Share

CHAPTER 2

JOSHUA HADES...

Naglalakad s'ya sa hallway ng ARM Hospital na pag-aari ng kanilang ninong Ashton.

Bibisitahin n'ya ang kasintahan na naakdisente dahil sa ginawa ni Trina. Umigting ang kan'yang panga ng maalala ang ginawa nito.

Sobrang galit ang kan'yang nararamdaman para sa dalaga. Hindi talaga ito titigil sa kabaliwan nito at ang hayagang pagpapakita nito ng motibo at ang pagsunod-sunod nito sa kan'ya simula pagkabata hanggang ngayon.

Nagsimula ang kalbaryo n'ya sa buhay ng matagpuan sila ng nanay n'ya ng kan'yang ama. Nakilala n'ya ang mga kaibigan nito at ang mga anak na rin at buong pamilya at sa kasamaang palad isa si Trina doon na s'yang anak pala ng tito Drake n'ya na s'yang nagligtas at tumulong sa kanila ng nanay n'ya noong mga panahong halos mamatay na sila sa gutom at sakit.

Kung hindi n'ya lang iniisip ang utang na loob n'ya sa ama nito, baka kung ano na ang nagawa n'ya sa babae.

Inis na inis s'ya sa mga ginagawa nito, lalong-lalo na ang pagka liberated ni Trina na kahit sinong lalaki pinapatos. Walang respeto sa sarili at sa pagkababae nito.

Hindi n'ya alam bakit hindi ito nasasaway ng tito Drake at tita Eliana nila. Naturingan hitler ng mga kaibigan nito ang ama ni Trina ngunit hindi nito mapigilan ang anak sa mga ginagawang kalokohan.

He hate that kind of woman— na hindi pinapahalagahan ang sarili at parang nagtitinda lang ng karne sa palengke kung ialok ang sarili nito sa mga lalaki.

Mas lalo pang sumiklab ang galit at pandidiri n'ya rito ng masangkot ito sa isang sex scandal.

Simula ng araw na iyon, kinasusuklaman n'ya na ang dalaga at diring-diri s'ya sa mga pinagagawa nito sa buhay.

Lumaki s'ya na puro mga babae ang kasama. Ang mama Paulyn n'ya na isang napaka conservative na babae at ang nanay Teresita n'ya na palaging pinapangaralan ang kan'yang mama Paulyn na huwag basta-basta ibigay ang sarili kahit kani-kanino.

Palagi n'ya itong naririnig sa bibig ng lola Teresita n'ya at tumatak ito sa kan'yang isip hanggang sa lumaki.

Kung kaya ang naging girlfriend n'ya at pinili ay isang mahinhin na babae at tanging s'ya lamang ang kinakausap na lalaki nito.

She is an example of typical dalagang Pilipina.

Metikuloso s'ya pagdating sa mga babae at hindi basta-basta naaakit sa mga nagsusuot ng maiikli na mga damit.

Mas nagustohan n'ya pa ang simply at pormal manamit na mga babae. Para sa kan'ya ito ang attractive at hindi yong mga nasisilipan na dahil sa ikli ng suot at parang kinulang sa tela, katulad ng palaging sinusuot ni Trina.

Tumunog ang kan'yang cellphone— kung kaya huminto muna s'ya at kinapa ito sa kan'yang bulsa. Sinilip n'ya ang tumatawag at nakita n'ya ang pangalan ng ina.

"Hello nay!" bati n'ya rito.

"Joshua anak, dito ka ba kakain?" malambing na tanong ng nanay n'ya. Wala pa rin itong ipinagbago, napakalambing pa rin at napaka-maalaga.

Ang nanay n'ya ang idolo n'ya sa pagpili ng babae. May nangyari man sa nakaraan nila ngunit hindi nawala ang respeto n'ya sa ina. Mahal na mahal n'ya ito and he's looking forward na makapag-asawa ng pareho ng ugali ng nanay Riza n'ya.

"I'll let you know later nay, nasa hospital pa ako," pagbibigay alam n'ya rito.

"H-Hospital? Anong nangyari sayo Joshua?" puno ng pag-aalalang tanong nito sa kan'ya.

"Relax nay! Walang nangyari sa akin. Binabantayan ko lang si Liezel dahil naakdisente," igting ang mga panga na pagbinigay alam n'ya sa ina.

"Ano? Bakit naakdisente? At anong aksidente?" tanong ng nanay n'ya. Kilala n'ya ito, hindi ito titigil sa kakatanong hangga't hindi n'ya isalaysay ang lahat.

"Nabangga ang kan'yang sasakyan, dahil sa kagagawan ni Trina nay. The nerve of that bitch!" galit na turan n'ya sa ina.

"Watch your mouth Joshua Hades El Frio!" galit na saway nito sa kan'ya.

"What nay? Kagagawan ni Trina kung bakit naakdisente si Liezel. Wala na talagang matinong ginawa ang babaeng iyon," ngitngit na sumbong n'ya.

"Hindi kita pinalaki na gan'yan Joshua. At huwang mong kalimutan ang utang na loob natin sa tito Drake mo," sermon ng ina sa kan'ya.

"Hindi ko yan nakalalimutan nay, at pasalamat lang ang Trina'ng iyon na palagi kong naiisip ang utang na loob natin sa ama n'ya," sagot n'ya sa ina. Narinig n'ya ang pagpapakawala nito ng hangin.

"Joshua wala namang ginagawa si Trina sayo anak, ikaw lang ang mababa ang tingin sa kan'ya at galit na galit. Hindi ko alam kung saan galing ang galit mo kay Trina!"

Sa sinabi ng ina may eksena na dumaan sa kan'yang isip.

FLASHBACK...

"Trina how many boyfriends do you want?" tanong ni Tati kay Trina na naglalaro ng babae at lalaking doll.

"Hmmmm! I want a lot Tati. One boyfriend is kind'a boring you know!" sagot ng batang si Trina.

"How about kuya Joshua? I thought you like him?" tanong pa ni Tati.

"No, offcourse not! I don't like Joshua, I love him at gagawin ko s'yang toy someday. Someone I can play, hindi ba ayos yon Tati?" proud na sagot ni Trina sa pinsan.

Dahan-dahan s'yang tumalikod mula sa pagkukubli sa pader na kuyom ang mga kamao. Doon nagsimula ang galit n'ya sa babae at pinangako n'ya sa sarili na hinding-hindi s'ya mahuhulog sa mga laro nito.

END...

"Ayoko sa mga babaeng pakawala nay, at alam mo yan," tanging sagot n'ya rito.

"Anak hindi naman pakawala si Trina, huwag mo naman s'yang husgahan ng ganon-ganon na lang. Katulad ka din ng ama mo Joshua ang bilis manghusga, tapos sa huli magsisisi ngunit huli na. Ito ang tandaan mo anak, kailangan panindigan mo iyang mga sinasabi mo, dahil sa nakikita ko sayo, hindi galit ang nararamdaman mo kay Trina," habilin ng ina bago pinatay ang tawag.

Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa sinabi nito. Ano ang ibig sabihin ng ina? No! It can't be, and never s'yang mauwi sa ganong damdamin sa babae, never.

Ibinulsa n'ya na ang cellphone at babalik na sana sa kwarto ng kasintahan ng biglang nagsipulasan ang mga tao sa lobby ng hospital.

Nakita n'ya ring patakbo na lumapit sa bagong dating na pasyente na nakasakay sa stretcher si Asher.

Pagkatapos tumakbo ito patungo sa direction n'ya kung saan ang dulo ay ang operating room ng hospital.

"Get Trina inside the operating room now Tatiana," malakas na sigaw nito habang nauna ng tumakbo papasok sa operating room.

Biglang nanigas ang kan'yang katawan ng marinig ang pangalan na sinambit nito.

Nagsipulasan ang mga nurse at nakumpirma n'ya na si Trina nga ang naturang pasyente na kapapasok pa lamang ng makita n'ya si Tati na katulong sa pagtutulak ng stretcher na kinalalagyan ng dalaga.

