LOGINCHARLENE POV
"Ma'am, ito po ang kwarto niyo." wika sa akin ni Miss Lorena Lacson. Siya ang secretary ni Daddy Greg. "Salamat po, Miss." sagot ko din naman kaagad. Tuluyan na akong pumasok sa loob kung saan hindi ko maiwasan na mamangha sa aking mga nakita Maganda ang buong paligid at dahil nasa middle class lang naman ang naging buhay na meron kami noon, talagang hindi ko mapigilan ang humanga sa aking mga nakita May malaking kama, carpeted ang sahig at sa dako pa roon ay may nakita akong sofa May sarili ding relevision, ref at kung anu-ano pa. At sa dako pa roon ay nakikita ko na ang pintuan ng banyo kaya kaagad akong lumapit doon at binuksan iyon '"Wow! Banyo ba ito? Grabe, iba talaga ang mga mayayaman!' mahina kong bulong sa aking sarili. At bago pa ako matulala ng tuluyan sa aking mga nakita, nagpasya na akong mahiga na muna ng kama. "Kailangan ko palang magpahinga." mahina kong bulong sa aking sarili. At dahil sa sobrang lambot ng kama, bango ng palitid plus malamig na buga ng aircon, tuluyan na din naman akong nakatulog Nagising ako sa pakiramdam na para bang may humahaplos sa pisngi ko. Nang idilat ko ang aking mga mata, hindi ko maiwasan na magulat nang makita ko sya. Si Daddy Greg. "Dad?" mahina kong sambit. Dali-dali akong bumangon ng kama at bumaba "Sorry to disturb you baby but we need to go home na. Naghihintay na ang Mommy mo sa kotse.'" masuyo ang tono ng boses na sagot niya. "Huhh, ahmm, okay po, Daddy." At dahil hindi pa ako sanay sa presensya niya, kahit na hindi ko pa nakikita ang kung ano man ang hitsura ko ngayon, patakbo na akong naunang lumabas sa kanya ng kwarto Narinig ko pa nga ang mahina niyang pagbuntong hininga pero hindi ko na iyon pinansin pa. Hangang sa makarating na kami ng elevator Si Daddy Greg na ang pumindot noon. At habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator, hindi ko maiwasan na titigan ang reflexion namin sa salamin Si Daddy Greg ay nakatayo sa likuran ko. Pero, kapansin-pansin din na nakatutok ang dalawang mga mata niya sa akin Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. Stepdad ko siya pero kaya ko ba siyang ituring sa ganoong paraan? Mas haman ka mas bata siya kumpara sa Daddy ko. Si Mommy Sylvia naman ay nasa trenta pa lang. Bente sinko anyos itong nagpakasal kay Daddy. At balita ko, dating nagtatrabaho daw si Mommy Sylvia sa bar. Pinulot este, inasawa ni Daddy at pina-aral. At nang maka graduate, tsaka na ito nagtrabaho sa kumpanya bilang isang office girl. At doon yata niya nakilala itong si Daddy Greg. Hindi nga lang ako sigurado kung buhay pa ba si Daddy may relasyon na sila. Pero, bago namatay si Daddy sa atake sa puso, palagi ko silang naririnig na nag-aaway "Hey..tatayo na lang ba tayo dito?" hindi ko maiwasan na mapaiktad nang bigla na lang nagsalita si Daddy Greg mula sa likuran ko. Bumukas na pala ang pintuan ng elevator na hindi ko man lang napapansin. At bago pa ako nakakilos, naramdaman ko na lang ang paghawak ni Daddy Greg sa braso ko at hinila ako papasok sa loob. Gusto ko sanang bawiin ang braso ko na hawak niya. Lalo na at naiilang ako. Ramdam ko ang mainit niyang palad na para bang bumabaon sa aking balat. At hindi ko alam kung normal ba itong nararamdaman ko ngayon Napapansin ko kasing kapag nasa paligid lang itong stepdad ko, para bang hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. At sana lang talaga, hindi ito masamang pangitain. "Charlene, how old are you?" maya-maya tanong niya sa akin. "Magna-nineteen po, Daddy." sagot ko. "Uhmm, nineteen. May boyfriend??" tanong niya ulit "Huhhh, ahmmm, wala po, Daddy." sagot ko ulit sa kanya Kailangan kong lagyan palagi ng 'daddy' para naman masanay ako. Lalo na at makakasama