EURUS' POV
Nagising ako sa kakaibang nararamdaman, malamig pero naiinitan at pinagpapawisan ako. Inilibot ko ang boung paningin ko, nasa sarili akong kwarto. Ang kwartong ito ay ang kwarto ko sa bahay namin. Agad akong bumangon para tignan ang labas, nang mahawi ko ang kurtina buwan na nagliliwanag sa dilim ang tanging nakikita ko. Gabi na pala. Naisipan kong lumabas sa kwarto dahil usually ganitong oras nagluluto na si mom ng hapunan namin. May cook kami pero when it comes to dinner si mom ang nagpeprepare dahil doon lang kami nagsasalo-salong tatlo.
Habang naglalakad sa hallway papunta sa hagdanan, bumibigat ang pakiramdam ko. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat. Para rin akong inuubusan ng lakas. Kahit ganon nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa hagdan. Tinignan ko ang baba, may liwanag sa may bandang kusina kaya nagmadali akong bumaba. Nagluluto na siguro si mom.
Nang makarating na ako sa mismong kusina, naaamoy ko na ang mabangong luto niya."Hi mom." bati ko. Hindi naman ito lumingon pero sinabi niyang maupo na ako dahil kanina niya pa ako hinihintay. Agad naman akong umupo at nakatingin lang sa likuran niya. Ganon pa rin siya, kinakanta niya ang favorite song niya habang nagluluto.
Nang maluto na ito, sumandok siya ng kaunti na kasya lang sa isang bowl at inilapag sa lamesa. Ngumiti naman siya sa akin at pumunta sa likuran ko. Nakatayo lamang siya don habang ako ay agad na nilantakan ang pagkaing handa niya.
Masarap ito kaya mas ginanahan pa akong kumain. Habang tumatagal parang may nalalasahan akong kakaiba, kaya napahinto ako saglit at tinignan ang kinakain ko. Wala namang kakaiba sa kinakain ko."Bakit ka tumigil? Magtatampo ako pag hindi mo inubos 'yan." wika niya habang hinihimas ang balikat ko. Walang pagalinlangang tinuloy ko ang pagkain ko hanggang sa may napansin akong isang bagay.
Napabitaw ako sa kutsara at napatakip ng bibig. TANGINA! Dalawang daliri at isang mata ang nasa pagkainan ko. Nandiri ako bigla at gustong maduwal.
Naramdaman kong inilapit ni mom ang mukha niya sa tenga ko sabay bulong ng, "Masarap ba ang kapatid mo, anak?" dahil sa sinabi niya ay natulak ko ang lamesa at napatayo. Agad akong humarap sa kaniya. Nakangisi ito sa akin, "Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?" tanong nito."Anong ginawa mo kay Oceana!?" pasigaw na tanong ko. Hindi siya si mom! Hindi siya si mom. Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Hindi magagawa ni mom ang patayin ang sarili niyang anak. At hindi ganito umasta si mom. Tangina! Ang bobo ko. Sa una pa lang alam ko ng may kakaiba pero binaliwala ko.Unti-unting nagbabago ang anyo ni mom. Naging mabangis ito, mapupulang mata, matatalas at matutulis na ngipin, tumutulong laway at mahahabang kuko. Ito rin ang nakaharap ko kahapon.
Hinablot ko ang kutsilyo na nasa gilid ko sabay tutok sa kaniya. "Wag kang lalapit sa'kin!" ngumisi lang ito dahil napansin niyang nanginginig ako sa takot.
Bigla itong nawala sa harapan ko, "Anong gagawin mo?" bulong nito. Bago pa man ako makalayo sa kaniya ay agad nitong hinawakan ang ulo ko at pinunit ang damit ko sa bandang leeg. Dinilaan nito ang leeg ko sabay sabi ng, "Kanina pa ako natatakam sa dugo mo anak ko." napasigaw nalang ako sa sakit nang ibinaon niya ang pangil niya sa leeg ko.
