Share

BEAT OF BILLIONAIRE'S HEART
BEAT OF BILLIONAIRE'S HEART
Author: Siobelicious

CHAPTER 1

"What the hell did you do Danica Trina?" umalingawngaw sa buong opisina n'ya ang malakas na sigaw ng kapapasok lang na lalaki na walang iba kundi si Joshua Hades El Frio.

Who is Joshua Hades El Frio? 

Her one and only childhood love na magpahanggang ngayon ay s'ya pa ring kinababaliwan n'ya.

She is Danica Trina Vitorri Toretto, a mafia princess of the Vitorri-Toretto clan. A billionairess of her own at the age of five. She has everything in life and she always get what she wants. 

She is a dangerous mafia assassin in her generation. Owned a chain of businesses all over the globe, she lives a lavish life eversince.

But there's only one thing na hindi n'ya makuha-kuha. At ano iyon? Ang atensyon at pagmamahal ng panganay na anak ng kan'yang ninong Howald at ninang Amber.

Joshua Hades El Frio, the only man na minahal n'ya simula pagkabata. Wala s'yang ibang hinangad kundi ang atensyon at pagmamahal ng lalaki.

But Joshua is not interested to her. Harap-harapan nitong isinasampal sa kan'yang pagmumukha— na ayaw s'ya nito at wala itong kahit katiting na nararamdaman sa kan'ya.

She was hurt, masakit para sa kan'ya ang katotohanan— but she is not Danica Trina for nothing.

Giving up is not a cup of her tea, kaya walang magagawa si Joshua kung patuloy pa rin s'yang gagawa ng paraan para makuha ito.

The more she pursue her love to Joshua, the more Joshua pushes her away.

Para itong may allergy kapag nakikita o mag cross ang landas nila. Kahit pangalan lang n'ya ang marinig ng lalaki, para na itong binubuhusan ng isang gallon'g suka na bigla na lang mangasim ang buong katawan.

"Bakit ka nagsisigaw sa opisina ko Hades?" sita n'ya rito. Namumula ito sa galit at kita ang paglabas ng mga ugat nito sa leeg.

Masama ang tingin nitong lumapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa braso.

"Anong ginawa mo?" nangangalaiti sa galit na bulyaw nito sa kan'yang pagmumukha.

Ipiniksi n'ya ang mga kamay ng lalaki at matalim na sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Joshua.

"Alam mo ang kaya kong gawin Hades at mas malala pa d'yan ang gagawin ko sa susunod. Don't push me to my limit at baka maubos ang mga babae mo," malamig na banta n'ya rito.

Kita n'ya ang pagdaan ng takot sa mga mata ni Joshua ngunit mabilis lang na napalitan nito ang ekspresyon sa mukha.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakahabol mo sa akin Trina? Kasi ako sawang-sawa na sa pagsasabi sayo na kahit kailan hinding-hindi kita magugustohan. Can't you understand tagalog? Don't you?" puno ng pang-uuyam na tanong nito sa kan'ya.

Mahina naman s'yang natawa dahil sa sinabi nito at nakataas ang kilay na sinalubong ang tingin ng binata.

"I fully understand you babe, ikaw lang itong hindi nakakaintindi sa akin eh. But don't worry, giving up is not in my list, so yeah, expect the worst," banta n'ya rito.

Naniningkit naman ang mga mata nitong tumingin sa kan'ya.

"Kapag hindi ka pa tumigil sa kabaliwan mo Trina, huwag mo akong sisihin kung anong magawa ko sayo," galit na banta ng binata sa kan'ya na tinawanan n'ya lamang.

"I told you babe, hindi mo ako matatakot. Gagawin ko ang gusto ko and no one can stop me, even you. Pinoprotektahan lang kita Joshua..., now kung minamasa mo ang mga ginagawa ko, then be it— but you can't stop me from doing all those things lalo na kung para sa kaligtasan mo," mahabang litantya n'ya rito.

Napamaang lamang itong nakatingin sa kan'ya kung kaya nagsalita s'yang muli para ipagtabuyan ang binata.

"Are you done? Get out from my office now!" sigaw n'ya rito.

Nakita n'ya ang pagkagulat sa mga mata nito at ang biglang pagkatulala. Hindi siguro nito inaasahan ang mga lumabas na kataga sa kan'yang bibig.

"What are you waiting for Mr. El Frio? Get out now! Marami pa akong gagawin at huwag mo akong bwesitin at baka mabitay ko ng patiwarik ang lahat ng mga babae mong malalandi," bulyaw n'ya sa lalaki na nakatulala pa ring nakatingin sa kan'ya.

