Share

BEWARE OF THE NIGHT
BEWARE OF THE NIGHT
Penulis: amortia

CHAPTER 1: THE STORM

EURUS' POV

It was midnight when i decided to get up from my bed. Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kulog sa labas. Hindi naman ako matakutin sa kulog, there is something na nagbabadyang dumating kaya parang nagwawala ang kalangitan. Wala namang inanounce sa tv na may bagyo, at tiyak ako kung meron man, mag sususpende ng klase ang academy. Tinignan ko si Helios na masarap ang tulog. Kahit kailan talaga, tulog mantika.

Bumangon ako para mag timpla ng kape, alam kung pag uminom ako nito hindi ako makakatulog. Pero diba mas masarap mag kape pag malamig? Habang iniinit ang tubig, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang kulog at kidlat sa labas. Alam ko namang safe kami sa academy, pero ang iniisip ko ang mga tao sa labas ng academy. Ang St. Ardelean, bihira lang kasi bumaha sa St. Castillio dahil mataas ang lugar na 'to. Ang St. Ardelean ang palaging suki sa baha, minsan nga ay nasaksihan ko dati, nagiikot-ikot kami ni Oceana, bunsong kapatid ko sa St. Ardelean para sana mamitas ng bunga ng bayabas. Kaso naabutan kami ng malakas na ulan, nakasilong lang kami sa maliit na kubo malapit sa pinagpitasan namin. Akala ko nga ay hindi na matatapos ang ulan, unti-unti na rin tumataas ang tubig na halos umabot na sa tuhod namin.

Kumulo na ang tubig kaya isinalin ko na sa isang malaking tasa. Dahan-dahan akong humigop dahil mainit habang naglalakad papuntang veranda. Hindi ko binuksan ang sliding door, sumilip lang ako sa labas. Kitang-kita ko ang lakas ng hampas ng hangin sa mga puno. Para itong mababali na. Isasara ko na sana ang kurtina but i saw something in the tree.

Hindi ko masyadong maaninag pero isa lang ang sigurado ako. Nakatingin ito sa'kin. Matalim na tingin. Bago pa man ako makaramdam ng takot agad kong isinara ang kurtina. Hindi ko na rin naubos ang kape dahil parang tinamaan ako ng antok dahil sa takot.

It's 10 am in the morning. Nagising ako sa pagkalampag ng pintuan. Si Loki, ano na naman kayang ginagawa nito dito?

"Mga bro, 'di kayo maniniwala sa ibabalita ko!" humilata ito sa kama ko, si Helios naman ay walang paki at natulog nalang uli. "Bro, it's 10 am pa lang. Save it for later na lang." angal ko. Alam kong puro babae na naman inaatupag nito. Pareho sila ni Dion.

"Bro, i swear hindi ito babae." pangungulit nito sa'kin. Nagtalukbong ako ng kumot. "Spill." saad ko.

"You know the myth about vampires?" tanong nito habang nakikumot na rin. Hayop talaga. Omo-o ako. Myth lang naman.

"Well, ang sabi-sabi ng iba, may nakita raw sila kagabi." sambit niya. Mga chismis talaga. "San mo na naman yan napulot? At bakit naman ganoon kaagad ang conclusion nila sa nakita nila?" iritabling tanong ko. Mga tao talaga basta-basta na lang naniniwala sa mga chismis at guni-guni.

"Nakita nila harap-harapan. And deniscribe nila, dark red eyes and have a fang."sagot niya. Humarap ito sakin habang seryoso ang mukha nito.

"Diba, ganon ang katangian ng bampira?" dagdag niya pa.

Natahimik kami pagkatapos niya mag tanong. Hindi naman sila nakakasigurado na bampira talaga ang nakita nila kagabi. Naalala ko na naman ang nakita ko sa may puno. Hindi kaya bampira rin 'yon? Impossible. Baka guni-guni ko lang din 'yon.

Umalis din kaninang 11 si Loki. Ang sabi ay may aasikasuhin lang daw sila ni Dion, panigurado babae na naman. Umalis din kanina si Helios dahil pupuntahan niya si Oceana, may study sila. Nag tu-tutor si Helios kay Oceana, mas angat kami sa kanya ng ilang taon kaya siya ang bunso naming lima.

