Share

Chapter 51

"Ngayon lang po ba may nangyaring ganito dito?," bukas kong tanong dala ng kuryosidad.

Nagtinginan ang tatlong matanda sa akin. Nangangapa kung sino sa kanilang tatlo ang sasagot sa binitiwan kong tanong.

Abala ang aking mata sa paglipat-lipat ng tingin sa kanila.

"Oo, bago sa akin ang ganitong pangyayari...," pauna ni Mang Hamin.

"Hindi kaya may kinalaman ito sa sunog na naganap kailan lang sa dalampasigan?," pagsingit ni Mang Lindo. "May mga kwento na rin kasi ang mga residente na malapit doon na may mga pagpaparamdam na rin daw tungkol sa mga namatay sa sunog na 'yun...," dagdag pa nito.

"Nadaanan natin 'yun pinangyarihan ng sunog noong papunta tayo sa lugar ng bonfire natin, di ba?," gunita ko habang nakatuon sa mga kasama ko.

"Kung hindi n'yo po naikwento ang tungkol sa sunog doon...," pagtukoy ni Ian sa naisalaysay noon ni Mang Lindo. "...hindi ko maiisip na mga kaluluwa lang pala lahat ang nakita naming nagkakasiyahan doon...," sudlong nito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status