"Malalandi? Are you talking about yourself Trina? Ilang lalaki na ba ang dumaan sa buhay mo? Siguro hindi mo na mabilang dahil sa sobrang dami," pang iinsulto nito sa kan'ya. 

Hindi pa ito nakuntento, lumapit pa ito sa kinauupoan n'ya at dumukwang.

"Sa susunod na gumamit ka ng mga words, piliin mo yong hindi ikaw ang tinutukoy. Nakakahiya ka Trina, alam mo ba yon? Kung ang ibang lalaki ay naglalaway na matikman ka, pwes hindi ako. Huwag mo akong isali sa mga collection mo, dahil hindi ako didila sa pinaglawayan na ng iba," pabulong na sabi nito sa kan'ya.

Nanikip ang kan'yang dibdib sa mga salitang binitawan ng lalaki. Hindi s'ya nakahuma at tanging nakamata lamang rito.

"At ang girlfriend ko na tinatawag mo na malandi— s'ya lang naman ang babaeng malinis at walang kahit na sino na nakamarka. Mahinhin at tanging ako lang ang kinakausap na lalaki. Eh ikaw? Ilang lalaki na ba ang nakatabi mo sa pagtulog?" dagdag pa nito. Humalagpos ang pagtitimpi n'ya sa mga pang-iinsulto nito sa kan'ya.

She raised her hand and in one second dumapo ang isang napakalakas na sampal sa mukha ni Joshua na ikinatabingi ng pisngi nito.

"Ops! My bad, hindi ko napigilan," nang uuyam na sabi n'ya rito. Never n'yang ipakita sa binata na nasasaktan s'ya sa mga sinasabi at sa mga panghuhusga nito.

"And by the way babe, ang mga lalaki ko is mga lalaki ko lang. They are just my toy, pero ikaw ay special ka. Mahal kita at alam mo yan, kaya mas lamang ka sa kanila," nakangising sabi n'ya rito sabay tayo at mabilis na tinalikuran ang binata na natuod sa kinatatayuan nito.

Malalaki ang mga hakbang na lumabas s'ya ng kan'yang opisina at dumeritso sa kan'yang private elevator.

Wala s'yang trabaho sa Black Wagon at sa military ngayon dahil naka on leave s'ya— kung kaya nasa kompanya s'ya para silipin ang kan'yang mga negosyo.

She owned a chain of hotels and restaurants all over the globe. She used her own savings sa pagtayo ng negosyo. 

She also owned the top modelling agency sa bansa. Sa edad na bente uno, isa na s'ya sa mga top young billionairess and businesswoman in her generation.

Narating n'ya ang sasakyan, mabilis s'yang pumasok at doon pinakawalan ang kan'yang mga luha.

She was hurt. Joshua's words are like a knife na humihiwa sa kan'yang puso. Napakasakit mahusgahan ng taong minamahal mo.

Nandidiri ito sa kan'ya, dahil sa naging reputasyon n'ya sa mga lalaki. She used to have a lot of male friends— na akala ni Joshua ay mga naging lalaki n'ya.

She did not correct or take her time to explain, dahil wala namang maniniwala. She was known for being a brat at minsan in her college days, one of her classmates na may gusto kay Joshua set her up.

They put a drugs on her drinks ng minsang magawi sila sa bar ni Joshua. Nag-aaral pa lang sila, may sariling negosyo na si Joshua na ipinamana rito ng kanilang ninong Spike.

She was drugged, particularly a sex drug. Naging mapusok s'ya pagkatapos makainom ng naturang inumin na may halong drugs and after that hindi n'ya na alam kung anong nangyari. 

Nagising na lang s'ya na hubot-hubad sa isang silid at may katabing lalaki na hindi n'ya kilala. And that was the scene na inabutan ni Joshua. Halos masuka ito ng makita s'ya sa ganong ayos.

Mga bata pa lang sila harap-harapan nang sinasabi sa kan'ya ng binata ang pagkadisguto nito sa kan'ya but it gets worst ng maabutan s'ya nitong hubot-hubad katabi ang isang lalaki.

Simula ng araw na iyon mas lalo pa itong nandiri sa kan'ya and week after the incident isang video scandal ang kumalat sa buong paaralan with her and the unknown man having an intimate scene.

Wala s'yang matandaan sa nangyari. She keeps on explaining her side but no one believes her. Kahit ang ama n'ya ay may duda sa kan'ya— but not her mother.

Tanging ang mama n'ya ang lubos na nakakilala sa kan'ya at alam nito na hindi n'ya magagawa ang mga bagay na yon kahit pa bratinella s'ya.

Hindi nakaligtaan ng kan'yang ina ang lahat ng pangaral lalo na sa kan'yang pagkababae. At hindi n'ya ito nakakalimutan. Pinoprotektahan n'ya ang sarili n'ya at inilaan para lamang kay Joshua.

