Share

CHAPTER 4: STARE

EURUS' POV

Pagkatapos kong samahan si Ayu hindi na kami muling nakapagusap, hindi ko na rin siya nakikita sa campus. Tanging yong mga kagrupo niya nalang nakikita ko kumakain sa cafeteria. Tinanong ko na rin si sir Casio, ang sabi niya ay meron daw emergency sa kanila kaya kailangan niyang umuwi. I wish her family is safe.

Natapos ang pang umagang klase namin, nag bigay lang ng mga homeworks ang mga teachers.  Ngayo'y balak namin tumambay sa kabilang building malapit sa field, ganitong oras may naglalaro na doon makikinood na lang muna kami.

Dala-dala ko ang sketchbook ko para sa isang activity namin kay mrs. Faigao. Mag rarandom drawing nalang muna ako dahil wala talaga akong maisip na ilalagay. Ang sabi naman ni mrs. Faigao anything that makes you smile. Pwede naman siguro ibon? Napapangiti rin naman ako sa ibon lalo na pag naghahabulan sila. Pero ang babaw, kailangan ko ng deep.

Habang nanonood sila hindi ko na namalayan ang sarili kong ginuguhit ko na pala ang scenario kahapon. And that smile of her– saglit nga. Napatigil kaagad ako ng marealize ko ang ginagawa ko.  Iba na 'to. Hindi ko dapat pinagtutuunan ng pansin ang nangyare kahapon. Agad kong inilipat ang page para gumuhit uli. This time, kaming apat nila mom ang iginuguhit ko. Naalala ko ang picture na nakasabit sa dingding ng bahay, family picture namin noong baby pa si Oceana. First and last family picture bago namatay si dad.

"Pre, 'diba siya yong bagong recruit ng baseball team?" rinig kong tanong ni Dion kay Loki. Madalas silang dalawa lang ang nag iingay sa'min.

"Oo pre, sabi nga nila magaling daw." nakangusong sagot ni Loki. Pangarap niya kasing makasali sa baseball team pero hindi siya tinatanggap dahil puro raw kalokohan ayaw magtino.

"Mukha nga, bago pa lang nakapasok na kaagad." singit ni Helios na ngayon ay interesado na rin sa pinaguusapan nila. Napatigil na rin ako sa pagguguhit at itinuon ang pansin sa field.

Hinanap ng mata ko ang tinutukoy nila, matangkad, sakto ang pangangatawan.  May ibubuga, lakas ng aura. Tignan natin sa skills.

"Odin!" sigaw ng isa sa mga players. Agad na tumingin ang sinasabi nilang baguhan pa lang. Odin pala ang pangalan niya, namukhaan ko siya.  Bago ko pa maisip kung saan siya nakita, nahagip ng mga mata ko ang grupo ng mga transferee. Nakaupo lang din sila sa gilid pinapanood ang mga nasa field. Ayon, naalala ko na. Kasama pala nila, kaya pala familiar ang mukha. Imbis na ipagpatuloy ang ginagawa ko, nanonood nalang din ako. Gusto ko makita kong magaling ba talaga ang tinatawag nilang si Odin.

Nagsimula na sila, dumadami na rin ang nanonood dahil nabalitaan din nila na may bagong recruit ang baseball team. Hindi ko masisisi, nakakabilib naman talaga. Siya na ang hahampas at tatakbo, nasa kaniya lang din ang paningin ko. Nang matamaan niya na ang bola tumilapon 'to sa gym. Ang layo kumpara sa ibang players, agad naman itong tumakbo. Hindi pa nakukuha ang bola at itapon pabalik, nakabalik na si Odin.

Lahat namangha sa bilis at lakas na pinamalas niya. Kahit ako ay namangha, rinig ko namang pinuri ng coach nila si Odin.

Dahil don, naging topic siya ng boung campus. Mas lalong dinadagsa ang grupo nila, ganon pa rin sila ilag sa mga tao.

