Share

CHAPTER 3: CLOSE CALL

EURUS' POV

Around midnight na nang magising ako. Mahimbing na rin ang tulog ni Helios sa kabilang kama, agad akong bumangon para sana mag cup noodles nang may narinig akong kaluskos sa may veranda. Normal lang naman ang ganito, kaya pinabayaan ko na lang. Nag init na ako ng tubig, habang hinihintay kumulo nag scroll na muna ako sa social media. Nagchecheck lang kung may bagong announcement tungkol sa bayan namin. Wala namang bagong announcement kaya inexit ko na. Sakto kumukulo na rin ang tubig kaya ibinuhos ko na 'to sa cup noodles ko.

Napagdesisyunan kong sa veranda na kakain dahil baka magising pa si Helios sa amoy ng cup noodles. Mahangin pero hindi malamig. Ang ganda rin ng kalangitan, kitang-kita ang sinag ng buwan. Habang hinihigop ang mainit na sabaw, hindi ko maitatanggi na nakakaakit talaga ang buwan ngayon. Hindi ko na namalayan ang oras kakatingin sa buwan kaya tumayo na ako para mag inat-inat. Nawala ang antok ko kaya nag desisyon akong lumabas muna ng dorm. Nagsuot ako ng makapal na jacket, paglabas ko sa kwarto tanging lamp shade lang ng bawat room ang nakabukas. Nabibingi ako sa katahimikan kaya nagsimula na akong maglakad palabas ng dorm. Tanging ingay mula sa footsteps ko ang tanging naririnig, nang makalabas na ako, malamig na hangin ang sumalubong sa'kin. Dahan-dahan itong dumadampi sa balat ko sa mukha. Dinamdam ko muna ang bawat hampas nito sa mukha ko, ang sarap sa pakiramdam. 

Naisipan kong pumunta nalang sa pond, wala rin naman akong ibang mapupuntahan bukod doon. Buti nalang may liwanag mula sa buwan kaya nakikita ko ang nilalakaran ko. Madali akong nakarating sa pond. Ganon pa rin ang hitsura nito, madumi pero dahil sa liwanag ng buwan nagniningning ito kahit papaano dahil sa reflection ng buwan sa tubig. Umupo ako sa maruming bench at pinagmasdan ang kabuuan ng pond. Tanging kuliglig lang ang naririnig ko sa boung paligid. Pumikit ako para damahin ang lamig ng hangin at pakinggan ang boung katahimikan. Kahit papaano ay nakagaan ng pakiramdam ang ganitong katahimikan. 

*thud*

Napatayo ako sanhi ng ingay na narinig ko mula sa likuran ko. Tanging likuran ng building at mga puno ang makikita sa likuran ko. Tinignan ko ang bawat sulok kahit madilim, may nahagip akong pigura ng tao na nasa may likuran ng puno. Dali-dali ko itong pinuntahan, nagmadali naman itong umalis at tumakbo kaya napatakbo na rin ako. May kalayuan ang puno na pinagtataguan niya kanina sa kinauupuan ko kaya ang bilis nito makalayo sa'kin. Bago pa man ako makarating sa puno, may tumawag sa'kin.

"Eurus." kalmado ang boses nito. Pagkaharap ko ay si Headmaster Caddel pala.

"Headmaster. Bakit po gising pa kayo?" tanong ko dito. Binalikan ko ng tingin ang hinahabol ko kanina pero wala na ito. Kadiliman na rin ang nakikita ko sa paligid. 

"Ikaw, bakit gumagala ka pa sa gabi?" pabalik na tanong niya. Agad ko naman itong sinagot, "Hindi pa po ako inaantok, tsaka isa pa ang ganda po ng buwan. Nakakapanghinayang naman po kung hindi pagmasdan." tumango lamang ito sabay talikod. Bago ito maglakad may sinabi muna siya.

"Bumalik kana sa dormitoryo niyo. Hindi maganda ang lumalabas sa gabi, mr. Laurier." Pagkatapos ay naglakad na ito palayo. Hindi man sinagot nito ang katanungan ko. Inisip ko na lang na nakita niya 'kong may hinahabol, pero imposible rin dahil nasa 3rd floor ang office niya. Baka nagkataon lang na pareho kaming hindi makatulog.

Wala akong nagawa kundi ang bumalik na lang, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pigura kanina. Mas lumalamig na rin ang ihip ng hangin kaya nagmadali na ako. Nagdidilim na rin ang kalangitan, mukhang may nagbabadyang bagyo na naman. Pagkapasok ko sa dorm nakita ko si Eros na nakatayo sa may paanan ng hagdanan. Nakatingin ito sa'kin, nagtatanong ang mga mata.

"Saan ka nanggaling?" tanong nito nang makalapit na ako sa kaniya. Sumabay na siya sa'kin sa  pag-akyat ko. "Sa pond lang." sagot ko. Hindi na ito umimik kaya hindi na rin ako nagsalita.

Bago ako pumasok nagsalita muna si Eros.

"Sa susunod wag kanang umalis ng gabi sa dorm. Goodnight, Eur." hindi na nito hinintay ang sagot ko, naglakad ito ng banayad papunta sa kwarto nila ni Loki. Pumasok na rin ako, mahimbing pa rin ang tulog ni Helios kaya nahiga na rin ako para matulog.

Maaga akong bumangon para pumasok ngayon. May gagawin din kasi ako sa student council office. Pagkarating ko sa loob may iilang andon na. Andon na rin si sir Casio na may kausap sa table niya. Hindi ko mamukhaan dahil nakatalikod ito sa'kin. Umupo na kaagad ako sa table at tinignan ang nasa planner ko. Wala naman akong masyadong gagawin maliban sa camping next wednesday. Lahat na rin nakaset para don kaya wala na rin kaming iisipin pa.

"Mr. Laurier." tawag ni sir Casio. Tumayo ako para puntahan siya.

"Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ko. Hindi ko nagawang tapunan ng tingin ang babaeng nakaupo sa kabilang silya.

"Yes, anyway, this is ms. Aeulos Cromwell." pakilala niya sa kausap niya kanina. Nagtama ang mga mata namin, naestatwa ako sa mga titig niya. Kung kahapon ay walang emosyon ngayon ay mas malala. Ganito pala ang hitsura pagmalapitan. Patay ito, maihahalintulad ko ang mga mata niya sa isang black hole na hihigop ka papalapit sa kaniya.

"Mr. Laurier." muling tawag ni sir Casio dahilan para matauhan ako. Agad naman akong nagpakilala, "Eurus Laurier." sabe ko sabay abot ng kamay ko, tinanggap niya naman. Napabitaw kaagad ako dahil sa lamig na naramdaman ko.

"Ang lamig ng kamay mo. Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya na may halong pagalala.

"Ah baka sa aircon lang." sagot nito. Sasagot na sana ako pero pinutol na ni sir Casio ang sasabihin ko.

"Eurus, tulungan mo si Aeulus sa pinapagawa kong project. About plants 'yon, alam ko namang ikaw ang maaasahan ko pagdating sa ganito. Dadalhin mo lang siya sa botanical garden natin." mahabang salaysay ni sir.

Tumango lamang ako, ganon din si Aeulus. Sabay kaming lumabas sa office, "Huwag mo na ako ihatid sa garden. Mapilit lang talaga si sir, sorry." sambit niya habang nakatingin sa harapan.

"It's okay. Wala rin naman akong ginagawa." I answered politely. Hindi na siya kumibo pa, siguro ayaw niyang humaba pa ang usapan namin. Buti naman, ayoko rin sa taong mapilit. Tahimik lang kaming naglalakad, nauuna siya sa'kin kaya tanging likuran niya lang ang nakikita ko. Matangkad siya pero mas matangkad ako sa kaniya ng kaunti. Katamtaman lang ang taba ng katawan niya pero hindi siya payat, may kahabaan din ang buhok at straight.

Napansin kong dinadaanan na namin ang daan papunta sa garden, mukhang alam niya ang papunta doon. Tama siya, hindi ko na kailangan pang sumama. Nang nasa harapan na kami ng maliit na gate papasok sa garden humarap si Aeulus sa'kin.

"Pwede ka ng umalis." deretsong sabi na ikina-offend ko naman. Bago ko pa maibuka ang bibig ko pumasok na ito sa loob at pinagsarahan pa ako ng gate. ANAK NG--

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili bago pumasok sa gate. Kahit ganon ang ipinakita niya I must respect her kasi babae pa rin siya. Hindi ako tinuruan ni mama ng masamang asal. Agad ko naman siyang nakitang nakaupo sa bench habang nakasandal. Nakatakip ang notebook niya sa mukha, mukhang natutulog siya.

Pinagmasdan ko lang siya, ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong tao. She's cool outside, pero when you look inside patay ang makikita mo. Walang kabuhay-buhay kang titignan na para bang wala kang kwentang bagay na nakita niya.

"Bakit nakatayo ka jan? 'Diba ang sabi ko pwede ka ng umalis." kalmadong sabi niya. Napalunok ako ng wala sa oras. "Ipinagkatiwala ka sa'kin ni sir Casio, hindi kita basta-bastang iwan na lang dito." sagot ko sabay upo sa tabi niya.

Tinanggal niya ang notebook sa mukha niya at umayos ng upo. Nakatingin siya sa malayo habang sumasandal. "Oo nga pala, ikaw nga pala ang president ng student council." tila nababagot pa siya habang sinasabi niya 'yon. "Well, nice to meet you miss Cromwell." nakangiting sagot ko kahit hindi niya naman makikita.

"Ayu. Ayu nalang."

"So mr. President, show me around naman." dagdag niya pa habang nakangiting nakatingin sa'kin. Kahit nakangiti na siya ay ganon pa rin ang mga mata niya.

"Well, ms. Cromwell come with me." balik ko sa kaniya with a smile.

I tour her around inside the garden. Talk about nonsense things, she is fine to be with naman pala. She always caught me staring at her, and I didn't regret being caught.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status