Sa pag-aakala ko'y mananatili na lamang ako photographer ng aking mga pinsan. Mabuti natakot sila na basta magpicture lang ako ng pangit at nakaw na anggulo lang sa aking kuha.
Sumaglit lamang at nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makalublob at kaunting makalangoy sa tubig.
Pabilog ang korte ng pool at wala gaano sa kanila ang lumalapit sa bandang 6 feet dahil sa pagkakaalam ko, si Chyna at Ian lamang ang marunong lumangoy sa amin. Ako hanggang pagsisid lang, pahirapan pa makaahon.
Masaya na sana. Ngunit nang malingat ako pataas kung saan nag-iihaw sila Ian at Marissa, nagulat ako na nagtatagayan ng gin ang tatlong matatanda na pinapangunahan ni Mang Salde. At base sa mga sulyap nila, sa mga babae naming kasama sila nakatunghay.
Mahigpit na bilin ng caretaker na bawal ang ibang kulay na damit maliban sa puti at itim. Sa di ko alam na dahilan ay hindi ako gaano ineentertain ni Jing-Jing kaya di ko nasabihan na 'wag magputi ng damit. At dahil basa na ang kanyang manipis na white shirt, bakas na ang kanyang panloob at dikit na sa damit ang bilog ng kanyang dibdib.
Walang duda. Si Jing-Jing ang pumupukaw ng pansin nila dahil siya ang may pinamagandang mukha, maputi, at hubog na pigura.
Umakyat muli ako sa cottage at kinuha ang towel ng aking irog at muling bumalik malapit sa pool upang abangan ang pag-ahon niya.
Sa siwang na sandali, sumapit na pala ang oras ng pananghalian at nagtawag na sila Ian para kumain.
Isa-isa silang umahon at sinalubong kong ibalabal ang malaking tuwalya kay Jing-Jing.
"Thank you," simpleng imik ni Jing-Jing na walang katamisan.
"Sweet naman...dapat pala sinama ko ang mister ko para may taga-tuwalya rin ako...," birong bungisngis ni Ira sa akin. Sinuklian ko lang siya ng ngiti at paalala:
"Mag-ingat kayo paghakbang at baka kayo madulas paaakyat...," paalala at paggabay ko sa mga kamay nila.
Lubhang tumalim ang tingin sa akin ni Jing-Jing habang inaalalayan ko ang kanyang mga kaibigan paakyat.
"Bhy, umakyat ka na nga rin dito!," mala-batas na mando niya sa akin.
"Yes, Madam!," madiin kong biro kasunod ang pagsaludong nakangiti. Mukhang di niya nagustuhan ang ginawa ko dahil bumakas ang pagnguso nito at kunot ng kilay.
Napangisi ako sa kanyang reaksyon kaya nagmadali rin akong makasunod sa likod niya.
Pagdating sa mga pagkaing nakalatag sa makitid na mesa, hinatak niya ako patabi sa kanya at inabutan ng paper plate. Nangunguha na ang karamihan ng mangunguya nang mapansin naming nag-antada si Ira matapos umusal ng dasal.
"Wait!,"pigil ko sa pagdukwang nila sa pagkain. "Byernes Santo na ngayon pero ni minsan hindi tayo sama-sama na magdasal kaya hindi blessed ang nagaganap...," nagkatinginan ang lahat.
"Ira, can you lead the prayer for us?", muli kong pakisuyo kay Ira.
"Okey Hardy...no problem...,"magiliw na salita niya saka muling nag-antada at umusal ng panalangin ng pasasalamat sa blessings na aming nakain at naranasan magkakasama.
Nang matapos ay isang malakas na "Amen!" ang binulalas ng lahat.
Isa muling busuging piging ang naganap na kinatampukan ng iniihaw nila Ian at Marissa na tilapia at hotdogs, tinolang manok, at pinakbet.
Tinangka ni Ian na ayain ang matatanda ngunit nakakain na raw sila at mag-iinom na lamang. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila habang pasulyap-sulyap sila sa panig namin.
Nang dumaan ang pagdiriwang ng tanghalian, halos lahat ay nagpaputok ng dighay at kakuntentuhan sa nakain. Syempre, hindi pa rin nawala ang picture taking kahit pa kaninang kumakain.
Habang nagpapahinga, sinisiyasat nila ang mga larawang naipon mula sa nagdaang araw hanggang kanina nang magreact si Eloisa sa biglang pagbura ni Pete sa isang nakunan.
"Bakit mo binura?," alburoto ni Eloisa at namutawi na naman ang makapal niyang pagsibi.
"May malas sa picture...para lang safe ka...," paalala ni Pete.
"Sigurado ka ba?," waring may tampong hayag ni Eloisa sa boyfriend.
"Oo, magtiwala ka lang....,"
"Sige, sabi mo eh,"
Tumingin sa akin si Pete na para bang may nais siyang ipahiwatig na salita ngunit hindi ko mabasa ang nasa isip niya ng mga oras na yun. Basta alam ko, may napuna siyang hindi tama kaya nagpaka-alerto ako.
Habang abala sa pagpapahinga ang karamihan, lumusong na si Ian at Marissa sa pool. Huli ko na rin napansin na umalis na sila Mang Salde at iniuwi na marahil ang mga pinaglagyan ng mga pagkain maliban sa water jug at ilan kalderong may bite sized food pa.
Maya-maya pa'y nagkaayaan na muli na magswimming ang mga pinsan ko at sumunod naman ang lahat. Walang nagtangkang pumunta sa batis dahil malumot at may pagkamapanghi ang amoy sa gilid ng mga batuhan nito. Malapit kasi ito sa itinayong palikuran ng resort na mukhang matagal na hindi naisaayos.
Nang nasa pool na kami ay lumayo si Ian at Marissa sa posisyon magkaharap silang floating. Nakangiti muling luminga si Max sa akin at nagbukang-bibig na "Alam na!"
Tanging si Chyna, at ang nagsusubok matutong lumangoy na si Max, Brix, at Emong na lang ang panay dive at sisid habang kami ay mga nasa gilid lang at mga nagkakatuwaang nakalublob sa tubig.
"Thank you pala, Ira sa prayer kanina ha...nakalimutan na natin yun kung di ko lang nakita sa'yo...,"papuri ko sa kausap.
"It's okay, Hardy...my pleasure..," at gumanti ng matamis na ngiti si Ira na patuloy ko pinuna.
"Ang cute mo, Ira 'pag nakangiti tapos nawawala 'yung mata mo," pag-appreciate ko sa asset niyang iyon.
"Thanks...iyan yata nagustuhan sa akin ng husband ko...," malambing na biro ni Ira na kahit isang ina na ay may maliit at cute pa rin na boses.
"Magbabanlaw na ako, Bhy!," buong diin muling angas ni Jing-Jing.
Nagkatinginan si Kat at Max sa mabilis nitong pag-ahon at pagsunod ko.
"Alam na!,...Lagot!," bulong ni Kat.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan