Share

CHAPTER 8: MOONLIGHT

EURUS' POV

Hating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. May kung anong bumabagabag sa isipan ko. Napabangon ako nang may kumalabog sa kabilang room, may tumawa naman ng mahina kasabay ng pag tahimik uli.

Maya-maya ay narinig ko ang mahihinang bulong sa kabilang kwarto. Tumayo ako at idinikit ang tenga sa pader. Hindi sa chismoso baka kasi may ginagawang milagro ang kabilang section.

"Tara, rounds tayo." boses ng lalake. Napakunot naman ako ng noo.

"Haha, masiyado ka namang excited." wika ng babaeng boses. Nabobosesan ko siya pero hindi ko matukoy kung sino. 

"Gabi naman na, wala na masiyadong gising." sagot ng lalake. Tumawa ng mahina ang babae, tumahimik uli. Naghihintay akong may mangyare hindi ko alam bakit. Maya-maya ay pag bukas ng pintuan ang narinig ko. Anak ng pota! Sa labas pa nga ata nila gagawin.

Agad akong kumilos at lumabas, dahan dahan akong sumilip, may narinig akong foot steps pero palayo. Papunta sa likuran ng kabilang building. Agad akong sumunod dahil bilang isang student council president, obligasyon kong suwayin ang mga kabataang gumagawa ng himala.

Sakto at maliwanag ang kalangitan, makikita ko ng maayos ang nilalakaran ko. Nadaanan ko ang mga gulayan, sa kabila naman ay ganoon din pero patubo pa lang ang iba. Sa likuran may daan papunta sa malawak na daan papuntang canteen nila. Sa likuran ng mga gulayan may basurahan na naghihiwalay ng mga nabubulok, 'di nabubulok at bakal.

Hindi pa rin nila ako napapansin na nakasunod, hindi ko rin mawari kung iilan sila dahil sa pagkakarinig ko ng footsteps parang ang dami.

Napahinto sila sa may kalagitnaan ng daan, kaya napatago ako sa malaking damo. Hindi na muna ako sumilip dahil baka mahuli nila ako. Narinig ko na uli na naglakad na sila, kaya tumayo ako. Sa pag tayo ko ay nagulat ako sa bumungad sa'kin.

"Sinusundan mo ba kami?" si Odin. Nakangisi ito habang nakatingin sa'kin. Sa likuran niya ay mga kaibigan niya.

"Wag mong takutin, Odin." napalingon ako sa nagsalita. Si Ayu. Naglakad ito papunta sa kasama niya, "Bakit ka andito? Dis oras na ha." tanong niya.

Agad kong inayos ang sarili at sumagot, "Akala ko ay may mga estudyanteng gagawa ng himala kaya bilang isang presidente, ayokong may mangyare sa kanila." wika ko.

Napatawa naman si Odin at ang iba. Napailing na lamang si Ayu. May ibinulong sa kaniya si Hades.

"Tara na. Bumalik na tayo. Kasama ka." wika niya. Agad namang nagsikilos ang mga kaibigan niya, hinila na ako ni Hades dahil hindi ako gumagalaw sa pwesto ko.

Nagbulungan sila, agad namang siniko ni Hades para manahimik sila dahil andito pa rin ako.

"Sayang, bou pa naman ang buwan." wika ni Donn na siya namang sinang-ayunan ni Zag. Ano bang nakakapanghinayang?

Nang makarating kami sa room nila agad naman akong nag paalam para pumasok na. Kumaway lang sila bilang response sa sinabi ko. Wala naman akong nakuhang tugon mula kay Ayu. Nakapoker face lang ito kaya naglakad na ako papunta sa room namin at pumasok.

Agad akong nahiga sa foam, napaisip ako bigla. Kung tama ako, sila ang narinig ko kanina hindi ba? Anong ibig sabihin nila sa rounds? At bakit lumabas sila ng ganitong oras. 

Kinaumagahan ay maaga kaming ginising ng iba naming kaklase dahil maaga rin ang bigayan ng almusal. Pag hindi ka nagising ng maaga, sa lunch ka nalang bumawi sa pagkain. Buti na lang mabait ang mga kaklase ko. Sila Loki na ang kumuha ng breakfast namin, dito sa room namin kakainin, sa may H.E kinukuha ang mga pagkain.

Mabilis namang nakabalik sila Loki dala-dala ang mga pagkain. May tubig ding binigay para hindi kami mabilaukan. May iba na mabilis natapos at naligo na. Mamayang 8 o'clock mag stastart na ang mga activities namin. Kaming mga student council hindi na pwedeng humawak sa schedule dahil dapat daw ay mag enjoy kami sa mga activities na ibibigay nila. Tama naman sila, hindi ko talaga maeenjoy pag palagi lang akong nakatingin sa schedule.

Nang matapos na ako maligo, sakto naman ang pag announce na kailangan na naming mag tipon sa ground. By section ang pila, ang may pinakakunting pila ay ang section nila Ayu. May iba kasing hindi na nakasama dahil may problema sa bayan ng St. Castillio. Marami raw kasing nagkakasakit at nawawala, buti nga ay natuloy pa ang camping namin.

Nagbigay lang ng guidelines ang speaker at inannounce kung anong mga activities na gagawin namin ngayong araw.

Mamayang 10am ay mag te-tree planting kami sa katabi na bundok, in short mag ma-mountain climbing na rin.

Nag prepare na ako para mamaya, nag dala ako ng maliit na bag for water and towel. May extra t-shirt na rin incase na madumihan ang white t-shirt ko.

10 am na kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa katabing bundok. Nauuna ang nasa lower section, may mga tour guide rin kaming kasama sa bawat section. Habang naglalakad nagkukwento 'to para hindi kami maburyo.

Nagpahinga kami saglit, uminom muna  ako ng tubig. Ngayon ko lang din nakita ang ganitong view kaya tuwang-tuwa ako. Hindi ko na nachecheck si Oceana dahil nasa pinakaunahan siya. Wala ring signal dito kaya tanging magagawa mo ay mag picture sa mga views. Kahit wala pa kami sa destino namin naeenjoy naman namin dahil sa mga naggagandang view. Nakailang lakad pa kami bago sabihin ng tour guide na nakarating na kami.

Nagpahinga lang kami saglit bago  magsimulang magtanim ng mga puno. Hindi yong malalaki ha, yong medyo maliit pa lang na kakatubo.  Nag enjoy kaming lahat, kuha ng picture dito at doon. May group photo, may iba naman na solo.

Hindi rin kami nagtagal dahil may mga susunod na activities pa kaming gagawin.  Nang makarating na kami sa pinagtuluyan namin, agad akong naglinis ng katawan para hindi naman ako mabaho sa susunod na activity. Ang activity namin mamaya ay hilahan ng lubid. Hindi ko alam kung anong tawag pero mag hihilaan kami, kung kaninong section ang makakalampas sa line talo. Lahat ay excited, may iba na palaban at iba naman na gusto lang mag enjoy dito.

Agad ding nagsimula ang activity, ang unang maglalaban ay ang section nila Ayu at sa higher section, and section A4. Bali ang members lang na pwedeng sumali ay 10 lang, kaya ang gagawin namin ay salitan. Ang unang sumalang sa unang laro si Ayu, Donn at Zag. Nagbigay na ng signal ang referee kaya naman agad na naghihilahan ang dalawang section.

Si Ayu lang ang pinapanood ko, hindi man lang ito na hihirapan, pati na rin ang dalawa niya pang kaibigan. May bigla namang sumigaw ng, "Lagyan niyo naman ng effort." hindi ko alam kung sino ang sumigaw. Pagkatapos nang pagsigaw na 'yon, biglang nahila ang section ng A4 palagpas sa line. Ang iba ay natumba pa. Nagdiwang naman ang section nila Ayu.

Sinundan ko lang siya ng tingin, sinamaan niya ng tingin ang sumigaw kanina. Kaklase niya pala. Tumawa lang ito sabay pat sa ulo niya. Nakaramdam uli ako ng kirot sa dibdib. Palagi na lang ganito, tuwing may ibang humahawak sa kaniya. Kairita.

Hindi ko na naenjoy ang boung laro, nawalan na rin ako ng gana kaya hindi na muna ako sumali sa pagkikipaghilahan. Nakaupo lang ako sa gilid pinapanood matalo ang section namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status