Nanlamig ang kan'yang buong katawan ng dumaan sa harapan n'ya ang mga ito. Halos hindi na makilala ang mukha ni Trina dahil sa sobrang dami ng mga pasa nito sa mukha.

Hindi s'ya nakahuma habang sinusundan ng tingin ang stretcher na pinaglagyan sa dalaga.

Parang may kung anong damdamin ang napukaw sa kan'ya at nakaramdam s'ya ng sobrang galit na hindi n'ya alam kung para kanino.

Sunod-sunod na nagtakbuhan ang ilang mga doctor na kita sa mga kilos ang pagmamadali na sumunod sa operating room.

Agad na umilaw ang pulang ilaw sa labas nito, tanda na may nagaganap na operasyon sa loob. Nakatayo pa rin s'ya doon at pilit na pinoproseso ang lahat ng nakita na sitwasyon ni Trina.

"Joshua hinahanap ka ni Liezel," napukaw s'ya sa malalim na pag-iisip ng bumukas ang pintoan ng kwarto ng kasintahan at dumungaw ang ina nito para tawagin s'ya

Ipinilig n'ya ang ulo at iwinaksi sa isipan ang nakita. Hindi s'ya dapat maawa sa dalaga at lalong hindi s'ya dapat makaramdam ng ganito.

Siguro karma na ni Trina ang nangyari dito, dahil sa ginawa nito kay Liezel. Mas mabuti pa na ang nobya na lang ang aasikasuhin n'ya at pagtuonan ng pansin at hindi ang bratinella na si Trina.

Pumasok s'ya sa loob ng kwarto at naabutang gising na ang nobya.

"Hey sweetheart, kamusta ang pakiramdam mo?" malambing na tanong n'ya rito sabay lapit sa dalaga at hinalikan ito sa noo.

"Better! Saan ka pala galing Josh?" tanong nito sa kan'ya.

"Sa labas lang, tumawag kasi si nanay sinagot ko lang," nakangiting paliwanag n'ya rito at hinawakan ang kamay ng nobya at hinalikan.

"Alam n'ya ba ang nangyari sa akin?" tanong ni Liezel sa kan'ya.

"Yeah! I told her what Trina did to you," igting ang mga pangang sagot n'ya sa kasintahan.

"Nagalit ba s'ya? I mean galit ba s'ya sa akin? Baka isipin nya dinidiin at sinisiraan ko lang si Trina sa inyo," puno ng pag-aalalang sabi nito.

Sinapo n'ya ang pisngi nito at pinakatitigan ang magandang mukha ni Leziel. Napakaamo ng mukha nito at napakabait tingnan. Ito ang unang nagustohan n'ya sa dalaga. Napakahinhin at sobrang malambing.

"There's nothing to worry sweetheart, hindi galit si nanay at wala s'yang ikagagalit sayo. Kung may pagagalitan man s'ya, its not you but its Trina, dahil s'ya ang may atraso sayo at ang dahilan kung bakit ka nasa hospital ngayon," alo n'ya rito.

Tipid naman itong ngumiti sa kan'ya na ikinadukwang n'ya para mahalikan ito sa labi.

"I love you Josh, and thank you for everything," maluha-luhang pasasalamat ng nobya. Idinantay n'ya ang kan'yang noo sa noo nito.

"And I love you more sweetheart, mahal na mahal din kita!" puno ng pagmamahal na sagot n'ya rito.

Matapos nilang mag-usap ni Leziel, pinapahinga n'ya na ulit ito para mabilis maka recover.

Lumabas muna sya para kamustahin ang kan'yang bar na pamana pa ng tito Spike n'ya sa kan'ya. Napalago n'ya ito sa sariling pagsisikap at hindi na lang ito sa Pilipinas sikat ngayon kundi pati na sa ibang bansa.

Nakapag bukas na s'ya ng mahigit sampong branches all over the globe.