Natapos ang araw ko na walang nagagawa,  nagbihis muna ako bago lumabas ng dorm. Sa may pond nalang uli ako tatambay at gagawa ng mga activities. Mas tahimik at nakakapagisip ako ng mabuti. Agad din naman akong nakarating sa pond, naglatag lang ako ng sapin at doon inilapag ang mga gamit ko at umupo na. 

Inabot ako ng ilang oras doon, halos malapit ko na rin matapos ang lahat nang  bigla akong hindi ako mapakali. May kakaiba akong nararamdaman. Para akong inuubusan ng lakas. Agad kong inilibot ang paningin ko, feeling ko ay may nakamasid sa'kin. Kinikilabutan na ako kaya napagdesisyunan kong magligpit na lang ng gamit. Habang nagliligpit biglang kumulog ng malakas. Mukhang may nagbabadyang bumuhos. Nang mailigpit ko na ang lahat, biglang nanigas ang katawan ko.

Pula sa dilim. Dalawang pares ng mata ang nakatingin. Hindi ko maigalaw ang boung katawan ko, pati ang ulo ko. Ayoko tignan, para akong sinusunog sa loob. Hindi 'to gumagalaw, nakatingin lang  'to sa'kin. Tila ba iniexamine niya boung katawan ko.  Nong makuntento na ito sa ginagawa niya, ngumisi ito na nagbigay sa'kin ng sobrang kilabot.  Padilim na rin sa mga oras na 'yon kaya malaya siyang makakalapit sa'kin. Bago pa man siya makahakbang narinig ko  may sumigaw sa likuran ko.

"Hades!" sigaw nito. Hindi ko magawang lingunin dahil para na akong estatwa sa kinatatayuan ko. May lumabas naman na lalake sa kabilang gilid ko.  "Andito!" sigaw nito sabay pout na akala mo bata. Mukhang hindi pa nila ako napapansin at 'yong nilalang na nakatingin sa'kin. Nakangisi pa rin ito, wala itong paki kung makikita siya pag sinungaban na ako.

May sinasabi ito pero hindi ko mabasa ang labi niya. Parang ibang lingwahe ang winiwika niya.

"Seek!" sigaw pa ng isang lalake.

"Ah! Bilis mo naman makahuli!" reklamo nong Hades.

Tumahimik ang boung paligid. Mukhang umalis na ata sila at iniwan ako dito. Hindi ba talaga nila ako nakikita? Humakbang ng papalapit ang nilalang na nasa harapan ko, mas lumawak  pa ang ngisi nito habang naglalaway pa. 

Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba at takot. Ito na ba ang huling araw ko dito? Kakainin niya ba ako?  Hindi man lang ako nakapagpaalam kina mom.  Tumakbo ito papalapit sa'kin at  akmang susunggaban ako kaya napapikit nalang ako.

Ilang segundo pa ang nakalipas hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagtama niya sa'kin. Pinakiramdaman ko rin ang paligid ko, wala na akong marinig. Katahimikan na lang. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.  Wala na 'yong nilalang na gusto ako lapain. Nakakagalaw na rin ako at nakakahinga ng maayos.

"Eurus. Bakit ka nakatayo lang jan?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si headmaster Caddel. Naka formal attire ito, mukhang may dadaluhan ata siyang meeting.  "Ah sir, kasi-   ano -- "

utal-utal kong sabi. 

"Kasi?"

"Eurus! Anjaan ka lang pala." nadako ang paningin ko kay Eros na tumatakbo papalapit sa'min.

"Good evening, Headmaster." bungad niya nang makarating sa'min.  Binaling niya naman ang paningin niya sa'kin sabay hampas sa balikat.

"Kanina ka pa namin hinahanap, mag dadalawang oras na." sambit niya na ikinagulat ko.

"Halina muna kayo sa office ko." pagaaya ni Headmaster. Hinila ako ni Eros dahil balak ko pa atang tumayo pa doon ng ilang oras. Kinukulit ako ni Eros pero wala akong maisagot kahit isa.

