Tinitigan ni Chyna si Ira, warning her na 'wag makipag-inuman pero wa epek.
"Malamig kasi, makakabawas 'yun sa ginaw sa katawan...," pangangatwiran ni Ira at agad na nakiupo malapit sa mga matatanda.
Tuloy-tuloy ang tinginan at pakiramdaman namin. May simpleng komunikasyon na nabuo sa mga titigan na iyon.
"Sige, tagay rin ako, 'Tay...," pakikisali ni Marissa na nakasimple ng pag-apruba ni Ian.
Gusto man ni Ian makitagay kahit isa, nag-aalala siya sa sarili na baka masarapan siya sa lambanog at mawili. Alam niyang siya ang pinakamalakas sa mga lalake at kailangan siya in case may di man magandang mangyari.
Tumayo naman si Emong at Max upang makisali rin sa tagayan. Ito ay upang hindi makahalata ang matatanda na may pag-aalangan kami sa lugar at sa ilan sa kanila lalo kay Mang Hamin na tahimik lamang pagdating nila.
Sa bagay na ito ako proud sa aming magpipinsan, sa tinginan pa lang, nagkakabasahan na. Kung sisiyasatin mo, sa galaw lamang at direksyon ng mata ang aming mga ginawa ngunit nagkahulihan na kami ng nais ipahiwatig sa isa't isa.
Nais ko man, palitan si Brix o Chadie sa pagbabantay ng siga, hindi naman ako makagalaw na ang mga hita ko ang ginawang unan ni Jing-Jing sa pagtulog.
Sa sitwasyong iyon, ramdam ko ang pagiging alerto ng mga lalake sa grupo sa takot na baka may mangyari sa mga babae.
Nais man ni Chyna na bantayan si Ira sa pakikipag-inuman sa matatanda, hindi na niya kinaya pa ang antok at nakihiga na sa tabi ni Eloisa. Ilang saglit pa ay lumapit si Kat sa akin at nagsabing matutulog na rin muna sila ni Carey. Tumayo kami ni Pete at hinayaang magtabi-tabi sa pagtulog ang mga babae. Pumwesto kaming bantay sa kanila sa magkabilang panig.
Sa totoo lang natatakam kami sa alak lalo at malamig ang hangin ngunit hindi namin alam kung malalabanan ba namin ang antok sa oras na makatikim kami kahit isang tagay nito.
Hindi mo makikitaan ng takot at pagkailang si Ira kahit pa mag-isa lamang siyang babae na kainuman ng mga lalake. Marahil, tiwala naman siya sa amin na hindi namin siya pababayaan.
"Buti na lang po at may dala kayong maiinom panlaban sa lamig...," pagbubukas paksa ni Emong sa inuman. "Tamang tama nabitin ako kanina dun sa inuman sa party..,"
"Pumunta ka doon? Bakit hindi ka nag-aya?...," hampas ni Ira sa katabi. Pinagitnaan ni Max at Emong si Ira upang mas mabantayan nila ito.
"Ang daya mo insan ha, hindi ka nagsabi...," sibe ni Max.
"Nabitin nga ako kasi pasaway si Carey kaya hindi ako nakapagtagal doon," panghihinayang muli ni Emong.
"Party saan?," takang taka na hitsura ni Mang Salde.
"Sa paglampas po sa mga kabahayan galing sa inyo, meron po kami nadaanan kanina na party...hindi n'yo po nadaanan papunta dito?," pahayag ni Ian na nasa likod ng kanyang nobya.
Nagkatinginan si Marissa, at Mang Salde.
"Naku, namalik-mata lamang kayo...baka napagkatuwaan lang kayo...," naibulalas ni Mang Lindo.
"Paano pong napagkatuwaan?," kunot noong tanong ni Max.
"Pre...," istilong aawat si Mang Salde sa kumpare ngunit nagpatuloy ito.
"Imposible kasi na magparty pa ulit dito, kasi simula noong magkasunog, ipinagbawal na dahil muntik madamay yung mga kabahayan...," salaysay ni Mang Lindo.
"Daldal mo talaga, Pre," matawa-tawang tabig ni Mang Salde sa kaibigan.
"Okey lang 'yun pre para makapag-ingat rin itong mga kabataang ito...," magaang bigkas ni Mang Lindo na tipong natural lamang sa kanya.
"Ano po bang nangyari doon?," panakang usisa ni Ian.
"Isang kumpanya yata iyong nagparty noon. Ang sabi pumutok daw 'yung kawad ng kuryente nila sa mga speaker kaya nagkasunog. Madami rin namatay kasi mga nakuryente lalo at malapit sa tubig-dagat... Kung may nakita man kayo na mga sinasabi n'yong nagpaparty, baka mga kaluluwa iyon ng mga namatay sa sunog...," patuloy na salit ni Mang Lindo sa kanila.
"Pero totoong tao ang mga nakasayaw ko at nakausap doon," gumugulong isipin ni Emong.
"Parang totoo iyong nakita namin kanina...," labis na mangha ni Ian.
Nang lingunin kami ni Ian, parehong reaksyon rin ang nakita niya sa amin. May agwat man ang pagitan namin sa kanila ay malinaw naming naririnig ang kanilang kwentuhan.
"Kailan pa po nangyari 'yun?," urirat ni Max.
"Mga ilang buwan pa lang nakakalipas...," sagot ni Mang Lindo na lalong nagpakilabot sa amin.
"Kaya mag-ingat kayo sa bonfire n'yo...kung tutuusin nga bawal na iyan dito...," paalala ni Mang Salde.
Natahimik kami at mga nakiramdam.
"O kaninong tagay na?," pambasag ni Mang Hamin sa katahimikan.
"Alam mo ba tungkol dito?," pagtatanong ni Ian kay Marissa.
"Oo...hindi ko lang sinabi kasi ayoko matakot kayo...," paliwanag ni Marissa.
" 'Wag kayong mag-alala, nandito naman kami at safe naman kayo dito sa napili n'yong puwesto...," pagsapo ni Mang Salde sa aming pangamba.
Walang palit-minuto, sumigaw si Chyna:
"Hardy...c Jing!,"
Nang dahil sa pagka-curious ko sa rebelasyon ni Mang Lindo, ilang hakbang na nalayo ako sa pwesto ng mga babaeng natutulog.
Paglingon ko, kapit na ni Chyna ang nobya ko na todo sa panginginig.
Bigla ko naalala 'yung bilin niya sa akin noon.
"Sabi nila Mommy at Daddy, bawal daw ako sobra malamigan kundi para daw akong kokombulsyunin...,"
"Eh ano ginagawa nila 'pag nagkakaganoon ka?,"
"Iniipitan nila ng kahit ano yung palad ko para di raw magtikom ng todo kamay ko tapos iniipitan daw nila ng kutsara yung bibig ko para di ko makagat dila ko...,"
"Chy... lagyan mo ng kahit anong maiipit sa palad niya para hindi magtikom ng todo...," mabilis na atas ko kay Chyna na kumaripas sa kanyang bag upang kumuha ng kung ano.
Nagising na rin ang iba at alumpihit na lumapit kay Jing-Jing bunga ng pag-aalala.
"Arrrggghh...," impit kong naisigaw nang ilagay ko ang dalawang daliri ko sa kanyang bibig at madiinan itong kagatin niya.
Nakakatakot ang panginginig niya na tipong epileptic patient.
"Balutan at yapusin n'yo lang siya para mawala ang lamig ng katawan niya...," mando ko sa mga nakapaligid na babae kay Jing-jing habang namimilipit ako sa kirot ng kagat nito sa daliri ko.
Ipinahawak naman ni Chyna ang isang bote ng pabango at alcogel sa magkabilang kamay ni Jing-Jing.
Ngunit para bang hindi ito humihinto sa panginginig.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan