Share

CHAPTER 2

last update Last Updated: 2021-07-16 14:28:56

CHARLENE

MALUNGKOT at naluluhang nakatunghay siya sa natutupok nilang bahay sa Baseco Compond sa Maynila. Ang sakit lang makita na ang bahay nila ay unti-unti nang kinakain ng apoy.

Naririnig niyang humagulgol ang Mama at Papa niya sa tabi niya. Wala silang kahit isang gamit na naisalba, masyadong mabilis ang naging pangyayari kaya sa sobrang taranta nila ay nagtakbuhan na sila palabas at palayo sa compond.

"Ano na ang gagawin natin?" wala sa sariling tanong niya sa magulang.

Pakiramdam niya natupok din ng apoy ang lahat ng plano niya sa buhay. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Naramdaman na lang niya na niyakap siya ng Mama at Papa niya.

Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay buhay sila lahat. Ganoon talaga, ika nga ng iba. Mas okay pa raw ang manakawan kesa masunugan. Kasi pag ninakawan ka, may bahay ka pang babalikan ngunit pag nasunugan ka, wala ka ng bahay na matitirhan.

Sa isang evacuation center muna sila nagpalipas nang gabi. Nagsabi ang Mama niya na mas makakabuti kung uuwi muna sila sa probinsya. Pumayag naman ang Papa niya, kailangan lang nito maiwan sa Maynila dahil may trabaho ito. Kaya sila lang ng Mama niya ang uuwi patungong Davao City.

"Paano ang school ko, Ma?" kapagkuwa'y tanong niya.

Malungkot na sumulyap ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.

"Pasensya kana, Anak. Lipat ka muna ng school. Meron naman magagandang University sa Davao, okay din naman doon," malamyos na wika ng Mama niya.

May magagawa pa ba siya? Third year College na siya sa kursong Mass Communication. Gustuhin man niyang mag-reklamo pero hindi niya ginawa. Ang sama naman niyang anak kung magre-reklamo siya gayon may problema silang kinakaharap.

Tumango na lang siya sa Mama niya. Kaya naman, kinabukasan bumili agad si Papa ng plane ticket nila ni Mama. Nakausap na rin ng Mama niya ang mga tiyahin at tiyuhin niya roon sa Davao.

Never pa siyang nakarating ng Davao kaya naman, hindi rin maiwasan na kabahan siya. Magustuhan kaya niya roon? Hindi siya marunong magsalita ng bisaya kaya malamang mahihiya siya sa umpisa.

Pagkabili ng ticket. Kinabukasan agad ang alis nila ni Mama. Habang ang Papa niya ay nakitira muna sa ka-trabaho nito. Maghahanap pa lang ito ng room for rent na matutuluyan nito.

Hinatid na sila ng Papa niya sa airport. Wala sila ibang dala kun'di mga kapirasong damit lang.

"Tawag kayo kaagad sa'kin pag nakarating na kayo roon," naiiyak sa sabi ng Papa niya.

"Sige, Mahal. Tawag kami agad. Mag-video call na lang tayo," tugon naman ng Mama niya rito.

Ilan minutong nag-usap ang magulang niya saka siya tinawag ng Papa niya yakapin. Ito kasi ang unang beses na magkakahiwalay sila.

"Magpapadala ako ng pera para sa tuition mo. Huwag kang mag-alala, Anak. Gagawin ni Papa lahat para hindi ka mahinto sa pag-aaral."

Ngumiti siya. Alam naman niyang gagawin ni Papa ang lahat para sa kanila. Gumanti siya nang yakap saka nagpaalam na rito. Pumasok na sila ni Mama sa loob ng paliparan. Bahagya pa siyang kumaway sa Papa niya, ganoon din si Mama.

"Susunod na lang si Papa mo sa Davao pag nakapag-file siya ng leave. Sa ngayon, tayo munang dalawa. Doon tayo sa bahay ng Lolo at Lola mo titira," paliwanag ni Mama sa kanya.