Nang makarating kami sa loob ng office ni sir, agad niya kaming pinaupo sa sofa.  Inabutan kami ng kape nong secretary niya na malugod naman naming tinanggap.  Mukhang kailangan ko atang magkape para mahimasmasan.

Nang mahimasmasan na ako saka na nagtanong si Headmaster. "Ano nga bang ginagawa mo doon mag isa?" panimulang tanong nito. Nakatuon ang tingin nila sa'kin, hinihintay ang sasabihin ko.

"Ah, gumagawa po kasi ako ng mga activities at don ko po naisipang gumawa kasi tahimik." tumango naman si Headmaster. "Bakit wala kang gamit na dala?" balik na tanong niya. Saka ko lang napansin na hindi ko pala dala ang mga gamit ko. Kaagad akong tumayo para balikan pero pinigilan ako ni Eros.

"Pre, wala kang gamit na dala. Nakatayo ka lang don nong makita ko kayo ni Headmaster." bakas sa mukha nito ang pagalala. Ha? Impossible!

"Yong–, yong nilalang! Nakita niyo ba yong nilalang kanina?" para akong nababaliw sa sinasabi ko. Nagkatingin si Eros at si Headmaster, bago tumingin sa'kin.

"Alam ko ang iniisip niyo, hindi ako nababaliw. Eros, alam mong hindi ako baliw." bumuntong hininga  lang si Eros. Napaupo ako ulit. Impossible. 

Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng office. Walang gustong basagin ang katahimikan.

Maya- maya ay may kumatok sa pintuan. Binuksan naman ito ng secretary, bumungad ang tatlong mukha. 

"Hades." bati ni Headmaster. Hades?

"Ikaw!" sigaw ko habang nakaturo sa kaniya. Nagulat naman ito at napataas ang dalawang kamay. "Inosente po ako, kuya!" sigaw niya rin. Binatukan naman kaagad siya ng kasama niya.

"Kayo! Kayo ang saksi kanina." usal ko.  Nagkatinginan silang tatlo.

"Anong kanina?" takang tanong nong isa na nasa kaliwa ni Hades. "Kanina nong inatake ako nong nilalang!!"

"Ah." sambit nong isang nasa kanan.  "Ako nga pala si Donn, ito si Hades at ito naman si Zagreus." pakilala niya.

"Maupo muna kayo." alok ni head master na agad naman nilang sinunod.

"Nakita ka namin kanina nakatayo lang, pero wala kaming nakitang nilalang." simula ni  Zagreus. Nakatingin lang ako at nakikinig sa kanila.

"Ang alam lang namin na nangyare sa'yo, pinagpapawisan ka at umuungol." Dagdag ni Zag.

"Napagkamalan ka pa nga ni Hades na natatae."

Mahinang natawa si Eros kaya tinignan ko siya, agad naman itong nagseryoso.  Hindi ko na maprocess ang ibang sinasabi nila. Kung ganon ay ako lang pala ang nakakakita don. Pero bakit?

Naalala ko na may sinasabi yong nilalang, hindi kaya engkantasyon 'yon?  Pagkatapos ng paguusap pinabalik na kami ni Headmaster sa dorm. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare sa'kin. 

"Pre, ayos ka lang?"    

"Inaalala ko lang 'yong ginawa kong activities kanina. Sayang." sagot ko.

Totoong nanghihinayang ako sa mga gawa ko. Ilang oras din ang ginugol ko don para matapos kaagad. Ngayon ay uulitin ko na naman.  Inakbayan lang ako ni Eros.  Hindi na siya nagsalita pa.

Tahimik naming tinahak ang daan pabalik sa dorm, sabi ko sa kaniya ay sa dorm na ako kakain dahil panigurado wala ng pagkain sa cafeteria dahil anong oras na. Hinatid na rin ako ni Eros sa kwarto, sinisigurado niyang nakabalik ako ng buo.

"Buti marunong ka pang bumalik pre." biro ni Helios. Natawa nalang ako.  Akala ko talaga ay katapusan ko na kanina.

Kung ano man 'yong nilalang na 'yon, sana wag na siya magpakita sa'kin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status