Ramdam ko ang matutulis niyang ngipin, takam na takam ito sa dugo ko. Ramdam ko na rin ang pagkaubos ng dugo ko sa ginagawa niya. Hindi ko na kaya, nanghihina na ako. Hindi ko nagawang manghingi ng tulong, wala na rin akong lakas para sumigaw.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko."Sigurado ka bang okay lang siya?" rinig ko, isang pamilyar na boses."Tanga ka talaga, kanina pa ayaw gumising!" bulyaw naman ng isa pa."Tangina, binangungot ata yan. Sampalin niyo na." utos naman ng isa. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng bagay na tumama sa mukha ko.
"Hina mo naman sumampal, ako na nga!"Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila. May biglang dumampi sa pisnge ko na ikinagulat ko. Napabuka ako ng mata sabay hawak sa pisnge ko."Oh, 'diba." wika niya.
Tinignan ko kung sino sila, sila Helios lang pala. Kasama nito si Dion at Loki."Pre buti buhay ka pa." bungad ni Dion sa'kin. Kita ko naman sa mukha ni Helios ang pagaalala."Pre, binangungot ka na naman." wika ni Helios. Naalala ko bigla ang nangyare sa'kin kanina. Pangalawang beses na akong binangungot. Una ay si Oceana, ngayon naman si mom ang kumagat sa leeg ko. Baka sa susunod si Helios na.
"Ang sakit ha." wika ko sabay himas ng pisnge. Nag sorry naman kaagad si Loki. Siya pala ang sumampal sa'kin ng malakas, kanina pa raw kasi nila ako ginigising. Akala nga nila ay mamamatay na ako dahil hindi na ako halos humihinga.
Kaninang alas tres ako nakita ni Helios na umuungol at pinagpapawisan. Nong una ay akala niya nananaginip lang ako ng sex scenes kaso nong tumagal ganon pa rin daw ako. Kaya ginising niya ang dalawa para manghingi ng tulong. Mas lalo lang siyang nagalala kasi wala raw ambag ang dalawa."Sampal lang kasi katapat niyan Hely babe." wika ni Loki sabay akbay pa kay Helios. Agad naman nitong tinanggal ang akbay sabay batok. "Paano pag namatay yan si Eurus." inis na sabi niya.
"Eh, hindi naman namatay. Tignan mo oh, humihinga pa."
Bago pa siya mabatukan uli, lumayo na ito kay Helios."Salamat mga pare." wika ko. Inabutan naman ako ni Dion ng isang baso ng tubig. Mag aalas singko na pala.Nong naging okay na ako ay nagpaalam na silang umalis para magasikaso. Hindi na sila natulog tatlo, ako naman ay ganon din. Natatakot na akong matulog dahil baka kung ano na naman ang mapanaginipan ko.Habang nagkaklase kami hindi ko maitatanggi na hindi pa rin mawala sa isip ko ang panaginip ko. Nakikita ko pa rin sa isipan ko ang hitsura ni mom. Ang malademonyo niyang itsura.Buti nalang at hindi ako sinaway ni Miss. Kahit alam kong napapansin niyang nakatulala lang ako. Lunch time. Hindi ako sumama sa kanila mag cafeteria. Naiwan lang ako sa room, nakatulala sa bintana.May naramdaman akong may umupo sa isang upuan, nagbabakasakali nalang ako na kaklase ko 'yon.
"Mukhang malulunod ako sa sobrang lalim ng iniisip mo ha." sambit nito. Napatawa naman ako. Paglingon ko ay isang pares ng mata ang tumama sa paningin ko. Patay ito, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa tyan ko. Parang may nagsisiliparan.
