Share

CHAPTER 3

Penulis: NIKKYOCTAVIANO
last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-16 20:51:29

CHARLENE

UNANG araw niya sa UPM ngayon. Sana talaga marami siyanh kaibigan na meet sa unang araw niya. Pagkapasok sa loob ng university, saglit muna siya dumaan sa registrar office. Sakto naman na mayroon transferee student na kagaya niya. Si Eun Woo, isang pure Korean. Nakakatuwa naman, at least hindi siya gaano maiilang.

"Hi! I'm Charlene. I'm also a transferee student." Pakilala niya sa binatang Koreano.

Kainis ang kikinis talaga ng mga mukha ng mga Koreano.

Ngumiti naman ito sabay lahad sa kamay. Pansin niya na may pagka-nerd looks ito pero para sa kanya cute naman ito.

"I'm Eun Woo Soo. Nice to meet you, Cha-lene," nakangiting pakilala nito.

Sobrang cute! Lalo na nang mahirapan ito sa letrang 'R'. May pagkahawig pa naman ito sa artistang at host sa isang TV network. Si Ryan Bang. Muli siyang ngumiti at tinanggap ang pakikipag-kamay nito.

"Nice to meet you, Eun Woo."

Naglakad na sila ni Eun Woo patungo sa unang subject nila. Halos lahat yata ng subjects ay magkaklase sila ni Eun Woo. Buti na lang para may makausap man lang siya.

After ng tatlong subjects class nila. Niyaya niya si Eun Woo magpunta sa cafeteria. Marami-rami na rin sila napagkwentuhan, nalaman niyang mag-isang taon na pala nakatira si Eun Woo rito sa Pilipinas kaya hindi pa ito gaano marunong mag-tagalog.

Nag-order siya agad ng kanin at ulam habang si Eun Woo, palabok ang binili nito. Pinauna muna niya si Eun Woo na maupo sa dulo kung saan may bakanteng table. Ang tagal kasi siyang suklian sa one thousand bill niya. Habang nag-aantay siya sa sukli niya, napansin niyang may matangkad na lalaki ang lumapit at tumabi kay Eun Woo. Sino kaya iyon?

Akala niya kakilala ito ni Eun Woo pero nagulat siya nang buhusan ng lalaki sa ulo si Eun Woo. Ibinuhos nito ang juice sa ulo mismo ni Eun Woo. Shit! Mukhang may nambu-bully sa bagong kaibigan niya.

Sakto naman na sinuklian na siya kaya mabilis ang hakbang niya palapit kay Eun Woo. Nang muling bubuhasan ng lalaki si Eun Woo ay hindi na siya nangiming pigilan ang pulsuhan nito. Mahigpit ang naging hawak niya. Umiinit ang ulo niya pag may mga ganitong klaseng tao.

Ang lalakas ng loob mam-bully. Kulang sa aruga. Nagpalitan sila ng salita ng lalaki. Hanggang sa buhusan din siya nito ng softdrink sa ulo. Oh shit!

Nangingitngit ang mga ngipin niya sa inis. How dare him?! Hindi siya papayag na hindi makaganti. Mabilis niyang dinakot ang palabok na pagkain ni Eun Woo saka nilamukos iyon sa mukha ng maangas na lalaki. Eto ang bagay sa'yo!

"Shit ka! Hindi mo ba ako kilala?!" mabagsik na angil nito.

Tumaas lang ang kilay niya.

"Oh, I'm sorry. I didn't know you have the authority here. Who are you? God? Magsuot ka kasi ng ID mo para makilala ka," sarkastikong sagot niya rito.

Nag-angas pa ito kung kilala niya ba ito. Gago ba 'to? Sino ba ito sa inaakala niya? Anak nga ni Prince William hindi niya alam ang pangalan, ito pa kaya. Kainis!

Mabilis niyang hinila si Eun Woo at nagmadali na silang umalis ng cafeteria. Nagpunta naman ito sa banyo para makapaglinis. Habang siya hindi naman ganoon karami ang nabuhos sa ulo niya kaya pinunasan na lang niya ng panyo ang buhok niya.

Samantalang si Eun Woo naging tahimik lang ito mula nang na-bully ito sa cafeteria. Kawawa naman ito, unang araw na bully na agad ito. Nakabalik na sila sa classroom.

