Share

14 - throw away

Author: 4stratcats
last update Last Updated: 2025-09-02 22:44:34

Si Gina na secretary ni Prof. Albaro ay ilang beses na bumisita kay Yelena sa hospital para tiyaking okay lang siya at makakaya niyang pumunta sa event. Ang totoo ay hindi siya okay. May tahi siya sa ulo. Pero sinikap niyang mabawi ang lakas at maipakitang masigla na siya at nang makaalis siya ng hospital.

"Masyadong mabilis ang recovery mo, hopefully hindi mo pinuwersa lang ang sarili mo. You fell badly and the injury can't be taken lightly," remind ng attending physician niya.

"Don't worry, Doc, mag-iingat po ako. Kailangan ko lang talagang makalabas na rito. Promise, hindi ko pupuwersahin ang sarili ko."

"Kailan mo ba gustong lumabas?"

"Bukas po sana. May importanteng bagay lang po akong aasikasuhin." Ayaw niyang sirain ang pangako sa kaniyang guro. Napakahalaga sa kaniya ang tiwala ng mga ito.

"Okay," matapos suriin ang sugat sa ulo niya, tinanggal na rin ng doctor ang tahi. "Matatakpan naman ng buhok ang peklat, hindi na iyan mahahalata."

"Okay lang po, Doc." Na-appreciate niya a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
Tama ka jan Yelena
goodnovel comment avatar
Christine Joy
Nice move Yena🩷🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   42 - gossip

    Bumalikwas ng bangon si Yelena pagkatapos magising sa panaginip niya kay Argus. Pinilit daw niya ang lalaki na isali siya sa project kahit ayaw nito hanggang sa inakit na lamang niya ito para pumayag. Muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama at tumitig sa madilim na kisame. Hinintay na humupa ang paghahabol niya ng hininga.Matagal nang walang pakialam sa kaniya ang lalaking iyon bakit umaasta pa rin siya gaya noong mga bata pa sila? Bumangon siya at binuksan ang ilaw. Nagtungso siya sa sala at naupo sa couch. Kinapa ang pendant ng kwintas. Doon niya napansin na tila may kakaiba. Hinubad niya iyon para tingnan. Bakit parang nag-iba ang hugis? Ito ba 'yong binigay ni Lola Ale sa kaniya? Parang baliktad ang arko ng pendant.Umiling siya. Baka guni-guni lang niya. Isinuot niya muli ang kwintas at bumalik sa kaniyang kwarto. Kinabukasa, sa provincial hospital ang duty niya. Gaya ng nakaraang mga araw, bumungad sa kaniya sa lobby si Nova na binobola ng ilang mga empleyado dahil kay Morgan

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   41 - condition

    Sa VIP box ng restaurant, nakadungaw si Argus mula sa railing, ang kanang kamay ay nakaangkla sa barandilya habang hawak ng kaliwa ang wine glass. Nakatuon ang titig niya kina Yelena at Gerald na kumakain sa ibaba. Mukhang nawiwili sa usapan ang dalawa. His chest tightened thinking that he could never see her curious smile again like that. Estranghero na ngayon ang turing sa kaniya ni Yelena. "Sino'ng tinitingnan mo riyan?" Lumapit sa kaniya si Lito. "Ang kapatid mo ba iyan?" "Ikaw na ang bahala sa iba pagdating nila. I'll go ahead. Charge n'yo na sa akin ang bill," sabi niyang tinapik sa balikat ang kaibigan.Hanggang ngayon ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa ni Yelena ay magkapatid. Matagal na niyang na-correct ang ideyang iyon dahil napunta naman sa poder niya ang babae para maging bride niya. Pero ang lipunan pa rin ang nagdidikta kung ano dapat ang magiging relasyon nila sa isa't isa.Papalapit pa lamang siya sa table ay nakita na siya ni Yelena. Rumehistro agad ang pagka

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   40 - dinner

    Gigil na pinapanood ni Nova ang ginawa ni Yelena at kung paano ito hinangaan ng ibang mga naroon. Bakit ganoon? Noong college siya madalas din naman siyang purihin ng instructors nila pero hindi niya makuha ang recognition na nakukuha ni Yelena. Kung tutuusin ay mas bata sa kaniya ang babaeng ito. "Nurse, monitor him every two hours, wag mong kalimutang i-turn-over sa susunod na shift bago ka mag-clock out mamaya. Medyo seryoso ang kalagayan niya. Naka-refer na siya for laboratory exam bukas," bilin nito sa nurse na umalalay."Okay po, Dr. Yena. Thank you po.""Doc, maraming salamat po," pilit nagsalita ang pasyente."Tumango si Yelena at umalis na.Namumuhing hinatid ito ni Nova ng tanaw at akmang lalapitan niya ang pasyente."Huwag n'yo na po siyang pakialaman, baka ang ending ay mamatay siya," sikmat ng nurse. "Ano'ng sabi mo?" maldita niyang pakli. "Doctor ako-""Hindi ka po licensed doctor. Bawal po nag-handle ng pasyente lalo na kung tulad nito na komplikado ang kaso."Wala si

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   39 - chat

    Napangiti si Nova pagkatapos marinig ang sinabi ni Manang Luiza. Hindi man niya tiyak kung bakit nagsinungaling ang kasambahay pero pabor sa kaniya ang ginagawa nito. Ngayong umalis na si Yelena sa villa, siya ang bagong Mrs. Curtis at Madam sa bahay. Hindi siya papayag na makabalik pa ang babaeng iyon."Sigurado ka, Manang Lu na araw-araw umuuwi si Yelena? Hindi ko maramdaman ang presensya niya rito sa bahay. Isa pa, bakit kunti na lang ang books na nasa kuwarto? The last time I check, siksikan sa medical books iyon," sabi ni Morgan at naningkit ang mga mata. "Minsan lang po siyang hindi nakauwi rito, Sir. Noong kaarawan ng lola n'yo," sagot ng mayordoma."Morgan, baka dinala niya sa hospital ang books para may mababasa siya. Don't tell me iniisa-isa mo ang mga aklat doon shelf?" sabat ni Nova na nauumay na sa inaasta ng lalaki.Sinulyapan niya si Manang Luiza. Siguro natanto ng matanda na mas karapat-dapat siyang maging Madam sa bahay na iyon. Natutuwa siya sa mayordoma."Sige na,

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   38 - empty bed

    Yelena's shoulders fell down and relaxed. "Morgan, kaya kong mag-drive. Puntahan mo na sila at doon ka magpaliwanag saka samahan mo na si Nova. Her sports car is waiting." Iminuwestra niya ang showroom kung saan tanaw mula sa kinaroroonan nila ang sasakyang binili ni Morgan para sa hipag nito.No amount of explanation can change the fact that he cheated and that she has to deal with it professionally. Hindi niya ibababa sa level ni Nova ang sarili niya. Lalong hindi siya papayag na magtanim ng kalituhan si Morgan sa utak niya tapos sa bansang huli ay lalabas na siya ang may kasalanan. Hinayaan nitong sa paningin ng iba ay si Nova ang asawa nito at siya ay kabit na sumisira sa relasyon ng iba."Yena-""Mr. Curtis, marami pa akong gagawin. Excuse me," pormal niyang sabi na gumulat kay Morgan."Mr. Curtis?" Dumilim ang mukha ng lalaki.Ang sinabi niya ay malinaw na pagmarka ng boundary sa pagitan nilang dalawa. That formal address is not just for setting limits but for building high wall

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   37 - car

    "Ang babaeng iyon ang kabit ng asawa mo?" tanong ni Gerald pagkapasok nila ng opisina ni Yelena. Tinutukoy nito si Nova na nasa lobby at kung anu-ano'ng token ang binibigay sa mga empleyado. Hindi na siya magtataka kung bukas o sa susunod na araw ay magbabago ang pakikitungo sa kaniya ng iba. Hindi lang basta token ang binibigay ni Nova, may kasamang kuwento iyon at madalas siya ang kontrabida."First love siya ni Morgan," sagot ni Yelena at naupo sa silya. Pumasok ang secretary at binigay sa kaniya ang listahan ng mga gustong magpa-check up."Lumapit si Morgan sa aking ama at narinig kong ni-recommend ni Dad sa Mayor si Nova. Kakausapin ko si Dad-""Huwag na, okay lang." Ngumiti siya ng tipid. "Hindi basta hihingi ng pabor si Morgan sa ibang tao. Tiyak may agreement sila ng Dad mo tungkol sa business. Hayaan mo na. I can make a room for Nova. Ako na lang ang iiwas sa kaniya para hindi kami magkagulo.""I'm sorry, sinabi ni Dad sa akin ang tungkol dito pero hindi ko gaanong pinansin,"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status