"Hi." bati niya. Nauutal naman akong sumagot dahilan para tumawa niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ang kabuuan ng mukha niya, ang nakakagaan niyang pag ngiti. Ang tawa niyang masarap sa tenga."Aeulus." tawag ng isang boses sa labas. Nilingon ko, si Zagrues. Kumaway ito sa'kin at tumango. Rinig ko namang napa 'tsk' si Ayu bago tumayo."Nga pala, kainin mo yang dinala ko para sa'yo." turo niya sa isang box na nasa table ko. Ngayon ko lang 'to napansin, hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil nakaalis na rin sila.Tinignan ko ang box, may nakalagay na note.
I hope you'll eat my simple gift for you. I didn't thanked you before for joining my company. Eat well. - AeulusNapangiti nalang ako. Agad kong binuksan ang box. Ang bango ng amoy nito dahilan para magutom ako. Agad ko itong naubos, habang umiinom ng tubig ay bigla kong naalala ang panaginip ko. Napatingin agad ako sa pinagkainan ko pero wala namang kakaiba. Mukhang malinis naman.Hindi naman siguro ako lalasunin ni Aeulus. Natapos ang lunch time at nagsibalikan na ang mga estudyante.
Habang nagsimula ang pang hapong klase, 'di ko mapigilang mapangiti. Ganito ba pag kinikilig? Hindi naman siguro ako kinikilig. Natutuwa lang ako dahil nag abala pa siya para lang mag thank you. Oo tama, natutuwa lang ako.
Mabilis lang din natapos ang hapong klase. Ganon pa rin may iniiwang homework para sa'min.KASALUKUYAN HADES' POV Hindi naging masaya ang nagdaang pasko namin dahil sa pagkawala nila Aeulos at Eurus. Idagdag mo pa na nagsimula nang kumilos ang kampon ni Sebastian. Talagang napakasama niya, pati pasko hindi pinalampas. Sabagay, wala naman nang nagmamahal sa kaniya maski ang anak niya. Nagtulong tulong kami nila tito Eos para lipunin ang pumapanig sa kabutihan para sa magaganap na labanan. May kutob kaming sa mismong bagong taon sisimulan nila ang kaguluhan. Mas mabuti na ang handa kaysa sa wala. "Sa tingin mo ba saan nagpunta sina Aeulos?" tanong sa'kin ni Zag na ngayon ay hinahanda ang mga gagamitin naming s*****a para sa labanan. "Hindi ko alam, pero may hinala ako." sagot ko. May binigay sa'kin nakaraan si Aeulos na dalawang galoon ng tubig. Tinanong ko siya kung para saan, isa itong dinasalang tubig na may engkantasyon la
EURUS' POV Naunang magising sa'kin si Ayu, malamig ang boung paligid dahil sa hamog sa labas. Maaga pa naman kaya naisipan kong maghanap ng kape. Hindi naman mahirap hanapin ang kusina sa bahay na 'to dahil ito lang ang tanging nakabukas. Isa pa, amoy na amoy ko ang masarap na sarsa muli dito. "Gising kana pala." bungad ni Minrod sa'kin habang hinahalo ang sinangag. "Maupo ka doon, may kape rin jan kung gusto mo." dagdag niya. Nagpasalamat muna ako bago maupo sa upuan at magtimpla ng kape. Ang sarap higupin ng kape sa malamig na panahon. Inilapag na ni Minrod ang pagkaing niluluto niya. saka ko lang napansin ang itlog at ham sa mesa. Mukhang tira ata nong pasko ang ham, joke. "Kuha ka lang jan." wika niya, hinanap ng mata ko si Ayu. Mukhang wala ata siya sa bahay, mamaya ko na lang siguro itanong kay Minrod kung nasaan siya. Agad akong sumandok ng sinangag, k
EURUS' POVChristmas Eve and we're still here. May binigay sa'kin si Ayu kanina regalo niya sa'kin sa pasko. Isang kwintas may pendant itong sword na may ahas sa hawakan niya. Sabi niya ay itago ko ang kwintas na 'to dahil importante 'to sa kaniya. Sinuot ko ito at itinago sa damit ko. Wala man lang akong pamaskong handog sa kaniya, dinala ko na nga siya sa nakaraan wala man lang akong pangbawi.Rinig ko ang sari saring putukan sa magkabilaang lugar. Napatingin ako sa relo ko, 12 am, pasko na. Dinala ako ni Ayu dito sa tuktok ng puno para mapanood ang mga fireworks ngayong gabi. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, nakakalungkot lang isipin na hindi ko kasama ang mga minamahal ko. Si mom na namatay na, si Oceana na hindi ko na alam kung nasaan. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako kong hanapin siya. Buhay pa kaya siya? Masama kaya ang loob niya sa'kin?