Muling kinuyom niya ang kamao. Naiinis pa rin siya sa maangas na lalaking iyon kanina. Ilan sandali pa ay nilapitan siya ng isang babaeng classmate nila. Si Erica.

Nakita pala nito ang nangyari sa cafeteria. Shawn Rebato raw ang pangalan ng lalaki kanina.

"Rebato? Ka-apelyido pa pala niya ang Mayor ng Davao," pabirong wika niya.

"Oo naman ka-apelyido niya talaga ang Tatay niya," tugon naman ni Erica.

Nabitawan niya ang ballpen na hawak. Nabigla siya sa narinig.

"Seryoso ba?"

"Oo. Siya 'yon bunso anak ni Mayor Rebato."

Napaawang ang labi niya. Kaya pala ang lakas ng loob mam-bully. Mayabang na bully pa. Tsk!

"Siya rin ang leader ng Otaber Sigma Phi."

"Ano 'yon?" 

Hindi siya pamilyar kaya nagtanong siya.

"Fraternity dito sa school. Halos lahat ng lalaking students dito, gusto sumali sa fraternity niya. Dapat kasi, hinayaan mo na lang, baka balikan kapa ni Shawn," turan ni Erica.

Tama ba 'yon? Hayaan niya lang? Nakaka-traumatized ang ma-bully tapos hahayaan lang niya?

Hindi siya pinalaking duwag ng Papa at Mama niya. Hindi naman sa pagmamayabang, pero black belter siya sa taekwondo. Kung totoo ngang babalikan siya ng bully boy na iyon, magsisisi ito ng babaeng kakataluhin.

"Hindi ko hahayaan ang mga ganoon klaseng pag-uugali lalong-lalo na kung kaibigan ko ang mapapahamak. Mabait si Eun Woo, hindi niya deserve ang ganoon klaseng treatment. Walang kahit na sino ang deserve na maliitin at pahiyain ng ganoon." Seryosong sabi niya.

Nagkibit balikat na lamang si Erica saka siya iniwan. Ibang klase rin pala ang mga estudyante rito, alam na ngang mali pero imbes sitahin, mas ikinatutuwa pa ng mga ito ang ginagawang pambu-bully ng Shawn na iyon.

Wala siyang pakialam kung kaninong anak ito o kahit Ama pa nito ang Presidente ng Pilipinas. Basta pag mali, mali. 

Pagkatapos ng lahat subjects nila, kinamusta niya si Eun Woo.

"It's okay, Charlene. I'm used to it. Eversince I was kid, people always mock at me and bully me," malungkot na wika nito.

"No, it's not okay. Don't let them insults you or bully you. It's wrong." aniya.

Nakakainis lang isipin na sanay na ito sa ganoon. Nginitian lang siya nito saka sumakay na ito ng taxi. Naroon pa rin siya nakatayo sa labas ng university.

Lumingon siya at pinagmasdan ang university. Tama nga ba siya ng university na pinasukan? Huminga siya nang malalim saka naglakad na patungo sa sakayan ng bus. Mukhang unang araw pa lang niya sa university, kaaway ang kaagad nahanap niya.

Nakauwi na siya, nakita niya nagluluto na si Mama. Sakto kasing ala-sais na nang gabi siya nakarating.

"Charlene, kamusta ang first day mo? Ayos ba?" nakangiting bigkas ni Mama.

"Opo, Ma. Maayos naman po. Ano po niluluto niyo?" nakita niya kasi naglalagay ito ng panggatong. Hindi kasi uso ang gasul, mas matipid daw kasi gumamit ng kahoy.

May kalumaan na rin ang bahay ng Lolo at Lola niya. Katamtaman lang naman ang laki, may limang kwarto rin. Naroon din nakatira ang ibang tiyahin niya na wala pa rin mga asawa. Matagal na kasing patay ang Lolo at Lola niya base na rin sa kwento sa kanya ni Mama.

"Nagluluto ako ng paksiw na tulingan, magpalit ka muna tapos tawagin kita pagkakain na," malambing na sabi ni Mama sa kanya.

"Sige po," tugon niya.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto nila. Pasadlak siyang nahiga. Nakatanggap din siya ng chat galing sa Papa niya. Kina-kamusta nito ang bagong school niya. Mabilis naman siyang nag-type ng message. Sinabi niyang ayos naman ang lahat.

