Share

CHAPTER 6

Author: Siobelicious
last update Last Updated: 2024-07-30 16:45:41

BLAYRE JOAQUIM...

"T-Tres," nanginginig sa takot na tawag nito sa kan'yang pangalan. Mas lalo pang uminit ang ulo n'ya dahil pakiramdam n'ya ay nagpapaawa lang ang dalaga.

"Don't use that face against me, woman dahil hindi mo ako makukuha sa pagpapaawa mo. Ito ang tandaan mo, Preccy, gagawin ko ang lahat para maging kalbaryo ang buhay mo katulad ng ginawa mo sa buhay ko! Get lost woman!" malakas na sigaw n'ya sa pagmumukha ni Preccy bago ito tinalikuran at tinungo ang hagdan.

Hindi pa s'ya nakuntento, nang madaanan n'ya ang isang vase ay mabilis n'ya itong sinipa. Naglikha ito ng malakas na tunog lalo na ng mabasag ito at nagkalat sa sahig.

Bago s'ya tuluyan na umakyat sa hagdan ay nilingon n'ya muna na may matalim na tingin si Preccy at nakita n'ya na naginginig ang babae sa takot. Bagay na ikinangisi n'ya dahil kahit papaano ay nakaganti din s'ya sa babae.

"Linisin mo yan!" pasigaw na utos n'ya rito.

Dumiretso s'ya sa taas at agad na naligo. Ibinabad n'ya ang katawan sa bath tub. Masyado s'yang stress simula ng ikasal sila ni Preccy. Gulong-gulo ang buhay n'ya dahil sa babaeng iyon kaya bagay lang dito na gagawing empyerno ang buhay.

Pagkatapos n'yang maligo ay humilata s'ya sa kama. Hindi n'ya alam na nakatulog pala s'ya. Dala siguro ng pagod at stress dahil sa nangyari sa kan'yang buhay.

Hating gabi na ng magising s'ya. Nakaramdam s'ya ng gutom dahil hindi pala s'ya kumain kanina bago s'ya natulog. Kaya naman ay nagpasya s'yang bumangon para bumaba.

Tanging boxer lamang ang kan'yang suot ay kampanti s'yang bumaba ng hagdan. Bahay n'ya ito at walang makakadikta sa kan'ya kung ano ang kan'yang isusuot.

Dumiretso s'ya sa kusina at nakita na may pagkain na natatakpan. Isa-isa n'ya itong binuksan para lang mapamura ng makita na pritong itlog ang naroon. Kaya naman ay dali-dali n'yang tinungo ang maid's room at pagdating sa pintoan ng kwarto ni Preccy ay malakas n'ya iyong sinipa.

Dahil sa sobrang lakas ay pasalya na nabuksan ang dahon ng pinto na ikinagulat ng babae na natutulog.

"S-Senyorito anong nangyari?" pupungas-pungas na tanong nito sa kan'ya. Nangangalaiti sa galit na lumapit s'ya rito at hinawakan sa braso ang babae at pinisil iyon.

Napangiwi ito sa sakit ngunit imbes na tigilan ang kan'yang ginagawa ay mas lalo n'ya pang pinisil ang braso ng dalaga.

"Nagtatanong ka pa? Wala ka na ngang trabaho dito buong araw, wala ka pang silbi kahit sa pagluluto. Anong ipapakain mo sa akin? Yong pritong itlog na niluto mo! Putang'ina naman oh!" malakas ang boses na singhal n'ya sa babae na nanginginig ang labi at parang maiiyak na.

"H-Hindi ko kasi alam na uuwi ka kaya hindi ako nagluto kanina," katwiran nito na mas lalong ikinatagis ng kan'yang bagang. Pasalya n'yang binitawan ang braso nito at nangangalaiti sa galit na sinipa ang maliit na mesa sa tabi ng kama ng dalaga.

"Wala ka bang utak? Nakita mo na ako kanina Hindi ba? Bakit sasabihin mo na hindi mo alam na uuwi ako? Ang sabihin mo, wala ka talagang silbi!"

"P-Pasensya na senyorito. Ipagluluto ko na lang ka—,"

"Lumayas ka dito! Iyan ang gusto kong gawin mo, Preccy, lumayas ka sa buhay ko. Umalis ka!" malakas na sigaw n'ya sa pagmumukha ng dalaga. Hindi na nito napigilan ang mga luha. Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga iyon na mas lalong ikinagalit n'ya.

Palagi na lang ito umiiyak para kaawaan ng pamilya n'ya at kapag nalaman ng kan'yang mga magulang ang kan'yang ginawa ay s'ya na naman ang sasabunin ng mga ito at si Preccy na naman ang kakampihan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Joanne Mondano
Hyss grbe k nmn Tres,, kng gawin dn kya ni luke yn ky ace ano kya mramdmn m noh
goodnovel comment avatar
Erna Gabuat
wg kng martir precy
goodnovel comment avatar
Alice Ruffy
pede p Po ung kasundo gusto q Po tapusin ang kwento maganda po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   EPILOGUE

    AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 205

    BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 204

    AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 203

    AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 202

    AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 201

    AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status