Home / All / BAGAC / Chapter 6

Share

Chapter 6

Author: ArLaSan
last update Last Updated: 2021-02-03 17:42:25

Itinago ko ang pakiramdam na iyon ngunit nabigla ako sa pagtabig sa akin ni Pete sabay bulong:

"Huwag ka magpahalata...naramdaman mo rin, ano?," napatingin na lamang ako sa kanya. "Huwag mo damdamin at baka tumira 'yan sa'yo....hindi ko lang naramdaman, nakita ko pa...,"dugtong niya.

Dalawa pang tapik sa balikat ang iniwan sa akin ni Pete bago siya ulit lumapit kay Eloisa.

"Bhy, tara na...akyat daw tayo sa taas ng krus...," pagtawag muli sa akin ni Jing-Jing.

Tumalima ako sa bilin ni Pete at sa imbitasyon sa akin ni Jing-Jing. Pinilit kong limutan ang lungkot na pumaloob sa akin.

Ang atraksyong Krus ay may taas na 302 feet. Ito ay gawa sa pinagsamang bakal at konkreto. Sa pagkakataong iyon ay naabot lamang namin ang ika-36 na palapag nito kung saan maaari naming masilip sa mga bintana ng pahalang na bahagi ng krus ang kabuuang likas yaman ng Bataan at sa kung hanggang saan pa man ang kayang abutin ng aming mga mata. Nakakalula ngunit nakakabilib ang karanasang ito.

Sinulit namin ang oras roon na lingunin ang iba't ibang anggulo mula sa itaas nang sabihan na kami ng mga katiwala roon na dapat na kami bumaba gamit muli ang asensor.

Paglapag namin sa parke, ramdam na namin ang labis na lamig. Makulimlim na at may pagbabadya ng pag-ulan kaya pinagmadali kami nila Tatay Salde na makababa ng bundok at makaalis sa lugar na iyon. Kumaripas man kami ay hindi namin matatalo ang pagpatak ng mga munting butil ng ulan. Wala pa naman kaming payong at nasa kalagitnaan na kami ng pagbaba na walang anumang masisilungan. Wala kaming laban kundi ang tanggaping mabasa hanggang sa makaabot sa van.

Pagdating sa sasakyan, tanggal na ang mga saplot ng upuan. Inihanda na ito marahil ni Kuya Bobby upang makaupo pa rin kami doon kahit basa. Nang makasakay na ang lahat ay humarurot na kami sa byahe na patay ang aircon upang di rin kami ginawin. Sari-saring hingal na tawanan at kulitan ang mauulinigan sa loob ng van habang nasa byahe kami pabalik ng bahay nila Marissa. Lahat ng magkakasintahan ay magkakayakap upang kontrahin ang lamig. Gumaya rin si Chyna at Ira, c Kat at Carey, hanggang sa magbiro si Emong, Chadie at Max na magyapusan silang tatlo dahil sa inggit. Bukod tangi si Brix na solo sa kanyang kinauupuan kaya biniro siya ni Chadie:

"Papa Brix, dito ka na sa akin...pag-iinitin kita...,"

Humagalpak sa tawanan ang lahat sa pabaklang biro ni Chadie maliban kay Kuya Bobby na sinikap makapagmaniubra ng maayos kahit lumakas na ang buhos ng ulan at lumalabo na ang daan dahil sa hamog.

Napansin ni Ian ang tila pakunot noong pagtingin ng aming driver sa nilalandas. Saka niya lamang napuna ang kapal ng hamog na aming sinusuong. Hindi na niya masipat pa ang sinusundang si Mang Salde at Mang Hamin na nakamotorsiklo.

Sa kabutihang palad, sakay namin at katabi ni Ian si Marissa sa front seat at kabisado niya naman ang daan pauwi kaya minarapat ni Kuya Bobby na magdahan-dahan rin sa pagmamaniubra upang makaiwas sa aksidente.

Makailang humps ang tila umambang sumira sa ilalim ng sasakyan dahil sa hindi ito agad namamataan ng driver. Sa awa ng Diyos, ginabi man kami pabalik ay nakarating kami ng ligtas kina Marissa.

Hindi nagpatumpik-tumpik si Marissa pagdatal namin sa kanila. Kumuha siya agad ng ilang tuwalya at kumot naman para sa iba upang makapagpunas at hindi lamigin.

"Yung iba pwede na maligo agad para mahubad nyo na 'yang basa n'yong suot...," atas ni Marissa at turo sa dalawang handang palikuran.

Naunang naligo na si Emong sa palikuran na sa bandang labas ng bahay malapit sa aming kinainan nang tanghali habang sabay-sabay naman naligo ang mga babae sa cr na nasa loob ng kanilang kwarto.

Hindi na nagkahiyaan pa ang mga babae na magkakitaang hubad sa isa't isa habang pinilit nilang magkasya sa loob ng palikuran na may shower at naka-tiles naman. Kanya-kanya silang hiluran sa likod at buhusan ng tubig upang agad na matapos at mapigil ang panlalamig.

Nang makuntento at maramdamang malinis na sila, dumiretso silang lumabas sa cr dahil tiwalang nakakandado segurado naman ang pintuan, kaya't di sila nagtapis pa kundi nagpunas na lamang ng tuwalya. Lingid sa kanilang kaalaman ay may lihim na nagmamatyag sa kung saan sa kanila at naglalaway sa kanilang mga hubad na katawan.

Makalipas ang isang oras, abala pa rin sa pagluluto ng hapunan si Marissa habang ako at si Ian na lamang ang hindi nakakaligo sa mga lalake dahil sa pinagpawisan na kami sa pagtulong kay Marissa sa paghahanda ng panggatong at sahog ng ulam. Pinili niyang magluto ng sinigang na bangus.

Paglabas ng mga babae sa kwarto ay tumulong na rin sila sa paghahain at sabay sabay muli kumain kasama si Kuya Bobby makalipas pa ang kalahating oras.

Tulad sa tanghalian, lumitaw ang pagod ng lahat nang makaramdam ng pagkabusog subalit pinili nila Ian at Marissa na maligo ng sabay sa cr sa kwarto ng mga babae habang kumakain pa ang lahat.

At ang natural na bulungan namin?

"Alam na!"

Matapos magtulong na magligpit ng hapag kainan ang lahat at itabi ang kakainin nila Ian at Marissa, nagkanya-kanya na ng pwesto ang ilan.

Nagpaalam si Kuya Bobby na doon raw siya sa van matutulog upang mabantayan ito at nagvolunteer naman si Brix na samahan siya roon.

Tumungo naman agad ng kwarto ang mga babae upang makapagpahinga na rin habang ang mga lalaki naman ay sa silid na unang tinulugan ni Kuya Bobby.

Naiwan ako sa harap ng hapag habang binabantayan ang pagkaing itinabi para kay Ian at Marissa. Nang dumating na ang dalawa ay saka ko napagdesisyunang maligo na at iwan silang kumakain.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status