag ng mga lalake sa swimming pool.

Pinili naman ng mga babae na sa bandang gilid lamang ng pool magbabad.

Sa wakas, masaya na ulit ang kanilang mga aura at para muling mga paslit na nagwiwisikan ng tubig sa isa't isa.

Naroon na ang malapad kung ngiti habang nasa cottage at bantay ang mga gamit namin nang sumulpot na sina Marissa at Ian na may mga bitbit na kaldero at ilang malaking tupperware. Tatayo na sana ako upang makatulong sa paghakot nang masipat ko si Tatay Salde at Mang Hamin dala ang ilang huling isda, water jug at bilao. Kung alangan na ko kay Mang Hamin, mas hindi ko nagustuhan na may isa pa silang kasama.

"Ian, sino 'yang kasama nilang isa pa?," pasimple kong wika sa kanya nang makalapit siya sa akin.

"Si Mang Lindo raw...service nila dito na traysikel para madala lahat ng kakainin natin at kumpare raw ni Tatay Salde...,"

"Ah sige....,"

"Langoy ka na doon, Kuya...kami na bahala dito...," pagbubugaw sa akin ni Marissa na di ko tinutulan ngunit may konting hiya.

"Eh kayo?," pahabol kong tanong.

"Mamaya na po kami kapag nakakain na...," lagak muli ni Marissa.

"Oo nga pala, Marissa...salamat sa lahat ng pag-aasikaso mo sa amin ha...mga bata pa kasi kaya ganyan 'yang mga 'yan...pasensiya na ha,"

"Okey lang, Kuya Hardy...masaya rin ako kasi nasusulit n'yo pagbisita dito sa amin...," dagdag pa ni Marissa.

"Maiba ako," patuloy kong pang-aabala sa kanya habang inihahanda niya ang iiihaw na malaking tilapia. "Ano pala ang nangyari sa mga babae kagabi?," momento na walang tuldok sa akin.

"Sa bagay na iyan, Kuya...napagkasunduan ng mga babae na magobserba muna...'wag ka mag-alala, Kuya Hardy...hindi naman iyon mabigat na bagay, kahit sa akin nangyayari iyon...," pagsasabersyon ng aking kausap.

Hindi nasagot ang tanong ko ngunit nabawasan kahit paano ang aking agam-agam.

"Oh sige, puntahan ko muna sila ha...," paalam ko sa kanya bago tuluyang pumunta sa pool.

"Sige Kuya...enjoy lang...," pahabol na ngiti ni Marissa.

Paglapit ko sa mga mga nagsisilangoy, aamba na sana akong tumalon nang tawagin ni Carey ang atensyon ko at may iabot.

"Kuya, tamang tama...papicture naman kami oh, eto yung cam...,"

"Hanep kayo oh...," tangi kong nasabi habang nagtatawanan sila.

"Thank you, Kuya...," koro nilang bigkas sabay halakhakan.

No choice. Kuya na, photographer pa nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status