Share

CHAPTER 9: CRAVING

EURUS' POV

Natapos ang hilaan ng lubid, hindi man lang ako nag enjoy sa boung activities. Lunch time at narito ako ngayon sa ground nakaupo lang. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko ay busog pa ako.  Pinagmamasdan ko lang ang mga estudyanteng tuwang-tuwang nakipagkwentuhan habang kumakain.

Tila hindi nila nararamdaman yong pagod kanina, pero ako parang pagod na pagod na.

"Oh." abot sa akin ni Loki ng pagkain. Tinignan ko lang 'to, hindi pa rin ako nagugutom kahit nakakatakam naman ang ulam.

"Kumain ka na, mamaya baka mahimatay ka pa sa gutom." dagdag niya. Wala akong nagawa kundi abutin ang pagkain, umupo ito sa tabi ko at sinabayan akong kumain.

"Aba, bakit mo naman sinosolo si Helios!!" sigaw ni Loki na may hawak pang drumstick sa kamay. 'Yong ulam ha. Tumakbo 'to papunta sa'min, inaya niya pa sila Eros na payapa namang kumakain sa gilid ng stage.

"Umalis nga kayo!" saway ko. Gusto ko lang naman sana mag muni-muni, bakit palagi nalang may pangit sa paligid.

"Asus, nag iinarte pa ang baby boy namin." ngumuso nguso pa si Loki, balak akong halikan.

"Ano ba! Bading ka ba?" iritabling tanong ko. "May regla ka ba ha? Sungit sungit e." dagdag nito.

Wala na akong nagawa nang lahat ng kaibigan ko nakisama na. Pagkatapos  naming kumain nag pahinga  muna kami bago mag simula ang panibagong activitiy. Last activity na siya for today. 

Ang gagawin namin is agawan base, pero ang base namin ay 'yong may hawak ng flag. Human base kung tutuusin.  For example, ako ang may hawak ng flag, kung saan ako pupunta at mag stestay doon ang magiging base ng team ko. Ang kailangan lang ay bawal makuha ng kalaban ang flag na hawak ko dahil pag nakuha nila 'yon matatanggal ang team namin.

Binigyan na kami ng kaniya-kaniyang flag, pinapwesto na rin kami sa pwestong gusto namin bago mag start ang laro. Nag bigay mula ang announcer ng rules and reg sa laro after that pumito na ito. Bali sa kada team ay may 10 members, may lima na aataki at kukuha ng flag sa kabilang team ang lima included the one who has the flag ay mananatili lang sa base para i-defend laban sa mga nag babalak kunin ang flag.

Ang may hawak ng flag namin ay si Eros dahil alam naman naming kaya niya i-defend sa iba. Ako at sina Loki ang nag hahanap ng makukuhang flag. Lahat ay nag eenjoy sa game, iba naman ay seryoso at gusto manalo.

Habang patagal ng patagal, tila nagkakasakitan na ang ibang estudyante. May iba na sinasadya ng banggain ang iba makuha lang hawak nilang flag. Hindi 'yon napapansin ng mga teachers pati na rin ng announcer.

Napatigil ako sa pag takbo sinenyasan ko rin sila Loki dahil ayokong mapahamak kami. Dapat ay friendly game lang 'to pero iba ata ang dating sa ibang students, lalo na sa higher year. May nabubuong grupo sa kanila, aatakihin nila ang bawat team para makuha ang mga flags nito. Ngayon ay papunta na sila sa kinatatayuan nila Eros, hindi man lang ito napansin nila.

Agad akong tumakbo pabalik sa base, sinisigawan ko pa si Eros na tumakbo na.  Napansin naman ako ni Eros, agad kong tinuro yong grupo na papunta na kanila, buti na lang at na-gets niya kaagad kaya agad siyang tumakbo papunta sa likuran ng building. Wala namang sinabing bawal as long as masesave mo yong flag ng team niyo bago mag end ng time.

Hinihiling ko na lang na matapos na kaagad yong time dahil hindi na rin biro ang mga natamong injuries ng mga students  kahit mild lang. Sinundan ko kaagad si Eros, ganon din ang ginawa nila Loki at Dion. Nasa may gulayan na kami, nakita kong nakatayo lang si Eros habang kaharap ang mga grupo ng higher year.

"Ibigay mo na sa'min kung ayaw mong idaan namin 'to sa dahas." sabi ng nasa may harapan nila.

Ito siguro ang leader ng nabuo nilang grupo.

"Hoy!" sigaw ko.

"Aba, may taga ligtas ka ha." pang aasar na wika ng isa.

"Hindi tama ang ginawa niyo kanina sa mga lower year." matigas na wika ko.

"Oh, walang president president dito. Pantay-pantay lang tayo hoy." wika ng isa pa.

"ABA!" sigaw ni Loki at akmang susugurin ang lalake pero may kamay na pumigil sa kaniya.

"Hep hep." wika ng isang boses. Lumitaw si Odin sa likuran ni Hades na nakahawak kay Loki.

"Aba, may mga back up pa kayong wala namang dulot."

"Pigilan mo 'ko Hades, tatanggalin ko talaga bituka niyan." inis na sambit ni Odin. "Hindi kita pipigilan." walang ganag sagot ni Hades.

"No! Ako gagawa kanina pa 'yan. Naiirita na ko sa mga 'yan." sigaw ni Zag sa 'di kalayuan.

"Ah-ah! He's mine boys." singit ni Ayu sa gilid ko. Kumindat pa ito sa'kin na ikinagulat ko.

"Ano ba Aeulus! Sa iba ka na lang kaya." wika no Hades na may pagtatampo pa. Inirapan siya ni Ayu sabay alis. Bumulong pa ito bago naglakad palayo.

"Ah guys, tapos na ang game. Anong ginagawa niyo jan?" sabi ni Donn. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig 'yon. Hinila na namin si Eros dahil nakipagtitigan pa ito sa kanila. Balak ata mabugbog.

Inanunsyo na rin ang nanalo sa game pagkatapos non ay pinagpahinga na kami para bukas. May sapat na oras pa naman, magagawa pa namin ang mga gusto naming gawin bago matulog. Naisipan kong tumambay muna sa labas, pinapanood ang ibang estudyante na nag hahabulan sa ground. Nakapaglinis na rin ako sa katawan ko, hinihintay ko na lang mag dilim.

Habang pinapanood sila, nadako ang paningin ko sa bandang gulayan. Nakita ko si Ayu na pabalik na sa room nila. Nakangisi ito habang papasok sa loob. May dala-dala itong bag na maitim.

Hindi ko na lang pinansin dahil baka pagkain lang sa labas, like mga prutas. May mga puno ng payabas at mangga sa labas kaya hindi malabo.

Dumidilim na, nabalot na rin ng liwanag mula sa ilaw ang boung campus. Tinawag na ang mga kukuha ng mga pagkain namin para raw makakain na ng mas maaga para mas mahaba ang pahinga naming lahat.

Masaya kaming nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko. Nakisama na rin ang iba naming kaklase, hindi rin nag tagal naisipan na naming magpahinga na. Pangalawang araw na namin bukas, kaya mas maraming games ang gagawin namin. Sana'y maganda ang gising ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status