Home / All / BAGAC / Chapter 15

Share

Chapter 15

Author: ArLaSan
last update Last Updated: 2021-02-06 06:02:39

Iyong inaasahan kong pagbagsak sa akin ng tumagilid na van sa kumunoy, isang pagsubsob pala sa sandalan ng upuang nasa unahan ko.

Nagsama-samang kaba at mabilis kong paghahabol ng hininga ang danas ko pagkamulat ng mga talukab ko. Isang bangungot na naman ang lahat.

"Okey ka lang, Bhy?," pag-aalala ko sa kanya na halos pareho ko ring sumubsob.

"Nauntog lang konti, Bhy pero okey lang...," sayod ni Jing-Jing habang pikit ang isang mata at hawak ang kanang parte ng kanyang noo.

Hinalikan ko ang bahagi ng noong iyon.

Kapwa nahulog sa lapag sila Pete at Eloisa dahil sa biglaang pagpreno ng sasakyan. Naalarma si Brix kaya tinulungan niya agad ang dalawa na makabalik sa upuan nila.

Nang makaupo muli ang dalawa kahilera namin ni Jing-Jing, nanlaki ang mata ko nang makita kong nakaluwa ang isa sa susong mala-pakwan ni Eloisa mula sa kanyang spaghetti strap na suot. Namalas rin malamang agad nito ni Pete kaya daglit niyang ipinantakip ang kanyang jacket rito.

Nagkunwari na lamang akong hindi ko nakita ang di dapat makita habang ilang na bumalik sa upuan niya si Brix at dumungaw sa katabing bintana niya.

"Kuya Bobby, ano pong nangyari?", naintriga na ako sa bigla naming pagpreno ngunit walang tao sa driver's seat.

Napaangat ako sa aking kinauupuan nang biglang bumaba na parang pasubsob rin ang unahan ng van.

Bumukas ang pinto sa front seat at bumaba si Marissa at Ian upang tingnan ang nangyari.

"Diyan ka lang, Bhy...alamin ko lang..," paalam ko pansamantala sa katabi ko.

Tumango naman siya ng pagsang-ayon.

Halos lahat ay nakadungaw sa mga bintana ng van nang buksan na rin ni Chadie ang pinto na pinapasukan namin at magsibaba rin sila na sinundan ko rin.

"Anong nangyari?," usisa ko muli.

"Flat parehong unahang gulong, Kuya Hardy...," kamot-ulong wika ni Ian.

Maagap na kinuha ni Marissa ang kanyang cellphone at dumayal ng numero.

" 'Tay, na-flat-an po kami...parehong sa unahan pong gulong...," paghingi ng pananagip ni Marissa sa ama.

Minasid pa naming maigi ang kondisyon ng gulong. Sa tantsa namin ay isang patibong para sa hayop ang dumisgrasya sa mga ito.

Luminga-linga ako upang siyasatin kung nasaang banda na ba kami nang may masilip akong usok sa di kalayuan. Sa ihip na dala ng hangin ay mistulang sinigaang mga dahon ang amoy nito.

Muling nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng malaking kaba. Naalala ko ang aking masamang panaginip.

Napaurong ako ng kaunti at nawalan ng balanse. Pagpihit ko ay napatapak ako sa di ko inaasahan. Halos bumaon ang buong kanang paa ko ngunit naalalayan ako ni Max sa aking kaliwang braso at napigilan ang aking pagbagsak.

Mabilis kong iniangat ang aking paa at lumayo sa malambot na natapakan.

"Kumunoy!," balisa kong sigaw na ipinagtaka ng lahat.

"Kuya Hardy, putik lang 'yan...," sabi ni Emong.

Kumuha siya ng isang ga-brasong haba na sanga at itinusok sa putikan. Nabali ito agad pagtusok nito rito na nangangahulugang mababaw na putikan lang ito.

Napapasalubong ng kilay ang mga kasama ko sa aking reaksyon.

