Share

Chapter 57

Bagaman nakakapagod ang maghapon nilang pagpunta't pabalik mula sa kakahuyan, hindi ito naalintana ni Mang Lindo bunga ng isang bagay na kanyang nadiskubre.

Buong pagmamadali siyang umuwi ng bahay.

"Helen! Helen! Buksan mo ang pinto!," ubod lakas na hiyaw niya habang kinakatok ang kanilang kawayang pintuan.

Isang matandang babae na may tatlong taon na mas bata kay Mang Lindo ang lumitaw mula kusina, may hawak na sandok, at nanakbong inalis ang nakasukbit na kandado ng pinto upang makapasok ang mister.

"Ano ka bang lalake ka't nagkakandarapa ka? Natatae ka ba?," bungad niya sa asawa nang ito'y makapasok.

Hindi ito pinansin ni Mang Lindo at dumeretso sa kanyang silid, lumusot sa ilalim ng kanilang higaang papag hanggang matagpuan ang pakay na sandata.

Sa buong pagkilos na iyon ng matanda ay sinusundan lamang siya ng tingin ng kanyang misis. Nagulantang lamang siya nang paglabas sa kwarto ng kanyang katipan ay hawak na nito ang isang sumpak.

An

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status