Naging matunog ang pangalan n'ya sa F&B Business at naging mas kilala pa s'ya ng malaman ng mga tao na anak s'ya ng isang Howald Jacob El Frio.

Lumawak at lumaki ang kan'yang nasasakupang negosyo hanggang sa naging isa s'ya sa list ng mga young billionaires sa mundo.

Pagbukas n'ya ng pinto ng kwarto ng nobya, ay s'ya ding pagbukas ng pintoan ng operating room sa di kalayuan at nakita n'yang lumabas si Tati at Asher na naka doctor's gown pa.

Kita n'ya ang pagod sa mukha ng dalawa at ang lungkot na nababanaag sa mga mata ng mga ito.

Bigla na lamang s'yang kinabahan ng maisip na si Trina ang inoperahan ng mga ito.

Hindi na sana s'ya lalapit ngunit parang may pwersa na tumutulak sa kan'ya na lapitan ang dalawa. Wala na s'yang nagawa pa dahil nakita na s'ya ni Tatiana.

"Anong ginagawa mo rito kuya Joshua?" malamig na tanong nito. Nahimigan n'ya ito ng galit sa boses nito.

"Binabantayan ko ang nobya ko," sagot n'ya.

"Ahhh, ok kuya!" tanging sagot lamang nito at kung may anong sinipat sa suot na apple watch.

"What happened?" mahinang tanong n'ya. Umangat ng tingin sa kan'ya si Tati at lumapit naman si Asher na katatapos lang sa pagkausap sa kung sino sa cellphone nito.

"Kuya Josh, kamusta ang nobya mo?" tanong ng binata. Ito din kasi ang doctor ni Leziel.

"She's better now, nagising na kanina," sagot n'ya.

"Mauna na ako Ash, may kailangan pa akong gawin. Give me a call kapag nailipat n'yo na si Trina sa ICU. At huwag na huwag mong ipaalam to kay tito Drake at baka may paglamayan tayo ng wala sa oras," singit ni Tati sa usapan.

Nagimbal s'ya sa narinig. Delikado ang lagay ni Trina dahil kailangan nitong ilipat sa ICU after ma operahan.

"Tatiana anong nangyari kay Trina?" hindi na s'ya nakatiis. Tinawag n'ya ito at nagtanong. Naka cross arm naman itong lumingon sa kan'ya habang nakataas ang mga kilay.

"Ano naman ang pakialam mo kuya Joshua? Wala ka namang pakialam kay Trina. At walang nangyari sa kan'ya, nagpractice lang s'yang mamatay, nagbabasakaling may magluluksa para sa kan'ya, but sad to say mukhang wala," sagot nito sabay tawa na puno ng pang-uuyam.

"Tatiana Callie!" tinaasan n'ya ito ng boses dahil sa sagot nito sa kan'ya.

"What? Bakit ka ba interesado kuya Josh? Bago yata yan!" sarkastikong tanong nito.

"Nagtatanong ako ng maayos Tati, sagutin mo ako ng maayos," bulyaw n'ya rito dahil nauubosan na s'ya ng pasensya sa paraan ng pagsagot nito.

"Alam mo kuya Josh, ang nobya mo na lang ang atupagin mo. Hayaan mo na si Trina, kaya na namin s'yang alagaan at pahahalagahan," sagot nito.

"Is that so? Fine!" naiinis na sagot n'ya sa dalaga.

"May tanong pala ako sayo kuya Josh!"

"What?" naiiritang tanong n'ya.

"Magiging masaya ka ba kapag namatay si Trina?" seryosong tanong nito.

"Anong klaseng tanong yan Tatiana?" tinaasan n'ya ito ng boses. Hindi n'ya alam pero bigla na lamang s'ya nakaramdam ng pagkainis sa mga pinagsasabi ni Tati.

"Wala lang naitanong ko lang. Iyan kasi ang habilin n'ya sa akin. Kapag daw nag-aagaw buhay na s'ya, tutuloyan na lang daw s'ya namin para mawala na s'ya ng tuloyan. In that way may magawa man lang daw s'ya para sayo na ikakasaya mo, isn't she's sweet kuya Josh?" malamig na sabi nito.

