Share

CHAPTER 5

Author: Siobelicious
last update Last Updated: 2024-07-20 15:58:55

BLAYRE JOAQUIM...

"Ano na naman ang kasalanan ko tay?" inis na tanong n'ya sa ama at mabilis na tumayo. Akmang susugurin s'ya ulit nito ng biglang bumukas ang pinto ng kan'yang opisina at pumasok ang kan'yang kapatid na si Uno.

"What happened?" nagtatakang tanong ng kapatid habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng ama.

"Itong bastos mong kapatid ay sumusobra na, Uno. Hindi ko alam kung anong kulang sa pagpapalaki namin sa inyo ng nanay n'yo!" namumula sa galit na sagot ng ama sa kan'yang kapatid.

Agad na nabaling sa kan'ya ang tingin ng kapatid at isang katakot-takot at matalim na tingin ang ipinukol nito sa kan'ya. Sa kanilang apat ay si Uno ang nakakatakot sa lahat dahil kakaiba ang ugali nito na mukhang namana yata sa lolo Drake nila. Madalas ay malamig at seryoso lang ito kung makitungo sa kahit na sino.

"What did you do this time, Tres?" malamig na tanong nito sa kan'ya. Kung hindi n'ya lang ito kapatid at kilala ay baka panayuan s'ya ng balahibo sa tono ng pagsasalita nito.

"I didn't do anything! Hindi ko nga alam kung bakit sumugod si tatay dito," sagot n'ya sa kapatid dahil wala naman talaga s'yang ginawa para ikagalit ng kanilang ama.

"Hindi mo alam? Gago ka ba, Tres? Nag-uwi ka ng babae sa bahay n'yo, knowing that your wife is there at buntis sa anak mo! Anong klaseng lalaki ka, Tres? At ano ang ginawa mo sa sekretarya mo ngayon lang? Gawain ba ng matinong lalaki yan?" nangangalaiti sa galit na sigaw nito sa kan'ya at pinagduduro pa s'ya.

"Gawain ko talaga yan tay dahil hindi naman ako matino!" pabalang na sagot n'ya sa ama at nagtagis ang mga bagang ng maalala ang sinabi nito tungkol sa pag-uwi n'ya ng babae sa kanilang pamamahay.

Nagsumbong pala ang magaling n'ya na asawa kaya galit na galit ang ama n'ya sa kan'ya ngayon at sinugod pa s'ya sa kan'yang kompanya.

"Talagang sinasagad ng babaeng iyon ang pasensya ko!" lihim na sabi n'ya habang kuyom ang mga kamao ngunit agad din na naudlot ng may isang kamao ang tumama sa kan'yang mukha.

Napaatras s'ya at lumapat sa pader ang kan'yang likod dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa kan'ya. Nang mag-angat s'ya ng ulo ay nakita n'ya ang kapatid na kuyom pa rin ang kamao at nagbabaga ang mga mata na nakatingin sa kan'ya.

"What the fvck, Uno!" singhal n'ya sa nakakatandang kapatid. Magkasing edad lang naman sila ngunit dahil ito ang naunang lumabas sa kanilang apat ay normal lang na ito ang naturingan na matanda sa kanilang apat. Qua droplets sila ng iluwa ng kanilang ina.

"What the fvck to you too, Tres! Wala ka na talaga sa matinong pag-iisip na gago ka! Ganyan ka na sumagot ngayon kay tatay? Nakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo, Tres! He is our fvcking father! Damn you!"

"Sinasabi mo lang yan kasi hindi sayo nangyari ang bagay na ito, Uno! Hindi ikaw ang ninakawan ng kalayaan. Fvck! I don't want that woman to be my wife pero pinilit nila ni nanay at tatay na ipakasal kami!"

"Because you touched here! Can't you see your wife, asshole? She is too young and fragile! Hindi ka ba naaawa sa kan'ya? Sa magiging anak n'yo? Putang'ina! Kalalaki mong tao pero wala kang bayag, Tres! Pathetic!" galit na sigaw sa kan'ya ng kapatid at mabilis na tumalikod para umalis.

Naiwan s'ya at ang kan'yang ama na may matalim na tingin sa kan'ya. Hindi n'ya alam kung ilang beses na s'yang nagmura ng oras na iyon.

"This is your last warning, Tres! Kapag may ginawa ka pa kay Preccy, magpasensyahan na lang tayo, do you understand?" banta ng ama sa kan'ya.

"What.., tay? Ipaparanas mo rin ba sa akin ang ginawa ni mamita sayo noong ganito din ang mga pinagagawa mo kay nanay noon?" nakangisi na sagot n'ya sa ama. Natigilan ito at hindi agad nakahuma ngunit ng makabawi ay inilang hakbang nito ang kanilang pagitan at hinawakan s'ya sa kwelyo ng kan'yang damit at sinakal.

"Subukin mo pa ako, Tres! Subukin mo pa lalo ang pasensya ko para malaman mo kung ano ang magagawa ko sayo bilang ama mo!" nangangalaiti sa galit na sabi nito sa kan'ya habang sakal-sakal s'ya. Hindi naman nagtagal ang kamay nito sa kan'yang kwelyo at binitawan din s'ya at mabilis na umalis.

Naiwan s'ya na abot langit ang galit dahil pakiramdam n'ya ay pinagkaisahan s'ya ng lahat.

Nagtagis ang kan'yang mga bagang at naikuyom ang mga kamao ng maalala si Preccy. Dahil sa ginawa ng babaeng iyon ay naging kaaway n'ya ang kan'yang buong pamilya at nasuntok pa s'ya ng ama at kapatid.

Kaya mas lalo s'yang nagalit sa babae dahil sa pagsusumbong nito sa kan'yang ginawa.

"I will make you pay, woman!" nangangalaiti sa galit na sabi n'ya at agad na tumayo para umuwi. Hinablot n'ya ang susi ng kan'yang sasakyan na nasa ibabaw ng mesa at diretsong naglakad patungo sa pinto.

Marahas n'ya itong binuksan at lumabas. Nang madaanan n'ya ang mesa ng kan'yang sekretarya ay hindi n'ya ito nakita at alam n'ya na sa mga oras na iyon ay wala na s'yang sekretarya na mas lalong ikinasidhi ng kan'yang galit at ang lahat ng sisi ay ibinato n'ya kay Preccy.

Dali-dali s'yang nagtungo sa elevator at agad na sumakay. Pinindot n'ya ang button pababa at pagkalipas ng ilang segundo ay nasa baba na s'ya. Diretso s'yang lumabas at hindi alintana ang mga tingin sa kan'ya ng kan'yang mga empleyado.

Padaskol s'yang pumasok sa kan'yang sasakyan at pinaharurot ito paalis. Galit at poot ang nararamdaman n'ya habang nagmamaneho pauwi at alintana ang ibang sasakyan na muntik n'ya ng masagi dahil sa bilis ng kan'yang pagmamaneho.

Wala pang kalahating oras ay nasa Cassandra Village na s'ya. Dahil sa galit kahit pagbati pabalik sa mga gwardya sa labas na bumati sa kan'ya ay hindi n'ya na nagawa.

Deritso s'yang nagmaneho patungo sa kan'yang bahay. May kalayuan ito sa iba at ang kan'yang kapitbahay sa bahaging iyon ay ang kapatid na si Dos.

Hindi pa naiparada ng maayos ang sasakyan ay agad na s'yang bumaba at malalaki ang mga hakbang na naglakad patungo sa pinto ng kan'yang bahay.

Marahas n'ya itong binuksan at malakas itong itinulak pasara na naglikha ng malakas na tunog.

"Preccy! Preccy!" malakas na sigaw n'ya sa pangalan ng babae. Agad naman itong lumabas mula sa kusina na may hawak na basahan. Sa hitsura nito ay mukhang naglilinis ito ngunit wala s'yang pakialam dahil ang nasa isip n'ya ngayon ay ang kan'yang galit.

Nang makita n'ya ang babae ay mas lalo pang umusok ang kan'yang ilong sa galit. Dali-dali n'ya itong nilapitan at hinablot sa braso at pinisil iyon.

"What did you do, ha? Sinasagad mo talaga ang pasensya ko na babae ka!" galit na galit na sigaw n'ya sa pagmumukha ni Preccy. Nagulat naman ito at maya-maya pa ay nagsimula ng manubig ang mga mata na mas lalo n'yang ikinagalit.

Sa tingin n'ya ay nagpapaawa na lang ito palagi at umaasta na kinakawawa para kampihan ng kan'yang mga magulang.

"T-Tres n-nasasaktan ako,"nauutal na sabi nito at pilit na binabawi ang braso.

"Talagang masasaktan ka sa akin kapag hindi ka nagsabi ng totoo! Sinumbong mo ako kay tatay, hindi ba? Nagsumbong ka! Ang lakas ng loob mong magsumbong tapos ngayon iiyak-iyak ka!" sigaw n'ya sa pagmumukha ng asawa. Mariin itong napapikit at parang ayaw makita ang galit sa kan'yang mukha kaya mas idiniin n'ya pa lalo ang mga daliri na nakadiin sa mga braso nito.

Wala s'yang pakialam kung magmarka man sa balat ng babae ang kan'yang mga daliri. Ginalit s'ya nito kaya haharapin nito ng kabayaran sa ginawa.

"Sumagot ka!"

"T-Tres hindi n-naman ako nagsumbong sa kahit na sino," kaila nito ngunit hindi s'ya naniniwala.

"Sinungaling! Open your eyes!" utos n'ya sa babae ngunit hindi ito nagmulat ng mga mata kaya sinigawan n'ya ulit ito.

"Open your eyes!"

Nanginginig ang labi na binuksan nito ang mga mata. Inilapit n'ya sa asawa ang mukha para malinaw nitong makikita ang mga pasa sa mukha n'ya na gawa ng kan'yang ama at kapatid dahil sa ginawa nitong pagsumbong.

"Did you see this? Did you see? Dahil sa lintik na pagsusumbong mo ay sinuntok ako ni Uno at tatay. Dahil sa bibig mo na makati! Dahil sayo ay naging miserable ang buhay ko! Dahil sayo!" malakas na sigaw n'ya kay Preccy at dahil sa kan'yang mga sinabi ay naglaglagan ang mga luha nito ngunit wala s'yang nararamdaman na kahit katiting na awa sa babae.

She doesn't deserve it.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Estrella Figueroa
hayop subra manlait
goodnovel comment avatar
Estrella Figueroa
dapat nga pinutulan NG dila yang subra magsalita nakakadurog NG puso
goodnovel comment avatar
Mary Ann
kakainis nmn gusto ko sapakin tskkk
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   EPILOGUE

    AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 205

    BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 204

    AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 203

    AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 202

    AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 201

    AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status