Bumaba na rin si Jing-Jing at kinapitan ang kanang braso ko.

"Okey ka lang, Bhy?," nagtataka ring usig niya sa akin.

Tiningnan ko lamang siya saglit at may iniabot siyang isang bote ng tubig.

"Eto Bhy, linisan mo paa mo para maalis 'yang putik...ibuhos mo na...," atas niya sa akin.

Para mang wala ako sa sarili, atubili kong sinunod siya.

Nang malinis na ang aking paa, ibinalik ko sa kanya ang bote.

"Salamat, Bhy...," sambit ko.

Isang makinang na ngiti ang kanyang ibinalik.

Patindig pa lang ako ng maayos mula sa ipinapagpag na kanang paa ay isang pamilyar na ingay naman ang umalingawngaw sa paligid.

"Ahhhhuuuuuuuuu!!!!!!"

Nagkatinginan kaming lahat at napakapit bigla sa akin si Jing-Jing dahil sa takot.

"Ang alulong na 'yun!," salitang nanuot sa utak ko.

Umikot ang aming mga mata sa kung nasaan nanggagaling ang ingay na iyon nang tumayo si Kuya Bobby mula sa kabilang gilid ng flat na gulong.

Kanina pa pala niya sinisiyasat ang gulong roon.

Pagtayo niya ay tumitig siya sa isang dako at doon rin napako ang aming paningin.

"Ahhhhuuuuuuuuuu!!!!!," patuloy na pag-alulong.

Maya-maya ay nabanaag namin ang isang imahe ng aso mula sa pagitan ng mga punong-kahoy. Matikas itong nakasilip sa amin at sige pa rin ang alulong.

Kumilos si Kuya Bobby at dumampot ng isang bato. Halos sinlaki ng kanyang palad ang bato niyang nakuha at pinuntiryang ipukol sa nag-uumingay na aso. Ubod lakas ang hagis na iyon ni Kuya Bobby. Subalit kahit hindi ito tumama sa aso, nabulabog ito at nagtatakbo palayo na tila nabahag ang buntot.

Lumakas ang ihip ng hangin at muli kong naamoy ang parang bang siga ng mga sinusunog na dahon.

"Kailangan na natin makaalis dito...," bigkas ko na may bahid pagkabalisa.

Maya-maya pa'y isang humaharurot na habal-habal ang dumatal.

"Tatay!," tawag ni Marissa.

Gumarahe ito sa gilid ng van at marahang bumaba sa motorsiklo.

"Ayos lang ba kayo?," alalang papalapit sa amin.

"Ayos lang kami, 'Tay kaya lang malala ang sira ng gulong...," paliwanag ni Marissa na nakalapit na sa kanya ama.

Ilang saglit lamang ay isang traysikel naman ang lumitaw. Si Mang Lindo ang nagmamaneho at si Mang Hamin ang sakay sa loob nito.

Paghimpil nito malapit sa motorsiklo ni Mang Salde ay bumaba si Mang Hamin na may bitbiting toolbox at direktang tumabi sa kamag-anak. Sumunod rin si Mang Lindo.

"Tsk! Malaking butas ang ginawa ng pain na 'yan ah...," pagpuna ni Mang Hamin nang masipat ang sira ng gulong.

"Nakuuuu...matagal na remedyuhan 'yan," kamot-ulo ring nasambit ni Mang Lindo.

"Marissa, mabuti pa magpahatid na muna kayo kay Lindo sa bahay...matatagalan ito ayusin...," mungkahi ni Mang Salde sa anak.

"Lindo, pakihatid naman muna sila sa bahay at baka meron pa sa pila n'yo ang pwede mo maisama para masundo pa ang maiiwan...," baling ni Mang Salde sa may-ari ng traysikel.

"Sige Pare...," pagpayag ni Mang Lindo. "O sino mauunang umuwi sa inyo?," pagliko ng pansin sa amin nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status