Napabuga siya nang malalim na paghinga. Ayos nga ba ang lahat? Pinilig-pilig niya ang ulo at nagbihis na lang. Lumabas muna rin siya, maige pang makipag-kwentuhan sa mga pinsan niya.

Iyon ang kagandahan sa probinsya mga kamag-anak mo ang kapitbahay mo. Kaya ayos lang makipag-tsismisan kasama ang mga pinsan.

Kinamusta rin ng mga ito ang unang araw niya sa university, at kung ano-anu pa ang napag-usapan nila hanggang sa tawagin na siya ni Mama para kumain.

Bahala na nga bukas, goodluck na lang talaga, Charlene.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
good luck Charlene
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   SPECIAL CHAPTER

    SHAWN POVHALOS PUMUTOK ang mga ugat niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata niya kay Abby."How dare you?! Anong ginawa ko sa'yo ha? Sabihin mo! Tarantadó ako pero hindi ako tanga, Abby. Alam mong hindi sa akin 'yan pinagbubuntis mo."Panay lang ang iyak ni Abby.Kung pwede lang manapak ng babae, kanina pa niya binangasan ito sa mukha. Nakakagigíl."Bakit sinabi mong akin 'yan? Tang ína ni garter nga ng panty mo hindi ko hinawakan. Tapos mabubuntís kita? Ano ka si Mama Mary?!"Nalasing siya, Oo. Nagkaroon pa siya ng pagdududa sa sarili na baka sa sobrang kalasingan niya nagalaw niya ito, pero kahit anong piga niya sa utak niya wala siyang maalala.Iyon pala, wala naman pala talaga. Nag imbento lang ito ng kwento sa Daddy nito at sa Daddy niya para mapagtakpan kung sino talaga ang nakabuntis rito. Dang!"I'm so sorry. Sorry. Please, understand me. Papatayín ako ni Daddy pag nalaman niyang–""I don't fúcking care, Abby! Naririnig mo ba ako? I don't care! Pasensyahan tayo, kung 'di

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   54 (FINALE)

    CHARLENE POVTAPOS NA ang ultrasound.. Baby Boy. Mini version ni Shawn. Tsk!Napalingon siya kay Shawn na tuwang tuwa pa rin na nakatitig sa ultrasound result na hawak nito. Kasulukayan nasa loob sila ng sasakyan nito."Kasing pogi ko 'to paglabas. Ay, hindi, lalamangan pa ako nito sa kapogian."Yabang na yabang sa lahi niya. Napailing siya.Hindi na lamang siya kumibo. Hinayaan na lang niya ito, lumutang sa tuwa. Bakas sa mukha nito ang excitement at saya, kahit papaano hindi maiwasang lumambot ang puso niya.Nang pinaandar na nito ang sasakyan, buong akala niya ay ihahatid na siya nito subalit napansin niyang parang iba ang daan nila.Gusto niyang mag usisa pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa huminto sila sa parking lot ng City Hall. Nanlaki ang mga mata niya. Nasa Davao City Hall nga sila. Bakit siya don dinala ni Shawn?Napaharap siya sa binata."Nababaliw ka na ba? Bakit mo ko dinala rito?"Hindi siya makapaniwala. Bigla siyang kinabahan para rito, ano na lang ang iisipin ng m

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   53

    CHARLENE POV"EH 'DI SORRY, Mayor. Hindi ko na sabi na buntis ako, ayaw kasi ni Lord !" angil niya rito.Napapailing na lamang ito.Nang huminto ang kotse nito, hindi na niya inantay pang magsalita ito. Mabilis siyang bumaba ng kotse at naglakad papunta sa bahay nila."Shorty wait–!"Hindi dapat siya lilingon pero 'di sadyang gumalaw ang ulo niya palingon sa binata. Huminto pa siya.Nakalapit na ito sa kaniya."Alam kong ayaw mo na... but ..." napalunok ito. Tila hirap na hirap mag isip ng sasabihin."I want to be responsible for your pregnancy, it's my child. I'm ready to take that on."Seryoso ang gwapong mukha nito."Kinasal ka na 'di ba? Don't tell me gagawin mo akong kabít mo?" pataray na tanong niya.Iyon kasi ang binalita sa telebisyon nun nakaraan buwan. Sa America pa yata nagpakasal ito at ang Abby Velasquez na 'yon."Hindi pa. Hindi pa ako kasal." Pag amin nito.Hindi pa? So, may balak pa lang... Plano pa lang?"Okay lang naman sa'kin kahit mag co-parenting na lang tayo dala