Tumango lang siya. Nang makasakay na sa eroplano. Inabot din sila ng dalawang oras bago nakarating sa airport ng Davao City. Tapos kinailangan pa nila mag-taxi para ihatid sila sa terminal ng Bus. Sa Tagum City ang tungo nila. Kulang-kulang isang oras din mahigit ang naging byahe nila sa bus.

Nang matiwasay silang nakarating sa Tagum. Sinalubong sila kaagad ng mga kapatid ni Mama niya. Mga tiyo at tiya. Mainit ang naging pagtanggap ng mga ito sa kanila.

At higit sa lahat, tagalog ang pakikipag-usap sa kanya. Buti naman. Nakahinga siya nang maluwag.

"Dito ka na mag-aral, Charlene. Ayos din ang mga school dito sa Tagum." Kausap sa kanya ng Tiya niya nang makapag-kwentuhan ito kay Mama.

"I-enroll ko siya sa Davao, Ate. Doon sa malalaking Universities. Matalino iyan si Charlene kaya hindi nakakahinayang pag-aralin sa private school," turan ng Mama niya.

"Ay! Gayon ba. Sabagay, maganda na, matalino pa. Perfect!" puri sa kanya ng Tiya niya.

Nahihiyang ngumiti lang siya. Ganoon siguro pag bagong salta ka sa isang lugar. Gandang-ganda sila saiyo.

"Bakit i-private pa? Mayroon naman UPM dito, mura na sikat pa na school dito sa Davao," suhestiyon naman ng Tiyo niya.

Kung sino-sino na ang nagsasalita hanggang mag-usap-usap na ang mga ito ng bisaya. Naiiling na lang siya, wala na siyang maunawaan sa sinasabi ng mga ito.

Hanggang sa matapos ang usapan, inaya na sila kumain. Inabot na nang gabi panay pa rin ang kwentuhan ng mga ito. Hindi na natapos, sabagay ang tagal din kasing hindi nakauwi si Mama sa Davao kaya naman na miss siguro nito ang mga kapatid.

Naghahanda na sila matulog nang maisipan niyang magtanong kay Mama.

"Walang pinto 'yon kwarto, Ma?" Tanong niya. Kurtina lang kasi ang harang.

Pagak na tumawa ang Mama niya.

"Oo, anak. Hayaan mo pag nagpadala na ang Papa mo, palagyan natin. At saka, share muna tayo ngayon ng kwarto. Bukas na bukas din, asikasuhin natin ang enrollment mo para makapasok kana nextweek."

"Sige po, Ma," tugon niya.

Kinabukasan nagtungo sila ni Mama sa Davao City para makapag-transfer na siya ng school. Sa UP Mindanao siya ipinasok ni Mama. 

"Buti naman hindi tayo nahirapan ilipat ka, gusto mo ba mag-ikot muna tayo bago umuwi? Bili tayo sa ukay-ukay na masusuot mo para sa pagpasok mo nextweek," wika ng Mama niya.

Mabilis siyang tumango. Gusto rin niyang mag-ikot. Habang nag-iikot, itinuro rin ni Mama sa kanya ang pagsakay pauwi at kung saan siya sasakay. Lahat ng kailangan niyang malaman ay sinabi sa kanya ni Mama. Pagkatapos makapag ukay-ukay pumasok sila sa SM Ecoland.

May SM pala rin dito. Mukhang hindi naman pala siya mahihirapan mag-adjust. Sa umpisa lang siguro, nakakailang sa katagalan masasanay din siya. Well, kailangan niyang sanayin ang sarili.

Sana lang talaga ay magkaroon siya ng mga kaibigan dito. Biglang pumasok sa isip niya ang isang lalaking miss na miss na niya. Nakakalungkot lang talaga, hindi na niya makikita ang ultimate crush niya.

Sa Social Media na lamang siya nakikibalita sa mga dati niyang kaklase at kaibigan sa Maynila.

Be good to me, Davao! Bigyan mo ko nang maraming friends! usal niya sa isip niya.