Pero pagkatapos ng nangyari na iskandalo kahit s'ya at may duda na sa kan'yang sarili kung buo pa ba s'ya o hindi na.

Her mom did the investigation at doon n'ya napag-alaman na sinet-up lamang s'ya. Nalaman n'ya rin kung sino ang gumawa noon sa kan'ya pero napag-usapan nila ng ina na gagawin ang paghihiganti sa tahimik na paraan.

She did what that bitch deserve, nakaganti s'ya, pero ang kahihiyan na idinulot ng ginawa nito ay dala-dala n'ya pa rin hanggang ngayon lalo na ni Joshua na sobrang baba ng tingin sa kan'ya.

Pinahid n'ya ang mga luha na naglandas sa kan'yang mga mata. Hindi s'ya dapat umiiyak. Dapat sanay na s'ya sa kung anong trato ni Joshua sa kan'ya.

Kahit noon pa man ganito na ang binata sa kanya, ano pa ba ang bago? Pero hindi s'ya titigil. Hindi ang isang Danica Trina ang madaling sumuko sa hamon ng buhay.

Binuhay n'ya ang makina ng sasakyan at pianharurot ito paalis sa kan'yang opisina. Binaybay n'ya ang daan patungo sa kanilang secret hideout. Tanging silang magkakaibigan lamang ang nakakaalam sa lugar na ito.

Kahit ang mga kapatid n'ya ay walang alam dito. Mabilis ang kan'yang pagpapatakbo at mahigit ang kalahating oras narating n'ya ang naturang lugar. 

Bumaba agad s'ya st deristong pumasok sa loob. Umakyat s'ya sa taas at pumasok sa kan'yang kwarto. Nagbihis ng pang workout at lumabas din agad at binaybay ang daan patungo sa kanilang gym o training ground.

Kapag stress s'ya o may mabigat na problema na dinadala dito n'ya inilalabas lahat.

They have this robot na kayang makipaglaban sa kanila. Dito nahahasa ang kanilang skills at endurance dahil walang kapaguran ang naturang robot.

Patayan ito kung lumaban at ito ang pinakagusto n'ya sa lahat, lalo pa kung puno ng galit ang kan'yang dibdib.

Pagpasok n'ya pa lang sinalubong na agad s'ya ng katahimikan. Wala ang kan'yang mga kaibigan at may mga trabaho ang mga ito.

Nasa kampo si Tati at Bianca, si Selene naman ay hindi n'ya alam kung saang lupalop at si Gwen ay busy sa negosyo nito.

Nilapitan n'ya ang robot at tinapik ito sa mukha bago ini-on ang naturang switch to activate the robot.

Narinig n'yang nagsalita ang voice command asking her what battle does she want.

"Deadly or normal?" tanong ng robot sa kan'ya.

"Deadly! I want to fight with you in a brutal way," matigas na sabi n'ya.

"Challenge accepted!" sagot ng robot at nagsimula ng kumilos.

Umayos s'ya at naghanda sa pag-ataki nito. At maya-maya lang nagsimula na itong umataki.

Isa itong robot pero naka special program ito na gawa ni Tati na kumilos na parang isang tao.

Maliksi ang mga galaw nitong umataki sa kan'ya. Sinalag n'ya ang lahat ng ataki nito. Lumaban s'ya ng patayan kay Xavier. 

Xavier ang pangalan ng kanilang robot. They named it after their comrade na namatay sa mga kamay ng mga terorista. He was tortured na walang kalaban-laban hanggang mamatay.

Masakit sa kanila ang nangyari— kung kaya gumawa sila ng invention which is— the fighting robot at pinangalanan nila itong Xavier.

Kahit sa ganong paraan man lang makabawi ito sa mga pananakit na natamo nito mula sa mgs terorista na bumihag rito.

Naging mabilis din ang pag-ataki ni Xavier sa kan'ya. Natatamaan n'ya ito ngunit mabilis ulit itong nakakabawi sa kan'ya.

She was well trained in martial arts and hand to hand combat. Anim na taon pa lamang s'ya, sinanay na s'ya ng kan'yang ninong Red kung paano makikipaglaban, not only using your strength but using your brain para makapag-isip ng tamang technique on how to defeat the enemy.

Mas naging bihasa pa s'ya ng pumasok s'ya sa training ground ng kan'yang ninang Flamingo and at the age of ten she became an official assassin.

Magkasabay silang tatlo ni Tati at Bianca na nag training at nagtapos. Sabay din silang nag training bilang isang seal at sabay din na pumasok sa military.

Sa edad na bente uno, mataas na ang katungkolan nila bilang isang sundalo. Idagdag mo pa ang katayuan ng kan'yang ama at ina sa mundo ng mga mafia.

She is not just an ordinary woman. She is more than that at mahihirapan ang ibang tao na pabagsakin s'ya.

She has her own empire and thousands of army na handang makipaglaban ano mang oras.

Nagulat s'ya ng tumama sa kan'yang panga ang isang suntok. Hindi n'ya ito nabantayan. Biglang umikot ang kan'yang paningin dahil sa sobrang lakas ng suntok ni Xavier.

Mabilis n'yang inayos ang sarili at inihanda ng makitang susugod ulit ito kan'ya.

Nang lumapit na ang kalabang robot, mabilisan s'yang nag slide sa sahig at malakas na sinipa ang tuhod nito dahilan para mapaluhod ito sa sahig.

Mabilis din s'yang umayos ng tayo para sumugod ulit ngunit nagulat s'ya sa sobrang liksi ng mga kilos nito na nakabawi agad sa kanyang sipa at mabilis na nakalapit sa kan'ya.

Hindi pa s'ya nakapaghanda para umataki ulit— sunod-sunod na suntok na ang kan'yang natanggap mula kay Xavier. Talagang pupuruhan s'ya nito, the way he fight.

Tanging pagsangga na lang ang nagagawa n'ya dahil umiikot na ang kan'yang paningin sa sunod-sunod na tama ng suntok nito sa kan'yang mukha.

Ang hindi n'ya inaasahan ay ang isang malakas na sipa nito na tumama sa kan'yang tyan. Napaluhod s'ya sa sahig habang sapo-sapo ang kan'yang tyan na nasaktan.

Sunod-sunod din na suntok ang sumunod na ataki ni Xavier, ngunit hindi n'ya na ininda pa ang lahat.

Habang nagpapaubaya sa suntok ng kalaban na robot bumalik sa kan'yang isipan ang mga masasakit na salita na natanggap n'ya mula kay Joshua.

Tumutulo ang kan'yang mga luha habang paulit-ulit na naririnig ang boses nito na puno ng pangungutya at parang diring-diri sa kan'ya.

"Kahit kailan hinding-hindi kita magugustohan Trina. Kahit ano pang gawin mo, hindi ako didila sa nalawayan na ng iba. Nakakadiri ka, alam mo ba yan?" paulit-ulit na nag replay sa kan'yang isip ang mga masasakit na mga salitang ito mula sa tanging lalaking minahal n'ya mula pagkabata.

Bugbog na ang kan'yang katawan at bumulwak na ang dugo mula sa kan'yang bibig. Isang malakas pa na sipa sa mukha ang natanggap n'ya bago bumagsak sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.

Sa malabong paningin nakita n'ya ang mukha ni Joshua na tumatawa at puno ng pang-uuyam habang nakatunghay sa kan'ya.

"Loser! Trina you're a big loser! You are an embarrassment to your family and friends!" sabi nito sa kan'ya.

Ipinikit n'ya ang mga mata na may mga luha na naglandas sa gilid nito

Siguro kapag nawala s'ya magiging masaya na ito.

Magiging masaya— na hindi na s'ya makikita pa nito. Magiging masaya na wala ng Trina na sunod ng sunod dito at hayagang nagpapakita ng pagkagusto.

Patuloy ang paglandas ng kan'yang mga luha at parang mawalan na s'ya ng malay.

Ngunit bago pa lubusang nawala ang malay n'ya, narinig n'ya ang sumisigaw na boses ng pinsan.

"Putang'ina Trina, anong ginawa mo sa sarili mo?" malakas na sigaw nito at narinig n'ya ang malakas na tunog ng sapatos nito at nasisiguro n'yang patungo sa kanyang direksyon. 

Tati is her cousin and bestfriend at the same time. Maliban sa kan'yang ina at ninong Red, tanging si Tati lamang ang nakakaintindi sa kan'ya at nakakaalam ng lahat n'yang problema lalo na kay Joshua.

Kaya mahal na mahal n'ya ito ng higit pa sa isang kapatid.

"T-Tati," mahinang bulong n'ya sa pangalan nito.

"Damn it! Don't sleep Trina, huwag kang matulog. Dadalhin kita sa hospital ngayon din. Putang'ina anong kagagahan ang pumasok sa utak mo na nakipaglaban ka kay Xavier!" malakas na bulyaw nito bago s'ya tuloyang nawalan ng malay.

Mga Comments (20)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
naiiyak naman ako dito, umpisa pa lang na chapter
goodnovel comment avatar
Armida Pasulohan
Next chapters pls
goodnovel comment avatar
Naj Acnarfamic
I like the story....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status