ko na siya sa iisang bubong simula ngayong gabi. "Walang nobyo pero may mga manliligaw??" muling tanong niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapa-isip. Bakit niya ba tinatanong ng ganitong bagay? Ahh, baka naman gusto niya lang gampanan ang pagiging mabuti niyang ama sa akin?" "Me-meron po, Daddy." sagot ko. "Kung ganoon, dapat ngayon pa lang, iwasan m na sila." walang paligoy-ligoy niyang sagot. At bago pa ako nakapagsalita ulit, bumukas na ang pintuan ng elevator. Nandito na kami sa ground floor at nauna nang lumabas si Daddy Greg. Kaagad naman akong napasunod sa kanya,. ***************** Sa mismong exit ng hotel, naghihintay na ang sasakyan. Nasa loob si Mommy kung saan pagkasakay ko, nakita ko ang pagkayamot sa mukha niya "Greg, sinabi ko naman sa iyo na hayaan mo na ang drvier ang sumundo sa kanya." ani ni Mommy "Sylvia, anak ko na din si Charlene at dapat kong sanayin ang sarili ko na alagaan siya." baliwalang sagot naman ni Daddy Greg "Baka naman masanay si Charlene niyan. Dalaga na siya at hindi naman siya kagaya ng isang paslit na dapat bigyan ng maraming oras." ani ni Mommy Sylvia. "Even though! Still, teen pa rin siya kaya dapat nating ingatan siya, Sylvia." ani naman ni Daddy Greg. Feelng ko tuloy, sa kanilang dalawa ni Mommy Sylvia, parang mas magiging mabuting guardian itong si Daddy Greg eh. Kanina ko lang siya nakilala pero gusto niya na daw akong alagaan?CHARLENE POV “Daddy!” umiiyak kong wika kay Daddy Greg. At nang tuluyan akong nakalapit sa kanya, walang pagdadalawang isip na kaagad akong yumakap sa kanya “Sylvia, ano ang ginawa mo?” muling tanong ni Daddy Greg kay Mommy Sylvia. Hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap sa kanya. Paninindigan ko ang pagiging feeling closed ko sa kanya. Tutal, nandito na ako eh. Kasama ito sa paraan ko para mas lalong makuha ang loob nitong si Daddy Greg. “Greg, dinidisiplina ko lang ang babaeng iyan. Sa sobrang tigas ng ulo niya dapat lang na saktan siya para alam niya kung ano ang mali niya!” sagot naman ni Mommy Sylvia. “Bakit, ano ba ang nagawang kasalanan niya sa iyo at bakit kailangan saktan ang bata?” tanong ni Daddy Greg. “Daddy Greg, I didn’t do anything wrong. Si Mommy, gusto niya po kasing ibenta ang lumang bahay namin. And then, i said no kaya sinampal niya ako.” umiiyak kong singit sa usapan nila. Kaagad namang kinalas ni Daddy Greg ang braso kong nakayakap sa kanya. Pagk
CHARLENE POV PAGKATAPOS ng kaunting panlalandi ko kay Daddy Greg, muli akong bumalik ng kwarto. Tinapos kong ayusin ang mga gamit na kinuha ko kanina sa dating bahay namin. At habang abala ako sa pag-aayos, walang sabi-sabing mabilis akong napatayo. Si Mommy Sylvia bigla na lang siyang pumasok dito sa loob ng kwarto ko. Ni hindi man lang siya kumatok. “Mom? Bakit po?” gulat kong wika. Napansin kong pasimple nitong inilibot ang tingin sa buong paligid bago seryosong tumitig sa akin. “Kumusta ang pagdalaw mo kanina sa dating bahay natin?” seryosong tanong niya. “Okay lang naman po, Mom. Kinuha ko lang po ang mga importante kong mga gamit tapos iniwan ko na po iyong iba.” sagot ko. “Bakit hindi kinuha lahat ng gamit mo?” tanong niya sa akin. “Po?” “Charlene, ayaw ko na sa bahay na iyon at kaysa naman sa nakatiwangwang lang, I decided na ibenta na lang.” seryoso niyang wika. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. “Mom, No!” mariin kong pagtutol. Hindi
CHARLENE POV "DADDY GREG, Mommy Sylvia, pinapatawag niyo daw po ako?" muli kong tanong sa kanila "Yes, gusto ng Daddy mo na umalis tayo ngayon para maibili ang mga pangangailangan mo." si Mommy Sylvia ang sumagot Wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya nang makita niya akong nakasuot ng ganito ka sexy na kasuotan. Pero, si Daddy Greg, kitang kita ko na halos ayaw nang humiwalay ang tingin niya sa akin. At lihim na nagdiwang ang kalooban ko. "Hi--hindi na po kailangan. May mga gamit pa naman po akong magagamit." sagot ko na lang. "Narinig mo ba iyon, Greg? Sabi ko sa iyo eh, hindi na kailangan." sagot ni Mommy Pagkatapos noon, mabilis itong tumayo at naglakad paalis "I'm tired! Gusto ko na munang magpahinga bago tayo kumain ng dinner." muling wika ni Mommy Sylvia. At pagkatapos noon, tuluyan na itong naglakad palabas ng living room Kaagad din naman akong sumunod sa kanya. Pero, napatigil ako sa paghakbang nang maramdaman ko na lang ang biglang paghawak ni Dadd
CHARLENE POV "NANG mahimasmasan ako sa matindi kong pag-iyak, tsaka ko na ginawa ang pag-iimpake. Eksakto alas dose ng tanghali, dumating na ang sasakyan na sumundo sa akin para ibalik ako sa bahay ng bagong bahay nila Mommy Sylvia at ang bago niyang asawa na si Daddy Greg. "Magkita na lang tayo sa School, Charlene." wika pa nga sa akin ni Bebelyn. Alam kong namumugto ang mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak pero pilit pa rin akong ngumiti sa harapan niya "Oo naman! Magkikita tayo sa School." sagot ko habang isa-isa nang isinasakay ng driver ang mga gamit na dadalhin ko sa bagong magiging tirahan ko At sa totoo lang, mabigat sa loob ko ang umalis dito. Nasa bahay na ito ang mga masasayang ala-ala namin ng namayapa kong ama. At mula ngayon, magiging tahimik ng ang buong bahay 'Dadalaw-dalaw pa rin naman ako dito, Bebelyn. At sana, pakitingnan-tingnan na lang itong bahay namin." muli kong wika "Oo naman! Huwag kang mag-alalala, sasabihan ko din si Aling Mariana bantay-ba
CHARLENE POV "ALING Mariana, salamat po sa mga impormasyon na ibinigay niyo sa akin." umiiyak ko pa ring wika. "Basta, sinabi ko lang ang kung ano man ang nalalaman ko. Charlene, mabait kang bata at gusto kong makita kang nasa maayos kang kalagayan kahit na wala na ang ama mo." seryoso niyang sagot sa akin Mas lalo naman akong naluha. Oo naman, sino ba naman ang ayaw sa maayos na buhay. Kaya nga, kahit na wala na si Daddy, nagpapasalamat pa rin ako kasi may isang Mommy Sylvia ang nag-aalaga sa akin, pero ang malaman ko na siya pala ang dahilan ng maagang kamatayan ng ama ko, wala na akong ibang naramdaman sa kanya ngayon kundi, galit. Masaya siya sa bago niyang buhay, samantalang ang napakabait kong ama ay namatay dahil sa pagiging malandi niya "Oh siya sige, tutuloy na ako. Hangang anong oras ka sa bahay niyo? Magluluto ako ng paborito mong nilaga at bibigyan kita." wika ni Aling Mariana. "Salamat po. Mag-ingat po kayo, Aling Mariana. Mag-uusap na lang po tayo ulit." lumu
CHARLENE POV "KAPAG tapos ka nang mag-impake, sabihin mo sa akin para maipasundo ka kaagad namin ng DAddy Greg mo." wika ni Mommy Sylvia sa akin Nandito kami sa harap ng gate ng subdivision kung saan kami nakatira. Townhouse ang mga bahay dito at kahit papaano, nakakaluwag-luwag naman kami sa buhay. Air traffic controlle sa international airport ang trabaho ng ama ko noong nabubuhay pa. Kaya kung totoosin, maayos naman talaga ang buhay namin Sayang nga lang, maaga siyang kinuha ni Lord. Nasa School ako noon noong tumawag ang kapitbahay namin na si Aling Mariana na isinugod daw sa hospital ang ama ko. Inatake sa puso at dead on the spot daw. Sa naalala ko, umalis ako ng bahay na wala pa sya. Pero pagkadating daw nito ng bahay, bigla daw inatake sa puso At bilang anak, masakit sa akin iyon. Ang bait ni ama kong iyon. Wala siyang katulad kaya hangang ngayon, ramdam ko pa rin ang kirot sa puso dahil sa maaga niyang pagkawala. "Charlene, bumaba ka na! Ano ka ba, tutulala ka







