Share

CHAPTER 2: AFTER THE STORM

EURUS' POV

Lunes. Pasukan na naman. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang panaginip ko kahapon. Hindi ko na rin ikunuwento sa kanila ang napanaginipan ko at nakita, baka sabihin ay nag iilusyon na naman ako. Homeroom namin ngayon kaya wala masyadong pinapagawa si Miss. Hindi naman na bago sa amin ang late na pag pasok niya sa classroom, pero ngayon yata ay iba.

"Go back to your proper seat." kalmado niyang utos. Mabait si Miss kaya hindi kailanman ginago ng mga kaklase ko.

"Due to the heavy rainfall kagabi, nag decide and headmaster na i-cancel ang camping this wednesday. It will be rescheduled next week." umingay ang boung classroom nang marinig namin ang announcement ni Miss. Ayon pa naman ang pinakahihintay ng lahat, bukod sa 3 days ang camping, may mga extra curricular activities din. Pero ngayon hindi na kami sa bundok, sa isang elementary school kami na matatagpuan sa Hawkin.

Ang Hawkin ay matatagpuan sa gitna ng dalawang bayan, ang Acrane at Blendon. Mayamang bayan ang dalawa, ang Hawkin naman ay may pinakamaliit na bilang ng mamamayan. Ang sabi nga ng mga matatanda sa amin dati, wala na masyadong tumitira sa Hawkin dahil lumang bayan ito ng Acrane. Lahat ng mamamayan nagsilipat sa kabilang bayan. Pero mayaman sa yamang lupa ang Hawkin, mataba at masagana ang mga pananim dito. May paniniwala sila na binabantayan daw ito dati ng magandang diwata bago nabuo ang dalawang bayan. May naging kaguluhan sa Hawkin dulot ng pagiging sakim ng ibang mamamayan sa yamang lupa na naging sanhi ng pagkabuwag at nabuo ang dalawang bayan.

Anyway, ayon nga doon napagdesisyunan ng headmaster na mag camping ang lahat para maexperience namin ang pamumuhay ng mga tao doon. May tree planting na gagawin. More on nature and stuff ang boung program. Bakit ko alam? Syempre baka president ng student council 'to.

Agad ding umalis si Miss dahil may aasikasuhin pa raw siya sa office nila. Dumating naman si Loki na late na naman.

"Late ka na naman, Loki!" pagalit sa kaniya ni Cresia, president ng classroom namin. "Sorry na pres, ang ganda mo ngayon ha." binigyan lang siya ng nakakatakot na tingin ni Cresia. "Sa susunod hindi na ako papadala jan sa pangbobola mo. Umupo kana." tinanguan lang nito ni Loki sabay ngiti. Nakalusot na naman si loko.

"Guess what." bungad ni Loki sa'min.

"May nakita ka na naman bang chicks ha?" pagloloko ni Dion na ikinangiti naman ni Loki. Hayup talaga. Pag babae usapan ang bilis.

"May bago palang lipat. Nakisingit ako kasi pinagkakaguluhan ng kabilang section e." sambit ni Loki. Transferee?

"Sure ka?" tanong ko. Bakit hindi ko alam? Dinadaan din sa'min ang  mga files ng mga students pag bagong salta. Hindi kaya'y nakaligtaan ko lang?

"Eros." tawag ko. Busy ito kakatingin sa notebook niya. Kinalabit naman ito ni Helios, agad ding tumingin. "May bagong files bang binigay si Sir Casio?" takang tanong ko. Umiling lang ito, "Kung ganon, edi hindi mo rin alam na may bagong salta?"

"May bagong salta?" hindi makapaniwalang tanong niya. I take that as a yes. Tumayo ako para tunguhin ang SG office. Itatanong ko nalang kay sir Casio, sana nasa office lang siya.

Sakto ang dating ko dahil paalis na rin si sir Casio.

"Oh, Eur. Naparito ka? Wala ka bang klase?" tanong ni sir. Sumabay na rin ako sa kanya sa paglalakad.

"Wala po sir. May itatanong lang po sana ako."

"Go on."

"Bakit po hindi dumaan sa'min ang files ng bagong salta?" seryosong tanong ko. Napatigil naman ni sir sa paglalakad.

Katahimikan.

Akmang magsasalita na ako nang pinutol niya.

"Alam mo Eurus, may mga bagay na hindi kailangang alamin. Bumalik ka na sa classroom mo, papunta na si Mrs. Macario." itinulak pa nito ako paalis. Kukulitin ko pa sana pero nakita ko na ang paparating na si Mrs. Macario. Ayoko naman malagyan ng pulang marka 'no.

Lunch time. Naisipan naming kumain sa cafeteria ngayong araw, usually kasi sa dorm lang kami kumakain pag may stocks kami. Pinuntahan muna ni Helios si Oceana para sumabay na sa'min kumain. Kaya rin ako nag-aya kumain sa cafeteria kasi gusto ko makita 'yung sinasabi nilang bagong salta. Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasal ni sir Casio. Agad din naming narating ang cafeteria, as usual halos mapuno ang loob. Pero ang umagaw sa pansin ko ay ang isang grupo ng estudyante na tahimik na kumakain sa tabing bintana. As in kumakain lang sila, hindi nag-uusap, kahit pagtapon ng tingin sa mga nagpapansin sa kanila ay di nila magawa.

"Ayan ang mga bagong salta bro." feeling proud na sabi ni Loki. Aalis na sana ako para pumila nang biglang tumingin sa'kin ang nagiisang babae sa kanila. Nakatingin lang ito, walang emosyon. Para akong hinuhusgahan ng tingin niya. And for some reason, may kapareha siya kung paano siya tumingin. Nagiwas din ito at ibinalik sa pagkain niya. Nakakairita. Ayoko sa lahat ang tinitignan ako na para bang wala akong kwentang bagay. Nakakabastos ng pagkatao. Sa gwapo kong 'to, ayon lang magiging reaksyon mo? 

"Kita niyo 'yon? Sayo tumingin dre." bulalas ni Loki. Hindi ko siya pinansin at iniisip nalang kung saan ko ba nakita ang kapareha niya.

Nakahanap kami ng table bandang gitna, dumating na rin sina Helios at Oceana. Dala-dala palagi ni Oceana ang barbie niyang notebook na bigay pa sa kaniya ni mom. Namiss ko tuloy ni mom.

Napuno ng kwentuhan ang table namin, more on about sa lessons na tinetake ni Oceana pag may special session sila ni Helios sa tutoring. As usual si Eros tahimik lang na nakamasid sa paligid. We're both tahimik sa barkada, si Dion and Loki naman  ay puro chicks ang inaatupag. Si Helios ang mabutihing kuya ni Oceana na dapat ako naman talaga. Mas malaki ang bond nila kumpara sa'min ni Oceana, kulang na lang sa'min na tumira si Helios.

Pagkatapos namin kumain, hinatid muna namin si Oceana sa room nila. Bago kami makarating sa classroom namin madadaanan muna namin ang section A2. Napansin ko na naman ay grupo ng mga bagong salta. Napakunot ako ng noo, usually kasi pag transferee ka ay sa last section ka ilalagay dahil late ka but this group. Ang dami kong katanungan, alam ko naman mababaw lang pero hindi kasi normal. Nakaka-curious lang. Una ay ang ikinilos ni Mr. Casio, tapos ngayon itong grupong 'to. 

Sa pangalawang pagkakataon, nagkatinginan na naman kami nong babae sa grupo nila. There's something inside me na gustong lapitan siya. But no, hindi dapat ako nagpapadala sa ganito. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Halos lahat naman nakatitigan ko na pero bakit pag dating sa kaniya may kakaiba. Hindi kaya na kulam ako? Totoo kaya 'yon? Hayaan mo na nga. Baka nacucuruious lang talaga ako. Siya lang din kasi ang ganon tumingin sa'kin. Hindi sa pagmamayabang ha, pero talagang habulin ang grupo namin, lalo na ako. Gwapo na nga President pa ng student council. Dagdag pogi points din yon no.

Dumaan ang oras na wala akong naiintindihan sa mga lessons namin. Lumulutang ang isipan ko, hindi ko mawari bakit. Bakit ako nagkaganito? Normal lang naman na magkatitigan kami, pero bakit para akong binabaliw ng titig na niya? Hindi naman ganito nararamdaman ko pag nagkatitigan kami ni Alectrona? Eh ayon dapat kasi gusto ko siya. Pero bakit parang mas matapang 'to kumpara kay Alec? Hinayaan ko na lang ang nararamdaman ko, baka naiirita lang ako kaya ganon ko isipin ang tingin niya. Lilipas din naman 'to. 

Natapos na ang klase namin pero ang utak ko ay nasa kalawakan pa rin. OA man kung OA pero totoo. Hindi ko na nga rin naintindihan ang boung discussion namin na dapat ayon ang pinagtuunan ko talaga ng pansin. Dumeretso na akong dorm dahil feeling ko ay pagod na pagod ako at kailangan ko lang ng tulog.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status