Share

Chapter 19

Labis na malamig ang hangin at dahil busog na, karamihan ay ramdam ang antok at pagkabored.

"Sayang naman overnight natin dito kung itulog lang natin...," opinyon ni Chyna na halatang batong-bato sa sandali.

"Ano gagawin natin?," tanong agad ni Chadie.

"Magtaguan tayo!," pagbibiro ni Max.

"As in may matataguan tayo dito, 'no?," blankong kuwestyon ni Eloisa.

"Tago tayo sa buhangin..," tumatawang banat ni Pete sa katabi.

"Gusto mo ibaon kita sa buhangin?," pasigang sagot ni Eloisa sa jowa.

Lumikha ng tawanan ang maiksing panimula na iyon.

"I have an idea...let's have a game!," suwestyon ni Ira.

"Anong game?," usisa ni Carey.

"Wait lang, gawa lang ako ng roulette para fair yung pagpili ng magkakakampi...," salita ni Ira habang kinukuha ang phone niya sa bag.

"Oo nga, ano? Sakto tig-pito per team," pagkadiskubre ni Kat sa bilang nila.

"Mas okey nga 'yang iroleta para no choice sa kakampi...," follow up ni Chyna.

Nagsitayo na sila at kapwa nakaramdam ng pagkaexcite.

"Okey...para sa pagpili pa lang ng team, exciting na...salit-salitan ko tawag ha..," buwelo ni Ira.

"Game!," pagkakasabay-sabay ng mga girls.

"1st Spin....," intro ni Ira habang hinihintay ang resulta ng ikot ng roleta sa kanyang phone. "Chadie!,"

"Please step forward...," patuloy ni Ira na minostrahan ni Chadie ng pangbeauty pageant na hakbang at kaway ng kamay.

Masigabong halakhakan ang namutawi sa paligid bunga ng kalokohan ni Chadie.

"Eto namang tatawagin ko ang 1st member ng 2nd team...," paalala ni Ira habang pinaikot na muli ang roulette app. "Jing!"

At nag-ala-beaty queen din ang aking krung-krung na partner.

Mabuti na lang at naisip nila ito. Kung hindi, walang happy happening ang gabing ito.

Nang matawag na ang lahat, ito ang naging resulta per team:

#Team A - Chadie, Marissa, Max, Ian, Ira, Emong, & Kat.

#Team B - Jing-Jing, Eloisa, Pete, Chyna, Hardy, Carey, & Brix.

"Okey... since kumpleto na ang two teams natin. Bago ko i-announce kung anong game natin, magdecide muna kayo kung ano ang magiging penalty o parusa sa matatalo...," bagong instructions ni Ira.

"Hahambalusin yung matatalo," patawang banat na naman ni Max sabay bitaw ng ubod makahawang halakhak.

"Gusto mo unahin ka na namin hambalusin?," pasigang pakikisakay na naman ni Eloisa sa biruan.

Puno ng kagalakan na naman ang isa't isa sa kulitan nila nang magbukas ng panggulat na suggestion ang game master:

"Magswimming sa dagat ng nakahubad!"

Nagulantang ang karamihan sa alok na parusa ni Ira para sa laro.

Natural na matuwa ang ilang lalaki sa bagay na ito habang worried naman ang mga may katambal sa kanila.

Natahimik panumandali. Halatang nag-iisip sila.

"Okey, go!," sigaw ni Marissa at agad na napalingon sa kanya si Ian.

"Sigurado ka?," duda ni Ian sa nobya.

"Wala naman makikita sa akin kasi pwede naman nasa tubig na bago maghubad di, ba?," kindat ni Marissa.

"Korek!," isa ring panggulantang na tugon ng krung-krung kong irog.

"Game!," suporta pa ni Eloisa.

Halata ang pag-aalangan ng mga lalake ng mga babaeng sumang-ayon sa parusa tulad ko ngunit napagtanto naman naming safe kung sa dagat nakahubad.

"Okey, let's proceed!," pakikiisa ko hanggang sa lumamang na ang bilang ng mga pabor sa napiling penalty.

"So, ano ang laro?," urirat ni Chyna na medyo worried sa magiging parusa.

"The name of the game is MY BAG!," pagtutukoy ni Ira. "So, the rules of the game are the following...," dugtong ni Ira.

"Within your team, pipili kayo ng pinakaleader n'yo na magiging representative n'yong pwedeng tumalo sa kalaban. Ang laman ng bag niya ang magiging panlaban n'yo sa kabilang team. Let's say si Chadie ang representative ng Team A. Kung kaninuman bag ang dala niya, 'yun ang magliligtas sa inyo. How? 'Yung ilalabas na item ni Chadie sa bag like for example a lipstick, dapat meron din sa mga bag ng other team. To score a point, dapat mas lamang kayo sa bilang na meron sa ibang item naman na naipresent ng leader sa kalabang team. So, mas pabor kung ang item na ilalabas ni Chadie sa bag niya ay yung item na tingin niya ay wala sa kalaban. Ang matalong team per item ay mababawasan ng member hanggang sa maubos. Gets?," pagliliwanag ni Ira.

"Gets!," sagot ng karamihan.

"Game na!," pagmamadali ni Max.

Pinili ng Team A bilang pinuno nila si Ira bitbit ang sarili niyang bag habang sa Jing-Jing naman sa Team B.

Nag-one time bato-bato pick si Ira at Jing-Jing. Papel si Jing-Jing habang bato naman si Ira. Team B una.

Nagsimula si Jing-Jing na buksan ang kanyang bag at humugot ng isang bagay mula rito.

"Susi!," prisinta niya.

Apat ang may susing tangan sa Team A: Marissa, Ira, Ian, at Max.

Sumunod naman bumunot si Ira sa kanyang bag.

"Tissue!," itinaas ni Ira.

Si Chyna at Eloisa lamang ang mayroon sa Team B kaya automatic magbabawas sila ng miyembro.

Sa sobrang bait nila, ako ang una nilang ineliminate. Very good hindi ba?

Nagtuloy-tuloy ang palaro.

Nakakamangha na tila handa si Ira at Jing-Jing sa larong ito dahil para bang napakaraming laman ng kanilang bag.

Nawili sila sa sayang idinulot nito hanggang sa ang matira sa Team A ay si Ira at Kat habang sa Team B naman ay sina Jing-Jing at Chyna.

Kritikal ang laban. Nagpapakamautak si Ira. Classmate niya si Chyna kaya todo isip siya sa kung ano sa tingin niya ang mayroon siya na wala sa bag ng kaibigan.

Nag-aalangan naman si Jing-Jing dahil ilang taon na sila mag-BFF ni Kat at alam niyang halos pareho sila ng taglay sa loob ng bag at iilan na lang ang mayroon sa loob nito kaya pinipili niya maigi ang bagay na dapat ilabas rito.

Nagboluntaryo si Ira na mauna sapagkat pakiramdam niya ay alam na niya ang bagay na tatalo sa kalaban. Pumayag si Jing-Jing dahil hindi pa siya makapagdecide kung anong bagay pipiliin niya.

"Powder!," masayang sigaw ni Ira na hawak sa kanang kamay ang isang botelya ng pulbos.

Kilala niya si Chyna na hindi nagpa-powder dahil kuntento ito sa balat niya. Kaya taas noo niya itong winagayway.

Nagkatinginan si Jing-Jing at Chyna. Napapikit si Jing-Jing at nadismaya dahil alam niyang hindi rin nagpupulbos ang teammate niya.

Nang bigla ito ngumiti at humila ng gamit sa kanyang bag.

"Ira, natatandaan mo ba itong powder na binigay mo sa akin? Sabi ko di ako nagpupulbos di, ba? Pero sabi ko sa'yo, akin na lang as souvenir from you. Remember?," labas-brace na ngiti ni Chyna.

'OMG! How could I forget it?," dismayadong pagkaalala ni Ira na tila sumakit ang ulong natatawa.

"Panalo na kami!," sigaw ng Team B.

"Uy, hindi pa!," kontra ni Ira.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status