Nanigas ang kan'yang katawan sa narinig. Hindi n'ya alam pero nahihirapan s'yang huminga. Parang may malaking bagay na nakadagan sa puso n'ya ng marinig ang sinabi ni Tati.

Lihim n'yang natanong ang sarili? Magiging masaya ba s'ya kapag nawala sa landas n'ya si Trina? Magiging tahimik ba ang buhay n'ya? Pero ng maisip ang lahat ipinilig n'ya ang ulo at nginisihan si Tati na nakatayo sa kan'yang harapan at hinihintay ang kan'yang sagot.

"Alam mo Tati, wala naman akong pakialam kahit mamatay pa si Trina. You know what? Choice n'ya yan and besides ang lahat ng nangyayari sa kan'ya ngayon, I think its her karma sa ginawa n'ya sa nobya ko," saglit n'ya sa dalaga.

Kita n'ya ang galit sa mga mata nito sa narinig mula sa kan'ya pero wala s'yang pakialam.

"Alam mo kuya Josh, tama ka, deserve ni Trina ang nangyayari sa kan'ya ngayon. Deserve n'ya dahil sa katangahan n'ya sa isang lalaki na walang kaluluwa at puso. Naririnig mo ba ang sarili mo kuya Josh? Naririnig mo ba ang mga pinagsasabi mo? Hiling ko lang na sana hindi bumaliktad ang tadhana or mas mabuting bumaliktad nga para maranasan mo rin ang sakit na nararamdaman ni Trina ngayon," matalim ang mga matang nakatingin sa kan'ya habang nagsasalita.

"Hinding-hindi babaliktad ang tadhana Tati, dahil kahit kailan hinding-hindi ako papatol kay Trina, itaga mo yan sa bato," banta n'ya rito sabay talikod na sa dalaga. Ngunit hindi pa s'ya nakakalayo rito narinig n'ya ang muling pagsalita ng dalaga.

"A bit of advice kuya Josh, huwag kang masyadong mapaniwala at magtiwala sa kabaitan na nakikita mo sa labas. Ikaw din baka mas masahol pa yan kay Trina! Yong tipong iniipotan ka na sa ulo, para ka pa ring uto-uto. Alam mo bagay kayong dalawa ni kuya Cassidy, sarap nong pag untugin, pareho sana kayong mababaog," banta nito sabay talikod at malalaki ang mga hakbang na umalis.

Napatda s'ya sa tinuran nito. Ano ang ibig sabihin ng dalaga. Sino ang tinutukoy nito?

Si Leziel ba? But no! Hindi ganong klaseng babae ang nobya n'ya. Kaya nga malaki ang respeto n'ya rito at magpahanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa, dahil nirerespeto n'ya ang dalaga.

Masyadong mabait si Leziel para pagbintangan ni Tatiana at ihalintulad kay Trina. Napukaw lang s'ya sa malalim na pag-iisip ng tapikin ni Asher ang kan'yang balikat.

"Ok ka lang kuya Josh?" tanong nito. Tumango s'ya bilang tugon. Nagpakawala naman ng hangin ang binatang doctor at malungkot na tumingin sa kan'ya.

"Trina suffered an internal bleeding and injuries. Halos namaga ang lahat ng maseselang organ n'ya sa loob ng katawan. Delikado ang kalagayan n'ya at natatakot kaming mga doctor na baka hindi s'ya maka survive. Binigyan na namin s'ya ng twenty four hours para obserbahan. Kapag hindi s'ya nagising sa loob ng 24 hours, that means she's gone," mahabang paliwanag nito at iniwan na s'yang nakatulala sa kan'yang kinatatayuan.

Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kakainin mo Rin Ang mga sinasabi mo Joshua
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
grabe luha ko dito, Ang sakit mo naman magsalita Joshua
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
panong di mamamaga bakal kalaban nya alang away un naku naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status