Beranda / Semua / BAGAC / Chapter 14

Share

Chapter 14

Penulis: ArLaSan
last update Terakhir Diperbarui: 2021-02-06 06:02:34

Kung sa katotohanan lang, habang nasa byahe na kami, para bang mas nanaisin naming humilata na lamang kahit sa matigas na papag, mailapat lang ang nagkukumirot naming mga katawan. Bunga ito malamang ng pagkabanat ng aming mga kasu-kasuan sa paglangoy kanina at puyat na rin dahil sa mga katatakutang naganap.

Ngunit okey na rin na kahit paano'y kumportable akong nakaupo sa byahe habang ang ulo ni Jing-Jing ay nasa balikat ko.

Tahimik ang loob ng sasakyan. Napipikit-pikit na ako nang kabigin ako ni Pete gamit ang kanyang balikat.

"Nandito siya...," mahinang boses ni Pete nang lingunin ko siya.

"Sino?," mabilis kong tanong na may kasamang kunot na noo.

Inilinga-linga ko ang aking mata upang hagilapin ang tinutukoy ni Pete nang mapuna ko ang madaliang pagbubukas niya ng zipper ng backpack na nasa kanyang paanan. Hinablot niya ang jacket niyang baon at maliksing ipinatong kay Eloisa.

Bago pa man lumapat sa balat ni Eloisa ang jacket, nahagip na ng aking mata ang isa sa mala-pakwan na dibdib ni Eloisa.

Nakuha ko na ang nais tukuyin ni Pete kaya bigla kong nilingon si Jing-Jing na direktang nakadikit ang walang saplot niyang balat sa aking braso.

Maagap ko siyang kinupkop sa aking yakap at nag-ala-tsamba sa kahit anong makukuha sa backpack ko, matakpan lamang ang katawan niya. Isang tuwalya ang nailabas ko at ikinober sa kanya.

Muli akong lumingon-lingon hanggang madagit ng mata kong mga umuusok na mga dahon sa mga puno sa tumok. Lumakas ito hanggang sa mag-apoy at tuluyang magliyab ang paligid na silay ko mula sa bintana ng van malapit sa amin ni Jing-Jing.

"Hoy, magsigising kayo!," unang sigaw ko upang maalarma sila ngunit wala itong naging apekto. Ikinabigla ko pa na maging si Pete ay nawalan na ng malay. Bumaling ako sa taga-maneho.

"Kuya Bobby, bakit tayo nakahinto? Tayo na at baka abutan pa tayo ng sunog dito!," muli kong bulyaw bunga ng pangamba ngunit wala akong nakitang nakaupo sa driver's seat.

Hindi ako maaaring maupo lamang sa ganitong sitwasyon.

Binuksan ko muli ang aking backpack ng ubod bilis at kumuha ako ng malaki-laking tshirt. Iniangat ko si Jing-Jing na nakayuko na at inuupo ko ng maayos bago suotan ng damit. Ipinalda ko naman ang kaninang tuwalya bilang takip niya pang-ibaba sabay marahan ko siyang isinandal sa pagitan ng bintana at inuupuan niya.

Tumindig ako at pinilit gisingin si Pete ngunit para bang nakainom ng sleeping pills.

Bumaling naman ako sa nasa unahan nila na si Brix ngunit para itong walang buhay.

Nanlaki ang mga mata ko paglipat ng tingin ko kina Chyna at Ira na wala ring malay at walang anumang saplot. Ganun din ang pinsan kong si Kat at Carey sa sumunod na hilera. Hindi ko naalintana ang mga katawan nila dahil sa panic.

Kinalampag ko ang pwesto ni Max, Emong at Chadie ngunit pareho lang sila ng iba.

Sinikap kong makalabas sa van upang hanapin si Kuya Bobby na siyang pinaka kailangan namin upang makalayo at makaligtas sa lugar na ito.

Nang lisanin ko ang mga kasama ko sa sasakyan, nanuot sa balat ko ang nakakapasong init sa tumok. Inikot ko ang paligid ng van ngunit walang Kuya Bobby na mamataan.

Higit na umaalab ang higanteng apoy na pumupuksa sa kagubatan. Tinakbo ko ang driver's seat at pagkaupo ko rito ay inalog ko naman si Ian sa front seat na tulog rin gaya ng katabi niyang hubad na si Marissa.

Naroon ang susi ng van, ipinihit at binuhay ko ang makina nito. Makailang beses akong bumisina upang makahingi rin ng tulong nang lumitaw sa unahan ng van ang isang malaking aso.

Pamilyar siya.

Tama! Ito yung aso na nakita ko nang papunta pa lamang kami dito sa Bataan.

Sa halip na matakot ako ay para bang isang maamong tupa ang mukhang ipinamalas nito sa akin. Para bang iiyak.

Sinubukan kong paandarin ang van ngunit ayaw nitong gumana. Ilang beses kong sinubok ngunit ayaw talaga. Kapagdaka'y naramdaman kong yumanig ang sasakyan. May pagkalangitngit na tumunog at wari'y pasubsob ang bumper nito.

Binuksan ko ang pinto ng driver's seat at lumundag ako pababa. Sa kasamaang palad, bumagsak ako sa isang putikan.

Ngunit hindi ordinaryong putikan. Sa sandaling ito, kasama kong lumulubog paunti-unti ang van sa isang kumunoy.

"Saklolo!!!!," ito na lamang ang paraan ko, ang sumigaw.

Lumitaw muli ang aso malapit sa akin at umalulong na tila umiiyak. Nakakapangilabot ang alulong na iyon. Animo'y nagtatawag siya ng mga engkanto o anumang laman-lupa.

"Tulungan mo ako...," pagmamakaawa ko sa asong kasinlaki ng mga Snow Dogs.

Napatigil ang alulong nito at may tinitigan mula sa malayo. Sa paggalaw ng ilong nito ay halatang may bigla siyang naamoy. Bigla itong umangil sa tinititigang direksyon.

Mula sa kawalan ay dahan-dahang palakad na sumulpot ang isa pang asong may mas mahabang leeg at katawan ngunit pareho lamang sila ng kulay.

Galit na galit ang asong kanina'y umaalulong habang nakaangil lang ang bagong dating na aso. Kung wala lang siguro ang agwat ng kumunoy na naghihiwalay sa kanilang tinatapakan ay baka nagsagpangan na itong dalawa.

Kalat na kalat na ang apoy. Nagbabagsakan na ang ilang punong natupok nito at wala akong maiambag pa kundi hintayin ang aming katapusan.

"Sabi ko sa'yo 'wag kang aalis...," isang malamig na matandang boses ang pumaimbabaw sa hangin.

"Sino ka? Tulungan mo ako!!!!!," desperado kong hiyaw at biglang tumunog ang tatlong malakas na gong.

Halos gabaywang na ang lumulubog sa akin nang umangat na ang dulong bahagi ng van at marahang gumilid. Mas delikado ito ngayon dahil sigurado itong dadagan at magbabaon pa lalo sa akin sa ilalim ng kumunoy.

Ano pa ba ang gagawin ko kundi magpumiglas at piliting makalayo sa posibleng panganib o kamatayan ko. Pero oras ko na at hindi ko na malalabanan ang tadhanang ito.

"Oh no! No! No! No!,"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status