Naiwan na naman ako dito sa dorm, hindi ako palalabas na tao, wala rin naman akong gagawin sa labas. Maaarawan lang ako, mag aamoy araw pa. Kinuha ko ang notebook ko at ballpen. Naubusan kasi ako ng sketchpad kaya dito na muna ako mag do-drawing. Hindi pa kasi pwede lumabas ng campus hangga't hindi pa sabado. Tuwing sabado lang kami makakalabas para umuwi sa mga tahanan namin, para na rin mamili ng gagamitin namin. Tapos tuwing sunday naman ang balik namin sa loob ng campus. May mga store naman dito, kaso limited lang ang mga items na nakikita, kaya mas maganda pa rin pag sa labas bumili.

Umupo ako sa veranda at nag iisip kung ano ang pwedeng i-drawing. Hindi sadya'y napatingin ako sa puno kung saan nakita ko 'yung nakatingin sa'kin kagabi. Bali na ang sanga nito, halatang malakas ang ulan at hangin kagabi. Nakakapagtaka, kung ganon kalakas ang ulan dapat ideneklara na nila na may bagyo, pero wala. Hindi naman siguro kagagawan ng 'bampira' kuno 'to, baka nagkataon lang.

Iginuhit ko na lamang ang puno, maya-maya rin ay natapos na ako. Nag inat-inat muna ako bago bumalik sa loob. Ano na naman kayang pwedeng gawin? Natapos ko na ang pinanood ko nakaraan, wala na rin naman akong papanoorin dahil naubusan na ako sa list. I-text ko kaya si Alectrona, akmang kukunin ko na ang cellphone ko nang may kumatok sa pintuan.

"Sandali." sigaw ko bago lumapit at pagbuksan. Bumungad sa'kin si Oceana na namumutla. Agad naman itong yumakap sa'kin at humagulhol. Nagtataka man ay niyakap ko siya pabalik.

"Kuya, sorry." sambit nito, magtatanong na sana ako nang biglang dinakma nito ang leeg ko. Napasigaw ako sa sobrang gulat at sakit. Para itong gutom na gutom sa pagsipsip ng dugo ko sa leeg. Halos hindi ko na maigalaw ang boung katawan ko sa sobrang panghihina. Napapikit ako sa sakit.

*pak* *pak*

"Pare, hoy!" nagising ako sa sigaw ni Helios. Nakita ko sa kanya ang pag-alala sa mukha.

"Hayop! Akala ko napano kana, kanina ka pa umuungol jan. Nakikipag-" hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang ibato ko sa kanya ang unan ko. Hayop. Napahawak ako sa leeg ko, panaginip lang pala. Akala ko totoo. Kasalanan 'to ng kape kagabi, dapat talaga 'di na ako uminom. Hindi na itinuloy ni Helios ang pangaasar niya, baka sa susunod upuan na ibato ko sa kanya. Tumayo na ako para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako ng dorm para makalanghap ng hangin. Sinadya ko talagang ngayon lumabas dahil kaunti lang ang mga estudyante sa corridor at sa labas ng dormitory. Tinahak ko ang daan papunta sa malaking pond, doon ako madalas nakatambay pag wala kaming klase at pag wala akong ginagawa. 

Hindi siya kagandahan, maraming damo na nakapaligid sa pond. Hindi na siya nalilinisan ni manong janitor. Hindi rin naman kasi ito kita sa bungad kaya hindi na rin napapansin ng mga students. Nasa likuran 'to ng Acasia Building, kung san matatagpuan ang office ng headmaster. Hindi na rin masyadong nagagamit ang building na 'to dahil may bagong building na kakagawa lang last month. Si headmaster lang ang nag ste-stay sa building na 'to, hindi rin namin bakit ayaw niya pa lumipat eh halata namang nakakatakot mag-isa. 

Tumambay lang ako doon hanggang sa lumubog ang araw. Ang sarap sana pagmasdan 'yong lumulubog na araw kung nasa tuktok ka ng bundok. Nang tuluyan nang nakalubog ang araw ay naisipan ko na ring tumayo at bumalik na sa dorm. Nag simula na akong maglakad kasabay ang pagpasok ng isang thought sa'king isipan. Nakakalungkot din pala makulong sa mataas na pader.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status