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   52

    CHARLENE POVCONGRATULATIONS THE NEW MAYOR OF DAVAO CITY.... MAYOR SHAWN REBATO !!Lahat ay nagdidiwang, lahat ay masaya dahil sa pagkapanalo ni Shawn Rebato. Landsline ang resulta ng botahan, halos lahat ay gusto makabalik ang isang Rebato sa lungsod nila.Kiming ngumiti siya sabay hawak sa maumbok niyang tiyan. Mag li-limang buwan na ang tiyan niya, pero hindi halata sa katawan niya. Mukha lang siya busog na lumaki lang ang puson.Kaya naman pag lalabas siya ng bahay, nagsusuot siya ng oversize tshirt para lang hindi halata.Mayamaya ay pinátay na niya ang telebisyon, tumutok na siya sa negosyong pinagkakaabalahan niya ngayon. Online Affiliate siya, gumagawa siya ng content video para iba't ibang produkto, kung minsan naman ay nag la-live selling din siya.Ilan buwan din niya pinagtiyagaan ang pagiging Online Affialiate at kahit papaano naman nagbubunga ang effort at puyat niya makapag-edit ng video o live selling.Kumikita siya ng hindi bababa sa bente mil kada linggo. Mayroon na r

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   51

    CHARLENE POV"HINDI ba darating si Shawn?"Pang apat na tanong na iyon ni Mama. Napasulyap siya sa cellphone niya. Nangako itong hahabol at sabay nilang sasalubungin ang bagong taon.Eleven thirthy na ng gabi subalit wala pa rin si Shawn, kahit isang text o tawag wala siya natanggap. Hindi niya tuloy malaman kung ano na ang nangyari sa kasintahan."Baka parating na 'yon, Ma."Sinusupil niya ang lungkot sa mga mukha niya. Bumuga siya ng malalim na paghinga.Naniniwala siyang tutuparin nito ang pangako nito. Umaasa pa rin siya makakahabol ito.Pagpatak ng alas dose. Naglabasan na ang lahat at maingay na sinalubong ang bagong taon. Maraming nagpapa-ingay ng mga motor, nagsisindi ng paputok, nagtatambol ng mga kawali at kung ano ano pang pampaingay.Nagsabay sabay na rin silang nagsalo-salo sa medianoche. Hanggang sumapit ang alas kwatro ng umaga walang Shawn Rebato ang dumating.Pilit niyang tinatawagan ito ngunit naka out of coverage area ito. Naiiyak na siya pero pinipigil pa rin niya.

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   50

    CHARLENE POV"MERRY CHRISTMAS!" malakas na pagbati nila ng sabay sabay ng tumuntong ng alas dose ng umaga ang orasan.Yumakap siya kay Mama at Tiya."Merry christmas, Ma – Tiya," ngiting ngiti siya sa mga ito.Kasalukuyang nasa Davao siya ngayon, umuwi siya ng Tagum bago pa magpasko. Nag-resign na kasi siya sa pinapasukan call center. Hindi na niya malaman kung bakit na demoted siya dahilan para mawalan na siya ng gana pumasok."Anong plano mo, Anak? 'yon apartment mo umalis ka na ba doon?" sunod sunod na tanong ni Mama sa kaniya.Kumuha muna siya ng macaroni salad sa mesa saka tumingin rito."Opo, Ma. Umalis na po ako sa apartment ko. Balak ko po muna mag pahinga kahit ilan linggo lang tapos mag hahanap na po uli ako ng trabaho," aniya sa Mama niya. Bakas ang pag aalala nito sa kaniya."Okay lang ako, Ma. Ayaw niyo ba 'yon makakasama niyo ako ng matagal rito?" nakangising sabi niya para lang mawala ang pag aalala nito.Bumuntong hininga ito sabay kiming ngumiti."Baka makahanap ka ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status