DANICA TRINA..."Tati and Bianca stop it," saway n'ya sa dalawa. Hindi makapaniwalang tiningnan s'ya ng mga ito."Seriously Trina? Ikaw na nga ang tinutulongan namin at inaalala dito, tapos ikaw parang wala lang sayo ang mga ginagawa nila?" galit na sita ni Tatiana sa kan'ya."Put your gun down you two," saway n'ya sa dalawang kaibigan. Hindi naman makapaniwala ang dalawa na tumingin sa kan'ya."Seriously Trina? Kami na nagpapakahirap dito, hindi ka lang makulong sa putang'inang kulongan na yan, tapos ikaw parang ok lang sayo ang lahat?" galit na sita sa kan'ya ng pinsan.Hayaan n'ya na muna ang mga ito sa mga ginagawa sa kan'ya. She's tired of depending herself to anyone. No one believes her at ang malala pa, s'ya pa rin ang lumalabas na masama.Kung ito ang ikakasaya ng pamilya ni Joshua, then be it. Ayaw n'ya na ng gulo pa, kaya tatanggapin n'ya kung ano man ang ihahain na kaso ng ninang Amber n'ya sa kan'ya."Hayaan n'yo na si ninang Amber sa gusto n'ya," seryosong sabi n'ya s
DANICA TRINA...."Open this fvcking door Treavor," malakas na sigaw ng isang taong kilalang-kilala n'ya.Napatayo agad s'ya ng bumukas ang pintoang bakal ng naturang selda at bumungad sa kan'ya ang mukha ng kan'yang ninong Red na puno nh pag-aalala at makikita ang galit sa mga mata nitong inilibot ang tingin sa paligid. Agad na sinugod s'ya nito ng yakap ng matapos nitong ilibot ang tingin sa buong paligid at tiningnan ang kan'yang katawan mula ulo hanggang paa."Ninong!" tawag n'ya rito. Umayos naman ito ng tayo mula sa pagkauklo dahil sinipat nito ang kan'yang mga paa kung may mga sugat s'ya o wala. Sinalubong nito ang kan'yang mga mata at iba't-ibang klase ng emosyon ang mababanaag n'ya rito."What the hell are you doing to yourself Trina? Bakit mo hinayaan ang mga El Frio na tratuhin ka ng ganito?" galit na sikmat nito sa kan'ya.Napayuko naman s'ya dahil nahihiya s'ya rito. Alam n'yang kalat na sa buong village ang nangyari sa kanila ni Joshua at sa kasintahan nito."N-Ninong
JOSHUA HADES...Matapos ang pambubogbog sa kan'ya ng ama ni Trina at ng tito Red nila naging tahimik na ang lahat.Hindi n'ya na rin nakita pa si Trina pagkatapos ng araw na iyon. Tahimik din ang kan'yang mga magulang at wala man lang may nabanggit sa kan'ya tungkol sa nangyari.Ipinagkibit balikat n'ya na lang ang pananahimik ng mga ito. Wala na rin s'yang kaibigan simula ng malaman ng lahat ang mga masasakit na salita na ibinato n'ya kay Trina.At wala naman s'yang pakialam sa mga ito. Hindi s'ya hihingi ng kapatawaran sa lahat ng binitawan n'yang salita kay Trina. Bagay lang sa kan'ya ang lahat ng narinig nito mula sa kan'ya.She deserves it dahil sa ginawa nito kay Liezel at sa anak nila. Muntik ng mawala ang kanilang anak dahil sa ginawa ni Trina dito. Hindi n'ya na rin itinuloy pa ang kaso pagkatapos ng lahat.Dahil hindi n'ya na rin naman nakikita ang babae kung kaya iniurong n'ya ang kaso laban dito. Ngunit gusto n'yang mag file ng restriction order against Trina.Ayaw n'ya n
JOSHUA HADES...Durog na durog ang kan'yang pakiramdam dahil sa nangyari. Halos hindi n'ya na makilala pa ang sarili.He was broken and hurt. Niloko s'ya ng babaeng tanging minahal n'ya. Pinaglaruan at inipotan sa ulo. Gusto n'yang magwala dahil sa sobrang galit at poot.Dumating ang mga pulis para aristuhin si Liezel. Nagpupumiglas pa ito at nagsisigaw ngunit wala ding nagawa ng sapilitan itong ipasok sa police car at dinala sa presento. Nakatungo lamang s'ya sa lupa habang walang imik.Parang hindi pa rin nag sink in sa utak n'ya ang lahat ng nangyari kamakailan lamang. Ang excitement n'ya sa kasal nila ay nagiging bangungot na hinding-hindi n'ya makakalimutan kailan man."Pack your things Joshua and leave. Lahat ng condo mo ay hindi mo na pwedeng tirhan. You cannot go to your company as well, you are totally ban. Lahat ng accounts mo ay naka freeze na din, you can't use your credit cards or any debit cards. Ang bar mo ay binawi na ng ninong Spike mo. You've got nothing now! Maghana
TATI & BIANCA...."Do you think he can survive?" "I hope so!""Naaawa ako sa kan'ya T.""Wala tayong magagawa, hindi tayo pwedeng makialam."Humihikbi si Bianca sa tabi ni Tati at nagpapahid ng luha na hindi maampat habang nakatingin sa nakakaawang si Joshua.Madungis na ito at parang hindi nakatikim ng pagkain dahil sa mabilis na pagsubo nito sa pagkain na pinagbigay nila ni Tati sa isang bata na nakita kanina.Nang mabalitaan ng dalawa na pinalayas ito ng kanilang ninang Amber at tinanggalan ng lahat ng karapatan sa mga ari-arian nito, ginawa nila ang lahat para mahanap ang binata.Nagkataon naman na ang pinapasunod na taohan ng ninang Amber nila kay close nilang dalawa ni Bianca, kaya napakiusapan nila ito.Kinutsaba ito ng dalawa at sinabing huwag ng e -report pa sa ninang nila ang pagbibigay nila ng pagkain dito. Lahat ng mga taong nilalapitan ng kuya Joshua nila para mag apply ng trabaho ay pinagbabantaan ng mga taohan ng kanilang ninang."Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni Tat
SOMEONE'S POV..."Mommy uuwi muna ako ng Pilipinas, nabalitaan kong nakulong daw si Liezel. At ang salarin ay ang mga El Frio na naman ulit," nagtatagis ang kan'yang bagang habang sinasabi ito sa kan'yang ina na panay lang ang ngisi na nakatingin sa kan'ya.Kinakain din nito ang buhok at pinaglalaruan ang laway nito. Galit s'ya, galit na galit sa mga El Frio lalong-lalo na sa Amber Rizalyn Joy na yon. Hinding-hindi n'ya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanilang ina."El Frio! Si Joshua..Hala si Joshua, takot yon sa akin eh, iyak yon," parang batang sabi nito sabay hagikhik. Naaawa s'yang nakatingin sa kan'yang ina.Ilang taon na ba itong ganito? Simula ng mangyari dito ang hindi inaasahang insidente dahil sa kagagawan ng Amber El Frio na yon, naging ganito na ang kanilang ina.Nawala ito sa katinuan at hindi na makausap ng maayos. Lumaki sila ni Liezel na walang ina na nag aalaga, bagkus sila pa ang nag-aalaga dito. Naikuyom n'ya ang kan'yang kamao ng maalalang muli ang nangyari sa
JOSHUA HADES...Binaybay nila ang mahabang daan at puro luntian ang makikita sa buong paligid. Presko ang simoy ng hangin at talaga namang napakatahimik ng lugar na ito.Iba talaga ang buhay sa probinsya kumpara sa syudad. Tahimik lamang s'ya sa kinauupoan at ganon din si nanay Meldy. Ngunit nagulat s'ya ng bigla na lamang pumailanlang sa katahimikan ang tunog ng cellphone nito."The enemy has been slain!" narinig n'yang tunog mula sa cellphone nito. Nakakunot noo s'yang sinilip ang ginagawa nito at ganon na lamang ang panlalaki ng kan'yang mga mata ng makitang naglalaro ito ng mobile legendary game sa cellphone.Ang isa sa mga sikat na online game ng mga kabataan ngayon."Hay naku, mukhang matatalo na naman tayo Zilong," reklamo nito habang tutok na tutok sa nilalaro.Lihim s'yang napangiti dahil mukhang bihasa si nanay sa paglalaro ng isang sikat na laro ng mga kabataan ngayon."Joshua naglalaro ka ba nito?" tanong nito sa kan'ya."Hindi po nay! Pero ang dalawang kapatid ko madal
DANICA TRINA....Tatlong araw s'yang wala sa hacienda dahil sa sunod-sunod na mga meetings n'ya sa mga client. Ang dami n'yang ginawa at pagod na pagod ang kan'yang katawan.Mag-isa s'yang umalis ng hacienda at mag-isa din s'yang bumalik. Madilim na ng marating n'ya ang mansion.Agad s'yang bumaba sa kan'yang 4x4 Raptors na dala at pumasok sa loob ng mansion. Malayo pa lang s'ya naulinigan n'ya na ang boses ni Ontoy na parang nag-aalala at balisa."Nay baka may gamot ka pa d'yan pahingi muna," narinig n'yang sabi ni Ontoy. Hindi muna s'ya pumasok at nakikinig lamang sa dalawa."Aba bakit sino ba ang may sakit Ontoy?" tanong ni nanay Meldy rito."Si Joshua nay! Ang taas ng lagnat at may malaking sugat sa palad. Nalapnos ng lubid ng mga baka kanina," sagot nito. Biglang kumabog ang kan'yang dibdib ng marinig ang pangalang binanggit ng kan'yang taohan."Ano? At bakit naman nalapnos? At bakit nilagnat? Naku naman Ontoy pinabayaan mo ba si Joshua? Sayo ko ipinagkatiwala ang batang iyon," si