Share

Chapter 27

Napabalikwas kami sa umalingawngaw na sigawan mula sa magkabilang panig.

Hindi namin agad naikaila ang presensiya ng dalawang aso na nasa aming bandang ulunan na bahagyang napaurong sa aming pagbangon.

" 'Wag kayong tatayo at 'wag n'yo titignan ang mga mata nila..." paalala ko sa mga kasama ko na magkakayapos na nahihintakutan.

Hindi naman nag-aangil ang mga aso ngunit hindi maalis ang pangamba na baka bigla itong manakmal ng hindi inaasahan.

Maya-maya ay ilang piraso ng bato ang pumuntirya sa pwesto na kinatatayuan ng mga asong ito.

Bahagyang naitaboy ito at nagtatakbo malapit sa pampang.

"Okey lang ba kayo?," buong pag-aalalang bungad ni Ira sa amin nang marating niya ang aming puwesto.

"Salamat, Ira...," panalubong ni Jing-Jing na bati sa pagsulpot ng kaibigan.

"Lumayo ka diyan, Ira at baka bigla 'yan bumalik dito at makagat ka..." pangamba pa rin ni Eloisa.

" 'Wag kayong mag-alala...," wika ni Pete na waring walang pagkabigla

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status