ホーム / 全て / BAGAC / Chapter 21

共有

Chapter 21

作者: ArLaSan
last update 最終更新日: 2021-02-11 17:56:59

"Salamat, Ira...," huling bigkas ni Kat bago kumalas sa kaharap at tinakpan ng dibdib gamit ang buong kanang braso niya.

Hinanap ang kapatid at saka itinaas ang kanyang kaliwang kamay.

Alerto si Carey sa senyas na iyon kaya mas lumapit pa siya sa pampang at sinalubong ang kanyang Ate hawak ang isang nakalapad na malaking tuwalya.

Nilalamig rin si Carey ngunit kahit mabasa ang paanan niya at mataksikan ng tubig-dagat, hindi niya hahayaan ang Ate niya na nakabuyangyang ang hubad na katawan.

Hindi naman naging problema sa Team B kung umahon agad si Kat. Naintindihan nila kung hindi na nito kaya ang lamig. Ang mahalaga, tumupad ito sa challenge.

Inalalayan ni Carey ang kanyang Ate sa paglakad habang bitbit niya ang mga basang baro nito.

Tinignan lamang ni Ira si Kat habang papalayo ito sa kanya. Nang nasa pangangalaga na ito ni Carey, pinili na niyang maglulubog sa tubig upang maiwasang ginawin.

Nagkakatuwaan pa ang mga nasa tubig nang lumayo roon si Kat at Carey.

Pagdating nila sa bonfire site, inabutan nila roon si Brix na binabantayang hindi mamatay ang dingas ng siga.

Saglit nagkatinginan si Brix at Kat at agad rin nag-iwasan. Sising sisi pa rin si lalake na siya ang dahilan kung bakit nasuong si Kat sa ganuong pagkatalo sa laro.

"Brix, talikod ka muna...magbibihis lang si Ate ko...," pakisuyo ni Carey.

"Sige, no problem...," tugon ni Brix at pumwesto siya sa pagkakaupo na nakatalikod sa magkapatid.

Kinuha ni Carey ang isa pa niyang tuwalya at ipinunas sa basang ulo ni Kat.

Inuna ni Kat isuot ang panty at jogging pants habang nakabalot pa rin ang tuwalya sa kanyang katawan. Agad niya namang isinakbit sa balikat ang towel pagkaharap kay Carey upang magbra at magdamit.

"Ok na, Brix...," winika ni Kat.

Nakagaan kay Brix na kinausap siya ni Kat.

"Sorry Kat ha...," nabanggit niya na ikinagulat niya rin sapagkat nakalimutan niya na naroon nga pala ang bunsong kapatid ng nobya niya.

"Sorry saan?," pagtataka ni Carey.

Kapwa naging malikot ang mga mata ng sikretong magkasintahan bunga ng maling pagbitaw ni Brix ng mga salita.

"Ahhh...so...rry kung nailang ka magbihis kasi nandito ako...," pagpapalusot ni Brix na nakaranas ng pagpapawis sa noo.

"O-...Okey lang, salamat sa pagbabantay ng bonfire natin...," nakahinga ng maluwag si Kat at nagpalitan na lang sila ng ilang na ngiti.

Namangha ang mga kalalakihan habang nataranta naman ang mga babae nang umahon si Ira ng walang pasabi.

Higit na nilibang sa sarap ni Marissa si Ian nang masipat niya ang pag-ahon na iyon ni Ira.

Tinakbo ng madalian ni Eloisa si Pete at tinapunan ng halik para lamang maibaling sa kanya ang atensyon ng kapareha. Siyempre hindi nagpadaig ang babae ko dahil sa takot na makita ko ang hubong katawan ng kaibigan niya.

Hindi maikakaila na kahit may isang anak na si Ira ay naalagaan niya pa ring maigi ang kanyang katawan. Kung tutuusin nga ay mas lalo siyang nagkahubog nang manganak dahil mas lumaki ang kanyang dibdib at puwetan.

"Ano ka ba, Ira?," pagsalubong ni Chyna sa kanyang kaklase. "Hindi ka man lang nagsignal sa akin na aahon ka na," patuloy nito na agad hinubad ang suot na jacket at ipinasuot sa kausap. 

"Ginaw na ginaw na kasi ako at baka pulikatin pa ako sa tagal ko sa tubig...," nginig na paliwanag ni Ira. "Saka madilim naman...korte ko lang makikita nila, hindi lahat."

"Kahit na, lakas ng loob mo ha," singit pa rin ni Chyna.

Sa buong paglalakad ni Ira paahon ay pilit na inaninag ito nina Max, Emong, at Chadie. Tama si Ira, wala naman gaanong nasipat sa kanya ang mga nakalingon kundi ang kurba ng kanyang baywang at puwetan dahil tanging liwanag ng mga bituin ang saksi. Ni walang nakaisip na tutukan ito ng flashlight.

Nang papalapit na sila sa kanilang bonfire area, nasipat agad ito ni Brix.

Nakabalot lamang ito ng jacket ni Chyna kaya nakaramdam siya ng ilang dahil alam niyang wala rin itong kahit anong suot sa loob. Tumindig siya patalikod kina Ira at Chyna dahil alam niyang magbibihis na rin ito.

Hindi alintana ni Ira ang nakaawang na bukas na jacket. Sila Kat at Carey pa ang nailang sa kanya. Pagkapunas niya ng tuwalya mula sa buhok hanggang katawan ay isinuot na niya ang kanyang mga pang-ibaba saka hinubad ang jacket kahit na wala pa siyang pang-itaas.

"Loka-loka ka talaga...," asar na tukoy ni Chyna sa kaibigan.

Nilingon-lingon niya ang paligid at namataan niya agad ang tatlong binata sa tubig na ngayon ay nakikita ng malinaw mula sa malayo ang hugis ng dibdib ni Ira. Kung kanina kasi ay nakatalikod ito sa kanila pag-ahon, ngayon naman ay nakaharap na ito sa kanila at nasisinagan ng liwanag ng apoy sa bonfire. Napakagat labi na lang ang mga binata at napahawak sa kanilang mga batuta.

Nagpanic si Chyna kaya iniunat niya ang jacket niya at humarang sa anggulo na nakakasilay ang mga binata sa dibdib ng classmate niya.

"Bilisan mo diyan, naiinis ako sa'yo...," banggit ni Chyna sa kaibigan na ngingiti-ngiti lang sa kanya.

Nakuha niya lamang ibaba ang naturang pananggalang nang nakapagdamit na si Ira.

"Masarap ba, Kat?," baling ni Ira.

Nabigla si Kat sa pagtawag pansin na ito ng kaninang kahaplusan niya sa alon. Naiinis siya sa tinuran na iyon ng babae ngunit nagpakapormal pa rin siya dahil sa nakikita niyang clueless na mukha ni Carey sa tanong nito.

"Ok lang naman...malamig lang talaga..," pilit niyang sagot.

Maya't maya pa ay nagbalik na rin sa kanilang pwesto kaming dalawang magkakairog sapagkat nalilibang pa sa paglangoy ang lima sa dagat.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status