LOGINKapayapaan ang hinahangad ng lahat ng tao sa mundo kabilang na s'ya. Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang mawala sa kan'ya ang inaasam na kalayaan dahil sa isang babae na nagnakaw nito sa kan'ya. Paano n'ya ito iiwasan kung may isang anghel ang nag-uugnay sa kanila? Paano n'ya tatalikuran ang kanilang anak na kahit saang anggulo tingnan ay kamukhang-kamukha n'ya? Paano n'ya haharapin ang bukas ng maayos at masaya kung puno ng poot at galit ang kan'yang puso? Matutunan n'ya kayang mahalin ang babaeng ipinakasal sa kan'ya ng mga magulang?
View MoreAUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore