MasukNakaupo sa couch si Jeremy at tumayo ito nang makita siya. Umaliwalas ang kaniyang pakiramdam. Isa ang lalaki sa nagdudulot sa kaniya ng komportableng atmosphere at feeling na ligtas siya. Hindi niya mapigil ang tuwa tuwing nakikita niya ito. "Argus told me that you've returned. Sinadya na kita rito para kausapin tungkol sa nangyayari ngayon sa bahay," hindi na ito nagpapaligoy-ligoy pa. "Tungkol ba kay Nova?" tanong niyang iminuwestra ulit ang couch para maupo ito."She is claiming to be my sister. I don't know who conspired with her to do this but I have no intention of recognizing her to be part of my family. Mas gugustuhin ko pang ikaw ang magpanggap na si Xarah Jean. Walang anumang tanong na tatanggapin kita.""Xarah Jean ang pangalan ng kapatid mo?" gulat niyang bulalas.Tumango si Jeremy.Umarangkada ang tibok ng puso niya. Kinapa niya ang kwintas na suot at halos manginig ang mga daliri. "M-may suot ba siyang kwintas na ganito, ý-yong si Xarah Jean, may ganitong kwintas ba?"
"I'm counting on you, Jeremy..." sabi ni Argus na kausap sa cellphone si Jeremy. "Don't worry, I'll fix that person's brain. My family is far more difficult to fool than she thought. By the way, kailan lalabas ang resulta ng DNA test? Nasabi sa akin ni Mark. Kung pwedeng apurahin ang resulta, gawin mo. I can't wait to announce that Yelena is my little sister. Gusto kong bumawi sa kaniya, pero kailangan ko ng valid na rason para magawa iyon.""I am getting a bad feeling about you going to be her brother. You have this tendency to overprotect her. An obssessed brother who won't even allow me, her husband to have a kiss on her in front of you.""Buti alam mo, kaya wag mong gawin sa harap kundi masasapak kita. At ano'ng mali kung overprotective ako sa kaniya? Matagal siyang nawalay sa amin, bilang kuya, gusto kong bumawi. Once the DNA result is out, expect our family to spoil your wife." Napailing na lamang si Argus at tinapos na ang tawag. Lumigid siya sa likod ng massive desk at naupo
"Are you sure, ate? Paanong fake ang kwintas?" apila ni Vettyna na gaya ni Nova ay kabado na rin. Hindi niya alam ang kwento kung paano napunta sa babae ang kwintas na iyon, noong una niyang nakita, nagkaroon siya ng ideya kahit hindi siya sigurado kung iyon nga ba ang kwintas na ibinibigay sa bawat miyembro ng Villegas clan."This necklace is not the one Xarah has been wearing since she was a child," pahayag ni Martha at ibinigay kay Nathasia ang kwintas. Mariing sinuri iyon ng ginang. Lahat ng kwintas na binigay niya sa mga anak niya ay may nakaukit na pangalan ng mga ito. Ang kwintas na binigay niya sa bunso nila ay may nakalagay na XJ, ibig sabihin ay Xarah Jean. Pagkapanganak pa lamang niya kay Xarah ay sinuotan na niya ito ng kwintas, umaasang lumaki ito ng malusog at mabuting bata, gawa ng pre-mature ito nang kaniyang isilang. "Saan mo nakuha ang kwintas na ito?" tanong ni Victor kay Nova. "Bakit po, Dad? Pati ba kayo ay hindi naniniwalang si Nova ay si Xarah?" sabat ni Vett
"Nagkamali kayo! Wala akong alam sa nangyaring car accident. Ngayon lang ako pumunta rito sa Pagoda!" tarantang sigaw ni Nova. "Pero ikaw ang itinuro ng salarin na nahuli namin habang tumatakas mula sa crime scene," sabi ng police. "Isa pa, may mga katibayan kami bago nagpunta rito.""Mom, wala po talaga akong kinalaman sa-"Lumagapak ang mukha ni Nova dahil sa sampal ni Mommy Corie. "Kahit saang lugar na lang! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Sumama ka na sa mga police, kung talagang wala kang kasalanan patunayan mo!""Yelena, alam mo ang totoo, bakit mo ako pinagbibintangan!"Napailing si Yelena. "So, ano'ng ibig mong sabihin, I fabricated the evidence and the CCTv footage? Doon ka magtanong sa suspek, kung bakit ikaw ang itinuro niya at kung paano ka niya nakilala kung hindi naman pala kayo nag-uusap.""Wait, may sasabihin lang ako!" sabat ni Vettyna. "Huwag ka nang makialam!" asik ni Martha. Pero hindi nagpapigil si Vettyna at lumapit ito kay Nathasia, may ibinulong. Nan
Parang masisiraan ng ulo si Vettyna habang naririnig ang halinghing ni Yelena at ungol ni Argus mula sa loob ng banyo. Hindi nakasarang mabuti ang pinto at nagmistulang alingawngaw sa loob ng kweba ang ginagawa ng dalawa, ang tunog ng salpukan ng sensitibong parte ng katawan ng mga ito. "How long are you going to stay there and eavesdrop our love moments, Vettyna? Are you planning to count how many times I shoot my seeds inside my wife?" Matigas ang boses ni Argus at mabigat ang pagbagsak niyon dahil sa paghahabol ng hininga.Umuga ang mga tuhod ni Vettyna. Napansin siya ni Argus? Pero papaano? Nakakubli siya sa gilid ng pintuan. Nang makabawi ay dali-dali niyang binunot ang mga paa at kumaripas palabas ng kuwarto. Bwesit!Pumasok siya roon para sana inisin si Yelena at sabihin dito na nahanap na nila ang bunsong anak ng mga Villegas, na ang batang iyon ay si Nova. Gusto niyang makita ang reaction ng babae kapag narinig ang pangalan ng sister in-law nito na naging kabit ni Morgan.
Kasalukuyang nasa therapy session sina Yelena at Nathasia habang inaasikaso ng mga kasambahay ang guests na dumating noong araw na iyon. Nasa guest room sila sa ground floor at nagkukwentuhan, nagbibiruan. Maririnig sa labas ang tawanan nilang dalawa. "Naalala ko talaga sa iyo ang bunso kong si Xarah, kahit toddler lang iyon pero madalas din niya akong i-masahe noon.""Ilang taong gulang po ba siya noong nawalay sa inyo?" tanong niya at lumipat sa kaliwang mga binti ng ginang. Iyon naman ang minasahe niya. "Two years old lang siya. Madalas ko siyang isama roon sa Magallanes tuwing may festival. Alam mo bang fluent na siyang magsalita noon? Maraming natutuwa sa kaniya. At the age when others are still jumping out word by word, she can fluently complete a sentence." Napasinghot si Nathasia dahil sa alaala. "At hindi lang siya mahusay magsalita, she's well-behaved and caring.""Naniniwala po ba kayong buhay pa siya?""Oo, buhay pa ang anak ko. Malakas ang kutob ko.""Kung ganoon, umasa
Sinubukan pang pigilan ni Morgan si Yelena na inakay ni Mark palabas ng villa pero pinigilan na ito ni Lito. Ang mga bantay ay hindi na rin nakialam matapos bigyan ng babala ng dalawang lalaki. Kung tutuusin ay parehas din namang kilala sa business arena ang pamilya nina Mark at Lito. Mas umangat ng
Nasa laboratory pa si Yelena nang matanggap niya ang tawag mula sa Armadda Territory. Si Madam Eleanor mismo ang tumatawag sa kaniya. Saglit niyang itinigil ang ginagawa sa harap ng laptop at naglakad patungo sa may bintana."Hello po, Lola." She pulled up the blackout curtain. "Tonight there are g
"Argus!" galit na atungal ni Madam Eleanor at hinihingal na tumayo mula sa silyang inuupuan. Agad-agad itong dinaluhan ng mga kasambahay at pinaiinom ng tubig. Pero gigil na tinabig ng matanda ang baso, tumalsik iyon at sumabog paglapat sa sahig. Napalunok si Yelena, nagsimulang humataw ang nerbiyo
Nagtawag muli ng meeting si Yelena sa loob ng conference room pagkatapos matanggap ni Dr. Robin ang report ng security department. Lahat at nakaantabay, habang kampante sa kabilang side ng table ang grupo ni Prof. Martin at ng dalawang staff sa team ni Nova. "The electric gate of the R&D department







