"Kuya Chadie, ito ba yung pinuntahan natin kanina?," puno ng pagdududa ni Max habang nakaalalay sa braso niya si Chyna.
"Hindi ko rin alam. Parang ibang lugar 'to eh...," paghahanap rin ni Chadie ng pagkapamilyar sa kinaroroonan.
"Mang Lindo, ilan po ba ang malapit na kakahuyan sa lugar na 'to?," pagbaling ni Chadie sa kasunod niyang matanda.
"Tatlo ang kakahuyan sa paligid ng buong dalampasigan. Subalit ito ang pinakamalapit sa puwesto natin," sagot ng matanda na may pagkakubain.
Gayunman ang naging paglilinaw ni Mang Lindo, hindi pa rin makahanap ng kahit na anong anggulo na palatandaan sina Chadie at Max na magpapatunay na ito ang kaninang pinuntahan nila at hinakutan ng mga putol na mga punung-kahoy.
Kumpara sa unang bisita nila rito, mas malinis ito ngayon at walang mga sangang nakagapang ang mahahakbangan. Mas lamang ang bahagi ng buhangin kaysa sa lupa. Hindi ito sing-kalat gaya nang unang punta nila.
Patuloy nilang inilinga-linga ang mga dalang flashlights hanggang sa may mamataan si Chyna mula sa bandang likod ng kinatatayuan ni Chadie.
"Ayun, ang daming sanga oh!," pagtukoy ni Chyna sa kumpol ng gapas na kahoy na tila ba sadyang ibinungkos para sa mangangailangan nito.
Nilapitan nila agad ito ni Max at tinantsa ang kaya nilang bitbitin. Dalawa ang bungkos na tantsadong kayang buhatin ni Max sa kanyang magkabilang kamay habang isa kay Chyna.
"Mang Lindo...'wag na po kayo maghanap pa...eto po maraming nakatali...," pagtawag ni Max sa kasama nilang matanda na naninipat pa sa ibang parte ng kakahuyan.
Hindi naulinigang buo ni Mang Lindo ang sinabi ni Max ngunit pinuntahan niya agad ang dalawa kahit sa mabagal niyang paglalakad.
"Paanong magkakaroon ng mga nakabungkos na kahoy dito?," matamang pag-iisip ng matanda. "Hindi kaya may may-ari ng mga ito?," muli nitong pag-aalangan.
"Hala oo nga, Max...baka tinabi nila talaga itong panggatong nila tapos kukuhain pa natin...," waring natauhan si Chyna na kanina ay natuwa dahil hindi na sana sila mahihirapan magpulot o magputol ng mga sanga.
"Wala naman po kaming nakita na nagcacamping dito sa malapit sa atin kaya wala naman siguro may kailangan nito...," pahayag ni Max na medyo may ramdam ng pagkatamad kaya nais niyang ipilit na iyon na lamang ang dalhin nila pabalik sa mga kasama.
Napag-isip-isip rin ng matanda ang nabanggit ni Max.
"Sige gamitin na muna natin 'yan at kung may maghanap man bukas, ako na ang bahala na magsabi kaysa ngayong alanganing oras pa tayo magpagod na gumapas ng mga kahoy dito...," resolba ni Mang Lindo sa talakayan nila.
"Nasaan po si Chadie?," paghahanap ni Chyna sa kasama nang hindi na ito mamasdan sa paligid.
Iniikot muli nila ang liwanag ng kanilang mga flashlight ngunit walang Chadie silang nasipat.
"Naku...baka kung saan pa sumuot ang batang iyon...," pag-aalala ng matanda. "Dito na muna kayo at hahanapin ko siya... 'wag kayo aalis diyan, hintayin n'yo kami...," bilin pa nito.
"Sige po, mag-ingat po kayo..," pahabol ni Chyna na inililipat-lipat pa rin ang direksyon ng kanyang flashlight habang bina-baka sakali na masulyapan si Chadie kung saan.
Naiisip na ni Max na siya maghahanap sa pinsan ngunit ayaw niyang bumitaw sa usapang wala silang iiwan na babaeng kasama kahit saan magpunta. Kahit pa sa isang matanda na tulad ni Mang Lindo. Tinatak nila sa kanilang kukote na responsibilidad nila ang mga babaeng ito.
Sa di kalayuang banda ng kakahuyan, isang ingay ang sumagap sa pandinig at atensyon ni Chadie. Hinagilap niya ito sa pag-aakalang may mga kasama pa silang sumunod sa kakahuyan.
Sa isang sulok na espasyo niya natagpuan ang makahatak atensyong ingay.
Hindi ito nakakarinding ingay kundi isang ungol ng isang babae.
Marahang lumapit si Chadie upang silipin sa pagitan ng malalaking dahon ang isang kapana-panabik na eksena.
Nanlaki ang mga mata ni Chadie at bahagyang pangiting napakagat sa labi nang masilayan niya ang isang nagtatalik na pares sa gitna ng kakahuyan.
Kapwa walang saplot ang magkaniig. Ganadong nakaibabaw ang lalake sa dalagang buong layang ipinauubaya ang katawan dahil sa posisyon nitong nakahiga lamang at nakataas ang dalawang kamay sa kanyang ulunan.
Hindi niya maaninag ang mga mukha nito ngunit hulmang hulma sa kanyang paningin ang malayang mga dibdib ng babae.
Ampat ang ungol ng dalaga. Iyong tipong pagod at hindi mo malaman kung nasasarapan sa ginagawa sa kanya.
Magtatangka pa sanang lumapit ni Chadie ng bahagya nang gumalaw ang dalaga at tumingala sa kanyang direksyon. Napahinto siya at nagpigil ng paghinga.
Laking kaba niya nang ang mga mata nito ay nakatitig sa kanya, gumalaw bahagya ang kanang kamay at nagmistulang nais siyang abutin.
"Saklolo..." buong pagal at pagpupumilit na hiyaw ng dalaga na positibong nakikita siya.
Tumakbo ang kilabot sa kanyang katawan nang isang kisap-mata ay may tumagas na dugo mula sa ulo ng dalaga.
"Tulungan... mo... ako...," buong pagpupumilit na bigkas ng paos na boses ng dalaga na nakaangat na ang kamay na humihingi ng saklolo sa kanya.
Napagtanto niya bigla na isa itong panggagahasa at kinakailangan niyang iligtas ang babae. Iniikot niya ang paningin at nakahagilap ng isang matabang sanga na maaari niyang ipangbambo.
"Hoy!...," sigaw ni Chadie na naputol nang may mabilis na humawak sa kanyang braso upang siya'y pigilang sumugod.
"Bata...," malakas na pagkapit ni Mang Lindo sa braso niyang may hawak na kahoy. " 'Wag mo papatulan ang anumang makikita mo dito sa kakahuyan..," dugtong nito.
"Pero Mang Lindo, may babaeng...," muling pagkaudlot ng kanyang pagsasalita nang ang ituturo niyang babae at lalake ay wala na sa sulok kung saan niya ito dinatnan.
Hindi siya nakuntento. Nagpabitaw siya kay Mang Lindo at ginalugad ang espasyo kung saan niya mismo nagisnan ang pangyayari.
"Asan na sila?," buong pagtatanong niya sa sarili.
"Bata, sinabi ko na sa'yong 'wag ka paaapekto sa mga makikita mo dito. Pinaglalaruan ka lang nila...," paalala muli ng matanda. "Tayo na at hinihintay ka na ng mga kasama mo..," pag-aya niya sa balisang binata.
Pabalik na silang apat sa bonfire area ngunit hindi pa rin mabura sa isip ni Chadie ang nasaksihan niya sa gitna ng kakahuyan. Hindi niya mahanap ang paliwanag sa sarili kung paanong bigla ito nawala ng isang iglap lamang sa naturang lugar.
Ang pinakalubos niya pang dahilan upang hindi matahimik ay ang alam niyang may isang babae na nagagahasa at wala siyang nagawa upang iligtas ito.
At itinumba na rin ng hindi mapigilang pagod at antok si Ian.Sa pagkakataong iyon, wala na ni isa man ang gising maliban sa isang taong kanina pa nais bumantay salakay para sa isang maitim na balak.Marahan niya munang iniangat ang kanyang ulo at pasimpleng pinakiramdaman ang mga tao sa paligid.Nang makasiguro siyang mahimbing na ang tulog ng lahat. Maingat siyang bumangon at lumapit sa hilera ng mga babae.Naiinis siya na balot na balot ito ng mga kumot dahil sa labis na lamig. Wala siyang makita na nakakatakam na laman.Hindi niya malaman kung paano niya kukunin ang pinakananasa niya.Mabuti na lang mahigpit ang yakap ko sa katawan ni Jing-Jing kaya hindi niya ito maaagaw.Inilabas niya ang kanyang patalim upang maging handa kung sakaling may pumalag.Sa mga babae roon. Dalawa na lang ang sa tingin niya ay madali niyang matatakot at mahahatak sa dilim. Si Kat o si Carey lang ang mapagpipilian niya.Muli siyang humakbang ng ma
Napabalikwas kami sa umalingawngaw na sigawan mula sa magkabilang panig.Hindi namin agad naikaila ang presensiya ng dalawang aso na nasa aming bandang ulunan na bahagyang napaurong sa aming pagbangon." 'Wag kayong tatayo at 'wag n'yo titignan ang mga mata nila..." paalala ko sa mga kasama ko na magkakayapos na nahihintakutan.Hindi naman nag-aangil ang mga aso ngunit hindi maalis ang pangamba na baka bigla itong manakmal ng hindi inaasahan.Maya-maya ay ilang piraso ng bato ang pumuntirya sa pwesto na kinatatayuan ng mga asong ito.Bahagyang naitaboy ito at nagtatakbo malapit sa pampang."Okey lang ba kayo?," buong pag-aalalang bungad ni Ira sa amin nang marating niya ang aming puwesto."Salamat, Ira...," panalubong ni Jing-Jing na bati sa pagsulpot ng kaibigan."Lumayo ka diyan, Ira at baka bigla 'yan bumalik dito at makagat ka..." pangamba pa rin ni Eloisa." 'Wag kayong mag-alala...," wika ni Pete na waring walang pagkabigla
Two hours after the incident, wala na ni isa pa ang dinatnan ng antok. Lahat nakikiramdam sa paligid. Bawat ingay, tunog, alon, at maging ihip ng hangin tila pagbabadya ng panganib para sa kanila.Bawat isa pinakahihintay ang pagsilip ni Haring Araw.Akala nila tapos na ang pagpaparamdam. Hindi pa pala.Idinaan ng lahat sa pagkukwentuhan ang pangamba upang malibang sa paghihintay nang isuong ni Ian ang isang munting sapatos sa nagliliyab na apoy. Ito ang munting sapatos pambatang nadampot nina Chadie, Max, Pete, at Eloisa sa unang pagdako nila sa kakahuyan.Mainam na ang talakayan ng isa't isa nang muling lumakas ang apoy kung saan itinapon ni Ian ang munting panapin sa paa. Ilang sandali pa, isang pag-iyak ng sanggol ang tumawid sa kanilang mga pandinig.Agad na nagkapit-kapit ang mga babae habang ang mga lalake ay naging aktibo sa paglinga sa paligid. Kilabot ang namahay sa kanilang mga pagkatao. Damang-dama nila ang pananayo ng kanilang mga balahibo
Isang malaking tanong ang nilikha ng panyong nakapa ni Jing-Jing sa kubo kung saan kami panumandaling nagpahinga."Paanong mapupunta rito ang panyong ito?," big question talaga sa akin."Saka Bhy... hindi ito sipon di, ba?... Yucky!," pagpuna pa ng nobya ko sa kumulay at nanigas na mantsa sa tela.Kahit hindi ito ilapit sa aming ilong, alam namin kung ano ito base sa amoy at kulay ng pagkatuyo."Bhy... ganyan ba kulay at amoy ng ano n'yo pag nagsarili kayo?," seryoso ko pang tanong sa kanya.Sumimangot siya at tumingin ng masama sa akin."Ano ka ba?! Sa tingin mo magsasarili ang bff ko dito tapos ganyan karami nilabas niya?,""Eh never pa natin nabalitaan na nagka-bf 'yang pinsan ko kaya imposible...,""Wait... OMG! Hindi kaya na-rape si Kat dito kahapon pero hindi niya lang sinasabi sa atin?," panic na pagtatahi ni Jing-Jing ng kung ano-ano sa isip niya."At wala man lang tayong narinig na ingay?,""Alam mo cute
"Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!," ingay na pilit umaarok sa loob ng aking pandinig upang gisingin ang aking diwa.Pagod ang aking katawan subalit para bang ilang oras na yata ang aming byahe.Mapilit na nanggigising ang ingay at walang paggalaw ang van kaya iminulat ko na rin ang aking mga mata.Nakatigil ito ngunit wala pa kami sa Maynila. Kapwa mga tulog ang mga kasama ko. Naalala ko agad ang lagi kong napapanaginip kaya namuo agad ang kaba sa aking pagkatao.Tinignan ko ang magkabila kong katabi, si Jing-Jing at Pete. Hindi naman nakahubad ang katabi ko tulad sa bangungot ko. Medyo napanatag ako.Subalit ang aso ay patuloy sa pagtahol.Dumungaw ako sa labas ng van. Pamilyar ang lugar.Tama! Ito iyong tumok na hinintuan namin noong papunta pa lamang kami ng Bataan. Dito iyong bumaba si Ian at Kuya Bobby para umihi panumandali. At dito rin yung asong malungkot.Hinanap ko ang ingay sa labas ng van. Napatuon ang sipat ko sa ha
Hindi mawawaan ang oras sa paiba't ibang hitsura ng kalangitan habang nasa byahe kami. Waring naglalaban ang kabutihan at kasamaan sa pagpapalit ng liwanag at dilim.Tanging taimtim na dasal lamang ang nauusal ng mga kasama naming babae habang ang pagkaalerto sa paligid ay hindi bumibitaw sa aming mga lalake.Sa isip-isip ni Brix, ito ang kauna-unahang beses na nagmaneho siya na dinaig pa ang drag racing dahil na rin sa takot. Hindi niya rin akalain na magiging kakaiba ang outing na ito at ilang oras niyang maimamaneho ang naturang van.Ngunit hindi siya nagdalawang isip na umupo sa driver's seat nang piliin siya ng pagkakataon.Ang buong byaheng iyon ay nakakapagal ngunit nakahinga ng maluwag ang bawat isa nang masilayan na nila ang mga kinasanayang ilaw pangkalye at mas sementadong daan. Ang kapanatagan ng loob ay namayani sa kanilang kalooban nang pamilyar na ang lugar na kanilang tinatahak."Brix, pakidiretso sa bahay para mailapit kay Tatay ang lag
Ang buong paligid ng silid ni Tito Ato ay pawang lugar para sa herbal medicines, nakabote man o nakasalansan sa patong patong na bilao. Umiikot lamang ang amoy rito ng mga tuyong dahon, ugat ng puno, kandila, at langis na panggamot (yung mga tipong langis na pinakuluan at sinasabing nakagagaling kapag ginawa mo sa mismong araw ng Huwebes o Biyernes Santo).Tanging ang dilaw na bombilya ang liwanag ng kwarto. Kung pakaiisipin, para kaming nasa eksena na may pinaaaming kriminal ang isang pulis dahil sa ilaw na iyon. Nakasabit ngunit umuugoy rin sa kaunting hangin.Wala kung anumang appliances na mapupuna sa paligid nito. Sa isang bahagi naman, sa gilid ng pinto ay nakahilera ang mga hinahasa niyang mga patalim na lubhang mapanganib kaya ipinuwesto niya ito sa likod ng pintuan.Sinuman ay hindi makapagsasabing albularyo si Tito Ato base sa kanyang tindig at hindi rin naman namin siya natignan sa ganitong imahe mula noon. Nagsimula lamang ang kanyang mga ganitong gawai
"Nasaan na ako?," unang mga salita ni Kuya Bobby na puno ng takot nang muli siya magmulat sa kanyang mortal na katawan."Ligtas na po kayo...," pakalmang hirit ni Max sa matanda na pinigilan niyang bumangon." 'Wag na po kayo mag-alala, magpahinga lang po muna kayo...," habol na bilin ni Emong na katabi ni Max sa gilid ng mattress na hinihigaan nito.Kampante na sila. Sa hatid ng pagpapala, nakaligtas ang aming driver sa balak na pagkuha ng kanyang buhay kapalit sa pagiging mortal ng isang engkanto.Nagkakape na kami nang dumating si Ian sakay ang minanehong van. Sa sitwasyong dinatnan niya, alam niya na okey na si Kuya Bobby."Mabuti naman at nakabalik na si Kuya Bobby...," bungad ni Ian sa amin."Oo pero sabi ni Tito Ato, magstay muna si Kuya Bobby dito ngayong gabi para malaman kung talagang hindi na siya babalikan nung nagtangkang sumanib sa kanya...," animo ni Emong."Nawala ang cellphone ni Kuya Bobby kasama ng mga suot niya," sabi ni