EURUS' POVGabi na pero hindi pa rin bumabalik si Ayu simula nang iwan niya ako. Hindi kami makakatagal sa lugar na 'to kung wala kaming lugar na pwedeng tulugan at makakain. Tanging nagliliyab na apoy lang ang kasama ko sa gitna ng kadiliman, sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. Wala naman sigurong lalabas mula sa dilim 'di ba? Mas lumapit na lang ako sa apoy baka may nilalang mula sa dilim ang biglang sisipot, mas mabuti na ang handa."Oh." napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ni Ayu. Nakabalik na pala siya, malapit na rin maupos ang kahoy na nilalagay sa apoy. Inabot ko ang telang ibinigay ni Ayu, mukhang may nakuha siyang mga pwedeng pangtapal sa lamig. Dinagdagan niya na rin ang kahoy na panggatong sa apoy. Habang pinapanood siya hindi ko maisiwasang isipin ang mga nasaksihan ko sa nakaraan niya. Kung paano niya binura ang alaala ko, kung paano siya buhatin ni Minrod at
EURUS' POVNakaupo ako sa isang nakatumbang kahoy habang nag iisip ng pwedeng maging solusyon sa problema namin. Kung hindi lang sana nag interrupt si Ayu kanina edi sana kanina pa kami nakabalik sa hinaharap. Paano ba kasi kami napunta dito? Ang alam ko, nagising na ako kanina pa."Nakaisip kana ba ng paraan para makabalik tayo?" tanong ni Ayu, buti naisipan niya pang balikan ako. Tinignan ko siya habang nakabagsak ang balikat ko. "Sa itsura mo masasabi kong hindi pa." dagdag niya sabay upo sa harapan ko. Tinitignan niya lang ang boung paligid, hindi halata sa kaniya ang nababahala. Magaling nga talaga siya magtago ng emosyon maliban kanina."Bakit mo pala ako pinigilan kanina? Tutulungan niya tayo." tukoy ko kay Lacrisse, tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. "Seryoso ka? Magtitiwala ka sa kanila?""Bakit hindi? Sila na lang ang tanging pag-asa ko pa
EURUS' POVDamang dama ko na ang kapaskuhan, mas lumamig na rin ang simoy ng hangin. Madalas ding umulan tuwing gabi, kulang na nga lang mag snow dito. Gumawa ng champorado si Zag bilang almusal namin habang pumapatak ang ulan. Ganito ba talaga pag december? Malamig, parang si Ayu. Walang halong biro, pagkatapos ng ginawa niya nakaraan ang cold na ng treatment niya sa'kin. Hindi na nga niya ako magawang tignan sa mata o kaya kausapin. Good thing din dahil mas nakapag focus ako ngayon sa abilities na meron ako. Pagkatapos nang nasaksihan ko nakaraan hindi na ako muli pang nakapag time travel, may pumipigil na naman sa'kin.Sa ngayon pinapraktis ko kung paano maging isang matibay na shield. Hindi ko pa rin kayang gumawa ng malakas na barrier para protektahan ang isa sa kanila. Sabi ni Hades ay kailangan ko nang macontrol ang mga kapangyarihan ko dahil alam nilang bago pa matapos ang taon na 'to kikilos n