"Nanlalambot ako, Bhy...ang hapdi ng ano ko...," nangingiwing aray ni Jing-Jing habang nakakapit siyang pisil ang braso ko at naglalakad kami pabalik sa cottage.
"Sorry talaga, Bhy ha...ang sarap mo kasi eh...," sagot kong nagtulak sa kanya para kurutin ulit ng pino ang balat ng kapit niyang braso ko.
"Tuwa ka pa, umaray na nga ko...ni-rape mo ko eh...," pinaghalong asar at inda niya.
"Sorry na nga, ikaw naman nagpasok eh...," panggatong ko pa na nangingiti-ngiti.
Hinampas hampas niya pa ulit ang braso kong nasa panig niya dahil sa sobrang inis sa akin.
"Ako pa sinisi mo, ikaw nga lang nasarapan!,"
"Oh halika, balik tayo dun para ikaw naman masarapan...," pabiro ko muling hayag sa kanya na muling naging hudyat para pagpapaluin niya ako.
"Gusto mo pa umulit, ang sakit-sakit na nga ng ano ko...,"
Masaya ako sa cute niyang reaksyon kahit halos yukod na siya lumakad dahil sa iniinda. Mahal ako ng taong ito na ni hindi niya ako makuhang sampalin. Hanggang kurot at hampas sa braso lang ang iginaganti niya kapag ganitong inis siya.
"Sorry na nga eh..."
"Sorry ka diyan," irap niya.
"Uy...umayos ka ng lakad mo at 'wag ka pahalata sa kanila...alam mo na, mas iisipin nila talaga na may ginawa tayo...," bilin ko sa kanya.
"Bahala ka...," tipong tampuhin pa.
Nang makarating kami sa cottage, agad naming isinilid sa isang reserbang supot ang lahat ng basa naming damit.
Naroon pa rin ang mga kasama namin sa pool ngunit nagkukumpulan na lang sila sa isang bahagi nito. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Nasipat kami ni Eloisa at sumenyas upang kami'y bumaba. Nagsilingon sila sa amin habang sinesenyasan.
"Tawag nila tayo...kaya mo na ba o dito ka muna?,"
"Uy sasama ako...mamaya may manghubad na naman dito sa akin...," takot na banggit ni Jing-Jing na di na rin nagpapahalata sa kinikimkim na hapdi.
Inalalayan ko siya sa pagbaba sa batuhang hagdan patungo sa pool. Ilang hakbang pa bago namin sila malapitan ay nauulinigan ko na ang paksa ng kanilang usapan.
"Nakwento na sa akin ni Jing-Jing ang tungkol sa nangyari sa kwarto n'yo kagabi...," bungad ko nang marinig kong kinukwento na ni Kat ang tungkol rito.
Napansin ko ang tinginan ni Ian at Marissa at ang pagtango ng pinsan ko na para bang isang hudyat.
"Guys, may aaminin ako sa inyo...," hiyang intro ni Marissa.
"Ayoko sanang matakot kayo pero normal na sa aking nangyayari na gabi-gabi may nanghuhubad doon sa bahay...," pag-amin ni Marissa na bumulaga sa lahat.
"Ang kwento sa akin ni Tito Hamin, ilang taon pa lang ang nakakaraan, may isang lahing katutubo raw ang naligaw sa baryo na 'to. Ignorante siya sa maraming bagay. Wala siyang batid sa kahit anong batas kundi ang nakasanayan niya sa kanilang tribo. Isang araw, nakita siyang ginahasa at pinatay ang anak ng Kapitan. Nang malaman ng Kapitan ang sinapit ng dalaga niya, hindi ito tumigil hangga't hindi niya naipaghihiganti ang anak. Nang dahil sa impluwensiya ng Kapitan, at sa galit na rin ng mamamayan sa kumalat na balita, madaling nahuli ang katutubo. Matapos magulpi ng taong bayan, ipinagapos siya ng Kapitan at pinitpit raw ng pino ang ari nito sa pamamagitan ng pagbambo. Namatay yung katutubo dahil sa dami ng pahirap na ginawa sa kanya. Nalagutan raw ito ng hininga sa mismong lupa kung saan nakatirik ang bahay namin ngayon...,"
"Anong kinalaman nito sa nangyari kagabi sa kanila?" blankong pag-iisip ni Brix.
"Mahilig sa babae ang katutubo...nasa bahay pa ang kaluluwa niya. Mabuti at wala na siyang kakayahan na manggahasa kaya ang manghubad na lang ang inuulit-ulit nito sa akin. Hindi ko naman inasahan na gagawin niya rin yun sa inyo...," pangungumpleto ni Marissa.
"OMG, ayoko na matulog dun..," takot ni Kat.
"Oo, ayoko na rin doon...," dugtong ni Carey.
"Huling gabi na natin ngayon dito, bukas bibiyahe na tayo pauwi...," usal ko.
"Eh saan naman tayo matutulog mamaya?," usisa ni Chyna.
"Magsama-sama na lang lahat tayo sa isang kwarto...," suwestyon ni Eloisa.
"NO!," madiing pagtutol ni Ira. "Paano kung magkakasama tayo lahat pero makukuha pa rin niya kaming hubaran? Ano kayong mga lalake? Sinuswerte?," paghihimay ni Ira.
Napatawa ang ilan sa amin.
Kinurot ulit ako ni Jing-Jing sa braso kaya naimpit ang aking pagtawa.
"Eh ano naman yung aninong umiikot doon sa kwarto namin?," pagsingit ni Max.
"Siya rin 'yon. Tinatakot niya ang mga lalake. Ganoon ang ginagawa niya kina Tatay kaya doon na si Tatay nakikitulog kina Tito Hamin...," paglilinaw muli ni Marissa.
"Nakita ko rin 'yon...pero hindi ko na lang siya pinansin...siya rin ang mapapagod manakot..," bahagi ni Pete.
"Kung ayaw n'yo na matulog sa bahay, may suggestion ako...," pagbibigay ideya ni Marissa.
"Sige, ano 'yun?," maagap kong tanong.
"Malapit lang kami sa dalampasigan pero hindi pa kayo nakakapunta don...doon na lang tayo magpalipas ng gabi...," pagbuo ni Marissa ng mungkahi.
"Tama!...Bonfire!," buong siglang sigaw ni Chadie.
"Nice idea!," pagkatuwa ni Ira na may kasamang pagpalakpak.
"Gusto ko rin 'yun...," pagsang-ayon ni Kat.
"Doon na ba tayo didiretso?," tanong ni Emong.
"Madadaanan pa rin natin ang bahay bago makapunta sa dalampasigan...," paglilinaw muli ni Marissa.
"Tama lang 'yun para makakuha pa tayo ng mga panapin at ilang kailangan...," linya ni Ian.
"Ipapasunod ko na lang yung ibang kailangan kina Tatay para hindi tayo gaano magtagal sa pagdaan roon...," pagtanggal alalahanin ni Marissa sa grupo.
"Okey, mukhang buo na ang plano...let's go!," hudyat ko sa kanila.
Halos alas quatro na rin nang hapon ang ayaan at pag-ahon nilang iyon.
Isang oras pa ang lumipas at handa na silang lisanin ang mala-tumok na lugar na iyon.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan