LOGINPumihit si Eleanor, nagliyab sa galit ang mga mata at nagtagis ng mga ngipin.Samantala ay tumingin naman si Riou kay Argus, tapos kay Martha at sa huli sa lola niya. Naguguluhan ang lalaki.Ramdam niya kung paano nagbago ang tingin ng mga tao sa kanya. Mula sa paghanga, ngayon ay may anino ng galit at pandidiri.Imposible...Pero pinalaki siya ni Madam Eleanor.Kilala siya nito. Kilala rin niya ang abuela, at kabisado niya ang pinsan na matagal na niyang kaalitan.Pero sinabi ng kutob niya na totoo lahat ng isinawalat ni Martha.Parang binuhusan siya ng isang timbang malamig na tubig sa gitna ng nagyeyelong silid. Nawalan siya ng direksyon.Kaya pala sila hindi makasundo ni Argus ang lola niya at kaya pala inaapi ni Eleanor ang lalaki. Hindi 'yon dahil sa alitan ng tatay at tiyuhin niya. Ang totoong dahilan ay hindi siya kabilang sa angkan ng mga Armadda. Ginagamit ni Eleanor si Argus para makakuha siya ng mas maraming pabor sa pamilya.Hindi nakapagtataka na lagi nitong sinasabi. "K
Alam na ni Vettyna dati pa na hindi dapat minamaliit ang kakayahan ni Martha. Pero kasi, akala niya ay kaya na niyang basahin ang babae. Sanay siya na prangka ito at direkta kung tumuligsa. Pati mga paraan nito ay kabisado na niya. Ngunit, ngayon ang unang beses na nakaramdam siya ng matinding takot at naiisip na pati ang kaniyang ama ay walang magagawa. Ibabagsak siya ni Martha at hindi hahayaan na muling makabangon pa."Magpaliwanag ka, Martha. Ano 'to? bakit may mga pulis dito sa charity ball?" "Dad, hindi n'yo ba narinig ang sinabi nila? Sangkot sa frustrated murder si Vettyna. Ano? iniisip ninyong ako ang nagtawag ng pulis para akusahan siya? Bakit ko naman gagawin iyon?" May pagdududang tinitigan ni Vic ang babae. Simula kaninang umaga, parang ibang tao na si Martha. Dati, kalmado ito at mahaba ang pasensya, masunurin at makatwiran. Pero ngayon, ang natira na lang ay ang pagiging matigas.Bago pa makapagsalita si Vic, tumango nang bahagya si Martha sa mga pulis. Ngumiti ng bah
Bumusangot si Mark at nilagok ang isang shot ng wine na natira sa hawak na kopita. "Masyadong considerate si Martha kay Vettyna," komento nitong napapailing. "Mas gusto mo si Argus para kay Yelena?" tanong ni Jeremy."Ayaw mo ba kay Argus?""No, I don't hate him but I also don't like him. His way of protecting my sister is very cruel, pati si Yelena ay nasasaktan niya. Pero hindi rin ako makikialam kung siya talaga ang piliin ng kapatid ko. Yelena's happiness is more important to me than anything else. With that, no one has the right to take him away from her, not Vettyna of course."Tumango si Mark at tumingin sa direksiyon ng drawing room. With things unfolding inside, chaos in the family is inevitable. "Maiipit na naman sa gitna ng gulo si Yelena," bumuntong-hininga si Jeremy."Kaya pumayag ka agad sa annulment ng mga magulang mo?""Hindi ko pa nakausap si Dad, gusto kong marinig ang paliwanag niya. Alam kong may dahilan kung bakit bias siya kay Vetty at tila ba walang pakialam k
Halata ang takot at nerbiyos sa driver pero hindi iyon nakabawas sa husay nitong magmaneho. Hinintay sana ni Yelena na magkamali ito para makakilos din siya. Tanaw nila ang parating na pulis para harangin sila pero bigla itong pinigilan ng kasama nito.Nataranta siya. Baka hindi na siya makatakas pa. Hindi niya maaring isugal ang kaligtasan ni Argus pero hindi rin pwedeng silang dalawa ng anak niya ang mapapahamak. Palihim niyang kinalikot ang lock ng bintana pero hindi niya mabuksan. Naka-automatic lock iyon. Wala siyang ibang choice kundi magdabog sa loob at katukin nang malakas ang salamin. Pero sinaklot siya ng lalaking katabi.Dumaing siya sa sakit at halos mapaluha. "Mahahanap din tayo ni Argus, mabuti pang sumuko na kayo at pakawalan n'yo ako ngayon din!" singhal niya. "Alam ko kung ano ang kayang gawin ng lalaking iyon kaya nga tayo aalis agad. Hindi takot mamatay si Argus." Nagsalita ang lalaki at nabasa ni Yelena ang pagkatuliro sa mga mata nito. Naguguluhan din kung ano an
Ramdam sa tono ni Argus ang labis na pag-aalala at pati si Lola Rosela ay hindi na rin mapigil ang ligalig. "Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang, Argus..." aniya sa lalaking palakad-lakad habang hinihintay nila roon sa bakuran si Morgan. "Malaking bagay na ho ang tulong ninyo para makuha ko ang antidote," sagot niya at muling pinukol ng tanaw ang direksiyon patungong garden. "Brian, ipa-trace kung nasaan ang secretary ni Morgan na sumundo kay Yelena," utos niya sa bodyguard."On-going na, Boss. Mamaya lang ay may update na tayo mula sa team ni Javier." "Lola, thank you sa pag-accommodate sa amin ngayon. Alam kong malaking abala itong ginawa namin," muli niyang hinarap ang matandang babae."Ano ka ba, apo rin ang turing ko kay Yelena. Dapat lang nagpunta ka rito para malaman na rin ni Morgan." Kapwa sila bumaling sa parating na lalaki. Bakas din ang pag-aalala nito, marahil ay nasabi na ng katulong na may sumundo kay Yelena sa hospital. "Argus...""Yelena is missing and she
Kahit itanggi pa ni Argus pero ang katotohanan ay lahat sila'y may malalim na pagmamahal kay Yelena. Lumaki itong kasama nila at nasusundan ang bawat yugto ng buhay nito. Kung paano sila nito napatawa noon. Ito ang naging gamot sa kanilang lungkot. Ganoon din ang papel nito sa piling ni Morgan noong hindi pa kasal ang dalawa. Maaring iyon ang gustong ipaglaban ng lalaki. Nasa third floor ang private suite ni Madam Myrna pero hindi na naghintay pa si Argus ng elevator. Mabilis siyang bumaba sa fire exit stairs at dumiretso sa monitoring room.Ang gwardyang nakabantay roon ay hindi magkandaugaga sa pagsalubong sa kaniya. Banaag sa mukha ang takot at halos hindi na gumana ang utak dahil biglang nadapa sa sahig."Boss Argus, ano po ang atin?"Itinuro ni Brian sa nguso ang monitor screen. "I-play mo 'yung CCTV footage from half an hour ago mula sa entrance ng inpatient building."Mabilis na tumalima ang gwardya at nagmadaling hinanap ang footage.Madilim ang mukhang nakapako sa screen an
Rambol na naman sa kama ang iniisip ng lalaking iyon! Nangaligkig si Yelena habang papasok ng kuwarto. Ginagawa lang yatang rason ni Argus ang pagiging house husband para masolo siya lagi. Pero may tapang ba siyang tumanggi?Lumingon siya sa gawi ng pintuan. Naroon si Argus, nakasandal sa hamba at n
Bumuntong-hininga si Elen at matiim na tinitigan si Yelena. "I really have no choice but to come to you. Umasa sana ako that Argus can take the initiative to break up with you, kung anuman ang mayroon kayo. But apparently it doesn't work."Sumandal sa sandigan ng swivel chair si Yelena. "Ano'ng gust
Bumalik sa alaala ni Morgan ang nakaraan, kung paano siya nagtatago at nagsisinungaling noon kay Yelena para lang hindi magtampo si Nova. Ni hindi niya naranasang mag-celebrate ng birthday kasama ang asawa. "Do you have enough? Umalis ka na and put some sense in that brain of yours, Morgan." Taboy
Pagdating ng bahay ay hinayaan ni Argus na makapagpahinga si Yelena at na-appreciate iyon ng doktora. Hindi kasi niya alam kung ano ang unang ikukuwento sa lalaki. Parang nagkabuhol-buhol ang ganap. Kailangan muna niyang himayin ang isip. Pagod na pagod siya.Pero nakaligtaan niya ang isang bagay. A