Matapos ang pamamasyal ay umuwi na sila ni Mama. Sa pangalawang araw niya pa lang roon ay nakilala na niya lahat ng kamag-anak nila pati mga pinsan niya.

Nakakatuwa lang kasi at least nakilala na niya ang family side ni Mama. Masaya siyang makilala ang mga ito. Napangiti siya ng matamis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
RICA
............ handa ng story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   SPECIAL CHAPTER

    SHAWN POVHALOS PUMUTOK ang mga ugat niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata niya kay Abby."How dare you?! Anong ginawa ko sa'yo ha? Sabihin mo! Tarantadó ako pero hindi ako tanga, Abby. Alam mong hindi sa akin 'yan pinagbubuntis mo."Panay lang ang iyak ni Abby.Kung pwede lang manapak ng babae, kanina pa niya binangasan ito sa mukha. Nakakagigíl."Bakit sinabi mong akin 'yan? Tang ína ni garter nga ng panty mo hindi ko hinawakan. Tapos mabubuntís kita? Ano ka si Mama Mary?!"Nalasing siya, Oo. Nagkaroon pa siya ng pagdududa sa sarili na baka sa sobrang kalasingan niya nagalaw niya ito, pero kahit anong piga niya sa utak niya wala siyang maalala.Iyon pala, wala naman pala talaga. Nag imbento lang ito ng kwento sa Daddy nito at sa Daddy niya para mapagtakpan kung sino talaga ang nakabuntis rito. Dang!"I'm so sorry. Sorry. Please, understand me. Papatayín ako ni Daddy pag nalaman niyang–""I don't fúcking care, Abby! Naririnig mo ba ako? I don't care! Pasensyahan tayo, kung 'di

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   54 (FINALE)

    CHARLENE POVTAPOS NA ang ultrasound.. Baby Boy. Mini version ni Shawn. Tsk!Napalingon siya kay Shawn na tuwang tuwa pa rin na nakatitig sa ultrasound result na hawak nito. Kasulukayan nasa loob sila ng sasakyan nito."Kasing pogi ko 'to paglabas. Ay, hindi, lalamangan pa ako nito sa kapogian."Yabang na yabang sa lahi niya. Napailing siya.Hindi na lamang siya kumibo. Hinayaan na lang niya ito, lumutang sa tuwa. Bakas sa mukha nito ang excitement at saya, kahit papaano hindi maiwasang lumambot ang puso niya.Nang pinaandar na nito ang sasakyan, buong akala niya ay ihahatid na siya nito subalit napansin niyang parang iba ang daan nila.Gusto niyang mag usisa pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa huminto sila sa parking lot ng City Hall. Nanlaki ang mga mata niya. Nasa Davao City Hall nga sila. Bakit siya don dinala ni Shawn?Napaharap siya sa binata."Nababaliw ka na ba? Bakit mo ko dinala rito?"Hindi siya makapaniwala. Bigla siyang kinabahan para rito, ano na lang ang iisipin ng m

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   53

    CHARLENE POV"EH 'DI SORRY, Mayor. Hindi ko na sabi na buntis ako, ayaw kasi ni Lord !" angil niya rito.Napapailing na lamang ito.Nang huminto ang kotse nito, hindi na niya inantay pang magsalita ito. Mabilis siyang bumaba ng kotse at naglakad papunta sa bahay nila."Shorty wait–!"Hindi dapat siya lilingon pero 'di sadyang gumalaw ang ulo niya palingon sa binata. Huminto pa siya.Nakalapit na ito sa kaniya."Alam kong ayaw mo na... but ..." napalunok ito. Tila hirap na hirap mag isip ng sasabihin."I want to be responsible for your pregnancy, it's my child. I'm ready to take that on."Seryoso ang gwapong mukha nito."Kinasal ka na 'di ba? Don't tell me gagawin mo akong kabít mo?" pataray na tanong niya.Iyon kasi ang binalita sa telebisyon nun nakaraan buwan. Sa America pa yata nagpakasal ito at ang Abby Velasquez na 'yon."Hindi pa. Hindi pa ako kasal." Pag amin nito.Hindi pa? So, may balak pa lang... Plano pa lang?"Okay lang naman sa'kin kahit mag co-parenting na lang tayo dala

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   52

    CHARLENE POVCONGRATULATIONS THE NEW MAYOR OF DAVAO CITY.... MAYOR SHAWN REBATO !!Lahat ay nagdidiwang, lahat ay masaya dahil sa pagkapanalo ni Shawn Rebato. Landsline ang resulta ng botahan, halos lahat ay gusto makabalik ang isang Rebato sa lungsod nila.Kiming ngumiti siya sabay hawak sa maumbok niyang tiyan. Mag li-limang buwan na ang tiyan niya, pero hindi halata sa katawan niya. Mukha lang siya busog na lumaki lang ang puson.Kaya naman pag lalabas siya ng bahay, nagsusuot siya ng oversize tshirt para lang hindi halata.Mayamaya ay pinátay na niya ang telebisyon, tumutok na siya sa negosyong pinagkakaabalahan niya ngayon. Online Affiliate siya, gumagawa siya ng content video para iba't ibang produkto, kung minsan naman ay nag la-live selling din siya.Ilan buwan din niya pinagtiyagaan ang pagiging Online Affialiate at kahit papaano naman nagbubunga ang effort at puyat niya makapag-edit ng video o live selling.Kumikita siya ng hindi bababa sa bente mil kada linggo. Mayroon na r

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   51

    CHARLENE POV"HINDI ba darating si Shawn?"Pang apat na tanong na iyon ni Mama. Napasulyap siya sa cellphone niya. Nangako itong hahabol at sabay nilang sasalubungin ang bagong taon.Eleven thirthy na ng gabi subalit wala pa rin si Shawn, kahit isang text o tawag wala siya natanggap. Hindi niya tuloy malaman kung ano na ang nangyari sa kasintahan."Baka parating na 'yon, Ma."Sinusupil niya ang lungkot sa mga mukha niya. Bumuga siya ng malalim na paghinga.Naniniwala siyang tutuparin nito ang pangako nito. Umaasa pa rin siya makakahabol ito.Pagpatak ng alas dose. Naglabasan na ang lahat at maingay na sinalubong ang bagong taon. Maraming nagpapa-ingay ng mga motor, nagsisindi ng paputok, nagtatambol ng mga kawali at kung ano ano pang pampaingay.Nagsabay sabay na rin silang nagsalo-salo sa medianoche. Hanggang sumapit ang alas kwatro ng umaga walang Shawn Rebato ang dumating.Pilit niyang tinatawagan ito ngunit naka out of coverage area ito. Naiiyak na siya pero pinipigil pa rin niya.

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   50

    CHARLENE POV"MERRY CHRISTMAS!" malakas na pagbati nila ng sabay sabay ng tumuntong ng alas dose ng umaga ang orasan.Yumakap siya kay Mama at Tiya."Merry christmas, Ma – Tiya," ngiting ngiti siya sa mga ito.Kasalukuyang nasa Davao siya ngayon, umuwi siya ng Tagum bago pa magpasko. Nag-resign na kasi siya sa pinapasukan call center. Hindi na niya malaman kung bakit na demoted siya dahilan para mawalan na siya ng gana pumasok."Anong plano mo, Anak? 'yon apartment mo umalis ka na ba doon?" sunod sunod na tanong ni Mama sa kaniya.Kumuha muna siya ng macaroni salad sa mesa saka tumingin rito."Opo, Ma. Umalis na po ako sa apartment ko. Balak ko po muna mag pahinga kahit ilan linggo lang tapos mag hahanap na po uli ako ng trabaho," aniya sa Mama niya. Bakas ang pag aalala nito sa kaniya."Okay lang ako, Ma. Ayaw niyo ba 'yon makakasama niyo ako ng matagal rito?" nakangising sabi niya para lang mawala ang pag aalala nito.Bumuntong hininga ito sabay kiming ngumiti."Baka makahanap ka ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status